(Louise)
Nagpatuloy ang kwentuhan at tawanan. Hindi nagpahalata si Inigo na hindi sya komportable sa sitwasyon. Naghahagis din sya ng mga jokes para pagaanin ang pakiramdam nya. Paminsan – minsan ay hindi nya maiwasang sulyapan ang dalaga lalo na sa tuwing tumatawa ito at hinahampas sa balikat ang mga katabi nito.
“Spin the bottle naman tayo.” aya ni Maya na kumuha ng walang laman na bote ng beer.
“Luma na yan Maya.” sabat naman ni Hans.
“Ang sabihin mo takot ka lang na may malaman kami sayo!” kantiyaw nitong ikinatawa ng lahat. Napakamot naman ito sa ulo.
Sinimulan na ni Maya ang pagpapaikot sa bote. Kay Hans unang huminto ang bote na sya namang ikinatawa ulit ng lahat. “Consequence.” Pili agad nito.
“Sumayaw ka ng otso – otso.” Utos ni Maya na ngiting ngiti sa naisip na ipagawa dito. Nagtawanan naman sila.
“Ano? Pwede bang iba nalang?” angal nito na hindi tumatayo sa kinauupuan.
“Ay! Hindi pwede! Walang dayaan.” Nakangising sagot ni Maya. Wala namang magawa si Hans kundi sundin ang iniutos dito. Mamatay – matay silang lahat sa kakatawa dahil hirap na hirap ito sa pagsayaw ng sinabi ni Maya dahil sa tigas ng katawan. Sunod na humunto ang bote kay Maya. “Truth.” Pili nito
“Sino ang type mo dito?” tanong ni Hans sa kanya.
“Okey. Si – “ tumingin ito sa direksyon ng kinauupuan ni Inigo. “si Inigo.” Patuloy nito na ngitian ang lalaki. Sya namang ikinalaki ng mata nyang tumingin kay Maya. Tinignan din sya ng kaibigan atsaka ngumiti. Tiningnan naman nya ang lalaki ngiting ngiti naman ito kay Maya na animo’y ito rin ay interesado sa kaibigan nya. Hindi nya mapigil ang paghigit ng hininga sa inis. Ang bruhang ito kaya naman pala tuwang tuwa na si Drew ang sinagot ko dahil may gusto pala kay Inigo. Inirapan nya ng lihim ang kaibigan.
Para namang sinasadyang matapat sa kanya ang bote ng sumunod itong paikutin. Napatingin sya kay Maya. “Consequence.” sagot nya. Mahirap na kung ‘truth’ baka kung ano ang maisipang itanong nito.
“Kiss mo naman sa lips si papa Drew.” Kinikilig na utos ni Maya sa kanya. Pinandilatan naman nya ito. “Ano? Consequence lang.” Tatawa – tawa nitong sabi.
“It’s just a kiss honey. Naiinggit lang yan. Let’s give her what she want.” anitong kinabig sya at mariing siniil sa labi. Napapikit naman sya sa kabiglaan.
Hindi nya namalayan na napa – angat sya sa kanyang kina – uupuan sa kanyang nakita. Maagap naman syang pasimpleng hinawakan ni Hans sa tuhod kaya napigil sya nito. Tiim ang mga bagang sa sama ng loob. Kinikilig namang tumili si Maya, pumalakpak naman si Hans at siniko sya upang makisama. Pilit namang pumalakpak din sya at ngumiti. Si Hans ang sumunod na nagpa – ikot sa bote. Kay Inigo naman ito natapat ‘consequence’ ang isinagot nya.
“Hmm… Halikan mo sa crowd na ito kung sino ang type mo.” Utos ni Maya. Napatingin naman si Louise dito. Aba ang loka! Sumusobra naman yata! Samantalang dadalawa lang kaming babae dito. Obviously ay ito ang gustong magpahalik!
“Do I have to?” Inigo asked Maya seductively. Animo’y kristal namang kumikinang ang mga mata ng kaibigan.
“Oo naman.” sagot nitong titig na titig kay Inigo. Nagkatinginan naman sila Drew at Hans. Pigil ang hininga nyang hinihintay ang susunod na mangyayari.
Sa pagkagulat ng lahat ay lumapit ito sa kanya. At bago pa sya nakahuma ay hinawakan na nito ang kanyang baba atsaka masuyong hinalikan sa labi. Animo’y bolta – boltaheng kuryente ang dumaloy sa buong katawan nya. Para syang mauupos, nanlalambot ang mga tuhod nya at nanghihina. Pati ang mga kamay nya ay biglang nanlamig. The beer tasted so sweet on his lips, na syang nakadagdag pang lalo sa sensasyong nararamdaman nya.
Isang malakas na kalabog ang nagpawala sa huwistyo nya. And when she opened her eyes kitang kita nya kung paano bumalandra sa dingding si Inigo. He saw Drew punch Inigo’s face again. Gulat na napatayo sya mula sa kinauupuan ganoon din ang ginawa ni Hans at Maya. Agad sinakolohan ni Maya si Inigo, si Hans at sya naman ay pigil namang hinawakan si Drew. Kung hindi, isang suntok muli ang matatanggap nito. Kitang kita ang gigil na gigil na anyo ng kasintahan sa galit at ewan ba nya kung bakit bigla syang kinabahan.
“How dare you! Ang kapal talaga ng mukha mo!” tumaas baba ang dibdib nitong naghahabol ng hininga sa galit na dinuro si Inigo. “Matuto kang lumugar! You took away Joyce from me! Ngayon naman ay pati si Louise balak mo ring agawin!” pilit itong nagpupumiglas sa pagkakahawak nila ni Hans. “What kind of friend are you?” mabalasik nitong tanong.
Yuko ang ulong pinupunasan ni Maya ang dugong dumaloy mula sa nga labi nyang pumutok. Nalalasahan nya iyon, pero hindi nya maramdaman ang sakit ng pagputok niyon bagkus ay mas ramdam nya pa ang sakit ng nakikitang relasyon ng dalawa. Nanatili sya sa pagkakasadsad sa may dingding. Matalim ang mga matang sinalubong nya ang nagbabantang mga titig sa kanya ni Drew. Pinalis ang mga kamay ni Mayang pinupunasan ang kanyang mga labi atsaka marahas na tumayo at umalis. Agad syang pumara ng taxi. Hindi na sya lumaban pa kay Drew dahil alam naman nyang may punto ito. Totoong inagaw nya ang kasintahan nito dati pero ang babae ang unang lumapit sa kanya at nagpakita ng kakaibang interes. ‘Lalaki lang sya’ katwiran nya noon. Maganda ang dalaga at talaga namang mala – modelo ang katawan na kahit sinong lalaki ay hindi ito tatanggihan. Kasalanan pa ba nya kung maakit din sya rito at ang babae naman ay tuluyang mahumaling sa kanya. Pero sa bangdang huli ay nagsawa rin sya dito, masyado itong demanding at matalak pag nagagalit
kaya napagpasyahan nyang tapusin na ang lahat sa kanila.
Tandang tanda nya pa kung paanong galit na galit sa kanya ang kaibigan. Wala raw syang kwenta, hindi mapagkakatiwalaan, hindi raw sya makuntento sa kung ano ang meron sya at nang – aagaw pa raw siya ng pag – aari na ng iba at sa kaibigan pa nya at kung anu – anong masasakit na salita pa ang kanyang narinig mula rito. “Babalik sayong lahat yan sa oras na matuto ka talagang magmahal atsaka mo malalaman ang sakit ng ginawa mo dahil gagawin din sayo!” banta pa nito.
But after a year ay muli ulit silang nagkasundo, wala ng salitaan pa. Nagsimula ulit silang lumabas at lalo pang naging close. Teka? Nagkatotoo na yata ang banta sa akin ni Drew noon. Ito na kaya iyon? Aminado na siyang mahal nya nga si Louise malakas ang pakiramdam nyang may nararamdaman din ang dalaga para sa kanya. Pero ano na itong nangyayari ngayon? Gulo ang isip na ipinikit nya ang mga mata. Atsaka biglang magmulat ng may pumasok na konklusyon sa isip. May bumangong kaba sa kanyang dibdib. Drew is only making his revenge! At ginagamit nya si Louise!
“Are you alright?” inabutan nya ng tubig ang kasintahan. Kinuha naman ito iyon at ininom.
Tumango ito. “Gago talaga yang kaibigan kong yan” anito na bakas pa rin ang galit sa mukha.
“I’m sorry Drew.” Hingi naman ng tawad ni Maya rito. “Ako ang may kasalanan kung bakit gianawa ni Inigo iyon. I thought I was the one he liked” anitong yumuko.
“It’s alright Maya. Ganoon talaga ang ugali ni Inigo” malamang sabi nito.
“Papasok muna ako sa silid para makapag – usap kayo.” paalam nito.
“Mauuna na rin ako sayo pare.” paalam naman ni Hans. Tumango naman si Drew.
“Thank you ha?” pasasalamat nya rito. Hinatid naman ito ni Maya hanggang sa gate bago pumasok sa silid. Muli syang bumaling sa kasintahan ng nakapasok na si Maya.
“You don’t have to punch him.” sita nya rito na ang tinutukoy ay si Inigo. Awang – awa sya sa lalaki kanina at para syang nanghihina ng makita ang dugong tumulo mula sa pumutok nitong labi.
Salubong ang mga kilay na tiningnan sya nito. “Bakit?”
“Anong bakit?” kunot – noo naman nyang balik tanong dito. “Magkaibigan kayo for Pete’s sake! Bakit kailangan nyong mag – away ng dahil lang dyan?” naiinis sya rito, ng dahil lang sa maliit na bagay ay kailangan nilang mag – away. Lalo namang nagdilim ang anyo nito sa kanyang sinabi. Marahas sya nitong hinawakan sa magkabilang braso. Napangiwi sya sa sakit. “Bitawan mo nga ako.”
“Bakit? Nasarapan ka ba sa halik nya? Isn’t my kiss enough for you honey?” anitong lalo pang hinigpitan ang paghawak sa kanyang mga braso. Napangiwi sya sa sakit.
“A-aray! Ano b-ba!” nanghihina nyang pilit na pinawawalan ang mga braso sa pagkakahawak sa kanya.
“Bakit kapag sa akin pumapalag ka?” gigil na tanong nito. “Samantalang kulang na lang ay bumigay ka kay Inigo sa isang halik lang?”
“D-rew na-nasasaktan a-ako..”
“I’ll show you kung sinong masmasarap humalik sa amin!” anitong sinibasib ang kanyang mga labi ng halik. Halos madurog ang kanyang labi sa diin niyon naipikit nya ang mga mata sa sakit. Pilit syang nanlaban subalit hawak nito ang mga braso nya. Itinutulak nya itong pilit pero hindi ito natitinag tila bakal ang mga kamay nito hinapit pa ang kanyang beywang at ipinasok ang isang kamay nito sa loob ng kanyang blouse sa likuran. Napadilat sya, lalong sumidhi ang kagustuhang makawala rito. Gumapang ang mga kamay nito patungo sa isa sa kanyang mga dibdib. Doon na sya lalong nagwala, ubod ng lakas nya itong tinuhod. Napasigaw ito, doon lang sya nito binitawan his hand on his crotch. Hindi pa sya nakuntento, matapos ang ginawa ay isa pang malakas na sampal ang ibinigay nya rito. “How dare you! Akala ko matino ka iyon pala’y kapareho ka rin ng iba!” naghahabol ng hiningang sigaw dito atsaka nya nilayasan.
He cannot believe what he saw. Pagkadating na pagkadating kasi nya sa bahay ay nagdesisyon syang bumalik kila Louise para sabihin dito ang kanyang hinala. Pero nasorpresa sya sa kanyang nakita, mula sa may bintana ay kitang kita nya ang paghahalikan ng dalawa. Kaya’t nagbago ang kanyang isip at umuwing muli. Pakiramdam nya’y para syang sinabugan ng bomba sa kanyang nakita. Nagkagutay – gutay ang bawat parte ng kanyang katawan at huminto sa pagtibok ang kanyang puso. Bakit ba sa lahat ng maari nyang makita ay ang eksena pang iyon. Tila ito isang commercial na paulit – ulit sa kanyang isip. Para syang mauubusan ng hininga, nanginginig ang mga kamay nya at nanlalamig ibig na ibig nyang komprontahin si Louise pero anong sasabihin nya? Na nagseselos ako? It’s bull shit! Alam na alam naman nyang wala syang karapatang magselos. Humugot sya ng isang malalim na buntonghininga. Desidido na sya, he need to speak to her and warn her about Drew. Hindi hihinto ang kaibigan hangga’t hindi sya nito talagang nasasaktan. And
that includes Louise.
“I really can’t believe him Maya! All along I thought he respects me tapos – tapos –” hindi nya mapigil ang muling paghagulgol. Hindi sya makapaniwalang magagawa iyon ni Drew sa kanya.
“It’s just normal na magalit sya sayo, in the first place, girlfriend ka niya. At hindi nakapagtatakang magalit sya kung makitang halikan ka ng iba.” paliwanag nitong hinahagod hagod ang likod nya.
“You don’t understand! Sinaktan nya ako. Para syang isang hayop at that time.” Hikbi pa niya.
“I understand my dear. I perfectly understand him.”
“What?” takang tanong nya rito. Hindi nya maintindihan ang ibig sabihin nito. Tiningnan nya ito sa mata. “D- don’t tell me may gusto ka rin kay Drew?” sisinghot singhot nyang tanong rito. Maya smiled. Tumayo ito atsaka lumipat sa kama nito.
“Ano ka ba? Wala noh! Kahit naman nuknukan ng gwapo at macho iyang si Drew eh wa ko type. Masyado syang gwapo for me dahil masyado na akong maganda for him.” may kaartehang sabi nito. Napahagikgik sya. “Hay salamat naman at tumawa ka rin.”
“But I don’t understand. What do you mean?” aniyang patuloy pa rin ang paghikbi.
“Sino ba namang boyfriend ang hindi mapra – praning seeing her girlfriends’ reaction being kissed by another guy.” Ipinaikot pa nito ang mga eyeballs.
“Reaction? Why what’s my reaction?” aniyang inaalala kung paano sya nag – react.
“My God Lou! You looked like you’ve been enchanted! Daig mo pa ang natuka ng ahas! Kung hindi pa sinuntok ni Drew si Inigo ay hindi mo pa mararamdaman ang nangyayari!” eksaheradong sabi nito. Ganoon bang itsura ko? Hindi naman siguro. piping sabi nya.
“Bakit? Masarap ba talagang humalik?” her friend said mockingly.
“H –ha?” she stammered. She look at her, naghihintay ito ng sagot o anumang reaksyon sa itinanong nito sa kanya. As if she’s very eager to know what she really feels. Hmm… masarap. Parang nakalutang. “Ano? Hindi ka na nakaimik dyan, siguro nasarapan ka ano?” tanong ulit nito na tila nanunuri ang mga mata nakatitig sa kanya.
“Teka lang! Ini –estimate ko nga kung masarap eh!” palusot nya. Sandali syang kunwa’y nag – isip. “Hmm… pwede na. Hindi naman ako ipokrita.” amin nya.
Hindi naman nakaligtas sa kanyang tingin ang pag – ikot ng eyeballs ng kaibigan. “Hindi mo na ba talaga gusto si Inigo?” muling tanong nito. “Base kasi sa mga nai – kwento mo sa akin wala syang kwentang lalaki, mayabang! makapal ang mukha! babaero! Iyon bang tipo na hindi mo na muli pang gugustuhin?” patuloy pa nito na tila may tinutumbok.
“A –ah.” tanggi nya. “Tama na ang isang sakit ng ulo –teka, diretsahin mo na nga ako,” aniyang pinakatitigan ang kaibigan, umiwas naman ito ng tingin. Pero muling nagbawi at tinignan din sya. “May gusto kang talaga kay Inigo?” tila naman nasukol ang kaibigan sa kanyang itinanong. Isang nangingiming ngiti ang sumilay sa mga labi nito atsaka marahang tumango. Kaya naman pala napakaraming tanong, interesado palang talaga akala ko joke lang. Para namang biglang sumama ang pakiramdam nya sa narinig subalit hindi nya iyon ipinahalata rito, bagkus ay ngumiti pa sya. “Sabi ko na ng ba eh! Alam mo friend, kahit wala kang sinasabi sa akin, matalas ang pakiramdam ko” tukso pa nya rito.
Alanganin naman itong ngumiti. “Hindi ka ba nagagalit sa akin?”
“At bakit naman ako magagalit sayo? Bakit? May pinatay ka ba?” biro pa nya. Aray. Wish ko lang sana wala syang gusto sayo. Bigla nyang nahiling.
“So, kung sakaling ligawan nya ako– okey lang sayo?” Humirit pa! Hindi pa nga nangyayari nag – aasume na! She smiled sarcastically.
“Walang problema!” aniyang tumayo mula sa pagkaka – upo sa kama atsaka tinungo ang banyo. Hmp! Eh ano ngayon kung sakaling ligawan ka? Pakialam ko. Balato ko na sayo tutal marami na akong suitors. Mahinang usal nya.
Parang tinatambol ang kanyang mga dibdib habang palapit sa tinitirhan ni Louise. Nakapagdesisyon na syang sabihin pa rin dito ang maaring pakay ni Drew. Bahala na. Sana kahit papaano maniwala. Alam nyang impossible itong maniwala hindi nya alam kung bakit pero nararamdaman nya pa rin ang galit ng dalaga sa kanya. Isang libong beses na nga yata nya itong pinag – isipan, at ngayong nasa harapan na sya ng tarangkahan ng gate ay tila naman bumabahag ang buntot nya. Here goes nothing. Piping usal nya, he held his breath and press the doorbell.
Sakto namang palabas ng bahay si Maya. “Maya –”
“Oy, musta?” pinagbuksan sya nito. “Tuloy ka.” anitong pumasok sa loob at iginiya sya sa sala. “Upo ka, I’ll get you something.” sandali itong umalis at nagtungo sa kusina. Inilibot naman nya ang paningin. Hanggang sa natutok ang paningin nya sa mga albums na nasa ilalim ng center table. Kinuha nya ang isa, ngunit bago pa man nya iyon mabuksan ay dumating na si Maya tangan ang isang baso ng ice tea.
“Napadalaw ka?” nakangiti itong umupo sa tabi nya atsaka dumekwatro. Isinoli nyang muli ang album sa pinagkuhanan. Sa pagyuko ay hindi inaasahang mapatingin sya sa hita nito. Nakasuot ang dalaga ng maiksing shorts na denim, kita ang mga hita nitong bilugan at flawless bagama’t morena ang babae ay hindi naman nya masasabing hindi maganda ang nakikita nya.
“Mag – isa ka yata?” aniya ng mapunang wala roon si Louise.
“So, you’re looking for Louise then.” She said disappointedly. Bago pa sya makapagsalita ay nagsalita itong muli.
“Pauwi na rin yun.” iniabot sa kanya ang hinanda nito. “Uminom ka muna and let’s talk while waiting for her.” para namang sinasadyang yumuko ito para kumuha ng magazine sa ilalim ng center table nakita nya tuloy ang malulusog nitong kayamanan dahil sa suot nitong plunging neckline na blouse. Napalunok sya. Hindi naman nito binasa ang naturang magazine kundi binuklat buklat lang.
“Matagal na ba kayong magkakilala ni Louise?” maya – maya’y tanong nito na tumingin sa kanya. He cleared his throat.
“Yah.”
“Napakaikli mo namang sumagot.” She said smiling sweetly na pasimpleng ipinatong ang kamay nito sa hita nya. He felt uneasiness.
“Our families were friends maybe that’ll answer your curiosity.” Matipid syang ngumiti. Napansin nya ang pag – urong nitong lalo sa tabi nya.
“Oh, I see.”
“I guess you and Louise have been friends for so long,” she smiled. “Siguro naman ay may nai – kwento na sya sayo.”
“About you?” she said mockingly. Ngayon naman ay marahan nitong pinaglalaruan ang kanyang buhok. Para syang biglang nanigas. Kung hindi lang nya kailangang hintayin si Louise para maka – usap ay gugustuhin na nyang tumakbo palabas ng bahay na iyon. Oo nga at maganda si Maya, makinis ang morena nitong balat na pantay – pantay yata ang kulay, and all her curves are in the right places. But what the heck! She’s pretty all right but she’s not my type! Not my type at all! “She never told me about you.” anitong halos bumubulong sa tainga nya. “So I figured out that I’ll find it out myself.” anitong ipinilig ng dalaga ang ulo nya paharap sa mukha nito. Mataman nitong tinitigan ang mga labi nya pagkatapos ay lumipat sa mga mata. “Don’t you want to find out something about me too?” He was about to refuse what she was trying to say subalit hinalikan na sya nito. And as a man it brought heat to his body, he answered her kisses back. She started opening the buttons of his polo followed by her lips. A groan came out of him. Out of pleasure she murmured Louise’s name. That stop Maya. She look at him. Animo’y hindi nito inaasahan ang kanyang narinig. Sya namang pagbukas ng pinto.
“Oh my God!” gulat na natutop ni Mrs. Algueda ang kanyang mga bibig sa kanyang nakita. Sa likod nito ay ang nabigla ding si Louise. Nanghihinang napahawak ang matanda dito tutop na ngayon ang kanyang dibdib. “I –I ca – an’t b-breath.”
Para namang nanigas na hindi agad nakagalaw si Maya at si Inigo. Parehas itong nakatingin sa matandang papanawan na ng malay.
“What are you waiting for!” galit at histerical nyang sigaw sa dalawang animo’y natuka ng ahas. “Lola! Lola!” aniyang pilit na binubuhat ang tuluyan ng pinanawan ng malay na matanda. “Dammit Maya! Don’t just stare there! Help your gran!” sigaw nya sa kaibigang hindi pa rin kumikilos. Tila naman noon lang ito natauhan at dali – dali itong lumapit sa matanda at tinulungan itong i – upo sa sofa.
Mababakas ang pagka – shock sa mukha ng mga ito. Si Inigo ay nakanganga pa rin. “Inigo! Call an ambulance!” taranta nyang sigaw dito. Mabilis naman itong tumalima. Ilang sandali pa’y dumating na ang ambulansya.
“What happened?” histerical na tanong ng mommy ni Maya na ngayon ay nasa ospital na rin. Hindi naman sumagot ang kaibigan nanatili itong nakayuko. Kaya sa kanya ito bumaling.
“Anong nangyari Louise?”
“Inatake po si Mrs. Algueda.” Tipid nyang sagot.
“I know but how di –” naputol pa ang iba pang sasabihin nito ng lumabas na ang doktor na sumusuri sa matanda. Agad namang lumapit dito ang ina ng kaibigan.
“Don’t worry, she’s stable now. She had a mild stroke. Mamaya lang ay pwede na syang ilipat ng silid. Sa ngayon ay hayaan muna natin syang magpahinga.” paliwanag ng doktor.
“Thank you doc.”
“I’ll go ahead I still have patients to attend to.” paalam nito na tinapik na mahina ang balikat ng ginang.
0 comments: on "I Love You Long Before – Chapter 6"
Post a Comment