SHARE THIS STORY

| More

Half Crazy – Chapter 4

(Calla)


KANINA pa hindi mapakali si Marga. Nagsisisi siya kung bakit hindi siya bumaba kasama ni Justin. Halos hindi umuusad ang sasakyan nila dahil sa sobrang traffic. Disin sana’y kasama na siya nina Rhoda ngayon at hindi naiipit sa isang nakakatensyong sitwasyon kasama si Henrik.

“Maglalakad na lang ako pauwi.” bigla’y nasabi niya.

Napatingin si Henrik sa kanya, tumaas ang isang sulok ng labi. Iniiwas niya agad ang mga mata sa mga mata nito.

“Actually, I was about to say it. Are you sure?”

Tumango siya. “Mas madali kung lalakarin ko na lang.”

“Okay.” anito saka humanap ng parking space at inihimpil ang kotse. Binuksan niya kaagad ang pinto. “Salamat.” aniya at isinarado iyon. Nagulat siya nang umibis din ito mula sa kotse.

“I couldn’t believe you’re really walking out on me like that.” anitong tila natatawa.

“I can manage. Hindi ko kailangan ng bodyguard.” aniyang hindi naitago ang inis sa boses. Bakit ba siya naiiinis?

“I insist,” anitong tinitigan siya. “I’m a gentleman, don’t you remember?”

Napabuga siya ng hangin saka nagpatiunang lumakad. She doesn’t want him near. Not an inch closer. Dahil natitiyak niya sa sarili niyang mabubuwag ang pader na pinagtibay niya sa loob ng limang taon.

Wala silang imikan habang naglalakad.

“Marga,” anito. Hindi siya kumibo. “Do we also have some issues?”

Pakiramdam niya’y nanlaki ang ulo niya sa narinig at awtomatikong napatingin dito. “Excuse me?” aniyang hindi napigilan ang pagtaas ng kilay.

“I felt like being with an ex with some unresolved issues. Well, what do we have?”

Napipilan siya sa sinabi nito. Naging eratiko ang tibok ng dibdib nang magtama ang mga mata nila. “Nothing,” matipid niyang sagot at mas lalong binilisan ang lakad. Isang eskinita na lang at nasa apartment na sila.

“Really, huh?” anitong nilakihan ang hakbang para makaagapay sa kanya.

“Really.” aniyang hindi ito nililingon.

“Then why do I have this feeling that you don’t want to talk to me?”

Oh no… ani Marga sa sarili.

“Do I really have to explain myself, Henrik?” inis na tinapunan niya ito ng tingin.

“No,” anitong nginitian siya.

“Then stop talking!”

Nagulat siya nang bigla nitong hinablot ang siko niya. Napasubsob siya bigla sa dibdib nito. Napakapit siya ng mariin sa braso nito para hindi tuluyang matumba. She fought the desire to hug him tight. Naisip niya kaagad si Justin kaya mabilis niya itong itinulak nang mabawi niya ang sariling balanse.

Ngunit niyakap siya nito ng mahigpit na mahigpit, halos pangapusan siya ng hininga.

“L-Let me go!” sigaw niya. Ngunit sa tuwing gumagalaw siya’s mas lalo nitong hinihigpitan ang yakap sa kanya at hindi niya maitatwa ang init na nagsisimulang gumapang sa buong katawan niya.

“Henrik, please…” pakiusap niya. Ilang segundo muna ang lumipas bago unti-unti nitong niluwagan ang pagkakayakap sa kanya.

Napabuntong-hininga ito.“There,” anito saka siya pinakawalan.

Alam niyang namumula ang buong mukha niya. Naiinis siya sa reaksyon ng sariling katawan. Alam na kaya ni Henrik ang nararamdaman niya para dito? Pinaglalaruan ba nito ang damdamin niya?

“What was that stupid stunt for?!” aniyang naiiyak.

“Stupid stunt? Marga, that was a hug!” anitong bahagyang tumaas ang tinig. “Now, what really is it? Are you mad at me? Hindi na kita pwedeng yakapin ngayon, ganon?”

Hindi siya umimik. Pilit nilalabanan ang samu’tsaring emosyong umaapaw sa dibdib.

“I’m Henrik, Marga. Not Justin. Don’t give that ex-boyfriend treatment because I’m not him. I’ve been gone for five years and you act as if you don’t know me at all. I was the one you used to laugh and cry with, remember? I was your friend… and I still am.” Sumeryoso ang mukha nito’t tinitigan siya. “And that stupid stunt was for you to know I missed you.”

Pakiramdam niya’y nalaglag ang puso niya sa narinig. Napaangat siya ng tingin. Pigil-pigil niya ang pagsungaw ng luha. Henrik didn’t change a lot. Guwapo pa rin ito. Maamo pa rin ang mukha na nakakpagpasikdo ng dibdib niya. He looked neat and nice as he had always been.

“You’re really acting strange,” usal nitong nakatitig pa rin sa kanya. “I understood when you didn’t bother to answer my calls, emails and everything. Dahil ayaw mo ng magkaroon pa ng ugnayan kay Justin. But I never could understand why you’re treating me as if I’m a plague.”

Kung alam mo lang, Henrik… Kung pwede ko lang sabihin kung bakit nang walang nasasaktan... Yumuko siya at hinayaang pumatak ang luha. Here’s Henrik. He’s just inches within her reach now and yet she longed for him like he’s miles away. Pakiramdam niya’y muling dumudugo ang sugat sa puso niyang pinilit niyang maghilom sa loob ng limang taon.

“I’m sorry…” mahinang sabi niya.

Hinila nito ang kamay niya’t isinandal ang ulo niya sa dibdib nito. Hindi na siya tumutol. Naramdaman niya ang masuyong paghagod nito sa buhok niya. At kahit anong tutol ng isip, pumulupot ang dalawa niyang kamay sa batok nito’t gumanti siya ng yakap.

“I missed you, too.” biglang nanulas sa labi niya. Sumigid ang hapdi sa dibdib niya nang maalala ang mukha ni Justin. Inipon niya ang lakas para tuluyang baklasin ang sariling mga kamay sa pagkakayapos kay Henrik.

“I don’t want anything to change between us, Marga. At alam kong iyan din ang gusto ni Justin. He loves you so much.”

“I know. And I wish he didn’t. I wish, he could just hate me,” nahihirapang sabi niya. “May mga bagay na hindi ko kontrolado, Henrik. At kung pipilitin kong panatilihin ang pakikitungo ko sa kanya o sa’yo, mas lalo ko lang siyang masasaktan. Mas makabubuting hindi na kami magkaroon ng ugnayan pa dahil pagod na akong makita siyang nasasaktan. Pagod na akong kamuhian ang sarili ko.”

“No, you don’t have to do that. Alam mong mahal ka ni Justin. Of all the people in the world, he’s the one that understands you most. All he thinks about is how you made him feel happy and alive and that’s all that matters to him. You don’t have to hate yourself. And you don’t have to get away from us.”

“Easy for you to say.” aniyang tila may nakaharang sa lalamunan.

“Then maybe you can tell me why so I can understand. Bakit mo nga ba siya hiniwalayan? If I hadn’t known you, Marga, I would have hated you. Justin was totally messed up. But I trusted you knew what you were doing. And I respected that. Hindi kita mapaipilit na mahalin siya. But why the sudden change?”

“You…” napalunok siya. “ Y-You wouldn’t want to know.” aniyang hindi mapigilan ang panginginig ng buong katawan.

“Believe me, I do.” seryosong sagot nito.

Bumilis lalo ang tahip ng dibdib niya. Hindi niya alam kung sasabihin na niya kay Henrik ang lihim na nadarama ng puso na itinago niya sa loob ng limang taon. Napatingin siya ulit rito.

“Baka mainip sila sa kahihintay.” aniya saka nagsimula ulit maglakad. Dinig niya ang pagbuntong-hininga ni Henrik at napasunod na rin sa kanya. Wala silang kibuan hanggang sa marating ang apartment niya.

“Sandali lang ako,” aniya at iniwan ito sa sala.

“Take your time,” anitong kampanteng naupo sa sofa.

“Gusto mo ng maiinom? Coffee? Tea? Juice?”

Umiling ito. “No, thanks.”

“Okay,” aniya at mabilis na tinungo ang silid. At tama nga ang hinala niya, naiwan ang kulambo niya para sa paa. Hindi siya nakakatulog ng wala iyon. Wala sa loob na napatitig siya roon. Hindi pa ri nakakalimutan ni Justin ang mga bagay na importante sa kanya.

Napaupo siya sa kama saka napabuntong-hininga. Unti-unting umagos ang luha niya. Hindi na niya kaya ang ganitong sitwasyon. Gusto niyang tumakbo at makatakas ulit. Gusto niyang huminga nang hindi nasasaktan ang dibdib. Gusto niyang maging matatag. Pero papaano?

Biglang may kumatok sa pinto. Hindi siya nagsalita dahil alam niyang sa oras na ibubuka niya ang bibig, hindi niya mapipigilan ang sariling hagulhol. Pinahid niya ang luhang dumadaloy sa pisngi. Lumagitik ang seradura ng pinto at iniluwa non si Henrik. Huli na para itago niya ang mukha niya. Lumabot ang ekspresyon ng mukha nito saka lumapit sa kanya.

Itinaas niya ang kamay para pigilian ito. “I-I’m..” sukat doo’y bumigay na ang tinitimpi niyang iyak. Mabilis niyang tinabunan ng dalawang palad ang mukha niya at doon umiyak. Naramdaman niya ang sariling nakapaloob sa matipunong bisig. Naroroon ang kagustuhan niyang umiwas na mapalapit sito ngunit naroroon din ang kagustuhang mahimlay sa bisig nito kahit konting sandali lang.

“Shh… it’s alright…” ani Henrik.

Mas lalong tumindi ang sakit na nararamdaman niya. Hindi niya mapigil ang pagdaloy ng luha. Tumindi lalo ang paghagulhol. Kumapit siya sa balikat nito’t ibinaon ang mukha sa dibdib nito.

“Calm down,” anitong hinagod ang likod niya.

“I give up..” paulit-ulit na sabi niya sa pagitan ng hagulhol. “H-hindi ko na kaya.”

“Marga…” anang binata. “It’s gonna be alright.”

Umiling-iling siya. “I can’t take this a-anymore…” Nahihirapan na siya ng sobra-sobra.

Nang magtama ang paningin nila ni Henrik ay hindi na siya nagdalawang-isip pa. Ini-angat niya ang ulo upang magpang-abot ang mga labi nila. Nakita niya ang saglit na pagkagulat nito sa ginawa niya. Ngunit kasunod noo’y ang pag-angkin nito sa labi niya. Sa isang iglap, nakalimutan ni Marga kung bakit siya umiiyak. Nakalimutan niya kung nasaan siya pati kung sino siya. Ang mahalaga sa mga sandaling iyon ay ang pagkakahinang ng mga labi nila. Bawat dampi ng labi nito sa kanya’y nakakapagpawala ng lahat ng alalahanin sa dibdib niya.

Pumasok ang mukha ni Justin sa balintataw niya. At ganon na lang ang paghapdi ng puso. Kung gaano katamis ang bawat halik ni Henrik sa kanya, ganon kapait ang nararamdaman ng puso. Buong lakas na itinulak niya ang binata.

“Please, leave,” aniyang impit na humikbi. “Leave.” mas malakas niyang sabi.

“I’ll wait outside.” anito. Hindi na niya ito tiningnan pa. Kinuha niya ang unan at doon humagulhol.

MALALIM na ang gabi. Nakayakap pa rin si Marga sa unan. Basang-basa na iyon ng luha niya. Mahigit isang oras na siyang nakatitig sa kisame. Kalamado na ang pakiramdam niya ngunit mahapdi pa rin ang puso. Namamaga na ang mga mata niya ngunit umaagos pa rin ang luha sa tuwing naaalala niya ang kasalanang sinadya niyang gawin.

She kissed Henrik. She felt like cheating on Justin. At hindi niya makayanan ang guilt. Gusto niyang parusahan ang sarili. Ngunit alam niyang kahit na anong gawin niya, hindi niya matatakasan ang sundot ng konsensiya. She felt horrible.

Tumunog ang cellphone niya. Text message mula kay Sara.

Oy, bruha, san ka na? Ok ka lang ba? Nakaka-100 missed calls na ako. Hindi ka na nakakatuwa. Kanina ka pa namin hinihintay.

Nag-reply siya kaagad. I’m ok. Papunta na ako diyan. Kasama ko si Henrik.

Dagli siyang tumayo saka inilagay sa bag ang ilang gamit na kailangan niya para sa overnight bukas. Nang maihanda ang lahat ay tinungo niya ang pinto. Nawalan siya ng lakas nang maalala si Henrik. Ano ang mukhang ihaharap niya sa binata? Kinuha niya ulit ang cellphone at dinayal ang numero ng kaibigan.
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

0 comments: on "Half Crazy – Chapter 4"

Post a Comment