(Yesha)
“HINDI AKO LALABAS kaya umalis ka diyan!” malakas ang boses na wika niya.
“Oh come one, Europe…stop acting like a child!” Nagpanting ang tainga niya sa narinig kaya bigla ang kaniyang naging pagtayo at galit na binuksan ang pinto upang harapin ang lalaki.
“Like a child? What do you want me to do then? Behave like a cat? Na puwedeng iwan at babalikan na lang kung gusto, ganon?” umuusok ang ilong na wika niya.
“Europe…”
“Stop calling me Europe! I am not Europe!” halos mapatid ang litid ng leeg niya sa matinding galit.
“Europa, Europe…pareho lang ang mga ‘yan! Stop shouting on my face and try to talk to your boss with respect!”
“Respect your face! Kung Europe ako, India ka! Dahil hindi ka marunong tumupad sa usapan!”
Bull’s eye! Natahimik si Austin sa huling sinabi niya. Umawang ang labi nito upang magsalita pero hindi niya ito binigyan ng pagkakataon.
“O ano? Eh di natahimik ka diyan!” parunggit niya.
“What are you talking about?”
Hindi niya napigilan ang mapaismid sa pagmamaang – maangan ng lalaki. Kung inaakala nitong madali siyang bolahin, puwes ay maling – mali ito!
“Wala! Wala na akong ibig pang sabihin sa’yo. Now, if talking to you this way is enough ground for termination, then fire me! Akala mo naman, napakataas ng suweldo ko sa kompanyang ito! Kung makaasta ka, akala mo kung sino kang hari na hindi man lamang puwedeng pagtaasan ng boses ng isang simpleng empleyadong gaya ko! Ano ba ang akala mo sa sarili mo…”
Natahimik siya nang walang anu – ano ay saklitin ng lalaki ang kaniyang braso at sa isang iglap ay nasa bisig na siya nito. Hindi pa siya nakakahuma ay bigla na nitong siniil ng halik ang kaniyang inosenteng labi. Mapaghanap ang mga halik nito at halos ay mapugto ang kaniyang hininga sa lalim ng halik na iyon.
Natural ay nagwala siya. Ubod lakas niya itong tinulak at saka tinuhod sa ‘bluetooth’ nito. Napasandal si Austin sa haligi ng pinto at kunot ang noong tumingin sa kaniya.
“Bastos! Walang modo! Bakulaw!” tili niya. Pinaghahampas pa niya ito ng dala niyang bag at kung hindi dahil sa ginagawa nitong pagsalag ng mga braso sa kaniyang mga atake ay tiyak na bukol ang mapapala nito.
“Stop it, Europa! Hindi na ako natutuwa sa ginagawa mo! Can’t you stop shouting at me and try to be at least civil?”
“Mangarap ka! Kung iniisip mong irerespeto kita bilang anak ni Mr. Perez, magpahinog ka!” Iyon lang at nagmamadali na niyang nilisan ang ladies room. Sa labas ay laking gulat pa niya nang makita ang mga kasamang empleyadong tila nakapila sa ticket booth ng sinehan.
“Ano’ng hinihintay niyo, pasko?!” asik niya. Bubulong – bulong na nagsibalikan sa kani – kaniyang puwesto ang mga miron liban kay Tat at Jane. Sumabay ang dalawa sa pagmamartsa niya papalayo sa eksenang iyon.
“ELOW SWEETIE…how r u?” Napasimangot siya habang binabasa ang mensahe. Kasalukuyan siyang nagbabasa ng kaniyang Maxwell collection nang tumunog ang katabing cellphone.
Inignora niya iyon at itinuloy ang binabasa. Ilang sandali pa ay muli na namang tumunog ang message tone ng kaniyang E63. Kinuha niya iyon saka tinunghayan ang unang mensaheng nasa Inbox.
“Dead…” tugon niya. Sa lahat ng ayaw niya ay ‘yung naiistorbo siya sa pagbabasa ng inspirational book ni Maxwell.
“Then I need to kill myself now.” Napataas ang kilay niya sa naging tugon nito. She checked the time in her alarm clock and as usual, it says nine o’clock. Napangisi siya sa ideyang sumagi sa kaniyang isipan. Paminsan – minsan ay hindi naman masamang ‘maglibang.’
“2log n ba’ng amo mo at naka2pambola kn?” agad niyang ipinadala ang mensahe.
“I like pink. It suits you.” Napaawang ang kaniyang labi nang mabasa ang reply nito. Paano nitong nalaman na naka-pink siya? Bigla niyang naitakip ang hawak na unan sa bahagi ng kaniyang dibdib. Nakasuot lang siya ng isang manipis na pantulog na kulay pink at wala siyang anumang saplot pang – itaas. Lumipad ang kaniyang mga mata sa bintana na nasa bandang paanan ng kaniyang kama. Hindi yata’t kapitbahay lang niya ang pa-mystery effect na texter?
“pangit ka noh? bakit dinadaan mo ko sa text at paninilip? Show up!” Sa halip ay tugon niya.
“does it matter kung pangit ako?”
“yes, it does. kz ayoq sa pangit eh.”
“no worries then…does Jude Law ring a bell? Women say I look like him.”
Natawa siya. Kung minsan ay nakakalibang din pala ang makipagharutan sa text. Ang kanginang pangamba na baka nasa tabi – tabi lang ang stalker ay kagyat nang naglaho.
“tlga? Bka namn ‘yung disguise nya sa Sleuth ang cnasabi m?” Kilala niya ang aktor. At ang totoo’y paborito pa nga niya ito. Walang itong pelikula na pinalampas niya.
“nah…wanna see me?”
“sure…”
“ok. I’ll text u 2m. sleep tyt for now, sweetie…”
Nainis pa siya nang ganoon lang nito tinapos ang kulitan na iyon. Parang kaysarap kausap ng lalaki. Para bang wala itong sasabihin na hindi mo pag – uukulan ng pansin. He seems to have brains on the right places. At unti – unti ay nakukuha na nito ang interes niya.
KINABUKASAN ay hindi siya pumasok sa trabaho. Paano siyang papasok gayong nasa opisina ni Austin ang mesa niya? Tutal naman at wala pa siyang absent, magpa-file muna siguro siya kahit isang linggong leave. Matapos iyon ay saka na niya pag – iisipan ang susunod na gagawin.
Wala siyang ginawa maghapon kung hindi ang magbasa ng libro at manood ng TV. Iyon ang dahilan kung bakit wala siyang liban sa trabaho. Kahit maysakit ay pumapasok siya kaysa naman maburo sa bahay nang nag – iisa. Sa ganitong pagkakataon ay nami – miss niya ang pamilya. Mahigit dalawang taon na nang bigyan siya ng basbas ng mga magulang na bumukod. Agad naman siyang nakakita ng komportableng lugar na malapit pa sa pinapasukan kaya madali siyang nakalipat.
“wat is ur wish 4 ds coming xmas?” Kung dati ay inis, ngayon ay nangingiti na siya sa tuwing magte- text ang mysterious texter niya.
“…2 mit u” she replied.
She was just wondering how he looks. Bakit ayaw nitong magpakilala? Hindi kaya duling? o anak – araw? Kuba kaya? Nangingiti siya sa mga ideyang pumapasok sa kaniyang isipan. Hindi naman siya tumitingin sa panlabas ng anyo. Basta maayos makitungo sa kapwa ay walang magiging problema sa kaniya.
“consider it granted, my sweet…” Kinikilig ba siya? Bakit kahit walang mukha ang kausap sa text ay tila nakikini – kinita na niya ito? Sa imahinasyon niya ay mataas itong lalaki at may napakalamlam na mga mata. Sana nga lang ay magkatotoo ang nasa isip niya.
“I wanna see you now, Shaider…as in now…” aniya, totoo sa loob ang nararamdamang pagnanais na makilala ang stalker.
“sweetie, don’t rush…we’ll eventually get there…”
“don’t ever text me agen if u won’t show up tonyt!”
Lumipas ang ilang sandali at wala pa ring reply ang ka – text. Napailing na lamang siya sa sarili at inis na inis na pinatay ang cellphone.
“NAKAKAIMBIYERNA ka, Europa! First day mo na magbabalik – sektretarya kay Sir Austin tapos ay hindi ka pumasok!” si Tat. Sa pag – aakala ng dalawang kaibigan na maysakit siya ay pinuntahan pa siya ng mga ito ng gabing iyon.
“Hindi ko kayang pakitunguhan ng maayos ang lalaking iyon. Kumukulo talaga ang dugo ko eh. Actually, I’m planning to file one week leave.”
“You know what, nakakapagtaka ang reaksiyon mo, girl! Kung pa-tweetums ka, OA naman ha!”
Binatukan ni Jane si Tat na ikinasimangot naman ng huli.
“Gaga! Wala ka kasing alam sa mga nangyari sa dalawang ‘yan kaya ganyan kang magreact!”
“Bakit kaya hindi ninyo ikuwento para maka-relate naman ako diba.”
“Busy ka kasi kay Pipo noong mga panahon na iyon kaya palagi kang nawawala. Sumama ka pa kay tangkad sa probinsiya nila.”
“Opo, naaalala ko na po. At nang bumalik naman ako, bawal nang banggitin ang pangalan ni Sir Austin ‘diba. So ngayon, to make it short, ano ney? Bakit nga nagkaganoon?”
“Wala! Hindi tayo casette tape na pwedeng i-rewind kapag gustong umulit kaya tigilan na ‘yan.” Kumukumpas pa ang kamay na wika niya.
“Ganito kasi ‘yon, Tat. MU as in mag – UN si Sir Austin at Eure noon…”
“Tama na, Jane! Ayoko nang marinig ang mga ‘yan!” sawata niya. Mukha namang walang balak magpaawat ang kaibigan sa pagkukuwento.
“They used to go out. Tapos napa-sweet ni Sir Austin sa kaniya.”
“Alam ko na ‘yan. Naabutan ko pa ‘yan eh!” ani Tat.
“Stop it! Hindi na nga ‘yan mahalaga sa ngayon…”
“Tapos girl…si Sir… inimbitahan ba naman ang kaibigan natin na magpunta sa province! Eh siyempre, excited ang gaga! Hayun, bumiyahe ng halos kalahating araw para lang umuwi sa farm ni bosing. Tapos, alam mo ba…”
“Sinabing tama na!” sigaw niya. May kasama pang hampas sa kaharap na mesa ang sigaw niya.
“Pagdating doon, wala pala si Sir! Ang naroon ay ang babae niya! Tama ba Eure, nakasuot pa ng bath robe kamu ang babaeng naaninag mo sa bintana ng bahay diba?”
“Tigil! Tigil na! Ayoko nang marinig ang mga ‘yan pwede? Ayoko nang maalala na pinaasa niya ko sa wala! Na nagkapaltos – paltos ang mga paa ko sa biyahe makasunod lang sa kaniya…na pinangakuan niya kong ipapakilala sa mga magulang niya pagdating ng Pasko…na sinabi niyang mahal niya ko…na…na…”
“…na ayaw mo na nga palang pag – usapan ang past tense, ‘day! Ayaw mo na talaga! Naikuwento mo ng lahat nang bonggang – bongga!” natatawang tukso naman ni Tat.
Naiyak na siya nang tuluyan. Ang hindi maampat na pagbalong ng luha ay pinapahid na lamang niya ng magkabilang kamay.
“Sinabi naman kasing tama na eh. Naaalala ko lang lahat. Pati ‘yung mga petsa at bawat pangyayari noon, nakatatak lahat sa isip ko…”
Hindi malaman ng dalawa kung matutuwa o maaawa sa hitsura ni Europa habang umiiyak. Salitan ang mga kamay nito sa pagpupunas ng luha kaya naman inabutan agad ito ni Tat ng isang rolyo ng tissue.
“Nakakainis lang kasi eh. Ano ba ang akala niya sa’kin? Ulila na puwedeng iwan sa ampunan at balikan kung gusto na niya?”
“Girl, ‘yung ibang pinaaampon sa asylum, naipaaampon na rin sa ibang pamilya…paano kung ganoon ang nangyari sa’yo diba? Paano nga kung may ibang lalaki na pala sa buhay mo? Eh di hindi ka na pala aabutan ni Sir Austin na virgin forest? Hay naku, crying over spilled milk ang dating niya…”
Muli itong binatukan ni Jane.
“Sulsol ka nang sulsol eh! Nakita mo na ngang ngumangawa na ang Europa!”
“Basta! Wala siyang mahihita sa’kin! Sisantihin niya ko kung iyon ang magpapaligaya sa kaniya pero nunca niyang mapagtrabaho ulit ako bilang secretary niya!”
Salita pa siya nang salita nang bigla’y tila naestatwa si Tat na nakatitig lang sa kaniya.
“Girl…alam ko na! Alam ko na kung ano ang dapat mong gawin para ma-solve ang problema mo!” namimilog ang mga mata nito habang nagpapapadyak at nagpapapalakpak pa.
“Ano?!” sabay pang tanong ni Jane at Eure. Nang sabihin ni Tat ang ideyang naisip nito ay nakuha niyang inumin nang straight ang juice na nasa harap niya.
3 comments: on "Sana Ngayong Pasko - Chapter 4"
KINDLY DELETE SNP ASAP.
THANK YOU.
Please delete all the stories posted in this site because these are owned by Tagalog Online Pocketbook. SANA NGAYONG PASKO is legally owned by CHAPTERS OF THE HEART PUBLISHING. If you will still block me and refuse to delete the said posts, the publishing house will have to sue you for violating copyright laws. Avoid issues and complications by deleting all the stories here that are not yours especially SNP. Thank you so much.
Yesha
SNP Author
Please delete all the stories posted in this site because these are owned by Tagalog Online Pocketbook. SANA NGAYONG PASKO is legally owned by CHAPTERS OF THE HEART PUBLISHING. If you will still block me and refuse to delete the said posts, the publishing house will have to sue you for violating copyright laws. Avoid issues and complications by deleting all the stories here that are not yours especially SNP. Thank you so much.
Yesha
SNP Author
Post a Comment