SHARE THIS STORY

| More

Half Crazy – Chapter 9

(Calla)


NANANAKIT ang buong katawan ni Marga pagkagising niya. Pagmulat ng mga mata niya’y bumungad sa kanya ang mukha ni Justin na nakatunghay sa kanya. Gusto niyang matawa sa ekspresyon ng mukha nito. Puno ng pag-aalala ang mukha, parang nagbabantay ng taong maysakit.

“Good morning,” aniya rito. Ngumiti ito, pinapanood ang bawat galaw niya. “Okay ka lang?” takang tanong niya. Pinupog siya nito ng halik sa buong mukha.

“Justin,” kunwa’y angil niya.

“Brunch in bed,” anito.

Napatingin siya sa wall clock. Mag-aalas onse na pala. Inalalayan siya nitong makasandal sa headboard ng kama at inilagay ang tray ng pagkain sa harapan niya. Kumalam ang sikmura niya nang makitang may french toast, egg, ham, fresh fruits at orange juice. May rose pang nakalagay sa tray. Tiningnan niya si Justin. Kinikilig siyang hindi niya mawari. Hinayaan niyang subuan siya nito. Ganon na lang ang saya nitong pagsilbihan siya. At ganon na lang ang saya ng pakiramdam niya.

Ni wala siyang maramdamang pagsisisi sa nangyari kagabi. Hindi lang siya makapaniwala na sa daming beses na hiniling ni Justin iyon sa kanya noon, ngayon niya napiling ibigay na hindi na sila magkasintahan. Nararamdaman niya sa kaibuturan ng puso na lumalim lalo ang pagtingin niya rito.

“Ano’ng iniisip mo?” tanong nito habang pinagmamasdan siyang kumakain. Lumunok muna siya bago nagsalita.

“Ikaw… saka ako,” sagot niya.

Napa-isip ito ng saglit, gumuhit ang pagkabahala sa mukha. “Nahihirapan ka ba sa iniisip mo?”

Napaisip siya saka tiningnan ito. “Medyo.”

Ginagap nito ang palad niya’t hinalikan iyon habang nakatingin sa kanya. “Huwag ka munang mag-isip.” Ngumiti ito ng pilyo. “Baka mapano si baby. Ulo pa lang yung nagagawa natin. Mamaya yung kamay naman.”

Natawa siya’t natampal ang balikat nito.

Nakatitig pa rin ito sa kanya. May sinabi itong sobrang bilis na hindi niya naintindihan.

“Ano?”

Inulit nito iyon, mas mabilis. Nakangiti ito habang pinapanood ang clueless na ekspresyon niya. Saka dahan-dahan nitong inulit ang sinabi na sa bawat pagbigkas nito’y damang-dama niya ang emosyon ng bawat salita. “I love you. I love you. I love you.”

Nanuot sa puso niya ang sinabi nito. Dahil damang-dama niya iyon. Niyakap niya ito ng buong higpit. Gusto niyang sabihing mahal niya rin ito ngunit pinigilan niya ang sarili. Dapat makasiguro muna siya sa nararamdaman.

“Thank you, Justin…” aniyang pigil ang pagsungaw ng luha. Ipinapangako niya sa sariling kailanman hindi na ito sasaktan.

“I should thank you, Marga. You are my morphine. You soothe my pains away and I get euphoria everytime I’m with you. Hindi ko na kailangan ng kahit ano basta nandito ka sa tabi ko.”

Sa pagkakataong iyon, dinig niya ang malakas na sigaw ng puso. Si Justin ang mahal niya. Mula noon hanggang ngayon. Sa kung papaanong paraan at may epekto sa kanya ang pinsan nito’y hindi niya alam. Marahil dahil sa si Henrik ang klase ng lalaking dinadambana ng halos lahat ng kababaihan. He’s every woman’s dream. The exact opposite of Justin. Si Justin ang tipong barumbado, walang modo at rough and rugged ang dating samantalang si Henrik yung tipong gentleman, may disposisyon sa buhay, magalang at Mr. Nice guy yung personalidad. Mabait si Henrik sa kanya at ang madalas nilang pagsasama’y siyang dahilan ng pagkahulog ng loob niya rito. Bagay na hindi natanggap ng sarili niya kaya pinili niyang lumayo sa dalawa.

Ngayon ay unti-unti nang lumilinaw ang lahat sa kanya. Si Justin ang mahal niya. Si Justin ang gusto niyang ibigin habambuhay. Pero naroroon pa rin ang takot sa dibdib niyang masaktan ito. Mahal na mahal siya ni Justin. Hindi ang isang katulad niya na marupok ang nararapat dito. Ngunit kahit na ganoon, alam niya sa sariling hindi niya gustong mawalay dito. Lalo na ngayong tinuruan siya nito kung paano magmahal ng tunay sa kabila ng sakit na dulot ng mga bagay na hindi nila kontrolado.

But she has to make sure hindi siya maapektuhan kay Henrik. She had to see him again. At kapag wala na siyang maramdaman, tatanggapin na niya ang alok na kasal ni Justin.

Napukaw siya sa pag-iisip nang magsalita si Justin. Hindi niya nakuha ang sinabi nito kaya tinanong niya ulit.

“Sabi ko, kapag may nagawa akong kasalanan, mapapatawad mo ba ako?”

Nilunok niya ang kinakain. “Ano’ng klaseng kasalanan ba ‘yan?”

“Malaki.”

Tiningnan niya ito, inaarok kung nagbibiro lang ba ito. Seryoso ang mukha nito kaya ginagap niya ang kamay nito.

“Wala naman sigurong kasalanan na walang kapatawaran, di ba?” Magsasalita pa sana siya nang biglang bumukas ang pintuan ng silid. Napatili siya’t mahigpit na napakapit kay Justin nang tatlong lalaking may dalang armas ang bumungad doon.

“Walang gagalaw!” sigaw ng isang lalaki.

Nahintakutan siya nang ilang kalalakihan ang naroon at nakatutok ang baril sa kanila Kaagad na iniharang ni Justin ang katawan sa kanya.

“Affirmative! It’s Justin Camara.” anang isang pinakamalapit sa kanila’t mabilis na hinablot ang binata at pinaluhod at pinosasan ito. Mas lalong nasindak si Marga.

Nagtangkang pumiglas si Justin pero sinikmuraan ito kaagad ng malaking lalaking kaharap nito. Panay ang lingon nito kay Marga. “Don’t touch her.” nangangalit ang bagang na sabi nito.

“Don’t touch her!” sigaw ni Justin.

“Wait! Ano ‘to?!” ani Marga na tila mawawalan ng bait. May dalawa pang pumasok at nakatutok ang baril sa kanila.

Mabilis na pinakitaan siya ng NBI ID ng lalaking huling pumasok. “Chief Investigator Romualdo Torres.”

“No! You’re mistaken!” agad na sabi ni Marga. Bigla’y umandar ang utak. Ba’t ba hindi nila naisip na maaaring ipahanap siya ng mga kapamilya niya? Unti-unti siyang nabunutan ng tinik. “This is all wrong! I wasn’t kidnapped! Kusa akong sumama sa kanya.”

Kumunot ang noo ng imbestigador. “Kung maari’y sumama ka na rin sa amin sa presinto, Miss.”

Napalis ang ngiti niya sa labi. What are they arresting Justin for?

“Justin Camara,” anang lalaking may hawak sa kasintahan. “Hinuhuli ka namin sa salang pagpatay kay Rhoda Santillan.”

Tila namilog ang ulo niya sa narinig.

“Rhoda?”gulat na tanong Justin.

“Sumama ka ng mapayapa sa amin.”

“I didn’t kill anyone!” piksi ni Justin habang patuloy ang paglingon kay Marga.

Hindi makapaniwala si Marga. Nanghina ang tuhod niya sa narinig. “R-Rhoda?” aniyang tila mabubuway sa mga sandaling iyon. Napatingin siya kay Justin na pinagtulungan dalhin ng mga pulis. Kinakain ng matinding takot ang dibdib niya sa mga oras na iyon.

“Marga, I did not do it!” sigaw nito ngunit hinatak na ito papalabas. “Margarette!” sigaw nito.

“Kinakailangan namin ang pahayag mo sa presinto, Miss Romero” ani Chief Torres.

Unti-unting lumambong ang paningin niya. Kasunod noon ang pagtangis niya’t malakas na hagulhol. “Rhodaaa!!!” sigaw niya.

TILA nauupos na kandila si Marga matapos siyang i-cross examine ng mga pulis. Ikinuwento niya ang lahat ng nalalaman niya. Simula sa naaalala niya nung gabing nalasing siya hanggang sa magising siya sa hacienda ng mga Camara at kung papaano siya nanatili doon sa loob ng isang linggo kasama si Justin. Napatunayan ng mga ito na wala siyang kinalaman sa pangyayari kaya pinayagan siya ng mga ito na umuwi. Pero tulala pa rin siya habang nakaupo sa presinto. Hindi niya alam kung anong gagawin. Ni hindi niya alam kung ano ang iisipin.

Rhoda’s dead… Rhoda’s dead! Muling nag-uumalpas ang luha sa pisngi niya. Parang hindi niya makakayanan ang lahat ng pangyayari. Rhoda was murdered and Justin’s in prison.

Ito ba ang kasalanang gustong ipagtapat ni Justin sa kanya? Ganun na lang ang lakas ng pag-iling niya. Justin couldn’t kill anyone! Lalo na si Rhoda. She’s her bestfriend. And she knew he’ll never do anything that will break her. She’s sure about that!

Muling tumindi ang pag-iling niya nang maalala ang sinabi ng NBI agent na nag-imbestiga sa kanya. Kung anong klase ang pamumuhay ni Justin sa America. He was into drugs. Pabalik-balik sa rehab dahil naging dependent ito sa morphine. He’s an addict. At may ebidensiya silang magpapatunay na naka-drugs ang binata nang gabing maganap ang krimen. Bakit hindi man lang niya namalayan ang mga bagay na iyon kay Justin?

Ang mas mahirap tanggapin, halos lahat ng ebidensya sa pagkamatay ng matalik na kaibigan ay si Justin ang itinuturo. Nanginig siya nang sinabi kung papaano namatay ang kaibigan. She had a cerebral hemorrhage. Ang malakas na pagpalo ng matigas na bagay sa ulo nito ang dahilan niyon. Bagay na patuloy pa ring iniimbestigahan hanggang ngayon. Napatunayan din nila na si Justin ang huling kausap ng biktima nang gabing mangyari ang karumaldumal na pagpatay. Ipinakita din ng mga ito ang larawan ng hotel suite ni Justin ilang oras bago maganap ang krimen.

Magagawa ba ni Justin ang pumatay? Pakiramdam niya hinihiwa ang puso niya. Ano ba ang paniniwalaan niya? Nayakap niya ang sarili’t muling napahagulhol.

Bigla’y naramdaman niyang may pumisil sa balikat niya. Nakatunghay sa kanya ang naghihirap na mukha ni Henrik. Lalong tumindi ang sakit na nararamdaman ng dibdib niya’t hindi niya magawang pigilin ang pag-iyak. Niyakap siya nito at inalo. Hinayaan siya nitong umiyak sa mga bisig nito.

“I’ll take you home,” anito.

Umiling siya. Sumisigok na nakatingin sa seldang kinaroroonan ni Justin.

“Non-bailable ang case ni Justin, Marga.”

Impit siyang humikbi. Nang itinayo siya nito’y wala siyang nagawa kundi ang magpatianod. Halos wala ng lakas ang mga paa niya. Habang tumatagal lalo siyang nanghihina. Naramdaman niyang umangat ang paa niya sa lupa, binuhat siya ni Henrik papunta sa sasakyan nito. Halos hindi na niya mamalayan ang nangyayari. Hapong-hapo ang pakiramdam niya. Kusang pumikit ang namimigat na talukap niya.
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

22 comments: on "Half Crazy – Chapter 9"

Anonymous said...

may kasunod pa po ba 2?

Anonymous said...

anu b naman...bakit wala ung chapter 10,11 at 12...di tloy alam ung ending..nkakainis

Chix said...

nakakainis nmn lahat na lng ba putol?

Anonymous said...

bakit putol.. ka badtrip naman...

shiya said...

walang kasunod?

bitin. ganda pa amn. :))

Anonymous said...

BITIN NGA...PLS... DUGTUNGAN MO NA PO

Anonymous said...

bt putol? haayy nkakabitin nman mganda pa nman ang kwento ◙

Anonymous said...

Hey! pakidagdagan na po ung story :) as soon as possible. Bitin eh! Were curious here .

Anonymous said...

Can you please update it ? were so much interested.
:) Bitin naman kasi.

Anonymous said...

Nice one...gusto ko ang plot, maraming question mark..keep up!

Anonymous said...

where's the next chapter?kakabitin maganda pa naman sana ang story..hahay..

Anonymous said...

asan na ang kasunod?

Unknown said...

Di na po ba kayo nag-a-update? Sayang nmn.. I love reading this but it's inc. :( I'm hoping for the next chapter and new stories.=)

Anonymous said...

asar naman ang ganda ganda tas wala nmng endin...hmfff

Anonymous said...

kaya cguro walang ending dahil hindi na cla mka kopya sa iba..pansinin nyo ung ibang story halos puro comment ninakaw daw sa kanila ung story...

Anonymous said...

kaloka wala yung chapter 10 and soon!

Anonymous said...

waaahhhh kbitin...please update "HALF CRAZY" ASAP

Anonymous said...

bakit walang kasunod na chapter?akala ko panaman e nasa chapter 9 na yung ending....bitin nman...kailan kaya ang kasunod?????

Anonymous said...

...,hai badtrip bkt bitin!ang ganda n ng storya ehh..nxt chapter plzzzz.....

Anonymous said...

..bkt gnun 'hnggang chpter 9 lng wla ung iba and the ending 'ganda na sana 'ai kbd3p tlga

Anonymous said...

..bkt gnun 'hnggang chpter 9 lng wla ung iba and the ending 'ganda na sana 'ai kbd3p tlga

Post a Comment