(Kaven)
First day of class ni Danielle sa isa sa mga kilalang University, first year sya sa kursong BSECE. Six am pa ng umaga ay gising na siya dahil alas syete y medya ang una niyang klasi. Kinakabahang papasok siya sa school dahil hindi n’ya alam kung saang building siya pupunta. Wala siyang kakilala rito ni isa man. Ang kanyang pinsan kasi ay ibang kursong kinuha kaya naman iba rin ang building nito.
“Miss” tawag sa kanya mula sa likuran nya kaya naman agad-agad siyang lumingon. Isang magandang babae ang nakangiti ang tumawag sa kanya.
“Pwedeng magtanong?” sabi nito.
“Huh?” ganting tanong niya rito. Hindi na siya hinintay nito na O-moo at lumapit ito.
“Alam mo ba kung saan ‘tong room na ito? Hindi ko kasi mahanap eh.” Ipinakita nito ang admissions slip sa kanya.
“Ah eh, pareho pala tayo ng room eh” sabi nya rito na may ngiti sa labi. “Sorry miss kasi hindo ko rin alam eh. I’m just new here.” Nakita niyang bahagyang nadismaya ito pero nakangiti pa rin.
“Talaga? Classmate pala tayo. By the way, I’m Sam, Sammantha Perez” pakilala nito sabay lahad ng kamay nito.
“I’m Dan, Danielle Lex Rodriguez” sabi niya habang tinanggap niya ang palad nito.
Masaya siya dahil may nakilala na siyang bagong kaibagan. Magaan ang loob niya rito kasi naramdaman niya na mabait ito.
“Wow, pareha pala tayong panlalaki ang pangalan ah” puna nito habang nakangiti. “I’m sure na magkakasundo tayo” paninigurado nito sa kanya kaya naman napatawa silang pareho. “Halika na nga, sabay na tayo sa paghahanap ng room natin baka malate tayo” anyaya nito at sinang-ayunan naman niya.
“Sam! ‘Yon yung classroom natin oh.” sabi niya sabay turo.
“Oh, thanks God at nakita na rin natin. Kakapagod kaya maghanap.”
“Oo nga. Halika na, baka meron ng teacher.”
“Wait”, pigil nito sa kanya. “Hihintayin ko muna ang kuya ko, susunod nalang ako.”
“Ha? May kuya ka dito?” tanong niya rito na parang gulat na gulat siya.
“Oo. Nakakatawa ka naman para kang gulat na gulat na may kapatid ako” natatawang sabi nito.
“Hindi naman. Kasi kung may kapatid ka dito bakit hindi ka nagtanong sa kanya kung saan ang room mo?” paglilinaw niya. Napansin niyang nagulat ang magandang nitong mukha sa sinabi nya pero deneadma nalang niya ito .
“Oo nga ano? Well, we are not living on the same house kasi nandoon siya nakatira sa condo unit nito. Hindi ko na kasi natanong sa sobrang excited ko na pumasok sa school. Oh my, bakit ‘di ko ‘yon naisip?” sabi nito.
“Ahh, kaya pala.”
“Sam!” tawag ng isang tinig na nagpalingon sa kanila.
“Kuya” sagot naman ni Sam. Habang paparating ang lalaking sabi ni Sam na kuya nito ay tinitigan nya ito. Hindi maikakailang kapatid nga ito ni Sam dahil pareho sila ng mga mata. Gwapong-gwapo ito tingnan sa suot na tshirt lang at pantalon. Matangkad din ito na akalaing mong basketball player. Hindi niya maitago ang paghanga niya rito pero pinigil niya ang sarili. Naglakas loob siyang tingnan ito nang mabuti dahil hindi naman ito tumingin sa kanya. Mas gumwapo pa ito nang nakita niyang ngumiti ito. Hindi niya napaghandaan ang pagtingin nito sa kanya at alam niyang huling-huli siya nito na nakatitig. Nahalata siguro nito ang pamumula niya kaya tumingin uli ito sa kapatid.
“Here!” sabi nito sabay lahad ng pera kay Sam.
“Oh! thank you kuya” nangingiting sabi ni Sam sabay yakap sa kapatid. “Thank you for waking up early. I forgot to bring my wallet because I’m so excited here in the University. And I missed you na. hehehe!”
“Sus, hindi ka rin bolero ano! Kung hindi rin lang kita namiss ay ‘di ako nagmamadali na pumunta rito” sabi naman nito na may ngiti sa labi.
“Oh, by the way kuya, this is my new friend” nahihiyang sabi nito kasi parang nakalimutan ata na andyan siya. Pero nakita niya sa mga mata ni Sam ang kislap nito na parang may ibig sabihin pero di na nya ‘yon pinansin.
“Hi, I’m Dean Evan” pakilala nito sabay lahad ng kamay nito.
“I’m Danielle Lex Rodriguez, Dan for short. Nice meeting you” pakilala niya at tinanggap ang pakikipagkamay nito. Hindi niya mawari ang kaba habang nagkalapat ang kanilang mga kamay. Hindi naman siya gan’un kapag may magpapakilala sa kanya. Agad-agad niyang kinuha ang kamay niya na parang napaso. Para siyang tanga sa ginawa niya. Tumigil ka nga Dan! Para kang praning. sita niya sa sarili. Nahalata niyang hindi pa rin ito umiiwas ng tingin sa kanya kaya ganu’n nalang ang pag-init ng kanyang pisngi.
“Hay nako kuya, stop looking at her. She is blushing” panunudyo ni Sam na nahalata siguro ang pamumula niya kaya sinabihan nito si Dean.
“Oh, I’m sorry” bawi naman nito.
“No, it’s o-okay” nauutal niyang sabi.
Kriiiiiiing
Whew! Saved by the bell. Sabi niya sa sarili. Mabuti nalang at time na.
“O sige na kuya at papasok na kami sa klase namin. Thank you pala sa baon ko.”
“No prob little sis. By the way, what time is your vacant? We will have lunch together, my treat.” sabi nito.
“Hmmm, tamang-tama at may lunch break ako” sabi naman ni Sam.
“Isama mo na rin niyang kaibigan mo. Just text me if you’re free” sabi nito habang nakatingin sa kanya na nakangiti. Binaliwala niya ‘yon at hinarap si Sam.
“Tara na Sam. Late na tayo.” sabay talikod niya.
“Ok” sang-ayon naman nito.
Three hours ang kanilang klasi pero 9am palang ay dinismiss na sila agad ng kanilang teacher pagkatapos nilang mag-introduce sa kanilang sarili at binigyaan pa sila ng mga dapat bilhin. Hindi niya alam kung saan siya pupunta dahil 11:30 pa ang susunod na klase niya. Mabuti nalang at niyaya siya ni Sam na magsnack. Agad naman siyang sumama rito dahil hindi nga niya alam kung saan siya pupunta.
Habang papunta na sila sa sa bakanteng mesa ay hindi lingid sa kaalaman niya na maraming nakatingin sa kanila. Bukod kasi kay Sam na maganda talaga itong tingnan ay sa kanya rin ang mga ito nakatingin. Maganda nga siya pero wala pang boyfriend. Hindi nga makapaniwala ang mga kaibigan niya noong nasa highschool sila na wala pa siyang boyfriend. Maraming nanliligaw sa kanya noong highschool pa siya ngunit ni isa ay wala siyang sinagot at lahat ay takot sa barkada niya. Hindi sa pinagbabawalan siya ng kanyang mga magulang kundi ayaw niya talaga. Ayaw niyang may magkakagusto sa kanya dahil naiilang siya. Pero kung may nanliligaw sa kanya ay sinasabihan niya lang ang mga ito na “walang talo-talo”. Kaya naman hindi nalang nila itinuloy ang balak. Lahat ng nanligaw sa kanya ay naging kaibigan naman niya. Buti nalang hindi sila galit sa kanya. Maraming naiinggit sa kanya dahil sa lapitin siya na mga lalaki at kabarkada pa niya ang mga gwapong lalaki. Natatawa nalang siya sa mga babaeng naiinggit sa kanya. Bagamat maganda siya ay simply lang siyang manamit parang lalaki parating nakamaong pants at tshirt lang. Hindi siya maarte at higit sa lahat ay hindi siya mahilig sa sosyalan. Sa mga school activities lang siya sumasali dahil compulsory iyon gaya ng mga acquaintance party from 1st year to 4th year highschool. Nakapagsuot lang yata siya nang dress ay noong JS Prom nila. Naalala pa niya kung gaano namangha ang kanyang mga classmates at kabarkada pagkakita sa kanya. Hindi makapaniwala sa kanilang nakita. Isa-isa itong nakipagsayaw sa kanya animo’y debut niya. Simply lang naman ang kanyang dress na kulay pula pero hapit na hapit sa kanyang katawan na ikinaganda nito. At dahil doon ay nakita nang mga ito ang kanyang likas na ganda. Namiss niya talaga ang mga kaibigan niya. Natigil lang ang kanyang kaiisip ng may sinabi si Sam sa kanya.
“Anong sabi mo?” tanong niya dito dahil hindi niya narinig ito.
“Ang sabi ko, maraming nakatingin sa ‘yo.” ulit ni Sam sa kanya.
“Ha? Baka naman sayo. Hayaan mo nalang sila” sabi niya na totoo naman.
“Well, maiba ako. Taga saan ka Danielle?” tanong nito.
“Dan nalang, mas sanay akong tawaging Dan eh.” nakangiti niyang sabi. “I’m from Surigao but naghighschool ako sa Cebu. I lived at my grandparents house.”
“Bakit naman?”
“‘Coz nagmigrate na ang parents ko sa Australia at iba ko pang kuya. Dalawa nalang kami rito sa Pilipinas ng isa ko pang kuya” paliwanag niya rito. “Oh, ikaw naman. Taga sa’n ka?” tanong naman niya rito.
“Hmmm, since the day I was born ay dito na ‘ko sa Manila nakatira.”
“At –……” magtatanong pa sana siya nang may biglang tumawag kay Sam. Napansin niyang marami ang nakakakilala kay Sam. Siguro nga dahil taga rito lang ito at baka mga classmates ito ni Sam noong high school. Nalungkot siya nang maalala ang mga kaibigan. Hindi niya namalayan na nandoon pala ang kuya ni Sam, kasama ng mga lalaking na sa tingin niya ay mga varsity players. Tama nga ako, basketball player pala ito.
“Hi kuya! Hi Jacob” bati nito.
“Ouch Sam, sila lang ba ang babatiin mo?” tanong ng isang player na kunwari ay nasaktan sa ‘di pagbati sa kanya.
“Hay naku! nagpapapansin na naman si Sherwin. Huwag na kasing umasa na sasagutin ka pa ni Sam” sabat naman nang isa pang player na ibinuking si Sherwin. Nagkatawanan ang mga ito sa pagbubuking ng kanilang kasama. Hay, naalala na naman niya ang barkada.
“Heh! Tumigil kayong dalawa dyan” biro naman ni Sam sa kanila habang nakatingin ito sa lalaking nagngangalang Jacob na bahagya lang ang tawa.
“Sam, hindi mo ba kami ipapakilala sa maganda mong kaibigan?” putol ni Sherwin na nakahalata sa presensiya niya.
“Ay! Oo nga pala, this is Dan. Dan, these are my brother’s teammates.” pakilala nito sa kanya.
“Dan? Cool, panlalaki ang pangalan mo ah. Astig” sabi ni Sherwin sabay lahad ng kamay nito. “Hi nice meeting you. I’m Sherwin”.
“Over ka naman, mas cool nga iyang pangalan mo e” ganting biro naman niya rito habang iniabot ang kamay ni Gerald. “Actually, Danielle talaga ang pangalan ko” sabi niya habang pilit niyang kunin ang kanyang kamay mula rito. Nahalata siguro nito ang pagtutol niya dahil matagal nitong binitawan ang kamay niya. Nang napatingin siya kay Dean ay nakita niyang nakakunot-noo itong tumingin kay Sherwin. Galit ba ito dahil sa inasal ng kaibigan sa kanya o imagination lang niya ‘yon. Hindi na niya pinansin ang nakita niya kasi busy na siya sa pakikipagkamay sa mga bagong kakilala. Masaya siyang sumasagot sa bawat tanong na ibinato nila sa kanya pero nanghinayang siya dahil ni isa mang tanong ay hindi man lang nagtanong si Dean. Hindi ba interesadong makilala siya ng mokong nato? tanong niya sa sarili. Naiinis siya dahil tahimik lang itong nakikinig sa IPod nito. Nang may isang magandang babae ang dumating at niyakap ito. Hindi siya mawari sa nakita niya. Parang kinurot ang kanyang puso na akala mo’y nagseselos siya. Hindi! Hindi ako nagseselos. Bakit naman ako magseselos sa kanya, e ngayon ngayon lang kaya kami mgkakakilala. sita niya sa sarili. Napapraning na ako! dagdag pa niya
“Hi ate Cath, musta na? ‘Di ka na pumupunta sa bahay ah. Nagtatampo na si Mommy sa’yo” excited na sabi ni Sam na mukhang namimiss na nga ang babae.
Mabuti nalang at time na at may maidadahilan siya para lumayo sa mga ito. Ipinakilala muna siya sa magandang babae na nagngangalang Cath. Akala niya na ay maldita ito pero nagkamali siya. Gaya ni Sam ay mabait din ito. 3:30 palang nang hapon ay tapos na ang kanyang klase. Natapos ang araw niya na masaya dahil sa mga bago niyang kaibigan at dahil na rin parati niyang nakikita sa malayo si Dean. Hindi niya maikukubli na crush nga niya si Dean pero hindi niya pinapansin ang damdamin dahil ang akala niya na may kasintahan ito at ‘yon ay si Cath. Hindi na siya nakasama kay Sam nang magyaya ito na maglunch kasi maglulunch din sila nang kuya niya.
“KUYA!” tawag sa kanya nang kanyang kapatid na si Sam habang papunta siya sa kanyang kotse.
“I like her, kuya!” sabi nito sa kanya.
“Who?” tanong niya.
“Pa-who-who ka pa diyan, alam mo namang kung sino ang tinutukoy ko.” inis na sabi nito. Alam niya kung sino ang tinutukoy nito pero hindi siya nagpahalata rito. “You’re right, maganda nga siya kahit simple lang ito at mabait pa talaga ha.” commento nito. “Hmmm kuya? Bakit mo ba ako inutusan na kilalanin si Danielle? Ang torpe mo naman kuya. Parang hindi kaw ‘yan ah.” ngingiting puna nito.
“Tigilan mo nga ‘ko Sam baka wala kang allowance ngayon” biro niya sa kapatid. “Gawin mo nalang ‘yong pinagagawa ko sa ‘yo baka magkabistuhan pa.”
“Hay naku kuya, ako pa? Wala yata kang bilib sa akin ah.”
“Aba, nagdadrama ang kapatid ko. By the way, pinapapunta muna tayo ni daddy sa office niya bago tayo aalis.”
“Ok”
Pagkatapos pumunta sa daddy nila ay inihatid na niya ang kanyang kapatid sa bahay nila. Hindi siya doon nakatira dahil gusto niyang maging independent. At pinayagan naman siya ng kanyang mga magulang sa isang kondisyon na bibisita siya every weekend. Hindi naman siya pumapalya sa pagdalaw sa mga magulang. Pero nang magkaproblema siya sa kanyang girlfriend ay hindi na siya nauuwi. Masakit ang naging karanasan niya sa pag-ibig . Hiniwalayan siya nang girlfriend niya at sumama sa lalaking may asawa pa. Hindi niya iyon natanggap dahil lubos niyang minahal ang kasintahan. At dahil doon nagkukulong siya sa condo niya at kung hindi man ay pumupunta siya kasama ang mga kaibigan sa isang bar at nagpakalasing. Tatlong buwan din siya ganun ang buhay. At hanggang nakita niya ang babaeng nagpabalik sa kanyang katinuan. Una niyang nakita ito sa NAIA nang minsang sunduin niya ang pinsan niya. Nastar struck talaga siya nito kaya naman sabi niya sa sarili na kung makikita niya uli ito ay hindi na niya pakakawalan. At naulit nga na nakita niya ito at sinuswerte nga naman ay sa school pa nila ito nagpapaenrol. Hindi siya nagpapakita dito dahil nahihiya siya. Nahihiya siya? Oh common! Siya nahihiya sa isang babae? Oo, nahihiya siya kaya naman hindi siya mapakali.
“Hello? Sam?” Tumawag siya sa kapatid dahil magpapatulong siya dito. Alam kasi niya na matutulungan siya nito.
“Hello? Sino ‘to?” sagot sa kabilang linya.
“Sam, kuya mo ‘to. I need your help.”
“Oh kuya, how are you? Bakit ngayon ka lang tumawag? Aba, tumawag ka lang kasi may kailangan ka sa ‘kin? Ouch naman, i thought you missed me.” sabi nito na walang preno at may halong pagtatampo.
“I’m sorry sis. Forgive me ok? I really need your help. Can you do me favor?” tanong niya dito.
“Ok ok ok, apology accepted. Yeah sure, what can i do for you?”
“May gusto sana akong ipapagawa sayo. Gusto kong kaibiganin mo ang isang babae.”
“Ha? Pa’no ko naman ‘yon gagawin?” gulat na tanong nito. “Bakit hindi nalang ‘kaw? Oh my! Ang kuya ko nahihiya?” sabi nito sabay tawa.
“Stop laughing sis. I’m serious. Well, I know you can do it sis. Madali lang ‘yan kasi pareho kayo ng kurso at sa school siya natin nagpapaenroll. I will send you her pic and schedule.” pgbibigay niya ng detalye sa kapatid.
“Wow, alam na alam ah” panunudyo nito. “Ok, I will do my best basta bigyan mo rin ako nang allowance.”
“Sure! Sige Sam, magkita nalang tayo sa school. Send my regards to mommy” paalam niya sa kapatid.
Napatigil lang siya sa kanyang muni-muni nang nasilayan na niya ang bahay nila. Ngayon lang siya uli nakauwi kasi miss na niya ang kanyang ina.
FRIDAY na at excited na siya dahil wala na siyang pasok bukas. Makakatulog na rin siya ng maayos dahil hindi na siya maagang gigising. Excited din siya dahil may mga plano na siya ngayong weekend. Maggogrocery siya at bibili rin ng mga gamit na kakailanganin sa school. Hilig talaga niyang maggrocery, masaya siya dahil mabibili niya ang gusto niyang bilhin.
Habang nakaupo siya sa ilalim ng puno ay may lumapit sa kanya at ito ay si Sherwin. Hindi na niya ikinagulat iyon dahil noong makilala siya nito ay naging kabarkada na niya ang mga ito. Hindi nito itinatago ang pagtingin nito sa kanya.
“Dan, may pag-asa ba ko?” tanong uli nito sa kanya. Gusto na niya itong sungitan dahil paulit-ulit nalang nitong tinatanong sa kanya. Pero di na niya ginawa dahil mabait naman ito.
“O, hayan ka na naman ha. Di ba sinabihan na kita sa sagot ko?”
“Baka kasi mag-iba na ang isip mo” nahihiya nitong sabi habang nakangiti. Hindi niya maikukubli na gwapo naman si Sherwin. Marami nga ang nagpapalipad-hangin at lahat ay pinapansin niya. Isa lang ang nagpapaturn-off nito sa kanya, ang pagiging playboy nito.
“Hay naku Sherwin, wala kang mapapala sa ‘kin.” natatawa niyang sabi. “Ibaling mo nalang ‘yan pagtingin sa iba. Hayan naman si Carol na patay na patay sayo” nangingiti niyang sabi.
“They’re not my type, Danielle” sabi nito. Ayaw niya itong umasa kaya naman ay diniritso na niya ito. Ang gusto sana niyang magkagusto sa kanya ay si Dean pero malabo na yatang mangyari ‘yon. Siguro karma na siguro ‘yon sa kanya dahil nga sa mga nabasted noon. At ngayon ay siya na ang nangangarap na sana magkagusto naman sa kanya si Dean.
“Excuse me! Pwede h’wag ka ngang paharang-harang sa daan! Bitch” sabad ng isang babae habang pinupulot niya ang kanyang mga gamit ng mahulog ang mga ito.
“Excuse me? Anong sinabi mo?” galit niyang tanong rito dahil sa narinig niyang pang-iinsulto nito. Galit siya dahil maraming nakarinig ‘yon.
“Bingi ka ba? Sabi ko tabi d’yan bitch!” sabi nitong nakakainsulto. Nagpantig ang kanyang mga tenga sa narinig niya. Hindi niya ‘yon matanggap na may mang-iinsulto sa kanya nang ganu’n at sa harap pa nang mga kaklase niya. Pero nagpakahinahon pa rin siya. Mabuti nalang ay tinuruan siya ng kanyang mga magulang nang magandang asal kung hindi ay sinabunutan na niya ito.
“Akala ko kasi sarili mo ang sinasabihan ng ganyan.” Iniinis niya ito. “Bakit nagpapansin ka sa ‘kin? Gusto mo bang maging kaibigan ko?” pang-iinis niya uli rito.
“Aba at ang kapal ng mukha mo!” galit nitong sabi. Akmang susugurin siya nito at mabuti nalang ay may nagsalita sa likuran.
“Stop it Dennisse” isang ma-awtoridad na tinig na nagmula sa kanyang likuran ang nagsalita. Hindi siya lumingon dito dahil alam na niya kung sino ito. It’s Dean.
“You have no right to insult me like that because you don’t know me” galit na niyang sabi. “Here” sabi niya sabay bigay ang nakuha niyang piso mula sa bulsa niya. “Buy some manners. I think you need it. At bumili ka ng kausap mo” sabay talikod niya rito. Alam niyang napahiya ang babae na ‘yon pero hindi niya mapigilan ang maiyak dahil sa nangyari.
3 comments: on "My Only You – Chapter 1"
taray nea,aa
super like ko talaga ito parang story ko rin nung high school. i like the story so much........
my memory of my high school day ay naku ang sarap mailove :) :)
Post a Comment