(Nadinekyut)
MASAYA si Adley sa tinakbo ng usapan nila ni Aien. Alam niyang relaxed na ito ngayon. Nag-uusap na sila tungkol sa mga personal na bagay. Marami siyang nalaman tungkol dito at sa pamilya nito. Hindi tulad ng ibang babae na nakakasama siya, hindi puso magaganda ang sinasabi nito. Minsan nagsasabi din ito ng mali tungkol dito. Gaya ng pagiging mainipin nito. Ayaw na ayaw nito ng pinaghihintay. Mainitin din ang ulo nito at pikon. Aminado ito sa mga mali nito.
Pakiramdam niya ay iyon na ang magiging simula ng magandang samahan nila. Mabuti iyon lalo ngayon na madalas sila mag-uusap tungkol sa business. Pwede silang maging magkaibigan nito. Gaya ni Aiel ay interesting ang personality nito. Hindi ito plastic at masaya itong kasama. Sumasakay ito sa jokes niya, mabilis ang pick-up nito. Halata sa paraan ng pagsasalita nito na matalino ito at magaling sa negosyo.
Nasabi rin nito na totoong loner ito. Hindi ito sanay na humihingi ng pabor at tulong mula sa ibang tao dahil mula pagkabata ay mas gusto na nito na nagtatrabaho mag-isa. Ayaw nito makihalubilo sa mga tao dahil kadalasan, ang nakakaharap nito ay mga plastic. Ganoon talaga sa ginagalawan nilang mundo, mahirap makita kung sino ang totoo at hindi.
Bilang na bilang lang ang mga kaibigan nito. Ayaw nito maglalalabas ng bahay. Mas gusto nito mag-aral, magtrabaho o magbasa kapag walang magawa. Ayaw nito na nababakante ito at nakatunganga kaya nahilig ito magbasa ng iba’t-ibang libro. Paboritong writer nito si John Grisham at Nickolas Sparks. Kahit ano palang genre ay nakakahiligan nito basta maganda ang story.
After talking, he offered to take her home pero tumanggi ito. May kotseng dala ito at kaya umano nito umuwi mag-isa. Talagang kahanga-hanga ang pagiging independent nito. Parang lahat ay kaya nito gawin mag-isa. Hindi pa rin siya nagpapigil at sinabing convoy na lang sila, para wala nang diskusyones. Nainis na naman ito pero nakapagtimpi naman ito. Sinabi niyang nagmungkahi lang siya at hindi nag-uutos o nagdedesisyon. Ayaw kasi niya umuwi ito mag-isa. Nag-aalala pa rin siya dito kahit mukhang kaya nito.
Nang huminto sila sa tapat ng bahay nito ay bumaba sila ng kanya-kanyang kotse. Nagpaalam siya ng maayos dito at ito man ay magalang na nagpaalam sa kanya. Sinabi niyang hihintayin niyang makapasok ito. tumanggi ito pero nagpilit siya. Wala itong nagawa sa kakulitan niya kaya bumalik na ito ng sasakyan at ipinasok sa garahe iyon. Bumaba muli ito at lubas ng gate para muling magpaalam sa kanya. Nagpahabol pa ito ng ‘drive safely’ sa kanya bago siya tuluyang makaalis.
Napangiti siya habang Nagmamaneho. Naging maganda ang gabi niya. Everything tured out better than he expected.
ILANG ulit pa nagkita sila Adley at Aien. Panay business ang rason pero nagtatagal ang usapan dahil pagkatapos pag-usapan ang trabaho ay nag-uusap din sila tungkol sa isa’t-sa. Parang napakabilis ng pangyayari. Namalayan na lang ni Aien na natutuwa na siyang makasama ito.
Biglang nagbago ang lahat. Nag-aabang na siya sa mga susunod nilang pagkikita. Kahit panay pa rin ang pagtatalo nila ay hindi na sila nag-aaway ng tulag ng dati. Natuto na silang magbigay sa isa’t-isa. Kapag siya ang pumuli ng lugar at araw, paniguradong ito ang mamimili ng kakainin. Kung sino ang maunang tumawag sa kanila ay siyang magdedesisyon kung saan magkikita. Kapag ito ang nagbayad ng kinain nila ay siya ang magmamaneho. Hindi naman siya nito pinapayagan maglabas ng pera kaya siya ang lagi nagmamaneho.
Napakabilis ng pangyayari sa kanila. Parang whirlwind romance. The next thing she knew, nililigawan na siya nito. Palagi ito dumadalaw sa bahay niya at palagi siya nito dinadalhan ng kung ano-ano sa opisina. He’s sweet, attentive, thoughtful and caring. Lahat ng magagandang qualities ay nandito na. Wala na siyang hihilingin pa dito. He’s already perfect as he is.
“Hello to the most beautiful woman in my eyes,” bungad nito pagsagot niya sa telepono.
“Kung ano-anong kalokohan ang naiisip mo Mr. Evans,” tatawa-tawang tugon niya. “Bolero ka talaga kahit kailan.”
“Hindi ako bolero, nagsasabi ako ng totoo. ‘Diba Jean?” tawag nito sa secretary nito.
Naulingan niyang nagsalita ang secretary nito. “Totoo po iyon maam, hindi bolero si sir.”
“At naghanap ka pa ng kakampi Mr. Evans. Ang lupit mo rin talaga ‘no?” natatawa pa ring wika niya.
“Sir, pwede ko na ba ituloy ang pag-discuss ng schedule mo for today? Tinatakasan n‘yo na naman ang trabaho n‘yo dahil tinatamad kayo eh,” naulingan niyang sinabi ni Jean.
“Aien, wanna go out today? Hindi ako busy,” natatawang wika nito.
Ngayon ay alam na niya kung bakit siya tinawagan nito. Tinatamad ito magtrabaho.
“Ikaw ang bahala. Basta ba hindi tayo kukurutin sa singit ni Jean eh.”
Nagkatawanan na sila dahil doon. Nagkasundo silang magkita ng lunch time at hindi na sila babalik muli sa opisina. Talk about mega half day!
“SAAN mo ako balak dalhin?” tanong ni Aien kay Adley.
“Secret. Relax ka lang diyan, huwag kang atat okay?” nakangiting tugon niya dito. “Dadalhin kita sa favorite place ko.”
“Alam ko na kung saan ‘yon. Ihatid mo na lang ako sa bahay dahil wala akong balak sumama sa’yo doon,” nakasimangot na sagot nito.
“Sige nga, kung alam mo talaga, saan?”
“Hotel, motel o kahit anong kwarto na may kama.”
Natawa siya ng malakas dahil sa tinuran nito. Maging ito ay natawa na rin.
“Totoo naman ha!” tatawa-tawa pang sabi nito matapos makabawi mula sa pagtawa.
“Anong akala mo sa akin, perv? Hindi ako manyak ‘no!” nakangiting wika niya.
“Anong hindi? Manyak ka kaya! Lagi ka nga nakatingin sa dibdib ko eh. Minsan pag pinapasadahan mo ako ng tingin, feeling ko inaalisan mo na ako ng saplot,” biro-totoong wika nito.
“Well, hindi mo ako masisisi. Kasalanan mo ‘yon dahil ang sexy mo. Ang hilig mo pa magdamit ng nakakaakit. Aba! Bato lang ang mapapatitig sa ‘yo ng hindi nag-i-imaging ng hindi malaswa.”
“See? See that? Perv ka talaga. Inamin mo rin na pinagnanasaan mo ako!”
“Alam mo naman pala eh, bakit hindi ka pa umiiwas sa akin kung nababastusan ka na,” nakangiti pa rin siya dahil nakangiti pa rin ito. Hindi niya alam kung biruan pa ba ang pinag-uusapan nila o talagang seryoso na ito.
“Well, hindi ko naman sinasabing nababastusan ako eh. In fact, para ngang gusto ko magpabastos sa ‘yo eh.” Tumawa ito ng malakas.
Natawa na rin siya sa sinabi nito. “Eh yun naman pala, bakit ayaw mo sumama sa favorite place ko?”
“Ang sabi ko gusto ko magpabastos, hindi magpa-rape.”
Nagtawanan na naman sila. Buong biyahe ay puro kalokohan lang ang tinakbo ng usapan nila. Parang palagi silang ganoon, puro kalokohan ang pinag-uusapan. Palaging nagtatawanan at nagbibiruan. Lahat ng bagay ay ginagawang katatawanan. Iyon talaga ang gawain nila pag nasa ‘kulit mode’ sila pareho.
“HERE we are!” masayang wika ni Adley matapos igilid ang sasakyan.
Isang beach resort iyon. Mukhang private ang lugar dahil walang katao-tao at iisa lang ang malaking bahay na nandoon. Magara ang ayos ng bahay, kababakasan iyon ng karangyaan. Maganda ang tubig ng dagat. Maliliit lamang ang mga alon. Maganda rin ang simoy ng hangin. May kalamigan dahil hindi naman summer, pero iyon ang tipo ng lamig na masarap damhin sa balat.
Alas-kwatro pa lamang kaya hindi pa gaanong madilim. Masarap pagmasdan ang langit, hindi masakit sa mata. Malapit na lumubog ang araw at tanaw na tanaw nila iyon mula sa kinatatayuan nila. Napakapayapa at tahimik ng lugar na iyon. Aisip niya na marahil ay palaging doon naglalagi ang binata kapag may problema ito. Nakakagaan ng loob ang lugar na iyon.
“This is my favorite place. Kapag gusto ko mag-relax at takasan ang gulo ng mundo, dito ako nagpupunta. Feeling ko kasi, kapag nandito ako, walang makakagambala sa akin.”
“I can see why. Kahit ako, biglang gumaan ang pakiramdam nang makita ko ang view. Parang nawala lahat ng sama ng loob ko sa daigdig.”
“Ang masakit nga lang tanggapin, kahit gaano kaganda dito, kakailanganin pa rin natin bumalik sa reality.”
Hindi niya tinugon ito. She sense bitterness, sadness and anger in his voice. Parang napakabigat ng dinadala nito ngayon. Parang napakalungkot ng buhay nito. Pakiramdam niya ay napakaraming problema na pinapasan nito. Ang there’s this very big part of her heart that wants to reach for him, hug him tight and ease all those troubles away.
Yet, she doesn’t know how. He seems so vulnerable and miserable. Hindi niya alam kung kaya niyang i-handle ang misery nito. She wants to share her strength to him but she doesn’t know if her strength are enough to ease his pain. Natatakot siya na baka hindi sapat iyon, natatakot siya na baka kulang pa ag kaya niyang ibigay dito. She’s scared that she’s not enough to make him happy.
Still, ayaw niyang balewalain ang nakikita at nararamdaman niya. She loves him. Matagal-tagal na rin niyang inamin iyon sa sarili niya. The moment they made this silent agreement—that they will always give way to each other and fix their indifferences or alikeness for that matter—she started accepting to herself that she gave him the chance to capture her heart.
“Minsan, parang ang sarap na manatili na lang dito. Huwag na bumalik sa mundong nagpapahirap sa ‘yo. Pero imposible eh. Darating at darating pa rin kasi ang panahon na kakailanganin ko harapin ang katotohanan. Ang mga problema at kamalasan sa buhay. Kailangan pa rin bumalik sa reality, para malaman mo na buhay ka pa at nag-e-exist sa mundo.”
“May mga bagay talagang mahirap takasan. Nasa tao na ‘yon kung paano niya haharapin ang lahat.”
“Pero mas masarap pa rin ang manatili sa ganitong lugar. Yung hindi mo kailangang makinig sa ibang tao. Yung magagawa mo ang gusto mong gawin nang wala kang masasaktan. Yung may freedom ka na gawin ang bagay na makakapagpasaya ng walang iniisip na consequence. Yung makakasama mo ang taong gusto mo makasama ng wala kang iniisip na ibang taong masasagasaan.”
Tumingin ito sa kanya. Nasaktan siya.
Ipinahahatid ng mata nito ang walang hanggang pagmamahal at pag-aalinlangan. Hindi niya alam kung bakit may kinakatakot ito. Kung bakit nag-aalinlangan ito. Pero ramdam niya ang pagmamahal nito. Hindi niya alam kung gaano kalaking bahagi ng puso nito ang hawak niya. Ang alam lang niya, mahal siya nito. At iyon ang mahalaga.
Sa wakas ay pinagbigyan niya ang sigaw ng puso niya. She reached for him. She moved closer to him while pulling him close. She her his hear rest in her shoulders. She closed her eyes and silently weeped for him. Tahimik na dinamdam niya ang bigat na dinadala nito. Umiyak siya para sa bagay na hindi alam kung ano. Basta nais niyang umiyak kasama ito. Hindi kailangang lagi niya itong pasayahin. Alam niyang kailangan din niya ito hayaang ilabas ang nararamdaman nito. Pero hindi niya hahayaang umiyak ito ng mag-isa. Hangga’t nabubuhay siya, hindi niya ito hahayaang mag-isa.
PINANOOD nila Adley at Aien ang sunset ng magkayakap. Nasa likod siya nito. He wrapped his arms around her and she rested her head in his chest. Pareho silang nakangiti habang nakatingin sa papalubog na araw.
Pagkatapos niyon ay naisipan nilang maglakad-lakad sa tabing-dagat. Pareho silang ayaw maghiwalay. Alam niyang ayaw din ni Aien nito na maghiwalay pa sila at bumalik sa reyalidad. Pero hindi maaaring manatili sila doon habang-buhay. Dahil kung gagawin nila iyon, pati ang munting paraiso na nadiskubre nila sa lugar na iyon ay mahahalo na sa reyalidad hanggang sa mawalan na sila ng takbuhan at taguan.
Magkahawak-kamay silang naglakad. Tahimik at nag-iisip. Nag-iisip kung saan hahantong ang lahat. Kung hanggang saan hahatong ang pagmamahalan nilang iyon. Hindi niya alam ang isasagot niya sa sarili. May responsibilidad na siya. May pananagutan na siya. Walang ano mang hinihingi si Dalia sa kanya, at ganoon din siya dito, pero hindi niya alam kung hanggang kailan magiging ganoon ang sitwasyon nila.
Hindi niya alam kung paano palalakihin si Allie sa ganoong sitwasyon. Ayaw niyang kagisnan ng anak niya ang ganoon kagulong pamilya. Pero ayaw niyang hiwalayan si Aien. Mahal na mahal niya ito. Hindi niya kayang pakasalan si Dalia. Hindi niya kayang mahalin ito. Hindi niya tanggap ang ugali nito.
Gusto niyang magwala. Hindi niya sinasadyang mahalin si Aien pero iyon ang nangyari. Napalapit siya ng husto dito. Gusto niyang iwasan ito noon pa, nang nagsisimula pa lang niyang aminin sa sarili na mahal niya ito, subalit isipin pa lang niya ay nasasaktan na siya. Hindi niya kaya. Nang mapagtanto niyang mahal na pala niya ito ay malalim na ang nararamdaman niya. He slowly fell inlove with he. Sa sobrang ’slowly’ ay hindi na niya halos namalayan na napakalalim na pala ng nararamdaman niya. Basta nagising na lang siya na sinasabi niya sa sarili niyang hindi niya kayang mabuhay ng wala ito sa tabi niya.
Tumingin siya dito. Marahang pinisil niya ang kamay nito. Tumingin ito sa kanya at ngumiti. That’s it! Iyon lang ang kailangan niya. Ang matamis na ngiti at mga mata nito na punong-puno ng pagmamahal. Hindi mapapantayan ng lugar na iyon ang kapanatagan at kasiyahang nararamdaman niya kapag kasama niya ang babaeng ito at nakikitang masaya ito. Si Aien lang ang kailangan niya para maging masaya siyang muli sa kabila ng bigat ng suliranin niya.
0 comments: on "Aien’s Romance - Chapter 05"
Post a Comment