SHARE THIS STORY

| More

I Love You Long Before – Chapter 5

(Louise)



Nanlaki ang mga mata nya ng makita si Inigo, hindi nya inaasahan na sa ganitong paraang muli sila magkikita ng lalaki. May tatlong linggo na ang nakakalipas matapos ng tagpong nakita nya. And it proves her that he did’nt change a bit, hindi talaga ito mapagkakatiwalaan. Hindi nya alam kung ano ang dapat isipin sa mga oras na ito. Pakiramdam kasi nya’y plinano ang lahat at higit sa lahat plinano ito sa napaka – ikling oras! Parang biglang sumakit ang ulo nya sa isipin.

“Where’s your date?” tanong ni Drew kay Inigo.

“Ah… she can’t make it.” sagot naman nito na hindi iniaalis ang tingin kay Louise. He was really stunned when he saw her, she look even prettier. But what is she doing here? And who is her date?

“Anyway, Hans, Inigo, remember Louise? She’s my date. “ anitong ipinakilala pa sa kanya ang dalaga. Para namang nabasa nito ang kanyang iniisip.

She is starting to get really drunk, at lalo pa syang nahihilo sa iba’t ibang mga ilaw sa loob ng bar. Hinagilap nya sa tabi ang kaibigang si Maya pero wala ito roon, pilit na hinagilap ng mga mata sa dance floor ang kaibigan at hayun! Nagsasayaw ito kasama si Ian.

“Would you like to dance?” aya sa kanya ni Drew na hinawakan ang kamay nya. Tatanggihan sana nya ang alok nito pero sa pagtingin nyang muli sa dance floor ay nakita nya si Inigo na may kasayaw na babae. Para namang nag – init ang ulo nya at feeling nya ay lahat ng ininom nya’y umakyat sa kanyang ulo.

“Sure!” nakangiti nyang sagot na tumayo at tinungo din ang dance floor. Sabay naman ng pagpalit ng tugtog na ‘horny’. Kitang kita nya ang maharot na paglambitin ng kasayaw ni Inigo sa leeg ng huli. Muli nyang tinignan si Drew, she smiled seductively at nagsimula nyang igiling ang katawan. At ganoon din ang ginawa nito.

Kanina pa nag – iinit ang ulo nya sa nakitang sweet na treatment ni Drew kay Louise na para namang gustong gusto ng dalaga, kaya naman naisipan nyang mag sayaw nalamang. At mula sa dance floor ay nakahanap sya ng kasayaw. Nahagip ng mga mata nya ang pagpasok ng dalawa sa dance floor. Ngitngit sa nakikitang pagsasayaw ng dalaga. Napakalambot ng katawan nito at nakakaakit naman talagang tignan ang ginagawa nitong pagsayaw. She was wearing a haltered bareback beaded black top and jeans, tumangkad din ito sa suot na black high heeled sandals. Kitang kita nya ang ginagawang paghaplos ni Drew sa likod ng dalaga na syang nagpawala sa katinuan nya.

“Halika nga dito!” galit nyang sabi na biglang hinaltak ang braso ng dalaga. Hindi na sya nakapagpigil sa nakikita.

“Teka pare, what’s your problem!” salubong ang kilay ni Drew na may nagbabantang tinig.

“Get your hands off me.” aniyang biglang nawala ang tama. Pero patuloy pa rin syang hinatak ni Inigo palayo. Nakita naman nyang humabol si Drew.

“Ano bang problema mo?” galit na tanong ni Drew na hinawakan din ang brasong hinahawakan ni Inigo.

“Wala ka ng pakialam!” lalo naman syang hinawakan nito ng mahigpit.

“I do! Because she’s my date!” Tumaas baba ang dibdib nito sa galit.

“Pwede ba!” aniyang pinakawalan ang sarili mula sa pagkakahawak ng dalawa. “Nakakahiya! Kung hindi kayo marunong mahiya ako marunong! – And you!” aniyang binalingan si Inigo. “You don’t have the right para kaladkarin nalang ako!” she said breathing hard because of anger. She is really mad at him, hindi nya maintindihan kung ano ang gusto nitong palabasin. Hinawakan nya ang kamay ni Drew at hinatak pabalik sa dance floor.

“SHIT!” galit nyang bulyaw na ikinatingin ng ibang nasa bar. Walang paalam na nilisan nya ang lugar. Hindi nya matanggap na makitang kasayaw nito si Drew at kahit na sino pa lalo na at ganoong klaseng sayaw. Hindi nya alam kung bakit bigla nalang nya itong hinatak basta ang gusto nyang mangyari ng mga oras na iyon ay ilayo ito mula kay Drew.

Hinagilap ng mata nya si Inigo sa table kung saan sila naka – upo subalit wala ito roon. May panghihinayang syang naramdaman at the same time ay inis. Panghihinayang dahil akala nya ay makakapag – usap sila matapos ang gabing ito. At inis dahil naman sa ginawi nito kani – kanina lang. What is he thinking para gawin iyon?

Matagal na siyang nakahiga subalit hindi mabura sa isip nya ang eksena kanina. Parang matutunaw ang puso nya, was it jealousy she saw in his eyes? And if it is, why? Napaka – imposible naman yatang magselos ito, samantalang kamakailan lang ay ibang babae nanaman ang kasama nito. She sighed, bakit ba ganito nalang ang epekto sa kanya ng lalaki? Napakaraming tanong ang naglalaro sa kanyang isipan pero lahat iyon ay hindi nya masagot.

“What were you thinking?” Galit na sita sa kanya ni Hans na ang tinutukoy ay ang ginawa nyang eksena sa bar.

Hindi nya masagot ang tanong nito dahil maski sya ay hindi nya alam kung bakit ganoon na lamang ang ikinilos nya. Paulit – ulit na bumabalik sa isip nya ang mukha ni Louise, the way she smile, the way she moves at pagdating sa eksenang marahang hinahaplos ni Drew ang likod nito ay nakapag – iinit ng ulo nya. Ano bang nangyayari sa kanya? He never felt anything like this before.

“What?? Wala ka man lang bang sasabihin?” galit na tanong ng kaibigan sa kanya. Pagkagaling sa bar ay agad itong nagtungo sa bahay nila.

“Wala.” He said blankly.

“Dammit Inigo! You’re not getting any younger stop acting like one!” ubos ang pasensyang sigaw nito sa kanya.

“Ano bang ipinagpuputok ng butse mo dyan pare? Hindi naman ikaw ang kinaladkad ko and you’re not also Louise’s date!” hindi nakapagpigil nyang angil sa kaibigan. Humugot ito ng isang malalim na buntonghininga.

“I’m sorry. Kaya lang – you should have seen the way you acted pare, you we’re acting like a jealous boyfriend. Nakakahiya pare.” Mahaba nitong paliwanag. Ganoon ba ang itsura nya kanina? Nakakahiya nga!

After that scene at the bar, she continued dating Drew. Mabait naman kasi ito sa kanya isa pa alam nyang hindi sya nito sasaktan hindi tulad ni Inigo na malingat ka lang ay may iba nanamang kasama. Drew is the type of guy that he will make you feel really special. Teka, bakit nga ba nya ipinagkukumpara ang dalawang lalaki? Actually she does’nt have to because they are different in every way.

“Oy, Bakit nakatulala ka nanaman dyan?” ani Mayang kinalabit sya. She was seating infront of the television pero wala naman doon ang atensyon nya.

“Ha? Hindi ah!” she said denying

Magsasalita sana ang kaibigan nang may nag – doorbell. Dali – dali naman itong tumayo at sinilip kung sino ang dumating.

“It’s Drew.” Anitong nakatingin sa kanya. “Magbihis ka nga muna do’n nakapantulog ka pa.” Utos sita nito sa kanya na dali – dali naman syang tumalima.

Nang makalabas sya ay nasa loob na si Drew. May juice na ring nakahanda para dito.

“Lou, pupunta nga pala ako sa library ngayon. Ikaw na ang bahala kay Drew.” anitong may mapanuksong ngiti. Pagkatapos ay tumayo ito at tumungo sa silid.

Isang nagsasaway na tingin naman ang ipinukol nya rito at saka bumaling kay Drew. “So… what brought you here?”

“I just wanted to see you.” He said then held her hand. Agad naman nyang binawi ang kamay and smiled.

“Okey ka lang? Halos araw – araw na nga tayong nagkikita eh.” Pabiro nyang sabi dito. Pero nanatiling namang seryoso ito.

“I like you Louise… a lot.” anitong titig na titig sa kanya. “You may think it’s too soon for me to like you. But you are not hard to like, you are sweet, pretty, friendly, lahat na yata ng salitang maganda na patungkol sayo ay meron.” He said still staring at her. Pinagsalikop nya ang kanyang mga kamay atsaka nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga.

“You are just mistaken your likeness to me. Naaliw ka lang sa akin.” Nagyuko sya ng ulo. Actually she likes him also, totoong tao ito, kung ano ang nasa isip ay sya nitong sasabihin. Kung itsura din lang ang pagbabasehan ay mas nakahihigit ito kaysa kay Inigo. Gentleman at walang itinatago, pero natatakot sya, mabait ito at ayaw nyang lokohin, hindi pa sya handang i – commit ang sarili totally para sa isang lalaki.

“At first I admit, pero habang tumatagal tayong nagkakasama nalaman ko sa sarili ko that I wanted us to be more than friends. Ayokong sabihing mahal kita, ayokong mangako sayo, but if you will give me a chance I will prove you I’m worth it.” anitong seryoso pa rin. May kinuha ito sa bulsa isang kahong pahaba na kulay berde may nakabilot ditong silver ribbon. Natutok ang paningin nya rito ng i-abot nito iyon sa kanya. Singsing? Imposible. The box is rectangular.

“Ano yan?” nagtatakang tanong nya.

“For you.”

“I know.” Pabalang nyang sagot. “I mean, for what?”

“Open it.”

Sinunod naman nya ang sinabi nito, kinuha nya mula sa kamay nito ang kahon at binuksan. Nanlalaki ang mga matang tinitigan nya ang nasa loob ng kahon. Isang silver na bracelet na may mumunting palawit na angels at hearts na may kumikinang na mga bato sa bawat palawit niyon. Nalipat ang tingin nya sa Drew.

“Alam mo ba ang pinapasok mo Drew?” she knew what he meant.

“If you don’t think I don’t know sa tingin mo ba ay nasa harapan mo ako ngayon at nagpro – propose sayo?” desididong tanong nito na hindi pa rin inialis ang pagkakatitig sa kanya. She sighed. Okey, ano na bang gagawin ko sayo? Nililito mo ang isip ko. Muli nyang tinignan ang bracelet, and the again looked at him.

“You’re a good man Drew, I don’t want to hurt you.” She said returning the bracelet.

“You are not.” Kung inaakala nyang madali nya itong mapapasuko ay nagkakamali sya.

“Kung kilala mo na akong talaga. Alam mong wala akong sineseryosong lalaki. I changed them like I change my clothes, pinagsasabay – sabay ko sila like the way I combine my accessories. Hindi pa ba malinaw sayo ang lahat?” Nanatili itong walang kibo but still looking at her with intense. “I’m not the girl for you.” Nahahapo nyang sabi.

“We will never know until we try.” anitong kinuha mula sa kamay nya ang kahon at inilabas mula roon ang bracelet. Kinuha ang braso nya at inilagay ito roon. Hinayaan nya ito.

“I like you. I know you like me too. I’m not going to ask if you love me becase I know you don’t, there is only one person whom your heart belongs to and I won’t question that.” He said frankly na may ibig ipakahulugan. Hindi nya iyon pinansin bagkus ay tinignan ang ikinabit nitong bracelet sa kanya. “Hindi ba’t totoong tao ka?” tanong nito.

“So?”

“Say you like me too.” anitong bakas sa mukha ang pagsusumamo.

“Are you ready for the consequences of this?” Isang marahang tango ang isinagot nito.

“Well then, Let’s give this a try.” She said and smiled.

Madalas nyang nakikita ang paglabas labas ni Louise at Drew but he kept his distance. Ayaw nya ng gumawa pa ng gulo baka maulit nanaman ang nangyari sa bar. Tulad ngayon nasa loob ng isang shop ang dalawa masayang nagtatawanan. Mula sa kinatatayuan ay kitang kita nya ang hawak ni Drew na puppet na isa sa tinda sa shop na iyon na pinaglalaruan nito na syang ikinakatawa ng dalaga. He looked away and walk away from where he could see them. He feels like he was tearing apart. Sa tagal ng panahong kilala nya ang dalaga ay ngayon lang nya napagtanto ang lahat, mahal nya ito. Pero huli na ang lahat dahil base sa nakikita nya at sa nababalitan nya mula kay Hans ay mukhang in love na ang dalaga kay Drew and that only adds to his misery. Ang makitang maraming umaaligid dito ay nakasasama ng loob nya, ang makita pa kayang masaya ito kasama ng iba?

Nang makauwi na sya ay patamad na inihagis ang bag sa couch atsaka ibinagsak ang katawan sa kama. He closes his eyes.

It was his parents’ anniversary, invited ang lahat ng close friends nito most specially Louise’s family. Matiim syang nakamasid kay Louise mula sa di kalayuan. Hindi nya maiwasang hindi humanga sa dalaga, bagama’t simple lang ang suot nito’y stand out pa rin ang ganda nito. Ang maputi nitong kutis na animo’y parang nakakasilaw, ang mga mata nitong very expressive na kakulay ng almond.

Nahigit nya ang kanyang hininga. Everytime that her eyes met his as if the world stops spinning. Ang matalim na pagtingin nito sa kanya at pag irap sa tuwing ito’y naiinis sa kanya’y parang lalong nagpapaganda dito. Weird.

Isang tikhim ang nagpaangat sa kanyang paningin. His dad. He was observing him with a naughty smile on his lips. Tumingin ito sa diresyon ng kanyang tinitignan kamakailan lang.

“Isn’t she pretty hijo?” nakangiti nitong tanong sa kanya habang ang direksyon ng mga mata ay nakatuon kay Louise. Muli naman nyang tinignan ito.

“Pretty is an understatement Pa” pangongorekta nya. He smiled. Nobody knows how he feels. Itinatago nya ang anumang atraksyon na nararamdaman nya para sa dalaga, magiging tampulan lang sila lalo ng tukso sakali mang kay ibang makaalam. Only his dad knows kung anuman ang pagahanga nyang nararamadaman para dito.

“Why don’t you ask her for a dance?” anito sabay senyas sa piyanista, sabay naman ang pagtipa nito ng piano. Isang love song ang pumailanlang. Napatingin sya sa ama.

“Go ahead.” anitong hinihikayat sya..

“Only you knows about what I feel Pa.” Pagpapaalala nya rito.

“Yeah, I know son. But if you don’t do something about this, I’ll do something about it.” Nagbibiro nitong sabi.

“Pa.” He said in a warning look. Nagkibitbalikat naman ito.

“Alright.” Maya – maya’y sabi nitong tinapik sya sa balikat at tumungo sa mga kaibigan nito.

He love his parents so much, ito lang ang nakakaintindi sa kanya, napaka supportive ng mga ito. Anumang gustuhin nya’y ibinibigay ng mga ito and whatever decision he makes ay nandyan lang sila sa likod nya laging naka – alalay madapa man sya.

Again, he looked at Louise and filled his lungs with air. Hindi nya maintindihan na sa pagiging mabilis nya sa babae ay matotorpe sya ng ganito, hindi pa man nya nakakaharap ito ng malapitan ay parang may mumunting paru – paro na naglalaro sa kanyang sikmura. Isang malakas na palakpakan ang nagpabalik sa kanya sa realisasyon. The whole crowd is looking at him while applausing. Anong meron?

Only to find out na hindi lang pala sya ang tinitignan kundi pati na rin si Louise. He looked at his father. He is very sure na pakana lahat ito ng Papa nya. Lumapit ito sa kanya with that naughty smile again at sa kabilang kamay naman ay hawak si Louise.

“Sige na hijo. Dance. Don’t be ashame.” anitong pilit na pinaglalapit sila at pinaghahawak kamay.

“Pa.” He said controlling his anger. He gave him a warning look pero tila hindi sya naririnig o napansin man lang ang kanyang mga tingin sa halip mas lalo pa silang pinaglapit. Napatingin sya sa dalaga, nakayuko ito na bakas sa hitsura na hiyang – hiya sa nangyayari. Tumingin ito sa kanya ng matalim atsaka bumaling sa mga magulang na ang mga mata ay humihingi ng saklolo. Tinignan nya ang mga magulang nito at nakita nyang ngiting – ngiti ang mga iyon na nakatingin din sa kanila na para bang kinikilig pa. Muli syang napatingin sa dalaga. Umirap ito sa kanya.atsaka pilit na pinakakawalan ang kamay na hawak ng kanyang ama. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nabangga ang dalaga ng isa sa mga bata nyang pinsan na nagtatakbuhan. Nanlaki ang mga mata nitong napasubsob sa kanya dahilan upang mahalikan nya ito. Tila may anong kuryenteng gumapang sa buo nyang katawan kasabay ng pagrigodon ng puso.

Sa pagkakabigla ay umigkas agad ang kamay ng dalaga at isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha nya na syang ikinabigla ng lahat! Tila isang mahabang huni ang narinig nya sa lakas ng pagkakasampal nito sa kanya. Subalit bago pa man sya makahuma ay mabilis na tumalilis ang dalaga palabas sa bulwagan.

He sighed. Sa dami ng labing nadampian ng kanyang labi, ay iyon na ang pinakamatamis na labing nahalikan nya, kahit isang nakakatulig na sampal ang natanggap nya matapos iyon ay ramdam pa rin nya ang tamis ng labi nito ang pabango nitong amoy matamis na prutas.

Malakas na tunog ng telepono ang nagpabalikwas sa kanya. Agad nyang inabot ang awditibong nasa tabi ng sidetable nya.

“Pare, Hans here.”

“Napatawag ka?”

“We’re going out.”

“Wala pa kong pera ngayon pare.”

“Don’t worry, si Drew ang sasagot ng lahat.”

“Drew?” aniyang napakunot – noo. “Bakit anong meron?” takang tanong nya.

“I don’t know, ang sabi nya ay malalaman din daw natin mamaya. Ano?” untag nito sa kanya.

Nagdadalawang isip sya kung sasama, subalit siguradong makakahalata ang barkada kung hindi sya papayag. “Okey. Saan ba?”

“He said he’ll just pick us up around 8 o’clock.”

“Oh, okey.”

Pawisan silang nakahilata ni Maya sa sofa, maghapon na silang naglilinis ng bahay dahil doon nila napagpasyahan ni Drew na mag – celebrate sa pagsagot nya rito. Full support naman ang kaibigan sa desisyon nya. Panahon na raw para magsimula na syang magtino. Sana nga.

“Nagugutom na ko Lou” reklamo nito.

“Ako din.” tamad nyang sagot.

“Lou, sigurado ka na ba talaga sa naging desisyon mo?” anitong tumingin sa kanya na ang tinutukoy ay ang pagsagot nya kay Drew.

She filled her lungs with air and closes her eyes. Isang marahang tango ang kanyang isinagot. “Well then, Goodluck!”

“Kaninong bahay itong pinuntahan natin?” mahina nyang tanong kay Hans. Nasa likod sila ngayon ng F150 nito nauna ng bumaba ng sasakyan si Drew.

“Kay Maya.” sagot naman ni Hans. Nagtatanong ang mga matang tinignan nya ito.

“Sa kaibigan ni Louise. Dyan din sya nakatira ngayon.” sagot nitong nabasa naman agad ang kanyang iniisip.

“Hi guys!” masayang bati ni Maya sa mga dumating. Lumapit naman agad si Drew sa kanya at walang pakundangang hinalikan sya nito sa labi. Kitang kita nya ang paniningkit ng mga mata ni Inigo sa nasaksihan nito. Lalo naman niyang iniyakap ang mga braso sa leeg nito.

“Wow ang sweet naman!” kinikilig na tukso sa kanila ni Maya. Ngiti naman ang itinugon ni Drew dito. Atsaka bumaling sa mga kaibigan.

“Meet my girlfriend.” anitong iniharap sya sa mga kaibigan atsaka hinawakan ang kanyang mga kamay. “Louise.”

Nagkatinginan naman sila ni Hans. Kibit balikat ang kaibigan sa narinig. Masama ang loob na bumaling muli sya sa dalawa. Gustong gusto nyang sugurin si Drew ng suntok at ipaalam dito na sya lang ang nararapat para sa dalaga, pero para saan? Ni hindi nga alam ng dalaga ang kanyang niloloob. At ngayon huli na ang lahat, magkasintahan na ang dalawa ano pa bang magagawa nya?

Naglabas si Maya ng mga beer at inihain sa kanila. Binuksan naman niya ang component at nagpatugtog. Inihain din nya ang binili ni Drew na sisig atsaka spicy chicken wings. Matapos niyon ay na – upo sya sa tabi ni Drew na naka Indian sit. Komportableng humilig sya sa balikat nito.

“Kumusta?” kaswal na tanong nya na kay Inigo.

Tumungga muna ito ng beer bago sumagot. “Okey lang.” Matipid itong ngumiti. Heto parang sinasaksak. Nais sana nyang isagot pero alam nyang magtataka ang lahat. “Congrats!” he sarcastically smiled.
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

0 comments: on "I Love You Long Before – Chapter 5"

Post a Comment