SHARE THIS STORY

| More

A Night to Remember - Chapter 9

(Pangarap_ko)



“Mommy bakit di pa dito tumira ang daddy?” ang tanong ni Natasha sa kanya habang hinihilamusan niya ito.

“Anak di siya dito puwede tumira kasi mayroon siyang sariling house at isa pa busy ang daddy sa work” ang matiyaga niyang paliwanag dito.

“Then tayo na lang ang lumipat sa house niya im sure he wont mind” ang lista nitong sagot na ikinagulat niya imagine 3 years old pa lang ang anak niya ay nakakapagsalita na ng ganito

“Anak there are things na mahirap ipaliwanag so please tama na ang tanong ok?” ang sumusuko niyang sagot dito at dali dali na itong pinunasan at binihisan.

May sasabihin pa sana ito kaso tinignan na niya ito kaya tumahimik na lang hanggang sa patulugin na niya ang mga ito halos maiyak pa siya ng marinig niya ang dasal ng mga ito.

“Dear Papa Jesus sana po ay pasayahin ninyo an gaming mommy dahil parati na lang siyang sad and Papa Jesus if its not too much to ask please padalawin ninyo po sana ang daddy naming kasi miss na miss na po naming siya at pag nandito siya im sure hindi na magiging sad si mommy at lagi na kaming magiging Masaya amen” ang sabay pang pagtatapos ng kanyang mga anak na tumayo na sa pagkakaluhod sa kama.

Nang makatulog na ang kanyang mga anak ay humiga na rin siya ngunit ilang oras na siyang nakahiga ay di pa rin siya dalawin ng antok dahil naiisip niya kung nasan si Tyler dahil mula ng ilabas sa ospital si Natasha ay hindi na ito nagpakita pa sa kanila magiisang lingo na ang nakakaraan hinahanap na rin ito ng kanyang mga anak ang sinasabi na lang niya ay busy sa trabaho at pag tinanong kung kelan ito bibisita ay pinagagalitan na lang niya ang mga ito kahit ayaw niya dahil di niya alam ang sagot sa tanong ng mga ito

“Tok tok tok” ang nagpabalikwas sa kanya mayroong kumakatok pero sino kaya ito ang tanong ng isip niya kaya dali dali siyang bumangon ng marinig niya ulit ang mga katok

“Sino yan?” ang tanong niya ng makalapit sa pintuan

“ Its me open the door” ang narinig niyang sabi ni Tyler kaya dali dali niyang binuksan ang pinto

“ What are you doin? Its raining hard for goodness sake” ang sabi niya ditto at dali dali siyang pumasok sa kwarto para kumuha ng tuwalyang pamunas dito

“ Thank you” ang mahina nitong sabi saka pinunasan ang sarili

“ Meron ka bang dalang damit?baka magkasakit ka niyan bakit kasi nagpabasa ka sa ulan” ang nagaalala niyang tanong dito ng umiling ito ay pumasok siya sa kuwarto ay hinanap ang maluwang niyang tshirt nagulat pa siya ng pagharap niya ay may nabunggo siya

“ Anong ginagawa mo bakit ka pumasok” ang natataranta niyang sabi

“ Ayessa” ang sinabi nito saka siya kinuyumos ng halik ng una ay tinutulak niya ito palayo sa katawan niya pero pero unti unti na rin siyang nadarang sa maalab nitong mga halik kaya gumanti na rin siya ng halik ditto

“ Tyler” ang nasabi na lang niya ng palayain nito ang mga labi niya para lang uli halikan kumuha lang pala ito ng hangin at sabik na sabik ulit siya nitong hinalikan.

“ Oh ayessa I miss you so much I want you” ang sabi nito at naramdaman na lang niyang nasa mga dibdib na niya ang mga kamay nito

“ Tyler don’t” ang mabuway niyang pananaway dito ng maramdaman niyang gumagapang na ang kamay nito papunta sa kanyang dibdib

“ I miss you terribly pls don’t fight” ang sabi nito at lalo pang pinaglalalim ang paghalik sa kanya di niya na Malayang tinutugon niya na rin ng mas malalim pang halik ang mga halik nito hanggang sa buhatin siya nito ay hindi pa rin siya makapag desisyon kung tututol o hahayanan na lang niyang gawin nito kung ano man ang gusto nito…

“ Tyler pls don’t” ang pananaway niya rito ngunit sa huli ay mas namayani ang binubulong ng kanyang puso at ng traydor niyang katawan at nagsanib ang kanilang mga katawan at nilalasap ang masarap at nakakaliyong pakiramdam.

“I love you Ayessa o I love you so much” ang narinig niyang bulong ni Tyler ng marating nito ang kasukdulan at patang pata itong humiga sa kanyang tabi. Di niya malaman kung ano ang gagawin kung iiyak o magbubunyi dahil sa ikalawang pagkakataon ay naranasan niya ulit ang maangkin ni Tyler.

“ Ayessa” ang tawag ni Tyler sa kanya pero nagkunwari na lang siyang natutulog

Hinayaan siya ni Tyler akal siguro ay nakatulog na talaga siya naramdaman na lang niya ang masuyo nitong paghalik sa kanyang ulo at niyakap siya nito ng mahigpit na para bang mawawala siya anong sandal.

Naalimpungatan siya dahil sa bigat na nararamdaman niya sa kanyang sikmura nagulat pa siya ng makitang nakayakap sa kanya si Tyler at naalala na lang niya ang nangyari ng nakaraang gabi ng maalala niya ang mga anak ay dali dali siyang bumangon at nagbihis dahil baka magising na ang kanyang mga anak.

Pagkatapos maligo ay dumiretso siya sa kusina para magluto ng almusal angpirito siya ng hotdog at itlog at sinangag ang natirang kanin ng gabi abala siya sa pagluluto ng maramdaman niyang may yumakap sa kanyang likuran na ikinagulat niya

“ Ano ba Tyler nanggugulat ka naman eh” ang sabi niya dito sabay hampas sa mga braso nito dahil sa pagkagulat dito.

“ Sorry di ko kasi mapigilan ang sarili kong yakapin ka napakabango mo kasi” ang bulong nito naramdaman niya na lang na may kung anong nabubuhay sa likuran niya

“ Tyler huh ano ba baka magising ang mga bata” saway niya dito at pilit inaalis ang pagkakayakap nito di nila namalayang nasa pinto si nathan

“ Yeheyy Natasha nandito ang daddy” ang tuwang tuwang tawag nito sa kapatid na dali dali ring pumasok sa kusina

“ Wow ang daddy nga ,,dito ka ba natulog Daddy?” ang tanong nito sabay yakap kay Tyler

“ Yes baby tulog na kayo kaya din a naming kayo ginising ni mommy” ang sabi nito habang yakap ang dalawang bata sabay kindat sa kanya na nagpapula sa kanyang mga pisngi

Ganadong Ganado ang kanyang mga anak sa pagkain panay pa ang lagay ng mga ito sa plato ni Tyler halatang sabik na sabik sa ama.

Napakaganda nilang pagmasdan parang isang buong pamilya na matagal na niyang pinapangarap ngunit alam niyang imposible mangyari ito kaya nilukuban siya ng lungkot.

“ Hey Mommy bakit malungkot ka?” ang naguguluhang tanong ni Natasha na bahagya pang nagsalubong ang mga kilay.

“ Huh hindi baby why did you say that?” ang tanong sagot niya dito dahil nagulat siya sa tanong nito dahil hindi niya napunang pinagmamasdam pala siya ng anak.

“ Kasi parang gusto mong mag cry” ang sabi nito na tinitigan siya ng mariin.

“ No baby Masaya lang ang mommy kasi Masaya kayo” ang sabi niya at nakita niyang nakatingin din sa kanya si Tyler at parang hinihintay ang isasagot niya.

“ Hey sino pa ang gusto ng sinangag?” ang pagiiba niya na lang ng usapan at dali daling tumayo para sumandok ng kanin.

Nang matapos kumain ang lahat ay tutulungan sana siyang magligpit ni Tyler pero hinigot na ito ng kambal dahil may ipapakita daw dito kaya naiwan siya sa kusina at nagligpit ng kinainan nahiling nasa din a matapos ang sandaling kasama nila si Tyler.

“ Look at this daddy” ang narinig niyang sabi ni Natasha kay Tyler ng puntahan niya sa kuwarto at nakita niyang ipinapakita pala dito ng kanyang mga anak ang mga album ng mga ito aalis na sana siya pero nakita siya ni Nathan

“ Hey mommy come pinapakita namin ang mga picture natin kay daddy” ang Masaya nitong yaya sa kanya at ng lumapit siya ay pinaupo pa siya ng mga ito sa tabi ni Tyler

“ Mukhang ang saya saya ninyo dito” ang sabi ni Tyler sa kanya at itinuro ang 1st birthday ng kambal

“ Yes” ang nasabi na lang niya gusto sana niyang idagdag “sana nandyan ka rin” kaso pinigilan niya ang kanyang sarili

“ Ang dami palang mga letrato pakiramdam ko kasali ako sa paglaki nila” ang sabi nito na nagparigudon sa kanyang puso dahil nararamdaman niya ang lungkot sa boses nito

“ Don’t worry daddy nandito ka na ngayon sa susunod kasama ka na sa lahat ng picture” ang sabi ni Natasha kay tyler

“ Sana nga baby magugustuhan yon ng daddy” ang narinig niyang sinabi nito at di na niya mapigilan ang luha ay nagpaexcuse siya at lumabas ng bahay

“ Mommy anong ginagawa mo dyan?” narinig niyang sabi ni Nathan

“ Wala anak bakit?” ang tanong niya dali dali pinunasan ang luha

“ Mommy di ka ba Masaya nandito ang Daddy?” ang naguguluhan nitong tanon

“ Ofcourse not baby sa katunayan masayang Masaya ang mommy kasi nandito na ang daddy” totoo sa loob na sinabi niya

“ Talaga mommy? Kasi kami ni Natasha masayang Masaya” ang sabi nito na nakalarawan ang sobrang saya

“ Oo nga pala Mommy sabi daw ng Daddy ipapasyal niya raw tayo ngayon” ang sabi nito

“ Huh? Sinabi niya yun?” ang tanong niya sa anak wala siyang alam tungkol doon

“ Opo pinapatawag ka na nga niya magbihis na daw tayo” ang sabi pa nito at hinigot siya sa mga kamay kaya sumunod na lang siya dito

Umalis muna si Tyler makalipas ng ilang minute nakabalik na ito at preskong presko na mukhang nakaligo at nagpalit ng malinis na damit dahil tapos na rin silang magayos ay dali dali na silang umalis.

Nagpunta sila sa may simbahan dahil araw ng lingo at sabay na nagsimba nakagitna sa kanila ang kanilang mga anak. Ng matapos ang misa ay nagyaya ang mga bata pumunta ng mall at nanood sila ng pambatang movie, inabutan siya ni Tyler ng pera siya na raw ang bumili ng ticket at ito na ang bibili ng kanilang drinks at popcorn na siya niyang ginawa ng pumasok na sila sa sinihan ay gumana naman ang kapilyahan ng kanyang anak

“ Mommy dito ka sa tabi ni Daddy” at pinaupo siyang pilit sa tabi ni Tyler

At ng umupo siya ay tuwang tuwa ang dalawang bata lalo na ng hawakan ni Tyler ang kanyang mga kamay gusto sana niyang higutin pero nakatingin ang kanyang mga anak kay hinayaan na lamang niya ang kamay nito di na nito iyon inalis hanggang sa matapos ang palabas.

Pagkagaling sa sine ay naglaro ang kanyang magama hanggang sa magutom at sabay sabay na silang kumain sa restaurant. Gabi na sila nakauwi at di pa pumayag ang mga batang matulog kung hindi pa binasahan ni tyler ang mga ito ng kuwento hanggang sa nakatulog.

“ Gusto mo ng kape?” ang tanong niya rito ng makita niya itong lumabas ng kuwarto

“ Sure” ang sabi nito kaya pumunta siya sa kusina at gumawa ng kape para sa kanya at kay Tyler ng matapos siyang magtimpla ay dinala niya ang kape kay Tyler na nakaupo sa may lamesa

“ Here’s your coffee” ang tawag niya dito sabay abot ng ginawa niyang kape at umupo sa may kabilang gilid ng lamesa

“ Hmm it taste very good masarap ka pa lang magtimpla” ang sabi nito pagkatapos humigop at hinawakan ang kanyang mga kamay

“ Sus instant coffee lang yan im sure mas masarap pa ang naiinom mo dyan” ang sabi naman niya na hindi binabawi ang kamay

“Serious ito na ata ang pinakamasarap na kapeng natikman ko” ang sabi pa nito sa kanya

“Tyler I want to thank you for today”

“No problem I have very wonderful time with you and the kids” ang sabi nito sa kanya at bahagyang namumungay ang mga mata

“I think its getting late I should be going” ang sabi nito ng maubos ang kapeng kanyang ginawa

“Yeah magmamaneho ka pa” ang nasabi na lang niya kahit ayaw pa sana niya itong umalis

Nang tumayo si Tyler ay tumayo na rin siya para ihatid ito sa may pintuan ng makarating sila doon at akmang lalabas na si tyler at ng isasara na niya ang pinto ay

“Ayessa” ang tawag nito sa kanya

“Yes?” ang kina- kabahan niyang tanong Dito

“Hmmmm nevermind” ang sabi nitong nag-aalinlangan parang may gusto itong sabihin or gawin

“Magiingat ka sa pagmamaneho ok?” ang nasabi na lang niya kahit na ang gusto niyang sabihin ay ‘just stay with us’ pero alam niyang kalabisan na iyon.

Nang tumango ito sa kanya ay tumalikod na siya at handa na talagang isa ang pinto ng Makita niyang nakatayo pa rin sa may pintuan si Tyler

“Something wrong Tyler?” ang nagtataka niyang tanong dahil hindi pa rin ito kumikilos

“Ahh wala aalis na ako bye Ayessa” ang nasabi na lang nito at ng akala niya ay aalis na ito ay bigla naman itong humarap at niyakap siya

“Tyler” ang nasambit na lang niya dahil bigla na lang parang may nagrarambulang paro paro sa kanyang sikmura

Nang tingalain niya ito ay nakita niyang pababa ang mukha nito sa kanyang mukha alam niyang hahalikan siya nito pero imbes na umiwas ay ipinikit na lang niya ang kanyang mga mata at hinintay ang mga labi nito at ng magtagpo ang kanilang mga labi ay ginantihan din niya ang halik na iginagawad nito tumagal ng ilang sigundo naramdaman na lang niyang tapos na pala ang halik at ngayon nga ay nakatingin na ito sa kanya.

“Good night Ayessa , ill dream about you tonight ” ang masaya nitong paalam sa kanya at dali dali itong sumakay sa kotse nito habang siya ay naiwang nakatulala ng mawala na sa paningin niya ang sasakyan nito ay naiiling na lang siyang pumasok at nahiga sa kama.

Nakatulog siya ng may nakapaskil na magandang ngiti sa mga labi dahil sa napakasaya niya sa buong maghapon kasayahang matagal din niyang hindi naramdaman.
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

0 comments: on "A Night to Remember - Chapter 9"

Post a Comment