(Blue)
“Ikay Wait!” pigil ni Will sa kaniya ng paakyat na siya sa hagdanang bato.
“Bitiwan mo nga ako.” pumiksi siya at muling itinuloy ang pag-akyat.
Malaki talaga ang tampo niya dito, nagmukha siyang sinungaling sa harapan nito. Ang hindi niya matanggap ay ‘yong naniwala ito, kailan ba siya nagsinungaling dito? nadagdagan pa ang tampo niya dahil sa nararamdaman niya. Hindi niya masabi, at wala na rin siyang balak pang sabihin. What for?!
Galit nitong hinarang ang daraanan niya. At pasigaw na nagsalita. “Will you please listen?!”
“Ikaw pa ngayon may ganang sigawan ako?! hah! Doon ka na sa Cathy mo! Magsama kayong dalawa!” sigaw niya. Tinabig niya ito.
“Wala na kami ni Cathy!” pagigil nitong sigaw. Hindi man lang natinag sa pag tabig niya.
“I don’t care, teddy bear!” ganting sigaw niya. Pero nagtatatalon ang puso niya. Tuwang-tuwa sa narinig.
Nanggigil nitong inihilamos ang isang kamay sa mukha. “Sasakit siguro ang ulo ko kapag ikaw ang naging girlfriend ko.” wala sa sarili nitong sabi.
“Ano ‘ka mo?” Nakaringgan lang ba niya iyon o puso niya nagsabi n’on?
Hinawakan nito ang magkabila niyang balikat at hindi niya maiwasan ang tingalain ito. “Ikay listen, Naniniwala ako sa’yo okay? Kilala ko rin si Cathy, hindi ka niya titigilan kapag pinatulan mo pa siya. Ayokong may mangyari sa’yong hindi ko magugustuhan.” hinawakan nito ang kamay niya pero pumiksi siya. “I’m sorry, Ikay.”
Taas kilay niyang tinitigan ito. Mukha naman itong sincere sa sinabi. Nagpamaywang siya. Mukha itong nagpapaawa sa kaniya. Napangiti siya. Hindi niya talaga matiis ito. Kung wala lang siyang gusto dito, sinipa na niya ito. Nangiti na rin ito. Nakahinga ng maluwag.
“O sige na nga, bati na tayo. Ilibre mo ‘ko ng ice cream ha, para makabawi ka sa akin.” nakanguso niyang sabi at pairap-irap pa.
Ginulo nito ang buhok niya bago tumango. Akma nitong hahawakan ang kamay niya ng iiwas niya at umakyat ng isang baitang sa hagdanang bato. Napabuntong hininga siya. Matangkad pa rin ito sa kaniya.
“Eh teka…” Ngayon na siya magtatapat. Kinakabahan siya at lahat ng senses niya, nagwawala. Nagmamalikot ang puso niya at hinahalukay ang sikmura niya. Tiningala niya ito. Magtatapat ba siya? hindi ba dapat mga lalaki gumagawa n’on? Gusto niyang batukan ang sarili dahil ngayon pa siya nahiya eh dati-rati na niyang ginagawa ang magtapat sa lalaki kapag crush niya ang mga ito. Gusto ulit niyang batukan ang sarili. Crush lang niya ang mga lalaking iyon, pero sa luku-lukong ito, iba ang nararamdaman niya. “Bumaba ka ng dalawang baitang, ayokong nakatingala sa’yo.”
Nagtataka man ay sumunod ito sa kaniya na parang maamong tupa. Ngayong magkapantay na sila ay nagtatanong ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya. Ngumiti siya at iniyakap ang mga braso sa leeg ni Will at kinintalan niya ito ng halik sa mga labi. Hindi naman niya kasi alam kung paano bang pagtatapat ang gagawin kaya ginaya na lamang niya ang ginawa nito nung gabing iyon.
Saglit lang naman ang halik na iyon dahil hindi niya gustong makakuha ng atensyon ng ibang mga estudyante. Iminulat niya ang mga mata at kiming ngumiti sa lalaking natutunan niyang mahalin.
“I love you, Will.” nakagat niya ang ibabang labi at yumuko upang maitago ang pamumula ng mukha sa hiya.
Akma niyang aalisin ang mga braso sa pagkakayap kay Will nang hapitin siya nito palapit at yakapin siya ng buong higpit.
Ramdam niya ang panginginig ng katawan nito. Halos hindi na siya makahinga sa higpit ng pagkakayakap nito sa kaniya pero hindi niya gustong sawayin ito. Pakiramdam niya, huminto ang oras para sa kanila pero kailangan niya ang sagot nito. Hindi niya gustong nakabitin sa ere. Kailangan niya ng sagot!
“Will, wait.” Kumawala siya sa pagkakayakap nito at tinunghayan ito. Nabagbag ang loob niya sa nakitang pamumuo ng luha sa mga mata nito. Hindi kaya galit ito sa kaniya sa ginawa niyang pagtatapat? “Will, can you…Will, do you…” Napayuko siya. Hindi yata niya kakayanin ang magiging sagot nito.
Itinaas ni Will ang mukha ni Ikay at tinitigan ito. Tila sasabog ang puso niya sa sobrang saya. Hindi niya maiwasan maging emosyonal sa harapan nito. Naipikit niya ang mga mata. Kung hindi niya pipigilin ang sarili ay maiiyak siya sa harapan nito. Totoo ba ang narinig niya? Hindi niya gusto ipaulit pa rito ang sinabi nito dahil baka nakaringgan lamang niya iyon.
“Will…”
Hinaplos niya ang buhok nito at ngumiti.”I love you, Ikay.” niyuko ito at kinitalan ng masuyong halik sa noo. “Noon pa, mahal na mahal na kita.”
Natawa si Ikay at hinampas ang braso nito. “Matagal mo na pala akong mahal bakit pinahirapan mo pa ‘kong magtapat sa’yo?” naiinis siya pero natutuwa rin dahil mahal pala siya nito. Nakakaloka pala talaga kapag inlove.
“Naduwag ako. Pakiramdam ko, hindi mo ko magagawang mahalin dahil si Marc ang gusto mo. Itinago ko sa sarili ko ang nararamdaman ko dahil alam kong kapatid lang ang turing mo sa akin. God Ikay, nahihirapan ako sa pagpipigil sa sarili kong hagkan ka.” nasa tinig nito ang paghihirap ng loob.
Kumawala sa kaniya ito at napabungisngis. “Pasensiya ka, nasa school tayo eh.” hinaplos nito ang pisngi niya. Bagaman nakangiti ay tila gusto nitong umiyak. “Noon ko pa nararamdaman ito, pero pinigil ko ang sarili ko dahil ang gusto ko maging kuya lang kita. Sa’yo ko naramdaman ang hinahanap ko sa mga kuya ko, kaya kahit na alam kong may nararamdaman ako para sa’yo, pinigil ko na lang. Hindi ko rin gustong makigulo sa relasyon ninyo ni Cathy. I’m sorry.”
“Come here lady. Hug me.” nakangiti niyang hinapit ito papalapit sa kaniya. Nagpakulong naman ito sa mga bisig niya. “I love you, Ikay.”
Matagal na silang sa ganoong ayos ng may maaalala si Ikay. Kumawala siya kay Will at nakalabing tumingin dito.
“Eh teka, akala ko ba ililibre mo ako ng ice cream?”
Sa gulat niya ay humagalpak ito ng tawa. Hinampas niya ito sa braso para tumigil pero hindi pa rin ito mahinto sa pagtawa.
“Will, ano ka ba?! mahiya ka nga!” Natatawa na niyang tinakpan ang bibig nito dahil sa nakakakuha na sila ng atensyon ng mga estudyante na malapit sa kanila. Masayang-masaya siya. Sana hindi na matapos iyon.
“Will, ano bang gagawin natin sa ilog?” kanina pa siya nagrereklamo dito na masakit na ang mga paa niya sa kalalakad pero hindi siya pinapansin nito. Hila lang ang isang kamay niya.
“Huwag ka ngang makulit. Sasabihin ko rin pagdating natin sa ilog.” nakangiti nitong baling sa kaniya at kinindatan pa siya.
Pinabayaan na niya ito, nagpahila na lamang siya dito. Ito ang pangalawang araw ng pagiging mag-boyfriend nilang dalawa. Pero halos wala naman nagbago sa relasyon nila. Ganoon pa rin sila, pero iba na nga lang siguro ngayon. Dahil love na nila ang isa’t-isa not as brother-sister but more than that.
Hindi pa rin niya nasasabi kay Erin dahil nauna naman itong umuwi nung friday at ngayon na pinuntahan niya ito sa bahay ay wala ito, umalis kasama ang mama nito, kaya baka sa monday na lamang niya sasabihin dito ang good news. Tiyak, magpapa-fiesta nga ito sa buong Trece.
Huminto si Will at hindi niya namalayan na malapit na pala sila sa may maliit na waterfalls.
“Ano bang meron?”
“Nothing. May gusto lang akong ibigay sa’yo.” Inilabas nito sa bulsa ng pantalon ang isang gold angel necklace. Pumunta sa likuran niya at isnuot sa kaniya ang kwintas.
“Ang ganda naman nito, Will.” hinawakan niya ang pendant at tiningnan. Isang gold baby angel na bahagyang nakangiti ang style. “Tunay ba ito? Pwede ko ba itong isanla sa pawnshop?” pagpapatawa niya. Hindi niya kasi kaya ang nararamdaman niyang tuwa. Sasabog ang puso niya.
“Hindi kita bibigyan ng tunay dahil naisip ko ngang baka maisanla mo.” pakikisakay nito at kinitalan siya ng halik sa noo. “Do you like it?”
“Very. thank you.” pero napasimangot siya ng may maalala. “Bakit dito mo ibinigay ‘to sa akin?”
Nangunot ang noo nito. “Bakit? anong problema dito?”
Inirapan niya ito. “Dito ka kaya sinagot ni Cathy. Ayoko dito. Ang gusto ko meron din tayong place na special din para sa atin. Ayoko rin sirain ang magandang memories niyo dito.”
“Saan naman ang special place na sinasabi mo?”
Inalis niya ang kawit ng kwintas at ibinigay uli kay Will bago umingos. ” Eh ‘di d’on sa place kung saan mo ko unang minahal.”
Napaawang ang bibig niya. Great! this is great! Wow! angal ng puso niya dahil ang nakikita niyang special place ay ang guidance office ng school nila. Dito ba siya unang minahal ni Will? Ang gandang memories nga.
Nakataas ang kilay na tiningnan niya ito. Namumula ito sa hiya at napapakamot sa ulo. Pigil na pigil niya ang paghagikgik. Parang bata itong gustong magtago sa sulok dahil sa sobrang pagkapahiya. But for her, its kinda cute. Ngayon lang niya nakitang naging ganoon si Will sa harapan niya. Nakakakilig pala.
Sulit na rin ang pagod niya sa sobrang layo ng nilakad nila. Dahil sa unang pagkikita pala nila ni Will ay minahal na siya nito. Ngayon siya naniniwala sa love at first sight at sa lakas ng tama ng developed.
Hinawakan niya ang mga kamay ni Will at dinala sa dibdib. “Hindi ko alam kung paano ko sasabihin at ipapakita kung gaano kita kamahal, but I will do my best, Will. Ang gusto ko lang, palagi ka lang nasa tabi ko. Huwag mo akong iiwan. Ang gusto ko, maging honest tayo sa isa’t-isa. No secrets and no lies. Pag-uusapan natin ang kung anumang problemang darating sa atin. Ang gusto ko magtulungan tayo sa mga bagay na gan’on.”
Inangat nito ang mukha niya at masuyong dinampian ng halik ang mga labi niya. “I swear, Ikay. I will love you for the rest of my life at hinding-hindi kita iiwan.”
Nangiti siya. “I swear, Will, that I will love you for the rest of my life at hinding-hindi rin kita iiwan.” tumingkayad siya at mabilis na humalik sa mga labi nito.
0 comments: on "All I Need by Erin - Chapter 15"
Post a Comment