SHARE THIS STORY

| More

Aien’s Romance - Chapter 09

(Nadinekyut)



“NABALITAAN ko ang tungkol sa inyo nung Aien na iyon.”

Bahagya lang ang pagkagulat ni Adley sa salitang binitiwan ni Dalia. Kabababa lang niya kay Allie sa crib nito. Matangkad si Allie kumpara sa edad nito na isang taon at dalawang buwan. Kitang-kita ang pagiging magkamukha nila. Habang tumatagal ay lalo niyang minamahal si Allie.

“Ano ngayon?” walang ganang sagot niya dito.

“Bakit ka nakikisama sa babaeng iyon? Anong balak mo kay Allie?” inis na wika nito.

“Huwag ka na magkunwari Dalia. Alam kong hindi si Allie ang inaalala mo kundi ang sarili mo. Matagal mo na ako gustong makasama,” Naiinis na rin siya dito at hindi niya tinago iyon.

“So? May magagawa ka ba kung gamitin ko si Allie? Baka nakakalimutan mo, hinding-hindi mapupunta sa ‘yo ang custody ni Allie kahit nasa birthcertificate niya ang pangalan mo. Kahit saang korte ka pumunta, sa akin pa rin si Allie. Kung si Allie lang ang paraan para mapasaakin ka, well, gagamitin ko na siya.”

“Damn you Dalia! What do you want from me?!” galit na sikma niya dito.

“Alam mo na kung anong gusto ko Adley. Pakasalan mo ako at mahalin. Matagal ko na sinabi sa ‘yo, I’ll make you mine someday.”

Pagkasabi niyon ay umalis na ito. Naiwan siyang nagpupuyos sa galit dahil sa sinabi nito. Inamin na nito kung gaano kasama ito. Napakakapal ng mukha. Si Allie ang ginagamit nito para makuha ang gusto nito.

Totoo ang sinabi nito na wala siyang laban sa custody ng bata. Wala silang mahigpit na ebidensya na maaaring magdiin dito sa pagiging pabayang ina. May trabaho ito. At least, employed ito. Bihira ito pumasok at wala namanng ginagawa sa opisina. Basta na lang ito binigyan ng posisyon sa kumpanya ng ama nito.

“MAGPAKASAL na tayo Aien. Kahit sa huwes lang muna. Basta makasal na tayo para wala nang maging habol si Dalia,” wika ni Adley kay Aien.

“Pero sigurado ka ba diyan? Hindi natin alam kung anong gagawin ng parents natin kung sakali. Kilala ko si daddy, itatakwil niya ako kapag ginawa natin iyan,” alalang tugon niya sa binata.

“Wala tayong ibang magagawa. I don’t want to lose you. Please Aien, magpakasal na tayo para maalis na ang pangamba sa dibdib ko.”

Tinitigan niya ito. Marahil ay naiiipit na talaga ito. Alam niyang nahihirapan na ito sa sitwasyon nila. Siya man ay iyon ang nararamdaman. Ayaw niyang makitang nahihirapan at nasasaktan ito, pero ano nga ba ang magagawa niya? Hindi niya alam kung paano lulutasin ang lahat. Ayaw niya na kamuhian siya ng daddy niya, pero ayaw niya mawala si Adley sa kanya.

Alam niyang mali ang ginagawa nila, pero hindi sila maaaring sumuko. Mahal nila ang isa’t-isa. Gustuhin man niya ay hindi niya kayang umiwas at tumalikod dito. Ito ang buhay niya, ang mundo niya. Hindi niya alam kung paano mabubuhay ng wala ito.

“Okay. When, where and how? Secretly?”

“Ganoon na nga. Saka na natin ipapaalam sa iba kapag tapos na ang kasal natin. Tatawagan ko yung kakilala ko na isang judge. Itatanong ko kung kelan at saan puwede.” Mukha itong nabunutan ng tinik. Ngumiti ng tipid sa kanya.

“Okay. Just tell me. Kinakabahan pa rin ako pero may tiwala ako sa ‘yo. Alam kong ipinag-isipan mo muna ito. Kung ganoon ang desisyon mo, sigurado akong makakabuti sa ating lahat iyon.”

ADLEY immediately called his friend’s father. Ito ang naisipi niyang maaaring magkasal sa kanila ni Aien. Since matagal na niya kaibigan ito at ang pamilya nito, nasisiguro niya na maiintindihan nito ang kalagayan niya.

Ang totoo, hindi niya sigurado kung tama ang gagawin nila. Taliwas sa sinabi ni Aien, hindi niya iyon pinag-isipan ng maigi. Bigla na lang nag-pop sa isip niya ang ideyang iyon dahil hirap na hirap na siya sa sitwasyon nila. Ayaw niyang mahirapan at masaktan si Aien. Nalilito na siya sa tinatakbo ng mga pangyayari. Isa lang ang sinisiguro niya. Hindi niya hahayaan na magulo ni Dalia ang relasyon nila ni Aien.

“Sigurado ka na ba talaga Adley? Ano na lang ang sasabihin ng pamilya ninyo?” tanong ng tito June niya.

“Sigurado na po tito. Bahala na kung paano namin sasabihin kila daddy. Ang mahalaga ay makasal kami ngayon. I can’t afford to lose her.”

“Eh ang anak mo, paano? Inisip mo ba kung anong mangyayari sa kanya pag nagpakasal ka.”

Hindi siya nakasagot. Napaisip siya bigla. Hindi niya inalala si Allie nang magdesisyon siya.

“Gagawin ko ang pabor na hinihigi mo, pero bilang tito at kaibigan mo, hindi ko gusto ang desisyon ninyo. Hindi mo sinaalang-alang si Allie sa ginawa mo. Anak mo siya at dapat ay isipin mo ang maaaring mangyari sa kanya.”

“Basta nakapagpasya na po ako tito. Saka ko na iisipin kung ano ang gagawin ko kay Allie. Ang mahalaga lang ngayon ay makasal kami ni Aien sa lalong madaling panahon.”

Pagkatapos niya kausapin ang ninong niya ay tinawagan agad niya ang mga kaibigan niya. Tanging malalapit sa kanila ni Aien ang tinawagan niya at binilin na huwag ipagsasabi sa iba ang sikretong pagpapakasal nila. Ayaw niyang mapurnada ang pinaplano nila.

Naupo siya sa gilid ng kama. Paano na si Allie? Pagkatapos ng gagawin nila, ano na ang mangyayari sa anak niya? Ano ba ang maaaring kahantungan ni Allie. Natatakot siya para sa anak niya pero natatakot din siya para kay Aien. Ayaw niya itong iwan.

Shit! Ano ba? Ano ba? Tama ba ‘tong gagawin ko?

Nahilamos niya ang palad sa mukha. Malaki ang problema niya at hindi niya magawang solusyunan ngayon. Naiinis pa rin siya dahil wala siyang maisip na paraan para masiguro ang kalagayan ni Allie kung magpapakasal sila ni Aien. Pero kung hindi sila magpapakasal ay si Aien naman ang hindi niya mabibigyan ng kasiguradhan.

NAKAGAYAK na si Aien. Maganda ang puting bestida na suot niya. Kahit simpleng-simple iyon ay bagay naman sa kanya at lalong lumitaw ang magandang hubog ng katawan niya. Sinuot niya ang sapatos niya at kinuha ang purse niya.

Nanalamin siya bago tuluyang lumabas ng silid niya. She look gorgeous. Maganda ang mga mata niya ngayon. Mukhang blooming na blooming siya.

Lumabas siya ng bahay at sumakas sa kotse niya. Sa venue na sila magkikita ni Adley. Excited at kinakabahan siya. Masayang-masaya siya na sa wakas ay magiging opisyal na asawa na siya ni Adley. Matagal na niyang inaasam iyon. Ngayon ay matutupad na ang pangarap niya na maging mag-asawa sila. At unti-unti nilang bubuuin ang isang masayang pamilya. Isang masayang future.

DAHAN-dahang nagmulat ng mata si Adley. Iyon ang araw ng kasal nila ni Aien. Magkikita sila sa courthouse mismo. Alam niyang nang mga sandaling iyon ay gising na ang dalaga, pero pinigilan niya ang sarili na abutin ang cellohone niya upang tawagan ito at kamustahin.

Nag-iinat pa siya ng katawan nang biglang may maulingan siyang umiiyak. Bigla siya napabalikwas ng bangon. Noon lang niya naisip na hindi alarm ang nakapagpagising sa kanya kundi iyak. Iyak ng bata. Si Allie!

Mabilis niyang nakita ang crib sa sulok ng silid niya. Hindi niya alam kung paano napunta doon si Allie. Wala naman siyang naramdaman pumasok sa silid niya. Baka naman masyado lang mahimbing ang tulog niya. Pero bakit dinala doon si Allie? Bakit biglang pinasok sa silid niya ang mga gamit ni Allie? Ano ba ang nangyayari?

Tumayo siya at nilapitan si Allie. Kukunin na sana niya ito mula sa crib nito ngunit napahinto siya. Nahagip ng paningin niya ang isang paper na nasa ulunan ni Allie. Sulat kamay iyon ni Dalia.

You’re going to lose your son if you marry that woman! Go ahead Adley, leave your son to me! Dalhin mo sa kunsensya mo habangbuhay ang pag-iwan mo sa anak mo! Alam mo naman kung anong kaya kong gawin hindi ba?!

Inis na inis siya kay Dalia. Parang gusto niya sakalin ito. Paano ba nalaman nito na magpapakasal na siya? Damn! Sira na ang plano niya ngayon. Ano pa ba ang gagawin niya? Gusto niyang manakit ng tao ngayon. Sukdulan na ang galit niya sa babaeng iyon!

Patuloy sa pag-iyak si Allie kaya kinuha na niya ito sa crib upang patahanin. Agad naman itong tumigil sa pag-iyak. Nakilala agad siya nito.

“Daddy,” mahinang wika ng inosenteng bata.

Nakatitig lamang ito sa kanya habang subo ang hintuturo. Lumambot ang puso niya habang pinagmamasdan ang kanyang anak. Sa pakiwari niya ay kinakausap siya ni Allie sa pamamagitan ng mga mata nito. Parang nagmamakaawa ito sa kanya na huwag niya iwan ito.

Nahahapong napaupo siya sa gilid ng kama niya. Hindi niya kaya. Hindi niya kaya na iwan si Allie. Hindi niya kayang iwan ito kay Dalia. Alam niyang kakawawain lang ni Dalia ang anak niya. Nang muli niyang tignan si Allie ay halos mapaiyak siya. Nginitian siya nito.

Ang sama niya para hindi isaalang-alang ang anak niya. Nagdesisyon siya ng hindi iniisip ito. Binalewala niya ang sarili niyang anak. Anong klaseng ama ba siya? Bakit niya nagawa iyon? Inosente si Allie. Wala itong kinalaman sa kalokohan niya. Wala itong kasalanan sa mga kamalasang dumarating sa kanya. Hindi dapat ito madamay sa mga kaguluhan nila. Walang pang kamuwang-muwang ito.

NAGMAMANEHO na si Aien papunta sa courthouse nang biglang tumunog ang cellohone niya. Wala sana siyang balak sagutin iyon pero nang masulyapan niya ang pangalan sa screen ay kinuha niya agad iyon. Si Adley ang tumatawag sa kanya.

“Hello honey. Papunta na ako. Nasaan ka na?” masayang bungad niya dito.

Hindi ito kumibo. Naririnig lang niya ang paghinga nito.

“Hello? Honey? Okay ka lang ba?” Kinakabahan na siya. May ideya na siya kung anong mangyayari.

“I can’t do it Aien. Hindi ko kayang pabayaan si Allie,” mukhang hirap na hirap ito base sa tinig nito.

Hindi niya pinansin ang paghihirap na nabanaag niya sa boses nito. Mas nangibabaw sa kanya ang sakit na dulot ng mga sinabi nito. Itinabi niya ang kotse at saka umiyak.

“Honey please, huwag na kanam umiyak oh. Gagawa pa rin ako ng paraan,” pagsusumamo nito.

“Gagawa ng paraan? Anong paraan?! Anong klaseng paraan?! Kailan pa Adley?! Kailan pa?!” sigaw niya dito.

Pinatay niya ang cellphone niya pagkasabi niyon. Napahagulgol na siya. Pinaghahahampas niya ang manibela. Inis na inis siya. Hindi niya alam kung kanino magagalit. Sa sarili niya, kay Adley o kay Allie. Alam niyang bata lang si Allie at walang kamuwang-muwang ito. Pero hindi niya mapigilang sisihin ito sa kamiserablehan niya.

Bakit ba kailangan pa dumating si Allie? Bakit ba pinanganak pa ito? Bakit hindi na lang siya ang mommy ni Allie? Kaya niya alagaan at tanggapin si Allie. Kaya niya mahalin si Allie. Pero hindi siya maaaaring maging mommy nito.

Naiinis siya sa sarili dahil pinaasa niya ang sarili niya. Akala pa naman niya ay siya na ang pipiliin ni Adley. Lalo niyang naramdaman kung gaano kahalaga dito si Allie at siya ay pangalawa lang. Hindi siya ang priority! Hindi siya ang pinakamahal!

PAGDATING ni Aien sa bahay ay naabutan niya ang kanyang ama doon. Hindi siya umuwi agad matapos niya makausap si Adley. Naglakad-lakad siya sa mga lugar kung saan nandoon ang masasayang ala-ala nila ni Adley. Binalikan niya ang mga lugar kung saan naramdaman niya ang pagmamahal nito.

Umaasa siya na kapag ginawa niya iyon ay mararamdaman niya muli na mahal siya nito. Para kasing ayaw na maniwala ng puso niya sa sinasabi nitong pagmamahal. Parang suko na siya sa pag-aasam dito. Pakiramdam niya ay wala na silang patutunguhan.

Ito na naman ang isang pang sakit ng ulo! Buwisit! Wala na akong napala ngayong araw kundi kunsumisyon!

“Bakit nandito ka dad?” walang ganang tanong niya dito habang nauupo sa sette. Nasa study room sila.

“Alam mo ang pininta ko Aien. Hiwag ka magtanga-tangahan,” galit na wika nito.

“Hindi ko magagawa iyon dad. Hindi ko siya kayang iwan.”

“Choose Aien. Ang pamilya mo ang lalaking iyon!” sigaw nito sa kanya.

Pinantayan niya ang pagtaas ng boses nito. “You can’t do that!”

“You know I can! And I will!”

“Sino ba ang pinagmamalaki mo dad? Yung panganay mong walang utak? Yung pangalawa mong anak na bata pa, napakalandi na? O yung kakambal ko na irisponsable at gastadora? Sino?!” sagot niya dito.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Narinig niya ang pag-iyak ng kanyang ina na nakatayo sa pinto ng study.

“Sige dad. Ibigay mo sa kanila ang pinagkamamahal mong kumpanya para mawala sa ‘yo ang pinaghirapan mo.”

“Huwag mo akong tatakutin Aien. Kaya kong kunin ang lahat sa ‘yo. Kahit sarili mong pera ay kaya kong kunin. Sino ba ang pinagmamalaki mo? Yung Adley na ‘yon? Isang lalaking lintik na hindi ka magagawang pakasalan kahit kailan?!”

Sukat sa sinabi nito ay napahagulgol siya. Ano ba ang ginagawa niya sa sarili niya ngayon? Pinaglalaban niya ang isang lalaki na hindi siya kayang piliin. Ipinagpapalit niya ang pamilya niya para sa isang lalaki na tinalikuran siya para sa anak nito na mahal na mahal nito.

Tagos hanggang sa puso niya ang sinabi ng kanyang ama. Kahit ano ang gawin niyang pag-aasam ay hindi siya mapapakasalan ni Adley dahil kay Allie. Dahil mahal nito ang anak nito. At siya ay mananatili na lang na pangalawa sa anak nito. Wala siyang pinanghahawakan. Walang kasiguraduhan ang mangyayari sa kanya sa piling ni Adley.

“Iakyat mo muna siya sa kuwarto niya. Hayaan mo siya makapagpahinga,” narinig niyang wika ng kanyang ama sa kanyang ina. Wala na ang galit sa tinig nito. Punong-puno na iyon ng awa at lungkot.
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

0 comments: on "Aien’s Romance - Chapter 09"

Post a Comment