SHARE THIS STORY

| More

I Love You Long Before – Chapter 4

(Louise)



“Are you serious?” napapantastikuhang sabi ni Hans. Inaya nya itong mag – inuman, at para na rin sabihin ang plano nyang panliligaw kay Louise.

“What do you think?” seryosong balik tanong nya rito sabay tungga sa bote ng beer.

“Man! You can’t be serious pare. Mykee told me about her –”

“What about?” putol nya sa sinasabi nito.

“She never had any serious relationships. Take note pare, RELATIONSHIPS.” pagdiriin pa nito na muling nagbukas ng isa pang bote ng beer.

“Pare, halata namang sigurado na marami na siyang naging boyfriends. So? Obvious di ba? Because she’s pretty. What’s wrong with her having relationships on her past?” pagtatanggol nya rito. Ewan nya kung bakit ganun nalang ang pagtatanggol nya sa dalaga samantalang kelan lang naman sila talaga nag – usap. Napailing – iling nalang ang kaibigan sa sinabi nya.

“O, ba’t umiiling – iling ka dyan?” aniyang pinuna ang reaksiyon nito.

“Iba na talaga ‘to. Kelan ka pa nagka-ganyan?” Hans said laughing.

“Ngayon lang, anyway pare we can never assure kung hanggang kelan ang fever kong ito.” he said also laughing at saka nagsindi ng sigarilyo.

“Pare kung hindi ka seryoso sa kanya huwag mo nalang ituloy. It’s like jumping into a fifty storey building.” he said seriously.

“Sobra ka naman.” aniyang natawa sa tinuran nito. “Masasaktan ako kung talagang mamahalin ko but it would’nt hurt if I’m in control.”

“You can never control what you will feel Inigo, we are just humans and it’s part of our life that if we love, the word control is forgotten.” matalinghaga pa nitong advice sa kanya na nagsindi na rin ng sigarilyo. “Isa pa pare, kaibigan sya ng girlfriend ko, baka mamaya nyan pag nagkasira kayo pati kami madamay.” anitong ibinuga ang usok.

Maya – maya pa’y tumunog ang cellphone nya. He check his sent messages. It’s from Louise, they’ve been frequent texters since that day at Josephine’s. Kinukumusta sya nito at inaalam kung ano ang kanyang ginagawa. He texted her back.

Kunot naman ang noong in – obserbahan sya ng kaibigan.”Sino naman yan?” Hans said with a naughty smile.

“What are you smiling at?” aniyang tinungga ang nalalabing laman ng bote.

“Baka ikaw ang dapat kong tanungin nyan? ‘What are you smiling at?’” anitong ibinalik sa kanya ang tanong nya rito na may nakakalokong ngiti sa mga labi. “Paalala lang pare, huwag ka munang magseryoso marami pa dyan, isa pa pag na – hook ka na ni Louise for sure, you will eat all that you’ve said.” anitong biglang nagpa – isip sa kanya. May point ito, right now he doesn’t have plans to have any serious relationship. Pero ang nararamdaman nya ngayon para sa dalaga ay hindi nya maipaliwanag, and he knows himself, he have to find out what he’s really feeling dahil tiyak na hindi sya mapapakali hangga’t hindi nya nabibigyan ng kasagutan ang gumugulo sa kanya.

“Akala ko ba may date ka?” nagtatakang tanong ni Maya and looked at her wrist watch.

“Yup.” Balewala nyang sagot sa kaibigan na ngayon ay kasama nya na rin sa dormitory. Nalalayuan kasi ito sa kanyang tinitirahan sa Las Piñas kaya’t naisipan nitong sa dormitoryo na rin nya tumuloy.

“Then, why are you still in pajamas?” tanong nito na tiningnan ang suot nyang tanghali na ay nakapantulog pa.

“Tinatamad ako.” Nakasimangot nyang sabi na dumapa sa kama.

“I thought that this is what you’ve been waiting? Now that you’re frequent texters, you always go out. Bakit tila yata bigla kang nawalan ng gana?” Maya asked curiously and lay down beside her. Alam kasi nito ang tungkol sa nararamdaman nya para sa lalaki bagama’t hindi pa nito iyon nakikita.

“You’re right, this is what I’ve been waiting for.” she said smiling.

“Huh?” kunot noo nitong tanong “I don’t get it Lou?”

“This is what I’ve been waiting for!” she said outloud and laugh. “It’s payback time!” aniyang bakas ang revenge na gagawin na lalo namang ikinakunot ng noo ng kaibigan.

“Hindi ko maintindihan. Baka gusto mong sabihin? I promise not to tell anyone.” anitong itinaas pa ang kanang kamay. She looked at her with a devilish smile on her face and told her all that had happen before.

“What?? Lou naman! It’s been how many years already. You were just kids then. I can’t believe that until now dala – dala mo pa rin yan.” sermon nito sa kanya.

“That’s easy for you to say because you we’re not in my shoes at that time. So if you’re against to what I was planning. Fine, but never tell anyone. Kahit yun man lang maitulong mo sa akin if you really are my friend.” Nainis na wika nya. She stood up and got her towel. Hindi naman ito naka – imik sa lahat ng sinabi nya.

Pagkatapos maligo ay nagbihis na sya, muli nyang tiningnan ang kaibigan na naka – upo na ngayon sa may study table nito. And Maya looked at her also.

“Okey, I’m sorry. Nagpapa – alala lang naman ako eh. But if that’s you’re decision, then, I’ll support you.” anito smiled then stood up and hug her.

“Thanks. You know what, Somebody must taught that man a lesson he would dare not to forget.” aniyang may pagbabantang mababanaag sa kanyang tinig.

“Just be careful, dahil baka naman ikaw ang maturuan ng leksyon at hindi ang nais mong turuan.” malaman nitong sabi.

He’s been waiting for over an hour pero wala pa rin si Louise. Maya – maya pa ay nakapagdesisyon na syang umalis na lamang dahil mukhang hindi na darating pa ang dalaga. He’s also been trying to call her but she’s not answering her phone.

“Inigo? Is that you?” Ngiting – ngiting bati ng isang babae na nagpalingon sa kanya. Napakunot sya at pilit na kinilala ang babaeng nasa harapan nya. “Don’t tell me you’ve already forgotten me?” maarte pa nitong dagdag.

“Natz?” alanganin nyang tanong. Nang matapos kasi ang graduation ay hindi na nya muli pang nakita ang dalaga.

“Yeah! I thought you will never recognize me.” Masaya nitong sabi and gave him a smack at muli syang pina – upo sa kinauupuan nya kanina. Hindi nya talaga ito halos makilala dahil pumuti ito atsaka tumangos din ang ilong, even her breast looked bigger now. Mukhang ginawan ng paraan ng siyensya ang mga naging insecurities nito dati.

“Wow! Is that really you?” mangha pa rin nyang tanong.

“Ano ka ba? As if naman ganun kalaki ang ipinagbago ko.” Nathalie said giggling.

“Hmm..medyo.” he said smiling. “Care for a drink?”

Papasok na sana sya sa loob ng restaurant ng makita nyang hinalikan ng isang babae si Inigo. Parang may kung anong mabigat na bagay ang parang dumagan sa kanyang dibdib and she can’t understand what she was feeling, as if her feet froze to where she was standing. Hindi nya namamalayang tumulo na pala ang kayang mga luha kung hindi pa may nag abot sa kanya ng tissue hindi nya pa iyon mapapasin, na sya namang nagpalingon sa kanya.

“Thanks.” aniyang kinuha iyon at ipinahid sa tumulong luha at muling ibinaling ang tingin sa dalawa sa loob ng resto. Kitang kita nya kung paano umangkla ang babae at tila ba tuwang tuwa pa si Inigo sa gawing iyong ng babae. Napa – butonghininga, what was happening to her? Ang aga naman yatang magka – totoo ng sinabi ni Maya sa kanya.

“Hindi dapat iniiyakan ang lalaking katulad nya.” Ani ng lalaking nag – abot sa kanya ng tissue na nakatingin sa direksyon ng tinitignan nya. Muli syang napatingin rito, hindi nya napansing hindi pa pala ito umaalis sa tabi nya. Isang matalim na tingin ang ipinukol nya sa estranghero.

“Why? Do I know you?” nakataas ang isang kilay nyang tanong.

“You don’t know me but I know him.” anitong ang tinutukoy ay si Inigo. Napalingon syang muli sa direksyon ng lalaki. And again she look at the stranger.

“I’m Drew Lameros. Actually, you’ve already seen me but we we’re not introduced properly.” He said smiling na inabot ang kamay na tinanggap naman nya. Kunot – noong pilit nyang kinikilala ang lalaki. Pamilyar nga ang mukha nito sa kanya but she can’t remember where she’ve seen him.

“It’s better if we get out of here bago ka niya makita.” Maya –maya’y sabi nito ng mapansing hindi sya tumitinag. Hindi naman nya napigilang magtaas ng kilay. Feeling close?

“It does’nt mean that I’ll go with you.” may pagtataray nyang sabi. And that made him laugh hard, showing his white teeth. Akala nya’y sa commercial lang may totoong ganoon kaputing ngipin not until she saw him.

“Mataray ka pa rin hanggang ngayon Louise.” and again he laugh. That made her laugh too nakakapang –anyayang pagmasdan ang pagtawa nito.

Inaya sya nitong lumipat ng restaurant at pinaunlakan naman nya iyon, wala naman sigurong masama sa pagsama nya rito mukha naman itong hindi gagawa ng masama at syempre higit sa lahat he was like a man torn out from the pages of the magazine, in short, makalaglag panty ang ka – gwapuhan nito na syang napansin nya ng mawala na ng tuluyan ang atensyon nya kay Inigo.

He’s been trying to reach Louise since she never showed up pero hindi pa rin nya ito ma – kontak, he even went to her dormitory where she stays pero wala na raw ito doon sabi ng landlady. He is starting to really worry even Mykee does’nt even know where she lives. At ng tanungin nya rito kung nagkikita pa rin sila ni Louise ay nagkikita naman daw sila pero ayaw nitong sabihin kung saan na ito nakatira ngayon. Iisa lang ang pumasok sa kanyang isipan ng mga oras na iyon. Pinagtataguan sya nito. Pero bakit? Hindi ba dapat pa nga ay ako ang magalit sa kanya? Because she never showed up. And now ako naman itong halos mabaliw na hindi ko malaman what’s happening to her? Where can she be?

Sa mga oras na ito dapat sana ay busy sya sa pakikipag – usap kay Ingo over the phone pero sa halip ay si Drew ang kausap nya. Nahihirapan man ang loob ay kailangan nyang lumayo, it’s part of her plan. Mykee told her na hinahanap sya ni Inigo, mukha daw worried ito. And she feels happy about it na malaman na concern sa kanya ang lalaki.

“Are you still there?” tanong ni Drew sa kabilang linya na nagpabalik sa kanyang diwa. “Are you okey?”

“Uh… yeah.” matabang nyang sagot. “Hmm… Drew is it okay if we hang up now? Maaga pa rin kasi ako bukas.” aniyang tuluyang nawalan ng gana. Narinig nya ng pagbuntonghininga nito.

“Iniisip mo sya ano?” he ask.

“Sino?” maang nyang tanong dito.

“Louise, hindi man kita lubusang kilala but your actions speaks for itself.” Makahulugan nitong sabi.

“What do you mean?”

“I know he likes you…” anito. “ever since gradeschool.” He said when she did’nt say a word. Now how can that be? Na sa tuwing nakikita ko ang lokong iyon na iba iba ang kasama?

“At paano mo naman nasabi yan?” naghahamong tanong nya.

“Is it enough that I’m one of his best buddies?”

“Okey. okey. Anyway, it’s already past ten.” putol nya sa konbersasyon nila.

“Okey. Anyway, pwede ba kitang sunduin after your class?” he confidently ask. Sya? Susunduin nito after class? Hay… What is happening? Napakabilis naman yata ng isang ito. Wala pa syang kahit sinong manliligaw ang pinayagan nyang sunduin sya after school. Kung sakali? Ito palang. She smiled. Not bad for the first time.

Napipikon na sya dahil mag-iisang linggo na ay hindi pa rin nagpaparamdam sa kanya ang dalaga. Lahat na ng resources nya ay pinagana na nya malaman lang kung saan ito nakatira ngayon.

“Hey, what’s happening to you dude?” bati ni Hans sa kanya. “Bakit napaka – init yata ng ulo mo ngayon?”

“Huwag mo kong simulan Hans.” He said with a warning look.

“I’m not doing anything.” Sagot naman nitong itinaas ang dalawang kamay tanda ng pagsuko.

“’Yun na nga pare, you’re not doing anything.” Balik nya dito na medyo napataas ang boses.

“Sinasabi ko na nga ba eh. Akala ko ba okey na kayo ni Natz? Tapos ngayon bigla ka nanamang magkakaganyan. Don’t tell me it’s Louise again.” Anitong umupo sa tabi nya.

“I don’t know pare. At first I like Lou, and then yesterday when I saw Natz, I forgot her. I don’t even know kung bakit nag – iinit ang ulo ko.” nakayuko nyang amin dito.

“Pare, Admit it, you’ve already fallen for her.” Nakangising conclusion nito. Nanatili syang tahimik, atsaka natawa. Me? Fallen in love with her? No way! I just like her.

“O, bakit ka natatawa dyan? Is there something funny in what I’ve said?” para namang nainsultong tanong ni Hans. Umiling sya. “Then why are you laughing?”

“It’s impossible that I will fall for her pare.” he smiled sarcastically.

“Okey then, tell me why it’s impossible.” anitong nakapagpatahimik sa kanya. Wala syang maisip na isagot sa sinabi nito. Shit! He sigh.

“See? You can’t even answer me. You miss her don’t you?” anitong binuksan ang bintana ng kotse atsaka nagsindi ng sigarilyo. God! Yes! I miss her! And I don’t know why. Maybe because I really do like her. She’s so thoughtful, so lively and she’s making me feel good when I’m with her.

“I have the information you wanted.” maya – maya’y sabi nito, na syang nagpalingon sa kanya. Hans smiled. “Just come with me, it will lead you to her.”

“Since – “

“Don’t ask, just come with me. Akong nahihirapan sa nangyayari sayo.”

“Thanks pare.” aniyang hinawakan ang balikat ng kaibigan.

At exactly seven thirty ay nasa labas na sila ng unibersidad. At kanina pa rin sya natatawa sa itsura ng kaibigang hindi mapakali at halos magkandahaba ang leeg sa kakatanaw kung isa ba sa mga ito ang hinihintay nya.

“So? Where is he?” excited na tanong ni Maya na lumilinga linga. Kunot noo naman nyang tinignan ang kaibigan at siniko.

“Ano ka ba? Nakakahiya.”

“There’s nothing to be – Oh my! Is that him?” anitong ang direksyon ng mata ay nasa lalaking pababa ng sasakyan. Sinundan naman nya ng tingin ang sinasabi nito. And there he is, parang isang modelong kagagaling lang sa shooting. She sigh. Ang gwapo talaga!

“Hi!” Nakangiting bati ni Drew.

“Hi!” nakapagkit ang mata sa mga ngiti nito. Siniko naman sya ni Maya. “Oh, ahmm… by the way this is Maya, she’s also from St. Gabriel.” Pakilala nya rito na agad namang naglahad ng palad ang kaibigan.

“Hi!” tinanggap naman iyon ni Drew.”Let’s go?”

Hinatid muna sila nito ni Maya sa bahay kung saan sila lumipat. Nang magreklamo kasi si Maya sa kanyang lola na nahihirapan sila sa dormitory ay agad itong bumili ng bahay na hindi naman kalayuan sa pinapasukan nilang unibersidad. Hindi naman ito kalakihan at hindi rin naman maliit tama lang para sa apat na ka – tao.

“Pumasok ka muna.” ani Mayang iginiya ito sa sala. “Wait lang while we change ha.” pa – cute pang sabi nito.

“Sure.”

“Ang gwapo!” kinikilig na sabi ni Maya nang nasa silid na sila. She just smiled. “Saan mo ba napupulot ang mga ganyan?” tanong nito sa kanya habang nagpapalit ng jeans.

“He’s also from San Isidro ano ka ba?” aniyang natatawa sa reaksyon ng kaibigan.

“Really? Saan kaya sya nagtatago doon? Kasi naman everytime na pupunta ako sa inyo wala talaga akong makitang papa – ble.” anitong ngayon ay nag – a -apply na ng make up.

“Uhuh… “ sagot nya naman dito.

Nang makagayak na sila ay agad nilang tinungo ang lalaki.

“Akala ko ba pupunta tayo sa Malate?” nagtatakang tanong nya ng mapansing iba ang daang tinatahak nila.

“We’ll just pick up my cousin, para naman may partner si Maya.” He said smiling taking a glance at her and Maya.

“You have to make sure he’s as good looking as you.” Biro naman ni Maya na siyang ikinatawa nito.

“Here we are.” Anitong inihimpil ang kotse sa tapat ng isang condominium. Umibis ito ng kotse at pinagbuksan sila ng pinto.

“Kailangan pa ba naming sumama?” parang tangang tanong nya. Ewan ba nya kung bakit parang biglang tamad na tamad sya. Hindi rin nya maintindihan ang kabang nasa dibdib nya ngayon.

“Of course, magmumukha naman kayong tanga dyan kung dito lang kayo sa parking maghihintay. Don’t worry, sandali lang tayo and isa pa wala akong gagawing masama.” anitong akala yata ay iyon ang iniisip nya. Inilahad nito ang kamay bilang pag – alalay sa kanya, tinanggap naman nya iyon.

“Your hands are cold.” Puna nito ng mahawakan ang kanyang mga kamay.

“Sa aircon.” Pagdadahilan nya. Bumuntong hininga sya. Ang totoo’y kinakabahan talaga sya at hindi nya maintindihan. Not only her hands are cold it is also becoming sweaty. Nahihiyang binitawan nya ang kamay ni Drew. Si Maya naman ang inalalayan nito.

“Ilang gentleman pa kaya ang natitira sa mundong kagaya mo?” naaaliw na sabi ni Maya dito.

“I guess, meron pa naman dyan.” anitong tumawa na naki – ride sa sinabi ng kaibigan.

Pagdating nila sa penthouse nag – doorbell ito. Pinatuloy sila ng maid na nagbukas ng pinto. Isang maluwang na living area ang bumulaga sa kanya. Ang mahaba at kulay abong sofa na may malalaking off white and green pillows na tila nag – a – anyayayang upuan, sa gitna niyon ay ang kulay puting oval na center table in retro style. Mula rin sa living area ay matatanaw din ang dining area nito. Kabaliktaran ng malaking sofa set, the dining set are only three seater, triangulo ang hugis ng lamesa in lime green clear glass, gayundin ang mga upuan nito na ultimo ang sandalan ay lime green din ang kulay. Hindi nya maiwasan ang hindi humanga, pakiramdam nya ay nasa loob sya ng isang home and lifestyle magazine.

“Wow!” buong paghanggang nasabi ni Maya. “I wonder how they make it so clean!” ani pa nito sa dinama ang sofa na naisatinig ang iniisip nya.

“Drew!” masayang bati ng isang lalaki. Na lumabas mula sa isang silid.

“Ian! It’s been a long time!” anitong sinalubong ng yakap ang lalaki atsaka tinapik tapik ang balikat.

“Ian, this is Maya your date for tonight.” anitong ipinakilala si Maya. “And of course Louise.” pakilala naman nito sa kanila.

“Hi!” anitong inilahad ang kamay kay Maya at pagkatapos ay sa kanila. Ngiti naman ang isinagot nila. “Wait, I’ll get you something. Please feel at home.” anitong nagtungo sa kusina.

“Bakit hindi mo sinabi sa akin na date pala ‘to.” parang tangang tanong ni Maya. “Sana nakapag – ayos man lang sana ako.” dugtong pa nito na sya namang ikinatawa ni Drew.

“It’s okey Maya, you look really pretty.” nakangiting sabi ni Drew.

“Yah, you look really good.” sang – ayon naman nya rito.

“He is almost as tall as you are.” maya – maya’y sabi ni Maya na sya namang ikinalingon nya. “In my height 5’1 inchs. I felt like a dwarf, pero – pwede na rin.” anito na ikinalaki ng mata nya. Siniko nya ito, atsaka sinenyasan sa pamamagitan ng tingin. Nakuha naman nito ang ibig nyang sabihin at bigla itong nanahimik. Naloloka na yata ang kaibigan nya at kung ano ano na ang sinsabi.

“Here.” anitong inilapag sa table ang tray na may lamang tatlong baso ng juice. “Uminom muna kayo while we wait for the others.” anito na nagpatingin sa kanya kay Drew.

“I’m sorry Lou, I forgot to tell you.” anito na nakuha naman ang ibig nyang iparating. Hindi pa nagtagal ay dumating na ang hinihintay nila.

“Hi guys!” isa – isang niyakap at binati nila Ian at Drew ang dumating.

“Hans?” aniyang napatayo ng makilala ito.

“Hi, Lou.”

“Akala ko ba – “

“Please don’t tell her.” putol nito sa sasabihin nya na ang tinutukoy ay si Mykee. May kasama kasi itong iba at sigurado syang ito ang date nito ngayon. Isang matalim na tingin ang ipinukol nya rito. Mula naman sa likod nito at biglang sumulpot si Inigo.
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

0 comments: on "I Love You Long Before – Chapter 4"

Post a Comment