SHARE THIS STORY

| More

Sana Ngayong Pasko - Chapter 5

(Yesha)



HINDI NIYA itinuloy ang planong pagli – leave. Bago umuwi ang dalawang kaibigan ay plantsado na ang kanilang usapan. Bagaman kinakabahan ay sumang – ayon na rin siya sa mga ito. Bakasakaling kapag isinagawa niya ang ideya ni Tat ay tuluyan na siyang pabalikin ni Austin sa dati niyang puwesto. Ito na mismo ang magkukusang humanap ng ibang sekretaryang papalit sa kaniya.

Para sa kaniya ay tila hindi tatlong taon ang lumipas. Gaya ng dati ay ginawa niya ang morning routines niya sa opisina. Alas siyete pa lang ay naroon na siya. Inihanda niya ang coffee maker at ang imported na kape. She knew Austin’s preference in coffee. However, hindi gaya noon na matapang at walang asukal ay bahagya nang pinalalagyan ng binata ng creamer ang kape nito.

Naalala pa niya ang kuwento nito sa mga sinabi ni Elmira tungkol sa maling dulot ng labis na pag – inom ng matapang na kape. At naaalala pa rin niya kung paanong sa simula ay pinagselosan niya ang sekretarya ni Sir Conrad noon. Kasalukuyang nagsasalimbayan sa isip niya ang maraming alaala ng opisinang iyon nang may sumungaw sa pinto ng silid.

“Good morning, Ms. Legazpi. May nagpapaabot po nito.” Lumapit ito sa kaniyang mesa matapos niyang senyasan at saka iniabot sa kaniya ang hawak nitong bulaklak. Napangunot ang kaniyang noo. Sino naman kaya ang magpapadala sa kaniya ng bulaklak gayong lahat ng kaniyang manliligaw sa mga nakalipas na araw ay tinapat na niyang lahat.

Pinirmahan niya ang kapirasong papel na iniabot ni Mang Mencio saka umusal ng pasasalamat dito. Akma niyang sasamyuin ang tulips nang nag – ingay ang kaniyang baby laugh message tone.

“mownin’…pink tulips for a lovely lady…”

Napangiti siya. Hindi yata at romantic pala ang stalker niya? Agad ay nalimutan na niya ang inis dito nang nagdaang mga araw.

“tnku. How did u knw my fave color?” she replied.

“- oh never mind…wer r u?”

Na-excite siya sa nabasa. Baka iimbitahan na siya nitong lumabas at sa wakas ay handa na rin itong humarap sa kaniya. Sa labis na tuwa ay hindi na niya napigil ang magkuwento.

“d2 me opis ng bakulaw kong boss, my 1st day to work again as his secretary…”

“wow…very gud…”

Her eyebrows creased.

“very gud?”

“I mean…I’m sure u can make a very gud secretary :) ”

Nag – iisip pa siya ng isasagot dito nang biglang bumuglaw sa pintuan ng silid ang lalaking kahapon lang ay pinag – aksayahan niya ng luha. Dala ng pagkagulat ay agad siyang napatayo at awtomatikong bumuka ang kaniyang labi upang magbigay ng pagbati dito. Huli na para bawiin ang sinabi niya kaya’t napatampal na lang siya ng mahina sa noo.

“You’re as lovely as the morning, Europe.” Napaawang ang labi niya pero hindi naman niya nagawang soplahin ang sinabi ni Austin. Baka nga tama si Tat na hindi niya dapat ipinakikita rito na bitter siya. Tama lang na pakitunguhan na niya ito nang maayos upang sa ganoon ay hindi nito isipin na may damdamin pa rin siya dito.

Banayad niya itong tinanguan. Diretso itong lumakad sa mesa nito at ipinatong doon ang hawak nitong laptop bag.

“Err…Sir, kailan po ipapaayos kay Mang Mencio ang puwesto ko?” Nang dumating siya ay nasa tabi ng pinto ang kaniyang mesa. Una siyang daratnan ng sino mang papasok sa silid. Gayunman ay walang anumang partisyon ang mismong opisina ni Austin.

“Bakit? May problema ba sa puwesto mo? Masikip ba? You can stay here beside me if you want.”

Sinikap niyang sikilin ang nadaramang inis. Alam ni Austin na pikon siya kaya batid niyang nananadya ito.

“Ang ibig kong sabihin, wala ba man lang tayong dibisyon? I mean, I’m just thinking of your privacy here…”

He waved his hand as if pacifying her.

“Suit yourself, Eure. I don’t need the privacy you’re trying to insinuate. Besides, ganito na rin naman tayo dati, ‘diba? What’s the fuss?” Sinimulan nitong i – set up ang laptop nitong hinugot mula sa bag. Siya naman ay tumayo na at nilapitan ang kinalalagyan ng coffee maker. Walang kibong isinilbi niya rito ang umuusok na kape.

“lil amount of sugar?”

“Have you changed your preference? Want some more?” tanong niya na akmang kukuhaning muli ang kapeng inilapag sa gilid ng mesa nito.

“No, it’s okay,” muntik na niyang mabitiwan ang tasa nang hawakan nito ang kaniyang kamay. Simpleng haplos pero tila bolta – boltaheng kuryente ang hatid niyon sa kaniya.

“Are you sure?” she asked.

“Yes. Thank you.”

“Okay.” She smiled.

“Okay.” He smiled back.

“Sir?” she looked in his hand touching hers.

“Oh, I’m sorry.” He took the cup of coffee from her and placed it on the table. Napangiti siya nang palihim sa sarili habang pabalik sa sariling mesa. Hindi pa niya nararating ang puwesto ay narinig na niya ang tinig ng lalaki.

“Pink tulips?”

Napalingon siya rito at nakita niyang nakamasid ito sa lamesitang pinagpatungan niya ng bouquet.

“Y – yes. Someone sent me the flowers…”

Hindi kumibo si Austin. Basta na lamang ito tumango at sinimulan nang itutok ang mga mata nito sa laptop computer.

“HELLO… I’M SORRY Ms. Bettina, but Sir Austin is no longer here in the office.” Sagot niya sa telepono habang ang lalaki ay abalang – abala sa pagsenyas sa kaniya. Ikalawang tawag na iyon ng dalaga at gaya ng una ay siya lang din ang sumagot noon.

Si Bettina ay kinakapatid ni Austin. Inaanak ito ni Mrs. Perez sa isang kaibigan nitong kasa – kasama sa ballroom dancing. Kung bakit nito iniiwasan ang babae ay tila nahuhulaan na niya. Matapos ibaba ang telepono ay hinarap niya ito.

“Sir, alam kong wala akong pakialam sa mga calls niyo pero kung gusto ninyong magsinungaling ay kayo na lang. May caller id naman ang telepono natin kaya kung si Bettina ang tumatawag ay agad ninyong malalaman.”

Naiinis siya na ginagamit pa siya nito upang magsinungaling. At isa pa, hindi siya gaya ni Elmira na matiyagang sasagutin lahat ng tawag ni Boss Conrad. Para sa kaniya ay masyado ng personal iyon kaya hindi na dapat na sa kaniya pa rin iyon iasa ng amo.

“Just please tell any girl that will call to…”

“I said I don’t want to handle your personal calls sir, do you hear?” Bigla ay nawala na naman ang atmospera ng ‘peace talk’ nila ni Austin. Isang iglap ay tila na naman siya buwitreng handang silain ang kaniyang ‘prey.’

“So you want me to answer all my calls, is that what you are trying to say, Ms. Secretary?” mababa pa rin ang boses ng binata subalit buung – buo iyon na tila ba nagpipigil lamang ng emosyon.

“I was just referring to your personal calls, for Pete’s sake!”

“Bakit ba? What’s the big deal, Europa? Napakasimple ng hinihiling ko. Sasabihin mo lang sa lahat ng babaeng tatawag na wala ako. Ganoon lang!”

Hindi rin niya maunawaan ang sarili. Basta na lamang lumalabas sa bibig ang kaniyang mga sinasabi.

“Pero narito ka nga kasi! Iyon ang nagpakomplikado roon. Ayokong magsinungaling dahil hindi ako sinungaling gaya mo!”

Natahimik si Austin. Basta nakamasid lang ito sa kaniya at may kung ilang sandali rin silang nagtitigan.

“Kung minsan ay mas mabuti na ang magsinungaling kaysa naman pilitin mong magpakatotoo pero may ibang tao ka namang masasaktan.”

Hindi niya agad naunawaan ang sinabi nito. Masyadong malalim iyon at hindi niya maiugnay sa pinagdidiskusyunan nila.

“Dapat mong sabihin ang totoo kahit pa may masaktan. Dahil sa huli, mas masakit ang matuklasan mong kasinungalingan lang pala ang lahat ng pinaniniwalaan mo at inaakala mong totoo.” She replied, pertaining to what happened years back.

Kapwa sila napakislot nang tumunog ang telepono. Si Bettina na naman iyon kaya madali niyang tinakpan ang mouthpiece saka nakipag – usap sa binatang prenteng nakaupo sa swivel chair nito at nakamasid sa kaniya. Bahagya siyang nagtaka nang sumenyas itong sasagutin na nito ang tawag.

“Yes, Bettina…oh sure, no problem. I’m free the whole day!”

She got the message. Ayaw niyang sagutin ang mga personal calls nito kaya ito na ang gumawa noon. Ang suma total, hindi nito kayang iwasan ang mga babaeng kausap at nakagawa ito ng sariling lakad sa loob lamang ng dalawampung segundo!

NATITIYAK NIYANG ilang minuto lang ay lalabas na ng opisina si Austin kasama ang Bettina na susundo rito. Hindi niya ibig makialam pero tawag ng tungkulin kaya napilitan siyang kausapin si Austin habang nag – aayos ito ng mga gamit.

“Going out?”

Tumango ito na pasipol – sipol pa. Ang kumag ay talagang nang – iinis! At tagumpay naman itong inisin siya dahil sa mga sandaling iyon ay totoong sumisiklab na ang pasensiya niya.

“You can’t leave. We still have…”

“That can wait but my date can not. See you tomorrow, Europa!” anito na tumayo na at lumakad palapit sa pinto ng opisina.

“So are you telling me that you’re gonna entertain all the invitations of whosoever that will call and invite you out?! I can’t believe this Mr. Perez! You are impossible!”

“Cool, my Europe…calm down…bakit galit na galit ka na naman? Kaninang nagre- request ako sa’yo to turn down my calls, you refused me. Ngayong ako ang sumagot at heto ang resulta, galit ka pa rin…will you please be honest at least for a day, Europa…nagseselos ka ba?”

Hindi siya agad nakahuma pero sa huling hibla ng kaniyang pasensiya ay naisip pa rin niya ang plano nilang magkakaibigan.

“Bakit naman ako magseselos? Boyfriend ba kita, Sir?” may diin sa mga huling katagang binitawan niya. The man twitched his lips for a grin.

“I may not be your boyfriend but… I know you love me…”

Natawa siya nang pagak sa sinabi nito. Ganoon ba siya…ka-transparent?

“Ang kapal naman ng facebook mo! What makes you think that I love…you?” her voice faltered and the man laughed even more. Monster!

“I love you too, my Europe…I love you too…” kapwa sila natahimik sa huling sinabi nito.

Ang mga kamay nito ay nakatukod sa mesa niya at siya naman ay nakatingala rito. Bumilang din ng ilang sandali ang magnetong hatid ng titigan nilang iyon pero sa huli ay natauhan din siya.

“Sanity check, Mr. Perez…I think I need to look for the best psychiatrist in town to wake you up…”

He didn’t move and just kept on standing there while intently staring at her.

“If I were you, I would rather check my heart, sweetie… I know you still love me and there’s actually no reason to deny it…”

“In your dreams…I’m sorry to disappoint you but I’ve got a new boyfriend now…”

Tumayo ito nang tuwid at pinagsalikop ang mga braso sa matipuno nitong dibdib. He heaved a sigh and she was frozen for seconds. That was the sexiest sigh she has ever witnessed!

“Really? Try to convince me, my sweet. Name your dummy boyfriend now.” Nakangisi na naman ito na tila ba siguradong – sigurado sa mga iniisip at sinasabi nito.

“He’s not a dummy boyfriend, how dare you! His name is…Shai…Shann Dorantes.” She silently thanked God for her wit. Mabuti na lamang at agad siyang nakapag – isip.

“Oh, really? The one with limo in Conrad’s birthday party?” amusement was in his face.

Hindi siya agad nakasagot. Hindi naman niya alam na existing pala ang pangalan na naisipan niyang gamitin. Kaya pala madali niya iyong naisip – dahil pamilyar na sa kaniya ang pangalang iyon!

“That’s good. He’s quite a loner; I know him for being a good man though.”

Nakahinga siya nang maluwag sa sinabi nito.

“I’ll talk to him tonight. By the way, Bettina’s his cousin. Oh, I’m sure, you know that. See you later, Europa. Have a nice day!”

Muntik na siyang mahimatay sa narinig na huling sinabi nito. Awang ang mga labi at bagsak ang mga balikat na napaupo na lang siya.
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

3 comments: on "Sana Ngayong Pasko - Chapter 5"

Anonymous said...

Please delete all the stories posted in this site because these are owned by Tagalog Online Pocketbook. SANA NGAYONG PASKO is legally owned by CHAPTERS OF THE HEART PUBLISHING. If you will still block me and refuse to delete the said posts, the publishing house will have to sue you for violating copyright laws. Avoid issues and complications by deleting all the stories here that are not yours especially SNP. Thank you so much.

Yesha
SNP Author

Anonymous said...

Please delete all the stories posted in this site because these are owned by Tagalog Online Pocketbook. SANA NGAYONG PASKO is legally owned by CHAPTERS OF THE HEART PUBLISHING. If you will still block me and refuse to delete the said posts, the publishing house will have to sue you for violating copyright laws. Avoid issues and complications by deleting all the stories here that are not yours especially SNP. Thank you so much.

Yesha
SNP Author

Anonymous said...

Please delete all the stories posted in this site because these are owned by Tagalog Online Pocketbook. SANA NGAYONG PASKO is legally owned by CHAPTERS OF THE HEART PUBLISHING. If you will still block me and refuse to delete the said posts, the publishing house will have to sue you for violating copyright laws. Avoid issues and complications by deleting all the stories here that are not yours especially SNP. Thank you so much.

Yesha
SNP Author

Post a Comment