(Calla)
ILANG minuto pa’y nakarinig na siya ng busina sa labas. Nagpakawala si Marga ng malalim na hininga. Binuksan na niya ang pintuan ng silid. Nakita niya si Henrik, naka-upo ito, nakasalikop ang dalawang kamay habang nakayuko. Nag-angat ito ng tingin nang bumukas ang pinto. Tumayo ito para lapitan siya.
“Nasa labas si Sara,” aniyang hindi makatingin dito.
“Marga-”
“Let’s not talk about it, please.” Muli silang nakarinig ng busina sa labas. Napatingin si Henrik sa kanya na tila may gustong sabihin ngunit hindi na itinuloy. Kinailangan na nilang lumabas ng bahay dahil hindi tumitigil si Sara sa pagpindot non.
“Akala ko nakatulog na kayo, friend.” anitong sumungaw sa bintana ng sasakyan. “Nainip na si Rhoda kahihintay sa inyo.”
“Thanks, Sara.” aniya kahit alam niyang hindi siya naririnig ng kaibigan.
Sa front seat siya sumakay. Napalingon siya kay Henrik nang hindi ito lumulan sa sasakyan. Nagtatanong ang mata niyang tiningnan ito.
“Ilalakad ko na,” anito saka bahagyang ngumiti.
“Are you sure?” ani Sara na tumaas ang kilay. “Pwede kitang i-drive.”
“Thanks. Pero malapit lang yung sasakyan ko mula dito.”
Tumingin ito sa kanya saka bahagyang tumango at tumalikod na. She felt ripped inside.
“Henrik,” tawag niya. Napalingon ito. Lumunok siya. Nagsisimulang manghapdi ang mga mata. “M-Mag-iingat ka.”
Ngumiti ito ng tipid. “I sure will. Kayo rin, ingat.” saka tumalikod at naglakad.
Napabuntong-hininga siya.
“What,” ani Sara na nagaplipat-lipat ng tingin mula sa kanya at sa binatang papalayo. “the hell was that?”
“Can we talk somewhere, Sara?”
Natigilan ito’t napatitig sa kanya. Sumeryoso ang mukha nito’t hinawakan ang kamay niya. “Sure, friend.”
Ilang saglit pa’y binabagtas na nila ang kahabaan ng highway. Nag-ring bigla ang cellphone niya.
Kinuha niya iyon sa bag. Wala siyang planong sagutin ang tawag na iyon ngunit nang mapagsino ang tumatawag kaagad niyang pinindot ang button.
“Hello, Justin,” aniyang pilit pinasigla ang boses. “How did it go with your Mom?” aniyang pilit pinatatatag ang sarili. Halos hindi siya makahinga sa paninikip ng dibdib. Matitingnan pa ba niya si Justin sa mga mata?
Hindi ito sumagot. Tila gusto lang pakinggan ang boses niya.
“I’m with Sara. Papunta na kami diyan.”
Dinig niya ang paghugot nito ng hininga.
“Why does it have to be him?” tanong nito na ikinatigil niya. “It’s H-Henrik, right?” gumaralgal ang tinig nito.
Pakiramdam niya’y sasabog ang puso niya sa mga sandaling iyon. Justin knew… Justin knew!
Wala siyang maapuhap na sagot. Naramdaman niya ang pagbalong ng luha.
“J-Justin–”
“Goodbye, Margarette,” gibik nito. Kasunod noo’y ang pagkawala ng kabilang linya.
Nag-aalalang sinulyapan siya ng kaibigan. “Hey, friend, ano’ng nangyari?”
“C-Can we go to the hotel? Fast.” aniyang hindi mapigilan ang sariling takot. Natatakot sa maaaring gawin ni Justin. Kinagat niya ang labi para mapigil ang pagtangis. What goodbye? What did he meant by goodbye?!
“Y-Yeah…” anito kahit nalilito sa pangyayari. “But can you tell me what’s going on? I’m starting to freak out.” Nag-U turn ito kaagad nang may makitang pagkakataon.
Sa unang pagkakataon ay baliktad ang pangyayari sa buhay nila. Hindi na yung tagpong umiiyak ito at palagi niyang pinamumulat ito sa katangahan nito.She isn’t the tough woman Sara used to know. And she can’t pretend to be tough anymore. She won’t be surprised if she freaks out.
“I’m losing everything, Sara…”
“Ano?” anitong parang maloloka na.
“I’m losing my sanity completely.”
“Friend, honestly hindi ko naiintindihan ang sinasabi mo pero kaya kong intindihin ka. And let me give you back those words you used to tell me, ‘Give up on everything but never lose yourself!’ Kaya huwag kang mag-iinarte ng ganyan. Dahil kung mawawala ka sa sarili mo, hahanapin pa rin kita. Dahil mawawala ako lalo pag wala ka.”
Napahikbi siya sa narinig sa kaibigan. “Hindi ko na alam ang gagawin ko… Ayoko na ng ganito. ”
Ginagap nito ang palad niya at pinisil iyon. “Kailangan mong lampasan ‘to, friend. Hindi ka pwedeng sumuko. Kailangan mong harapin kung ano man ang bumabagabag sa’yo. At kung napapagod ka na, andito ako, si Rhoda, pagtulungan natin. Ano bang nangyari kay Justin at nagkakaganyan ka? Akala ko ba wala na kayo?”
Hinawakan niya ang ulo, umaasang makakapag-isip siya ng maayos. Ano ang sasabihin niya kay Justin?
“He found out.” Pinahid niya ang luhang nakaharang sa mata niya. “He just found out why I broke up with him.”
Kumunot ang noo ni Sara. Panaka-nakang sumusulyap sa kanya habang nakatuon ang konsentrasyon sa daan.
“He already knew that you don’t love him enough five years ago. Ano’ng bago?”
“That isn’t the reason.” aniyang impit na humikbi. “I’m in love with somebody else kaya ko siya iniwan, kaya hindi ko tinanggap ang alok niyang kasal. I’m in love… with Henrik.”
“What?!” gulat na tanong ng kaibigan. Nanlalaki ang mata nito. Inihimpil nito ang kotse sa gilid ng daan. “My God!” anitong pinaypayan ang sarili saka siya hinarap. “Mahal mo ang pinsan niya? For five years, itinago mo yan sa sarili mo? My God, friend! Are we really friends? Ba’t di mo man lang sinabi sa akin? How could you keep something this serious inside you?” galit na sabi nito. “Alam kong mahina ako pagdating sa pagmamahal. Pero kung kailangan mo ng lakas ng isang kaibigan, mayroon naman akong maibibigay. Paano mo nagawang ilihim ‘to sa’kin?”
“I never wanted to admit it, Sara. Hindi ko maaatim na aminin sa sarili kong mahal ko si Henrik. Dahil ikamamatay yon ng bahagi ng puso kong mahal pa rin si Justin!”
Awang ang labing napatitig ito sa kanya.
“I told you, I’m losing myself… Hindi ako makapag-isip ng maayos. Hindi ako makadama ng maayos. Mahal ko si Henrik pero hindi ko kayang saktan si Justin. Hindi ako maaaring maging masaya habang may isang nasasaktan. Ikamamatay ko yun, Sara.”
Niyakap siya nito. “You will get through this, friend… Nalilito ka lang. Ang alam ko, isa lang ang kayang mahalin ng puso natin. You just have to know for yourself who it really is. And you have to let go for the other one. Kapag tanggap na ng puso mo iyon, magagawa mo ng magmahal nang hindi nasasaktan. Ngunit kailangan mong malaman sino sa kanila ang pinakamatimbang sa puso mo. Just let your heart decide.”
Napayakap siya ng mahigpit sa kaibigan. Sa puntong iyon tila nabuhayan siya ng loob. She has to know who she loves most. Sino nga ba kay Henrik at Justin? Sino ang pipiliin niyang ibigin at sino ang pipiliin niyang tuluyang pakakawalan?
MAG-AALAS DOSE na nang marating nila ang hotel. Halos kumaripas si Marga nang takbo sa hallway para tunguhin ang posibleng kinaroroonan ni Justin. Nakasunod lang si Sara sa kanya. Matindi ang kabog ng dibdib niya. Matindi ang sakit na nararamdaman niya. Hindi mapalagay ang sarili niya sa huling katagang narinig niya mula rito. Dahil alam niyang sa mga oras na iyon, naghihirap ang damdamin ng dating kasintahan. At natatakot siya sa maaaring gawin nito.
Nakasalubong nila si Rhoda. “Akala ko hindi na kayo darating.” Nakapameywang na saad nito ngunit lumambot ang ekspresyon ng mukha nang makita ang histura niya. “Ano’ng nangyari?” tanong nito’t kaagad siyang sinalubong ng yakap.
“Have you seen Justin?”
Natigilan ng saglit ang kaharap. “Lumabas siya kanina. Hindi ko alam kung saan papunta. Pero alam ko babalik yun. Nasa bar si Fred at Henrik, tiyak na pupunta iyon dun.”
Napatingin siya kay Sara.
“Hintayin na lang siya natin sa bar,” suhestiyon nito.
Tumango siya. Hiniling niya kay Rhoda na kung maaari’y pumuwesto sila na hindi nakikita nina Fred at Henrik. Nagtataka man si Rhoda’y hindi na ito nagtanong. Nang makapasok sa bar ay kaagad siyang umorder ng isang shot ng vodka. Straight. Kailangan niya ng lakas ng loob na makausap si Justin kahit na wala siyang ideya kung ano ang sasabihin niya rito.
“Titingnan ko lang kung nandiyan na si Justin,” anito sa kanya. Ginagap niya ang palad ng bestfriend niya at nagpasalamat. Umorder ulit siya ng isa pang shot.
“Baka gusto mong magdahan-dahan sa pag-inom, Marga.” ani Sara. “Kung gusto mo talaga siyang maka-usap, huwag kang magpakalasing.”
“Hindi pa ako lasing,” aniya at tinungga ang nasa shot glass at umorder ng isa pa. Ramdam niyang unti-unti nang umiikot ang paningin.
“Isang shot lang ng vodka ang maximum mo, friend, in case you forgot.” pinigilan nito ang pangatlong order niya ngunit nagpumilit siya at mabilis na tinungga iyo. Muling sumigid ang hapdi nang dumaan ang mainit na likido sa lalamunan niya.
“I envy you, Sara,” aniya.
Kumunot ang noo ng kaibigan.
“Dahil kaya mong magpakatanga sa iisang tao. Samantalang ako, gusto kong magpakatanga pero hindi ko alam kung kanino. Bakit ganon? Bakit hindi ako normal kung magmahal?”
“It’s a test, friend. Kung sa akin, ang pagsubok sa pagmamahal ko’y ang pabagu-bago ng damdamin ni Gerard, sa’yo nama’y ang pagbabago mismo ng nararamdaman mo. It doesn’t make sense kung iisipin natin sa ngayon. But eventually, all that really mattered is how we loved. How we fought for the love of that person we know we won’t be able to live without.”
“Who would I fight for?” nanghihinang sabi niya. Umeepekto na ang alak sa katawan niya. She felt more confused. She felt more afraid. Papaano kung hindi na bumalik si Justin?
Goodbye, Margarette… paulit-ulit iyong nagre-rewind sa utak siya. At bigla siyang natigilan. Kasabay noo’y ang pagsungaw ng luha at ang pagtigil ng tibok ng dibdib. Justin said goodbye… And he meant he’s never coming back.
Dagli siyang tumayo. Gusto niyang umalis ng tuluyan sa lugar na iyon. Naninikip ang dibdib niya. Bahagyang umiikot na ang paligid niya. Naramdaman niya ang pag-alalay ni Sara sa kanya. Subalit mabilis siyang kumawala rito’t lumabas ng tuluyan.
NAKATITIG si Justin sa kawalan. Mabibigat ang hakbang niya papalabas ng hotel. He had no reason to live. Living means seeing the woman she loves suffer. Because in his heart he knew, Margarette will still continue hurting for him even when she loves Henrik. Ngayon alam na niya ang dahilan ng paghihirap nito. Gagawin na niya ang matagal na niyang gustong gawin. This time, sisiguraduhin niyang wala ng makakapigil pa sa kanya.
Papalabas na siya nang biglang nakarinig siya ng sigaw. Napapikit siya ng mariin. Ganoon na lang ang tindi ng kabog sa dibdib niya. Mabilis siyang tumakbo at tinalunton pinanggalingan niyon.
0 comments: on "Half Crazy – Chapter 5"
Post a Comment