SHARE THIS STORY

| More

My Only You – Chapter 4

(Kaven)



ISANG LINGGO…ISANG BUWAN… at malapit nang magtatapos ang second semester na hindi na niya kinakausap si Dean kahit pa kinukulit siya ni Sam na kausapin ang kapatid nito. Paminsan-minsan lang din niya nakikita ang binata at nasa malayo lang siya. Ni hindi na nga ito tumitingin sa kanya na parang hindi sila magkakilala. Siguro ay nagsasawa na rin ito. Bakit? Sino ba siya sa buhay ng binata? Ni hindi nga sila close nito. Napaka suplado pa nito. Hahay!

“Ay! Ano ba?” gulat niyang sabi. Bigalang naputol ang kanyang kaiisip ng may nakabunggo sa kanya.

“Hey, watch out!” isang pamilyar na boses ang nagsalita. Bigla siyang kinabahan sa narinig na boses.

“Kuya Dean?” nasambit lang niya nang makita niya ang mukha nito. Kumunot ang noo nito nang bangggitin niyang pangalan nito and then he smiled.

“Oh! I’m sorry miss. Nagmamadali kasi ako.” Iyon lang at umalis na ito at iniwan siyang nakatanga. Miss? Hindi ba nito siya kilala? Ay ewan!

NAGING mailap sa kanya si Dan matapos ang pangyayari. Hindi sa ipinagtanggol niya si Dennise kundi pinoprotektahan lang niya si Dan. Buti nalang ay hindi na natatandaan ni Dennise ang nangyari kasi alam niya kung pa’no magalit si Dennise.

Naging busy na rin siya sa negosyo ng lolo kaya minsan nalang niya nakikita si Dan. Mabuti nalang ay dumating ang kapatid niya mula sa US kaya hindi siya nahihirapan sa trabaho niya. Parati na siyang absent sa klase pero umaatend pa rin siya pag-exams na.

“DAN, malapit na debut mo. What’s your plan?” masayang tanong ni Sam isang hapon nang nasa canteen sila.

“Yeah, Iv’e no plan yet” ang walang kabuhay-buhay naman niyang sagot habang binabasa niya ang mensahe sa cellphone niya.

“What!? No plans yet?” gulat na tanong ni Sam. “O come on Dan, ones in a lang that you will turn 18″ dagdag pa nito. “Don’t be KJ.”

“So?”

“So? So lang?” ginaya pa siya nito.

“Ahuh, simple lang gusto ko. Ililibre ko nalang kayo” sabi niya. “My parents won’t be here on my birthday because they’re so busy in our business.” Totoo ang sinabi niya pero wala siyang hinanakit sa mga magulang niya.

“That’s it? Ok kaw bahala” sabi nalang nito. Salamat ay hindi na ito nangungulit pa.

“Yep. Ok let’s go then? Baka malate pa tayo” sabi niya, bumuntung-hininga muna ito bago tumayo.

Lingid sa kaalaman ni Dan ay nagpaplano na si Sam sa darating na birthday niya. Kinontsaba nito ang kuya niya at kinontak nito lahat pati mga barkada niya noong high school pa siya. Dalawang linggo nalang ang prepations bago ang birthday niya.

NAGING busy si Sam kaya naman hindi na siya sinasamahan nito. Nag-aalala siya na baka nagtatampo ito sa kanya. Kaya naman ay tinext niya ito.

BES’, 2MOROW HA? MAGDI-DINNER TYO BKAS.. JST TXT D ODERS..D SAME RESTO…;-)

Message sent!

OK BES’, BUT I KNW A PLACE WER WE CN CELEBR8 UR BDAY…SU2NDUIN NLNG KTA 2MOROW AT 7PM OK?. OH BTW, I BOUGHT A DRESS 4 U 2 WEAR, NO BUTS OK? & MGPGANDA KA…:-) SEE YAH! reply naman ni Sam.

OK, SEE YAH THEN!

Hindi na niya tinanong kung bakit kelangan pa niyang magdress.

‘Naku ‘tong si Sam, alam naman niyang wala akong hilig sa mga dress dress na ‘yan’ naiiling nalang niyang bulong sa sarili.

Pero maya-maya lang ay may nagdoorbell. Gaya ng inaasahan ay ang damit na ipinadala ni Sam ang dumating. Nang buksan niya ito para sukatin ay nabigla siya sa nakita. Hindi lang dress kundi gown pa talaga. Simple lang ‘yon pero elegante.

Nagkataong kaarawan at valentines na niya bukas. Wala na siyang mahihiling pa. Maganda siya, matalino, masaya ang pamilya niya at marami siyang kaibigan. Pero wala nga siyang boyfriend.

‘Hay naku Dan ha! Sanay ka namang walang boyfriend!’ sita niya sa sarili.

KAARAWAN na niya. Ginising siya nang tawag mula sa mga magulang siya. Tumawag din ang mga kapatid niya upang bumati. Napaiyak siya dahil miss na miss na talaga niya ang mga ito. Mahigit two years na hindi sila nagkikita.

Nasorpresa din siya nang makalabas sa kwarto upang mabreakfast dahil mula sa pinto ng kwarto niya ay may mga red petals ng roses. Sinundan niya ito hanggang makaating siya sa may dining table. Bumungad sa kanya ang kanyang kuya.

“Happy birthday little sis. I hope you like my treat to you” nakangiti nitong bati. “Here” dagdag nito sabay bigay sa kanya ang regalo nito.

“Wow kuya ha, touch naman ako sa ginawa mo. Ano naman ‘to?” excited naman niyang tanong. Binuksan niya ito agad. “Kuya ang ganda naman nito” lumaki ang mga mata niya pagkakita sa kwentas na regalo ng kuya niya.

“Of course Danielle. Regalo namin niyan sa’yo. You’re so special my dear sister” sabi nito sabay halik sa noo. Kinuha nito sa kanya at isinuot sa leeg niya.

“Thank you so much kuya” sabi niya sabay yakap nito.

Masaya ang naging kainan nila ng kuya niya. Kaya hindi na niya namalayan na naubos niya ang inihanda ng kuya niya.

“KUYA, ready na ba ang lahat?” tanong ni Sam sa kanya nang tumawag ito. “Susunduin ko na si Dan.”

“All set my dear sister” sabi naman niya. “Thank you for doing this Sam. Pagkakataon ko na ito para magkabati kami” dagdag pa niya.

“Sus kuya, it’s nothing. Parang kapatid ko na rin si Dan noh!” sagot naman nito. “I loved her since the day na pinakiusapan mo ako sa kanya dahil ibinalik niya ang sigla ng kapatid ko. Oh sige na kuya parang ang OA ko na tuloy” dagdag pa nito.

“Oo nga, nahahawa na rin ako sa ‘yo. See you later sis. Bye!” paalam niya

“Bye.”

End call.

Totoo ang sinabi ni Sam, nang makita niya si Danielle ay nagbalik na ang kanyang sigla. She is beautiful inside and out. He really misses her kahit na malayo lang niya ito tinatanaw.

ALAS SAIS nang hapon ang usapan nila ni Sam pero one hour before the time ay bihis na bihis na siya. Isinuot niya ang gown na regalo ni Sam sa kanya. Para namang prinsesa siya sa suot niyang iyon. Tinirnohan din niya ito ng kwintas na regalo ng mga kuya niya. Ang buhok niya na ang dulo ay curly ay inilugay lang niya. May headband din ito na maraming bato na diamond.

Habang naghihintay siya kay Sam ay biglang tumunog ang cellphone niya. Pagbukas niya ay tumambad ang isang numero na hindi nakaregister sa phonebook niya.

HAPPY BIRTHDAY DANIELLE ang nakalagay sa screen niya. Nireplyan niya ito kahit hindi niya kilala.

THNX…MAY I KNW U? :)

8S NOT MPORTNT, JST ENJOY UR DAY…:)

WHAT? I DNT KNW U & U KNW ME, DO U THINK 8S FAIR?.. reply niya.

Pero hindi na nagrereply ang unknown texter niya. Nainis siya dahil hindi man lang nagpakilala. Bahala nga siya. Hindi na siya nag-aksaya pa ng load para kulitin pa ito. Mabuti nalang ay dumating na si Sam.

“Happy birthday Dan” masaya nitong bati habang binibeso-beso siya. “Mabuti naman ay kasya ‘tong gown na regalo ko sa ‘yo”

“Thank you. Oo nga. Sa’n ba tayo pupunta at parang magbi-birthday party pa ‘ko sa suot kong ‘to?” nalilito niyang tanong.

“18th birthday mo nga di ba?” tugon naman nito.

“I know but magdi-dinner lang tayo di ba?”

“Yeah! Mamaya ka nang magtanong baka malate pa tayo” wika nito na parang umiiwas sa mga tanong.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na rin sila sa paroroonan. Isa itong high class restaurant. Nagtataka siya dahil madilim ang loob nito.

“Sam, dito na ba tayo? Ba’t ang dilim?” sunod-sunod niyang tanong.

“Ahuh! Sige na, bumaba ka na tapos pumasok ka na. Ipapark ko lang tong kotse” sagot naman nito. Nalilito man ay bumaba na rin siya. Para siyang kinakabahan na hindi niya mawari. Pagpasok na pagpasok niya sa pinto ay biglang itinugtog ang instrumental na isa sa mga paborito niyang kanta ang ‘Please be careful with my heart by Jose Mari Chan’. Bigla siyang kinabahan nang may biglang lumapit sa kanya. Hindi niya ito naaninag dahil madilim pero alam niya na lalaki ito. Iginiya siya nito papunta sa loob at huminto sila nang biglang may nagsalita.

“One of the 18th roses is Mr. Dave John Rodriguez” sabi ng emcee. Bigla silang inilawang dalawa. At doon na niya nakilala ang kapatid.

“Red rose for my beautiful sister” nakangiti nitong sabi. Natulala pa siya pero masaya siya. Iniabot niya ang rose at sumayaw na sila.

“Kuya? Bakit hindi ko ito alam? Di ba may appointment ka pa?” tanong niya.

“Surprise nga di ba? We know that you don’t like parties but Sam insists. Ito ‘yong appointment ko” paliwanag nito habang ngumingiti.

“Naku itong si Sam talaga. Pinagkaisahan niyo ko ha” natatawa niyang sabi. “Thanks kuya.”

“Sus, wala iyon. Ikaw lang nga ang babae sa ‘ting magkakapatid, susulitin na ‘to” sabi nito. Hindi niya namalayan ang isa pang paparating na lalaki.

“May I?” isang matandang boses ang narinig niya. Lumingon siya at nakita niya ang lolo niya.

“Sure” sagot naman ng kuya niya habang ibinigay siya sa kanyang lolo.

“Grandpa?!” ‘yon lang ang nasabi niya.

“You are so lovely tonight apo, happy birthday” nakangiti nitong bati.

“Oh, grandpa I missed you so much” naiiyak niyang sabi. “Thank you for coming.”

“Oh don’t cry Danielle. We missed you too” naiiyak na rin nitong sabi. “Tinawagan kasi kami ng kuya mo para pumunta dito sa party mo. Hindi ka na namin tinawagan kasi surprise daw” kwento nito.

“Well, I’m really surprised” wika niya. Nang may tumapik sa lolo niya.

“Ako naman grandpa.” Isang pamilyar na tinig ang nagsalita.

“Kuya Jasper! You’re here?” gulat niyang tanong. Ito ang panganay nila na nagtatrabaho sa Germany. Napromote ito bilang VP ng kompanya at inilipat ito sa main branch ng kompanya. Maganda na ang buhay nito kaya lang ay hindi pa nag-aasawa.

“Ja Danielle” nangingiting wika ng kuya niya. “Happy birthday sis. Wow, dalaga na bunso namin ah.” Sinisipat-sipat pa siya nito.

“Danke schön kuya” natatawa niyang sabi in German. “Kailan ka pa rito sa Pinas?” tanong niya.

“The other day pa. Sinulit ko na ang bakasyon ko at nagkataong birthday mo pa kaya umuwi na ko dito. Natanggap mo na ba ang regalo namin sa ‘yo?” sabi naman nito.

“Oo, ‘eto nga oh!” ipinakita niya sa kuya niya ang suot niyang kwintas.

“Ooppps, someone is coming” iyon lang at may pumalit na sa kuya niya. Si Johan iyon pagkatapos si Sherwin, sumunod si Robert. Hindi siya makapaniwala na pati ang ilan niyang kaibigan noong high school pa siya ay dumating. Hindi mapagsidlan ang kasiyahang nadarama niya. Maiyak-iyak siyang sumasayaw sa mga nagbibigay sa kanya ng mga 18 roses. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari. Lahat nang nagbigay sa kanya ay malapit sa puso niya. Nai-excite siya kung sino ang kanyang ika-18th roses niya at last dance niya.

Akala niya ay may susunod na isasayaw siya pero walang dumating para yayain siya. Nagmukha tuloy siyang tanga dahil siya lang ang nakatayo sa gitna.

Nagulat siya ng may biglang nagtugtog ng piano at nagulat pa siya ng husto ng makita niyang si Dean iyon. ‘Marunong pala ‘tong mokong na ‘to magpiano ha! Dagdag points na naman‘.

“You’re an essay in glamour

Please pardon the grammar

But you’re every school boys dream

You’re Celtic, united, but baby I’ve decided

You’re the best team I’ve ever seen

And there have been many affairs

Many times I’ve thought to leave

But I bite my lip and turn around

‘Cause you’re the warmest thing I’ve ever found

You’re in my heart, you’re in my soul

You’ll be my breath should I grow old

You are my lover, you’re my bestfriend

You’re in my soul” (You’re in my Heart by Rod stewart)

‘Oh my! I love that song. I hate you Dean Evan Perez for singing this song!‘ sabi niya habang kinikilig. ‘Please Dean, don’t smile baka matunaw ako!’ Ganun nalang ang kaba niya ng tinapos na nito ang kanta at bumaba ng stage. Lumakad ito patungo sa kanyang direksyon.

“May I?” magalang nitong yaya sa kanya. At nagpaubaya naman siya. “Rose for a lovely lady, happy birthday Danielle and happy valentines” bati nito sa kanya.

“Th-thank you!” nauutal niyang sagot nahalata na tuloy nito na kinakabahan siya. ‘Please Lord, help me. Ang gwapo talaga niya. Danielle, calm down’ sita niya sa sarili. Heto na naman sila, sumasayaw na parang walang tao sa paligid. Parang tumigil ang mundo para sa kanya ng mga oras na ‘yon. They dance with a love song that makes her happy. In his arms, she feels comfortable and safe.

“I’m sorry Dan for what happened. I didn’t want to…”

“No it’s ok Dean. I acted like a child back then and I didn’t mean to hurt your ex, I mean Dennise. I’m sorry” paumanhin niya.

“You don’t need to apologize, honey!” sagot naman nito. ‘Honey na naman? Ang sarap pakinggan pero ang hirap umasa, hahay.’

Nagbuntong-hininga ito bago nagsalita ulit. Naamoy niya ang mabangong hininga nito.

“Dan, I just want to protect from Dennise kaya ko ginawa ‘yon” tinitigan siya nito habang nagsasalita. Hindi siya mapakali dahil konti lang ang pagitan ng kanilang mukha. Hindi niya alam kung bakit tinitigan niya rin ito. Napadako siya sa mapulang lips nito. Napalunok siya dahil ang sarap siguro nitong humalik. How I wish siya ang first kiss ko. ‘Tumigil ka nga Dan. Mahiya ka nga sa sarili mo’ pinagalitan niya ang sarili.

“I like you Danielle” pag-amin nito. Hindi niya inaasahan ito baka binibiro lang siya.

“Huh?”

“I know hindi ka maniniwala pero noon pa kita gusto.” Lord, anong gagawin ko? Anong isasagot ko sa gwapong lalaking ito?

“What is this Dean? Is this one of your jokes?” ito nalang ang naging tugon niya dahil hindi niya alam kung anong sasabihin. Malakas ang kabog ng dibdib niya na parang nabibingi na siya.

“Do I look like one?” tiim-bagang balik tanong nito. “I will do anything just to prove it to you….” hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil napahikbi na siya. “Damn! Ssshh please don’t cry honey.” hinaplos nito ang pisngi niya at pinunasan ang mga luha niya.

“Please don’t hurt me Dean!” umiiyak niyang sabi. “I don’t know what to say. Ngayon lang ko ‘to naramdaman sa tanang buhay ko” pag-aamin niya.

“I won’t hurt you Danielle” sabi nito at hinagkan ang noo niya. Nalilito siya pero ang alam niya gusto siya nito at gusto niya rin ito. Hindi siya makapaniwala na sa isang gabi lang ay natupad ang pangarap niya na walang Dennise na kontrabida. Ito na siguro ang pinakamaligayang kaarawan niya at hindi malilimutang sandali.

“Pa’no si Dennise?”

“Naa! She’s all in the past. Wala na ‘kong nararamdaman sa kanya mula nang lokohin niya ko.”

Maraming siyang bisita ang dumalo na hindi niya inaasahan. Nandoon din si Cath na akala niya noon na girlfriend ito ni Dean pero pinsan pala ito. Hindi niya mawari ang kasiyahang nadarama nang makita niya ang mga kaibigan at naging kaibigan niya. Nalaman niyang si Sam lahat ang nag-organize ng debut party niya at tumulong din ang kuya niya. Kinontak nito ang mga kaibigan niya noon. Napag-alaman din niya na si Dean ang may-ari ng restaurant. Buong puso niyang pinasasalamatan si Sam sa ginawa nito.

“Sam, I don’t know what to say but thank you so much!” naiiyak na naman siya.

“Naku bes’, ‘wag ka ngang iyakin dyan. Smile and enjoy the night” biro ni Sam. “You are like a sister to me and ones in a life time ka lang na mag-i-eighteen kaya sulitin na.”

“Ikaw kasi, pinaiiyak mo ko” biro din niya at nagkatawanan sila. “Bes’, kami na ng kuya mo” pag-aamin niya.

“Really? Nagtapat na rin si kuya?” hindi makapaniwalang tanong ni Sam. “Wow bes’, I’m so happy.”

“Ssshh, wag ka ngang maingay” natatawa niyang pigil sa kaibigan.

“KJ mo talaga. Pero let’s celebrate it Dan” sabi nito at dinala siya sa dance floor para sumayaw.

Hanggang matapos ang gabi ay hindi pa rin nawawala ang kanyang ngiti sa labi niya. Hindi niya iyon mararanasan kundi dahil kay Sam. Kaya ang swerte niya dahil naging kaibigan niya ito. Mas naging Masaya ito dahil na rin sa nangyari sa kanila ni Dean. Hindi niya inaasahan na magtatapat na ito sa kanya.

Si Dean na rin ang naghatid sa kanya sa condo niya.
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

1 comments: on "My Only You – Chapter 4"

Anonymous said...

super kilig to the max.......... unkabogabol talaga............ i love it........

Post a Comment