(Nadinekyut)
ILANG araw pa siyang naghintay. Ilang beses pa siyang sumubok na tawagan si Adley. Ilang text pa ang pinadala niya dito. Siguro nga ang tanga niya. Malinaw na nitong pinaparating sa kanya ang naging desisyon nito pero hindi pa rin siya tumitigin. Palihim pa rin niya itong minamahal.
Alam naman niya na dapat na siyang sumuko. Hindi nga lang niya alam kung papaano. Ilang gabi na siyang umiiyak. Napagtanto niya kung gaano kahirap magkunwari. Kung gaano kahirap ngumiti habang wasak na wasak ang puso.
Sabado ng gabi iyon. Hindi siya pumasok dahil masama ang pakiramdam niya nang magising siya kaninang umaga. May hang over siya at pakiramdam niya ay tatrangkasuhin siya. Pagkainom niya ng gamot ay natulog siyang muli. Nang magising siya ay maayos na ang pakiramdam niya.
Gamit niya ang loptop at nagtitingin siya ng email niya nang may makapukaw ng interes niya. Isang email mula sa taong nagngangalang ‘shanon’ ang natanggap niya. Binuksan niya iyon at ang tanging laman lang ay ang messenger address ng taong iyon. Dala ng kyuryosidad ay kunuha niya ang nakalagay na messenger address nito at inimbita sa messenger contacts niya.
Agad na nag-PM ito sa kanya. Nagulat pa siya sa sinabi nito.
Shanon_004: Hey bitch!
Da_Ing@Tu_Yo: Huh?
Da_Ing@Tu_Yo: Who you?
Shanon_004: Mang-aagaw! Hindi ka na nahiya sa ginagawa mo. May anak na yung tao, pinapatulan mo pa! Wala ka ba talagang delikadesa? Alam mong may pananagutan na sa iba, nilalandi mo pa! Ganyan ka ba talaga kakati?!
Da_Ing@Tu_Yo: Ahhh…
Da_Ing@Tu_Yo: Nice meeting you Dalia…
Da_Ing@Tu_Yo: Anyway, wala akong masasabi sa ‘yo kundi, goodluck…
Shanon_004: Pokpok ka! Malandi! Nakakahiya ka!
Da_Ing@Tu_Yo: Alam ni Adley na hindi totoo ‘yang pinagsasasabi mo kaya wala akong makitang dahilan para magpaliwanag sa ‘yo. Baka ikaw ang pokpok. Pinikot mo lang si Adley. Pinipilit mo siyang pakasalan ka at pati si Allie ginagamit mo. Halos magmakaawa ka na. Pati magulang ni Adley pinapaikot mo. Desperada.
Shanon_004: Hindi ko siya pinipilit. At kahit tanungin mo pa ang parents niya, hindi ko sila pinapaikot o kung ano pa man. Mahal ako ni Adley. Hindi ko na kailangan gamitin si Allie. Hindi ko kailangan magmakaawa.
Da_Ing@Tu_Yo: Ows… really?
Shanon_004: Kung mahal ka niya, bakit hindi ka na niya tinawagan o t-in-ext man lang? Bakit hindi na siya nagparamdam sa ‘yo? Bakit nandito siya sa amin ngayon kasama si Allie. Ayaw niya lumuwas ng Bulacan dahil ang tanga-tanga mo daw. Ipinagdidiinan na sa ‘yo na hindi ka mahal, pero ang manhid mo pa rin. Hindi na niya alam kung paano ka iiwasa pag nandiyan siya sa maynila.
Shanon_004: Loser! Nakakaawa ka! You’re such a loser.
Da_Ing@Tu_Yo: Hindi ako naniniwala sa ‘yo. Hindi mo siya kayang paligayahin. Mula pa ng ipagbuntis mo si Allie, ipanganak mo siya, hanggang sa lumaki siya, hindi ka nagawang mahalin o ipagmalaki man lang ni Adley. Tapos ngayon sasabihin mong mahal ka niya. Diba nga, ayaw niyang ipaalam sa ibang tao na sa kanila ka nakatira. Ayaw niya malaman ng iba na may anak siya sa ‘yo.
Shanon_004: Damn you! Ako ang mahal ni Adley! Ilusyonada ka masyado! Ginamit ka lang niya! Gusto lang niya makuha ang virginity mo!
Bigla siyang natigilan sa sinabi nito. Batid niyang nawalan ng kulay ang mukha niya. Para siyang tinakasan ng lakas. Matagal na niyang iniisip na may posibilidad na hindi siya nito minahal.
Shanon_004: Kung mahal ka niya, ipaglalaban ka niya ano man ang mangyari. Pero nagawa ka ba niyang ipaglaban? Hindi diba? Kasi ako ang totoong mahal niya. Kami ni Allie ang mahalaga sa kanya at hindi ikaw. Pinaglaruan at ginamit ka lang niya.
Da_Ing@Tu_Yo: Talaga? Eh bakit hindi siya ang magsabi niyan sa akin? Bakit ikaw ang nagsasalita para sa kanya?
Shanon_004: Ahh… gusto mo sa kanaya mismo manggaling? Sige. Maghintay ka at tatawagan kita. Ibigay mo sa akin ang number diyan sa bahay n‘yo ay sa kanya mismo manggagaling ang gusto mong marinig.
Ibinigay niya ang phone number niya dito. Hindi naman nagtagal ay tumawag ito sa kanya.
“Oh ito si Adley, kausapin mo!” pabulyaw na bungad sa kanya nito.
Nakasisiguro siya na galit na galit ito, base sa boses at pagsigaw nito. Naririnig niya si Allie na umiiyak at pinapatahan ni Adley. Nagsisisigaw si Dalia habang pinipitit si Adley na abutin ang telepono at kausapin siya.
“Tumigil na kayo! Umiiyak na si Allie! Tama na yan!” sigaw ni Adley.
“Kausapin mo ‘tong babaeng ‘to! Sabihin mo! Sabihin mo sa kanya!” sigaw ni Dalia.
“Tama na! Ano ba kayo! Taman na ‘yan! Tumigil na sabi kayo!”
Nakinig lang siya sa pagtatalo ng dalawa. Ramdam niya ang paghihirap ng kalooban ni Adley. Nawala ang lahat ng pag-aalala niya na hindi siya mahal nito. Ramdam na ramdam niya ang bigat ng dinadala nito habang pinakikinggan niya ito.
Hindi nito masabi sa kanya. Hindi nito masabi na hindi siya mahal nito. Alam niyang mahal siya nito. Kaya hindi nito madiretso sa kanya na pinili nito si Allie. Tama. Si Allie ang pinili nito. Kahit mahal siya nito ay si Allie ang pinili nito. Si Allie pa rin ang mas mahalaga.
Okay lang iyon. Basya alam niya na minahal din siya nito. Basta alam niyang naging mahalaga din siya dito. Alam niyang naghihirap ang puso nito at nasasaktan din ito gaya niya. Hindi niya kayang sisihin ito sa lahat ng nangyayari. Hindi niya kayang kamuhian ito kahit sinaktan siya nito. Dahil mahal niya ito.
Mahal na mahal niya si Adley. Kahit nasasaktan siya ay patuloy pa rin niya ito mamahalin. Kahit hindi nito matutugunan ang pagmamahal niya kailanman.
PWEDE ba tayo magkita? Gusto lang kita makita kahit sa huling pagkakataon. I want to hug you and kiss you for the last time. Gusto ko lang na marinig ang boses mo. One last time, Adley. Please.
Pagkatapos ipadala ang text na iyon sa binata ay muli niyang hinarap ang trabaho. Pinilit niya mag-concentrate. Kahit durog na durog ang puso niya ay pinilit pa rin niya kumilos ng normal. Hindi niya gustong ipakita sa iba ang kasawian niya. Miserable siya pero pinipilit niya pagtakpan iyon.
Hanggang sa gumabi at makauwi siya sa bahay ay wala siyang natanggap na reply mula dito. Napaiyak na naman siya. Ganoon na ba talaga sa ka-walang halaga dito? Talaga bang wala na siya kahit katiting na puwang sa puso nito?
I’ll wait for you at the mall where we first met. Sa restaurant kung saan tayo nag-celebrate ng unang anniversary natin. Three days from now, exactly five in the evening.
Iyon ang mensaheng pinadala niya dito. Hindi niya sigurado kung sisipot ito o hindi. Ang alam lang niya ay nakasisiguro siya na maghihintay siya dito magdamag.
EKSAKTONG tatlong araw matapos ipadala ni Aien ang text message kay Adley. Sunday ng gabi iyon.
Nagbihis siya at naghanda sa pag-alis. Sinipat niya ang sarili sa salamin. Casual wear lang ang suot niya dahil ang restaurant na sinabi niya ay simpleng restaurant sa mall lang. Simple pero napakaraming ala-ala.
Nang makarating siya sa mall ay sinipat niya ang relo niya. She over slept. Dalawang oras na siyang late sa usapan nila. Naglakad siya papunta sa restaurant. Malapit na siya pero napahinto siya bigla. Nakita niya itong naglalakad palabas ng restaurant. Hindi ito sa direksyon niya pumunta kundi sa kabilang direksyon kaya hindi siya nakita nito. Tinanaw lang niya ito habang naglalakad papalayo.
Pero hindi pa ito lubos na nakakalayo ay lumingon ito muli. Maraming tao kaya hindi siya napansin nito. He turned around and walk back towards the restaurant. Pumasok ito sa loob at naupo. Muli itong naghintay sa kanya.
Wala na siyang pakialam sa mga tao sa paligid. Basta umiyak siya ng umiyak. Bakit ba ganoon ito? How can he choose someone else over her when he loves her so much that he can’t even leave. How can he be so stupid?
Pinagtitinginan na siya ng mga tao mula sa loob ng restaurant. Salamin lang ang dingding ng restaurant. Nakatayo siya malapit sa dingding na iyon kaya kitang-kita siya ng mga kumakain sa loob na may tinatanaw habang umiiyak. Napatingin si Adley sa direksyon niya. Tumayo ito at lumapit sa kanya.
Nang makalapit ito sa kanya ay niyakap siya nito. Parang wala silang nakikita sa paligid. Niyakap lang siya nito habang umiiyak siya.
NANG mahimasmasan si Aien ay dinala siya ni Adley sa isang mas pribadong lugar. Nasa pad sila ng binata. Hindi iyon kalayuan mula sa mall na pinanggalingan nila. Mula pag-alis sa mall hanggang pagdating sa pad ay wala silang imikan. Naupo sila sa couch at saka tahimik na nakiramdam sa isa’t-isa.
Siya ang unang nagsalita. “Halata naman na nagdesisyon ka na. but I deserve to know, right?”
“I have no choice. Naipit na ako. I had to do it. Ayoko gawin iyon pero kailangan. I’m really sorry.”
“Pakakasalan mo siya? Iyon na ba ang talaga ang desisyon mo?” Masokista nga siguro siya dahil alam na naman niya ang sagot doon at sigurado siyang masasaktan siya pero tinanong pa rin niya ito.
“Kasal na kami. Sa huwes. Noong isang araw.”
Napaiyak na naman siya. Nag-unahan sa paglandas sa kanyang pisngi ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Mas gusto na niyang mamatay ngayon kaysa ipagpatuloy ang pag-uusap. Parang sinaksak ng kutsilyo ang kanyang piso. She’s bleeding inside. And there’s no way he would see that. Hindi nito makikita kung gaano kasakit ang ginawa nito sa kanya. Hindi sapat ang luha niya upang ipaalam dito kung anong klaseng paghihirap ng kalooban ang dinaramdam niya ngayon.
“Masaya ka ba sa naging desisyon mo?”
Matagal na walang imik ito. Kahit hindi ito magsalita ay alam na niya kung ano ang sagot nito.
Umiiyak na rin ito nang muling magsalita makalipas ang ilang sandali. “I’m sorry Aien. Wala akong nagawa. I’m really sorry. Kung tayo talagang dalawa para sa isa’t-isa, darating ang araw at magiging tayo. Gagawa ang dyos ng paraan para maging masaya tayo balang araw.”
“Hindi na darating iyon. Namili ka na. Nakapagdesisyon ka na. Ito na ang huli. Lets move on. Tapusin na natin ito ng tuluyan. Tama na Adley. Magkalimutan na tayo.” Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Pinipilit niya magsalita kahit nahihirapan na siya dahil sa paninikip ng dibdib niya. Ang hirap magpigil ng iyak. Parang sasabog ang puso niya sa sobrang bigat ng kinikimkim.
“Hindi ko magaga iyon Aien. Mahal na mahal kita. Makikibalita ako tungkol sa ‘yo. Aalamin ko pa rin ang mga mangyayari sa buhay mo.” Tumingin ito ng diretso sa kanya.
Tinignan niya ito bago muling magsalita. “Mas lalo tayo masasaktan. Mas lalo tayo mahihirapan. Panindigan mo ang desisyon mo. Make the most out of it. We’ll survive without each other. Though not as happy as we can be if we’re together, at least we’ll make it through.”
“Basta aalamin ko ang lahat ng nangyayari sa ‘yo. Susubaybayan ko pa rin ang magiging buhay mo. Hanggang doon lang ang magagawa ko. Hindi kita makakalimutan. Hinding-hindi ko makakalimutan ang pagmamahalan natin.”
Nang maghiwalay sila ay pareho silang umiiyak. She hugged and kissed him one last time. And she finally said goodbye. Sa kahuli-hulihang pagkakataon, binanggit niya ang pangalan nito at narinig niyang binanggit nito ang pangalan niya. Hanggang sa humakbang ito palayo sa kanya ay hindi niya nagawang bitiwan ang kamay nito. She kissed his hands before letting go.
Pinalaya niya ang lahat ng sakit. Ang hirap na nararamdaman niya habang papalayo ito. Now he’s finally living. Forever. He would never turn back. He would never look back at her. No matter how much she wants to run to him, she cant. All she can do let go.
Napakasakit para sa kanya ang makitang unti-unti itong lumalayo. Unti-unting nawawala. At tuluyan nang mawawala sa kanya. Mahirap pero kailangan niya tanggapin. Hindi na magiging kanya ang lalaki kahit kailan. Mamahalin na lamang niya ito sa kanyang panaginip. Iingatan niya ito sa puso niya kahit malayo na ito sa kanya. Dahil katulad ng sabi niya sa sarili niya. Wala siyang ibang gustong makasa sa buhay kundi ito. At kung wala na ito, wala na siyang makakasa. Mag-iisa na lang siya. Kaysa may makasamang iba na hindi naman niya kayang mahalin at pag-alayan ng buong pag-ibig niya.
Nangako siya sa sarili na aalisin ang sakit sa puso niya pero hindi ang pagmamahal para sa binata. Alam niyang hindi niya magagawang limutin ang lahat ng masasayang ala-ala nila. Alam niyang habangbuhay niyang dadalhin sa puso ang pagmamahal niya dito. Nakasisiguro siya saan man siya magpunta ay babaunin niya ang pag-ibig na pinagsaluhan nila. Kahit magkahiwalay na sila, patuloy pa rin sila magmamahalan.
27 comments: on "Aien's Romance - Chapter 12 (END)"
ang lungkot naman..
I hate this story it makes me cry:(
grabe,parang ayaw kuna ytang magbsa d2, mrating sad ending,, shit i hate this feeling....
hmmmp..ending nayun...hmmmp..
nakakainis n ending naman 2.....
hai, kakasad naman. nakakaiyak ;((
sd nmn....nxt tym nmn
ano ba yan ! parang All i need by erin lng! wla bang hindi bitin dito??
Awww.... it makes my tears fell down... How sad & very touching story.. :((
pangit nman ng ending...lgi nlng bitin ska hindi happy ending...dpat sila ang ngmmahalan sila dpat ang ngkatuluyan..msama nman c Dalia bat di nlng sinama s kwento n namatay sya pra free n sila...di nman ata true story to diba kya pwede nman isama s imahinasyon yun pra nman kiligin ang ngbbasa at mging happy ending ang istorya.
gravehh aman hnd ko kaya na hnd umiyak sa story na tooooo:((
hnd happy ending kundi SAD endinq hayssssss
ang pangit nmn ng ending ..haysss ang sakit ng nangyari kay aien..:(
maganda sana..nakakaiyak....kaso pngit ng ending.....bakt hindi nmaty si dalia..masama nmn sya eh,... sya pa yung nagwagi sa huli..nakakainis....
Ay pangit ng ending ^^
ay!bad,,,,sakit naman ng ending hindi ko gusto naiiyak ako at di ko matanggap ang ending
parang hate ko ang writer kasi dalawang story na ang nabasa ko puro sad ang ending
parang ayoko ng magbasa
uu nga ang pangit ng ending,, kaya lang kasi ganyan atalaga ang nagyayari sa totoong buhay....
kastresssssssssssss!!!! i hate this......ang pangit ng ending my geeedddd! pwd ma offend?
aray ang sakit ganito tlaga ang love kayanga takot akong umibig kaya i just play boys :(
...hmpf ang pangit ng ending.....xana wla na ako uling mababasang kwento na ganito...exited pa naman ako sa una pero im dissapointed in the ending.......
nasaan ang ending??? :( :(
ay ang pangit ng ending!!!!!!!!!! :(
i wish i dont read it beacause i"am dissapointed !!!! the ending i dont like it nakakainis lang maganda ang unang chapter but the ending !!! pangit....... :(
HAIXT..
-ganda nmn n2..laht kc nam novel nah nabxa cuh puro hapi ending...
,nd nmn kc laht nam taong nag mamahalan ai mai hapi ending,.... tnx xa taong nag sulat n2..more power n' god bless u puh..
Ai ang pangit ng ending ..mas nice f hapii ending :-(
Ai ang pangit ng ending ..mas nice f hapii ending :-(
Post a Comment