SHARE THIS STORY

| More

Aien’s Romance - Chapter 06

(Nadinekyut)



“GOOD morning,” masayang bungad ni Chelle, ang secretary ni Aien, nang mapasukan niya ito sa opisina.

“Good morning din. Mukhang maganda ang gising mo Chelle.”

“Hindi ang gising ko maam. Naging maganda ang araw ko dahil sa dumating ngayong umaga. At mas lalo pang naging maganda ngayong dumating na kayo. Kanina ko pa po kayo hinihintay. Masaya ako para sa inyo, hindi para sa sarili ko.”

Nagtaka siya dahil sa sinabi nito. Ang ganda ng pagkakangiti nito. Bigla tuloy siyang na-excite.

“Ano ba ‘yon?” nakangiting tanong niya.

“Pasok po kayo sa office n‘yo para malaman n‘yo maam.” Itunuro pa nito ang pinto ng opisina niya na halos katapat ng table nito.

Naglakad siya papunta doon. Kasunod niya ito. Pagbukas niya ng pinto ay agad na nahagip ng ilong niya ang mabangong halimuyak ng bulaklak. Tumambad sa paningin niya ang anim na vaces ng magagandang punpon ng bulaklak. Magagara ang mga iyon maging ang vaces. Magaganda ang lahat ng bulaklak at pawang mga paborito niyang bulaklak at kulay iyon. Napakaganda ng pagkakaayos ng mga iyon sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang opisina.

Naagaw ang pansin niya ng may lakalihang picture frame na nasa ibabaw ng mesa niya. Malapit iyon sa flower vace na may carnation, poppy at lily of the valley na naka-arrange.


“KAILAN mo ba kasi ako sasagutin. Sabi ko naman sa ‘yo, pag sinagot mo ako, wala kang pagsisisihan.”

“Ang yabang mo, bakit ba atat ka? Diba sabi mo maghihintay ka habangbuhay.” Natatawa na siya sa pangungulit nito.

Nang nagdaang gabi pa siya kinukulit nito. Hindi naman siya naiiirita, in fact, natutuwa pa nga siya dito. Gabi na at nagpapahinga na siya sa kama nang tumawag ito, which is an hour ago.

“Habangbuhay? Ganoon mo ako katagal paghihintayin? Ngee! Sa kabilang buhay na lang pala kita makakasama ganon?”

“Mister Adley Alfious Eustaquio-Evans, huwag mo ako madaliin. Kung hindi, habangbuhay ka talaga maghihintay. Alam mo bang bawal ang kissing-kissing sa next life?” natatawang biro niya dito.

“What?!” kunwa’y gulat na gulat na wika nito. “Nako! Kahit sa kabilang buhay mo ako sagutin, gagahasin na kita ngayon pa lang.” Narinig niya ang malakas na tawa nito sa kabilang linya.

“Adley, seryoso ka ba talaga?” seryosong wika niya.

“Oo. Hindi mo ba nararamdaman ‘yon?” seryoso na ring sagot nito.

“Nararamdaman. Pero parang hindi ako mahapaniwala eh.”

“Maniwala ka Aien. Mahal na mahal kita. Hindi ko alam kung paano o kailan. Basta isang araw naramdaman ko na lang na mahal na pala kita. Hindi ko na pala kayang mabuhay ng wala ka.”

“Pero pakiramdam ko ang layo-layo mo. Parang hindi pa kita lubos na kilala. Parang marami ka pa ring tinatago sa akin.”

“Kaya nga gusto kong sagutin mo na ako. Marami kasi akong gustong sabihin sa ‘yo. Marami akong gustong ipagtapat.”

“Ano ‘yon? Bakit hindi mo pa sabihin?”

“Hindi maganda kung sa telepono tayo mag-uusap tungkol doon. At gusto kong malaman muna kung mahal mo rin ako bago ko sabihin. Para kung hindi mo man matanggap, at least, pampalubag loob na minahal mo pa rin ako kahit sandali. Kahit hindi ganoon katindi. Basta alam ko na minsan sa buhay mo ay naging parte ako ng puso mo.”

“Ang corny mo!” She tried to light up the mood. Masyado na kasing mabigat ang pakiramdam niya. Halata sa tinig ng binata na mabigay ang dinadala nito. Hindi niya gustong mahirapan ito. Ayaw niyang nasasaktan ito.

“Ang hirap Aien. Para akong nasasakal. Ipit na ipit ako. Ikaw na lang ang tanging nagpapasaya sa akin. Wala nang masaya sa buhay ko. Parang walang nangyayaring maganda bukod sa ‘yo. Ikaw na lang ang natitirang lakas ko. ‘Yung pagmamahal ko sa ‘yo, iyon na lang ang natitirang rason kung bakit matatag pa rin ako.” Bumuntonghininga ito.

Ramdam niya ang sinseridad sa sinabi nito. Bakas sa tinig nito ang paghihirap. Gusto niyang pawiin iyon pero hindi niya alam kung paano. Gusto niya ito pasayahin. Hindi kaya ng puso niya ang naririnig na nagkakaganito ang binata.

“Kita tayo bukas ha?” Sa halip ay wika niya.

“Okay. Where?”

“Sa lagi nating kinakainan.” Sa isang restaurant iyon sa mall. Iyon ang paborito nilang kainan dahil pareho nilang nagustuhan ang mga pagkain doon.

Pagkatapos nila mag-usap ay nanatili siyang nakatitig sa cellphone niya. Binuksan niya ang isang folder ng pictures at tumambad sa kanya ang maraming larawan nila ni Adley. Isa-isa niyang tinignan ang mga iyon. Napapangiti na lang siya sa mga ala-ala na nagbabalik sa kanyang isipan dahil sa mga larawang iyon.

Hindi niya akalain na sa dinami-dami ng lalaki sa mundo ay si Adley pa ang mamahalin niya. Pero masaya siya dahil alam niyang mahal din siya ng binata. Marami siyang pangarap para sa kanila. Bumuo na siya ng mga plano para sa future nila. Marami siyang gustong gawin at maranasan kasama ito. Ito lang ang lalaking nakikita niyang makakasama niya sa pagtanda niya.


KATULAD ng napag-usapan ay nagkita sila ni Adley. Humalik ito sa pisngi niya nang makalapit ito sa kanya. Nauna siya ng ilang minuto dito pero hindi naman ito late, maaga lang siya.

Matapos kumain ay naglakad-lakad sila sa mall. Namasyal siya at namili ng kung ano-ano. Habang naglalakad sila ay nag-uusap sila. Kung ano lang ang maisip nilang pag-usapan ay iyon ang pinag-uusapan nila. They shared experiences, happiness and burden to each other. Halos lahat ng napagdaan nila sa buhay ay nasabi nila sa isa’t-isa.

Maya-maya ay sumeryoso ang binata. Niyaya siya nito na bumalik sa kotse at umalis na. Nang tanungin niya kung bakit ay nasabi nito na kailangan nila mag-usap ng masinsinan. Hanggang sa makarating sila sa isang tahimik na parke ay wala silang kibuan. Kinakabahan siya pero hindi niya pinahalata.

Magkatabi silang naupo sa isang bench sa ilalim ng malagong puno. Ginagap nito ang kanang kamay niya at kinulong iyon sa dalawang palad nito.

“Aien, mahal mo rin ba ako?” diretsong tanong nito.

Nagulat siya at sandaling natahimik. Titig na titig ito sa kanya habang hinihintay ang sagot niya.

“Oo. Mahal kita Adley. Mahal na mahal.” Napangiti siya ng sa wakas ay masabi niya iyon.

“Masaya ako malaman iyan Aien. Pero hindi ko alam kung anong magiging reaksyon mo sa sasabihin ko.”

“Ano ba ‘yon? Pinapakaba mo na ako eh.” Pinilit niya magmukhang normal kahit para na siyang hihimatayin sa sobrang bilis ng kabog ng dibdib niya.

“Aien, may responsibilidad na ako. I heve a son.”

Napamaang siya sa narinig. Napanganga siya pero walang lumabas na salita sa bibig niya. Hindi siya nakapagsalita. Biglang-bigla siya sa pinagtapat nito. Binawi niya ang kamay niya na hawak nito. Balak niya mag-walk out pero wala siyang lakas upang tumayo. Hindi siya makaalis sa kinauupuan.

“Please listen to me first Aien. Ipapaliwanag ko sa ‘yo ang lahat.”

Ayaw niya makinig. Pero wala pa rin talagang lumabas na tinig mula sa kanyang bibig. Hindi pa rin niya magalaw ang mga paa niya. Napako na siya sa kinauupuan. Wala siyang choice kundi ang marinig ang ssasabihin nito.

Nagpaliwanag nga ito. Isinalaysay nito ang nangyari dito. Napapikit siya nang mariin matapos banggitin nito na hindi ito kasal sa babaeng nagngangalang Dalia. At nakatira ang babae sa bahay ng mga magulang nito kung saan ito palagi umuuwi. Hindi nito kasama ang babae sa silid at halos hindi na nito kinakausap ang babae.

Hindi na niya alam kung anong maaramdaman. Nanghihina siya at parang gusto niya mapaiyak. Pero walang luha na lumabas sa mga mata niya. Nasasaktan siya. Parang pinipiga ang puso niya habang nakikinig dito. Hindi niya matanggap. Hindi niya kayang tanggapin na may pananagutan na ito pero hindi nito pinakasalan ang babae.

Maraming tanong ang nasa isip niya na hindi niya naisatinig. Bakit hindi nito pinakasalan ang babae? Bakit hindi ito naging maingat kung ayaw nito sa babae? Kuntento na ba ang babae sa set-up nito at ni Adley? Ano ang sinasabi ng magulang ng mga ito? At higit sa lahat, kaya ba niya tanggapin? Matatanggap ba niya ang anak nito sa ibang babae? At paano kung malaman ng babae ang tungkol sa kanya at manggulo ito bigla? Paano niya haharapin iyon?


HANGGANG sa makauwi sa bahay si Aien ay hindi pa rin siya napapakali. Pinag-iisipan niyang mabuti ang magiging desisyon niya. Hindi naman siya ginambala ng binata sa pag-iisip niya. Nanatili itong walang imik hanggang sa maihatid siya.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa oras na magkalabo-labo ang pangyayari sa pagitan nila ni Rave. Pero alam niya na magagawa niyang tanggapin si Allie—ang anak nito. Pero paano si Dalia? Hindi ito mahal ni Adley at nangako ang binata na ano man ang mangyari at ipaglalaban siya nito. Pero hanggang saan? Hanggang kailan siya nito magagawang ipaglaban?

Hanggang sa makatulog siya ay isang desisyon ang nabuo niya. She’ll go for it. It’s a risk at batid niya na puso niya ang tinataya niya. Pero mas hindi niya kakayanin kung mawawala si Adley sa kanya. Mahal na niya ang binata at nakikita naman niyang mahal siya nito. Saka na niya iisipin ang ibang bagay. Sa ngayon, ang mahalaga ay ang relason nila. Ang pagmamahal niya dito.


KINAUMAGAHAN sa opisina ni Aien, tinawagan niya si Adley. Bakas ang pag-aalangan sa tinig ng binata nang sagutin nito ang tawag niya. Halatang natatakot ito sa maaaring sabihin niya. Hindi nito naitago sa pagkautal ng boses nito ang kaba nito habang hinihintay ang ‘hatol’ niya.

“Anong food ang dadalhin mo sa akin dito mamaya honey? Gusto ko ng siomai at fried noodles ngayon eh.”

“You… You… You mean… You mean…” Hindi nito matapos tapos ang sasabihin. Hindi tuloy niya mapigilang matawa dahil sa inaasal nito.

“I mean… I mean… Gusto ko… Gusto ko… Puntahan mo ako… Puntahan mo ako… Mamaya… Mamaya…” tumatawang panggagaya niya dito.

“Naman ‘to! Huwag mo nga ako pinagtatawanan! Halos himatayin na ako sa sobrang kaba tapos tatawanan mo lang ako!” may bahid ng iritasyon na wika nito.

“Eh kasi naman, nakakatawa ka talaga. At least ako speachless lang, eh ikaw?” Napatawa na naman siya ng malakas. “Oh ano? Pupunta ka ba mamayang lunch dito at dadalhan ako ng siomai, o gagawin kitang friend noodles. Aba! Sabihin mo at ngayon pa lang ay maghahanap na ako ng kawaling pagpiprituhan sa ‘yo!”

“I’ll be there maam. Huwag po kayo mag-alala. Hindi ko kalilimutan ang friend noodles at siomai n‘yo,” masayang sagot nito.

Mukhang nakabawi na ito sa takot at pagkabigla. Masaya na ito at base sa pag-uusap nila, wala na ang pangamba sa dibdib nito. Natutuwa naman siya na napasa niya ang binata. Iyon ang gusto niya, ang maging masaya ito palagi.
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

0 comments: on "Aien’s Romance - Chapter 06"

Post a Comment