(Calla)
NAGISING si Marga sa matinding hilab ng tiyan at sakit ng ulo. Gusto niyang takbuhin ang banyo dahil pakiramdam niya’y babaliktad na ang sikmura. Ngunit nagulat siya nang mabungaran ng mga mata ang silid na hindi pamilyar sa kanya. At mas nagulat siya nang makitang wala siyang kahit na anumang saplot sa katawan maliban sa kumot. Napatili siya’t dagling kinuha ang kumot at ipinalibot iyon sa katawan.
Muling bumaliktad ang sikmura. Patakbo niyang tinungo ang pintuan at laking pasasalamat niya nang mabungaran ang banyo. Pakiramdam niya’y lalabas ang buong sikmura niya nang mapasuka sa lababo. Sapo niya ang sumasakit na sikmura. Mapait at maasim ang lasa ng bibig niya’t nasusuka siya sa amoy ng naisuka niya. Kaagad niyang binuksan ang tubig at nagmumog at binanlawan ang lababo. Hinang-hina ang pakiramdam niya.
Nasaan ba siya? Kaninong bahay ba ito? Ba’t pakiramdam niya’y pamilyar sa kanya ang lugar na iyon? Tila sagot ng katanungan niya’y bumukas ang pintuan ng banyo. Napasigaw siya sa gulat.
“Are you okay?” puno ng pag-aalalang tanong nito.
“Justin?!” kunot-noong tanong niya. Saglit silang nagkatitigan. Saka niya naalala ang nangyari kahapon. She felt relieved he’s alright. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin rito lalo pa’t nakikita niya ang lambong sa mga mata nito. Okay lang ba ito sa nalaman nito kahapon? Pero teka, nasaan ba siya? At bakit sila magkasama?
“Halika,” anitong hinila ang kamay niya. Paglabas nila sa banyo’y nakita niya ang sariling nakatapi lamang ng kumot. Kaagad niyang binawi ang mga kamay mula sa binata saka nahintakutang niyakap ang sarili.
“Ano’ng ginawa mo sa’kin?!”
He smiled cruelly. May kalmot ito sa kaliwang bahagi ng pisngi. Siya ba ang may kagagawan non kagabi? Bakit wala siyang maalala?
Tinitigan siya mula ulo hanggang paa. “Hindi mo naalala? I raped you last night.” Ngumisi ito. Hinimas ang nguso. “Over and over again.” dagdag nitong tila enjoy na enjoy sa iniisip.
Nanayo ang balahibo niya sa narinig. Hinampas niya ang balikat nito. “Seryoso ang tanong ko!” Namula ang magkabilang pisngi niya. Maliban sa sakit ng ulo at hilab ng tiyan, wala siyang ibang nararamdaman. Bukod doo’y halata niya ito kapag nagsisinungaling. “At nasaan tayo? Ba’t tayo naririto?”
“We’re in my grandpa’s farm. We’ve been here before, remember? And we’re here to have fun!”
Saka niya naalala ang pagkalasing kagabi. Napatingin siya sa binata. Naalarma siya.
“I need to go back now. It’s Rhoda’s bridal shower!” galit na sabi niya.
“I know. But it isn’t her wedding yet. Pwedeng hindi ka muna pumunta doon.”
“I still need to go there!” aniyang tumaas lalo ang boses. Oo’t gusto niya itong makausap kagabi ngunit wala sa plano niya ang makasama ito sa iisang bahay sa loob ng mahabang oras.“Since when did you have the right again to decide for me?” inis niyang tanong.
Natigilan ito, halatang nasaktan. Gusto niyang bawiin ang sinabi pero hindi niya ginawa. Mabilis siyang lumabas ng silid. Hindi alintana kung wala siyang suot. May gusto lang siyang tiyakin.
“Margarette,” tawag nito. Ngunit patakbo niyang tinungo ang malaking pinto at ganon na lang ang takot na naramdaman niya nang makitang nakakandado iyon.
“Sabihin mong mali ang iniisip ko, Justin!” aniyang nagsisimula nang maghysteria. Ngunit kalmado pa rin ang ekspresyon ng kaharap.
“Mali ang iniisip mo,” anaman nito. “Halika na, naghanda ako ng almusal. Kung gusto mong magbihis, nasa tokador ang mga gamit mo.”
“Gusto ko ng umuwi!” padyak niya.
“You have to stay here.” mariing sagot nito.
Galit na hinarap niya ito. “Is that how desperate you are? Ikukulong mo ako rito? Sa palagay mo, mapipilit mo akong mahalin ka kapag ikinulong mo ‘ko?”
“Yes, I’m desperate, Marga.” Lumamlam ang mga mata nito. “I’m desperate to be with you. Kahit konting sandali lang.” Tumaas-baba ang adam’s apple nito saka napabuga ng hininga. “But that isn’t just the reason why you need to stay. Starting today, you’re under rehabilation.”
Napamulagat siya sa narinig. “No way!” Gusto niyang magwala. Nagsisisi siya kung bakit pa siya naglasing kagabi. “I only had three shots of vodka! Why should I need rehabilitation?”
Tinitigan siya nito ng matalim bago sumagot. “You tried to kill yourself last night,” nangangalit ang bagang na sagot nito. “Hindi ba sapat na rason iyan?”
Natigilan siya nang mabasa ang galit at hinagpis sa mga mata nito.
“Paano kung ayoko?” hamon niya. Napalunok siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. “And for the record, I did not try to kill myself. So I don’t need rehabilitation!” mariing sabi niya.
“Did I say you got a choice?”
“My God Justin, it’s my life! What is it to-” Hindi niya naituloy ang sinasabi dahil nanlilisik ang mga mata nito’t hinawakan ng mahigpit ang magkabilang balikat niya. Napangiwi siya sa sakit.
“What is it to me?!” sigaw nito. “Alam mo bang muntik na akong mawalan ng bait kagabi? Could you imagine how nervous I got looking at your limp body? You almost killed me with what you did!”
Pinigilan niya ang sariling mapaiyak nang mahimigan ang sobrang pag-aalala nito. “H-Hindi ko naman… Hindi-” wala siyang maapuhap na isasagot dito. Marahas siya nitong binitiwan.
“Don’t you ever do it again!” singhal nito sa kanya. “You’re gonna stay with me for a month,” magkalapat ang labing sabi nito. Tumaas-baba ang dibdib nito sa galit. “Hangga’t hindi ka bumabalik sa dati’y, hindi ka makakaalis.”
“Hindi mo ako mapipilit kung ayoko! It’s Rhoda’s bridal shower for goodness sake!”
“Sara’s gonna take care of it.”
“Sara isn’t her bestfriend! I planned for everything! You can’t ruin this! I need to go now!”
Kumalma ito. Ngunit matalim pa ring nakatitig sa kanya. “Let’s see about that.” Saka tinalikuran siya.
“I don’t need this, Justin!”
“Of course you do.” sagot nitong hindi man lang siya nilingon. “Plus, I’ll prove to you that you love me still…” anitong bahagyang nanginig ang boses. “and what you feel for-” Natigilan ito ng ilang segundo bago nagsalita. “Henrik is just an affection.”
Napipilan siya sa narinig.
“I don’t want this!” sigaw niya nang humakbang ito papalayo sa kanya.
Bigla siya nitong nilingon. “I know.” tipid na sagot nito.
Napalunok siya sa nakikitang kalungkutan sa mga mata nito. Kumalma ang pakiramdam niya pero labag pa rin sa loob niya ang nangyayari.
“I hate you.” mariin niyang sabi.
“I know.” muling sagot nito. Sa nakikita niyang determinasyon sa mga mata nito’y alam niyang wala siyang ibang pagpipilian kundi ang manatili. Napabuga siya ng hininga. Tinitigan niya ng matiim ang binata. Lalo yatang humupak ang pisngi nito’t nanlalalim ang mga mata.
“I swear you’d regret this, Justin.” aniyang walang kangiti-ngiti.
“I’m quite sure I wouldn’t.”
“If you-” aniyang dinuro ito.
“I won’t do anything to harm you,” sapaw nito. “Makakaasa ka.”
“No forced kissing.”
Umiling ito, nakatitig sa kanya.
“No malicious touching.”
Umiling din ito.
“No aggressive behavior.”
Umiling ito. “Hindi ako gagawa ng mga bagay na makakapagpasakit sa’yo. You will be under rehabilitation. It means restoring you, not destroying.” may himig na inis ang boses nito.
Hindi siya sumagot. Inirapan niya ito. Unti-unting nawala ang takot na kanina lang ay namayani sa dibdib. Tutol siya sa ginawang ito ng binata. Ngunit sa nakikita niya’y kahit anong gawin niya’y alam niyang hindi siya makakatakas. Magagawa bang malinawan ang nalilitong puso niya sa loob ng isang buwan? Ni hindi nga niya nagawa iyon sa loob ng limang taon!
Nagmartsa siya patungo sa silid. “I’m still not into this!”
Padabog niyang isinara ang silid. Saka lang niya napagmasdan ng mabuti ang ayos non, nakakalat ang damit na isinuot niya kagabi. Nandoon din ang kulambo niya. Nang mabuksan niya ang tokador, nandoon ang gamit niya sana ngayong weekend. Sumama ang loob niya nang maisip na wala siya sa bridal shower ng bestfriend. Kailangan niyang mag-isip ng paraan kung papaano makaalis dito sa lalong madaling panahon.
NAPABUNTONG-HININGA si Justin nang makapasok ang dalaga sa silid. Tumitibok na ang puso niya ng maayos. May isang bagay siyang napatunayan sa sarili sa nangyari kagabi– as long as he has Margarette, he can survive the pain of loving. He’d rather be alive and suffer than see her die. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may mangyaring masama rito. Margarette is his morphine. Hindi na niya kailangan ng kahit anong gamot para hindi maramdaman ang sakit. Dahil makakaya niya ang kahit na anong uri ng sakit basta kasama niya ang babaeng minamahal. He should’ve thought about this five years ago.
Napa-iling siya sa sarili. He almost lost his temper while talking to her. He was never that afraid in his whole life! Hindi lang niya mapaniwalaang gagawin ni Marga ang ganoong uri ng bagay. That was ridiculous! Alright, suicide is ridiculuos. Hindi na niya gagawin iyon o kahit isipin man lang. He got a month with her now. Gagawin niya ang lahat para manumbalik sa dati ang lahat.
Bumalik siya sa kusina para ituloy ang paghahanda sa mesa. Ito ang bagay na pinapangarap niya simula pa noon, noong unang marinig niya mula sa dalaga ang katagang ‘Mahal kita.’…ang pagsilbihan habambuhay ang babaing pinakamamahal niya. Masyadong maikli ang isang buwan. Susulitin niya ang bawat minutong kapiling ito. Dahil kung sa huli’y hindi siya ang pipiliin nito, kahit masakit sa sarili’y hindi na niya ito muling gagambalain pa.
0 comments: on "Half Crazy – Chapter 6"
Post a Comment