(Blue)
Intrams Day kaya naman nagkakaingayan sa buong school. Masaya lahat ang mga estudyante, kabado naman ang mga kasali sa Games. Kanya-kanya rin ng pagtatayo ng kung anu-anong booth sa bawat sulok ng school. Lalong lumalakas ang ingay dahil matindi na ang laban ng basketball sa covered court. Saint Jude Aces at National Dragons ang naglalaban. Mortal na magkalaban sa Basketball at laging nag-uunahan ang dalawang team kapag may liga sa Trece. At ngayon na Intrams, magpapakitang gilas na naman ang mga ito.
“SAINT JUDE BANO!” sigaw ng mga taga-National. May ‘boo’ pang kasunod.
“NATIONAL BULOK!” sigaw naman ng mga taga-Saint Jude. Kasunod ang sumisigaw na mga cheering squad na pasayaw-sayaw sa may gilid ng covered court at nagpa-pacute sa mga Aces players.
“Hoy! hindi ka ba marunong mag-referee ha?! Foul ‘yon ah!” sigaw ni Ikay sa lalaking estudyante ng Saint Jude. Isa ito sa mga referee kaya naman mainit ang mga mata ng mga estudyante dito.
Isa na nga si Ikay sa mga sumisigaw sa referee dahil bias ito. Ganun pa man ay lamang pa rin ang National, hindi man lang makaungos ng puntos ang Saint Jude dahil magaling ang star player ng Dragons.
“Ano ka ba, Ikay! Huwag ka ng sumigaw. Ang sakit na ng tainga ko eh.” ani Jinky. Nagtakip ulit ng tainga ng sumigaw ulit siya. “Wala na iyang mga Saint Jude na iyan. Hindi na sila mananalo, Tingnan mo naman ang lamang natin sa kanila.”
Ngumisi siya. Tumingin sa Score board. Lamang sila ng fifteen points. Hindi na nga makakaungos pa ang mga ito. Three minutes na lang eh.
“Pero dapat hindi pa rin pa-easy-easy ang Dragons. Marami pang pwedeng mangyari sa tatlong minuto ‘no!” Napatayo siya ng maka-three points si Will. “Go National! Go National! Go! Go! Go National!” pasayaw-sayaw pa siya ng baby dance.
Hinila siya paupo ni Jinky. “Nakakahiya ka! Sumali ka na lang kaya sa cheering squad.”
Umirap siya dito. “As if naman sexy ako!” Tumingin siya sa bestfriend niyang may hawak ng pompoms. “Tama nang si Best na lang. Mas bagay pa sa kaniya.”
Napatayo ulit siya ng mag-lay up si Will. Tilian naman ang mga girls na nasa likuran nila. Napatakip siya ng tainga. Akala niya siya na ang may pinakamalakas na boses.
“Ang cute niya talaga!” kinikilig na sabi nung nasa kaliwa yata niya.
“Siya ang star player ‘di ba? Grabe! kinikilig ako!” ‘yong babae naman yata na nasa mismong likuran niya ang naulinigan niyang nagsalita n’on. Tumaas ang kilay niya.
Hinila naman siya ni Jinky paupo ulit. “Ano ka ba ang likot-likot mo!”
“May mga pang-asar kasi sa likuran natin eh.” naka-garfield na naman siyang smile at talagang humarap pa siya sa tatlong Maria. Pero hindi man lang siya pinansin dahil sa naka-focus ang mga mata ng mga ito sa Will niya.
Napasimangot na siya. Muli na naman niyang narinig na nagtilian ang mga ito. Hindi na siya makasigaw, naiinis na kasi siya!
“Hay! May girlfriend na kaya siya?”
“Sana naman, wala pa. Naku! talagang magpapacute ako sa kaniya.”
Umuusok na ang bumbunan niya sa inis! Mga antipatika ang mga babaeng ito! Pati ba naman si Will? Hindi na lamang niya papansinin ang mga ito. Alam naman niyang siya pa rin ang gusto ni Will.
Napatayo siya ng mag-last minute na. Tumingin siya sa score board. fifteen points pa rin ang lamang ng Dragons. Hindi pa rin niya maiwasang kabahan. Magaling din naman kasi ang Aces.
Ang lakas ng sigaw niya ng maka-three points si Will at nang marinig ang bell na hudyat ng pagtatapos ng laro.
Agad lumibot ang paningin ni Will sa buong covered court at nang makita si Ikay na tumatakbo palapit sa kaniya ay ibinuka ang dalawang kamay at sinalubong ng yakap ang dalagita.
“O paano ba iyan? Panalo kami, dapat may award ako.” nakangisi niyang tinunghayan si Ikay.
Tumingkayad ito at dinampian ng halik ang mga labi niya.
“Sarap!” nanunukso ang mga ngiti niya. Naaliw sa pamumula ng mukha ni Ikay.
“Luko-loko!” nakangiti nitong hinampas pa ang braso niya. “I’ll cook you dinner sa bahay mo.”
Nangislap bigla ang mga mata niya. “Iyon lang?” hindi maitago ang ngiti sa mga labi.
“Opo! At anong ibig sabihin ng ngiting iyan, William Hipolito?” nakataas ang isang kilay nito.
“Nothing. You’re cute when you are blushing.” hinaplos pa niya ang pisngi nito.
Kumawala ito sa kaniya at tinitigan siya. Nangunot naman ang noo niya.
“Will sexy ba ako?” nag-aalangan tanong nito at lumabi pa.
Nailing siya. “Na-insecure ka na naman.” may pagsuyo sa mga mata niyang hinila payakap si Ikay.
“Medyo. Kanina kasi, may mga babaeng nag-chi-cheer sa’yo. Ang sexy kaya nila.”
He kissed her temple at niyakap niya ito ng mahigpit. “Ito talagang Ikay ko, maraming insecurities sa buhay. Hindi niya nakikita na mas marami siyang katangian na mas gusto ko kaysa sa ka-sexy-han niya.”
“Will!” bahagya nitong kinurot ang tagiliran niya.
Natatawang hinagilap niya ang kamay nito at iniyakap sa baywang niya. “Yakapin mo na lang ako, mas gusto ko pa.” Hindi niya napigilan ang sariling yukuin ito at hagkan sa mga labi.
Saglit lang ang halik na iyon. Bumitiw ng kapit si Ikay at inilayo ng bahagya ang katawan bago napangiwi. “Will..ang lagkit mo! Amoy pawis ka!” natatawa niyang itinulak ito palayo.
“Ah gan’on? halika rito!” inambaan siya nitong muling yayakapin ng tumakbo siya palayo dito. “Pilya! Kapag nahuli kita, humanda ka sa akin!”
Naipadyak niya ang isang paa at napakamot sa ulo. “Ang tagal naman!”
Natigil si Ikay sa pagtili ng mamataan niya si Erin na nag-iisa sa may oval bench. Malayo ang tingin nito, wala naman tinatanaw. Natawa siya! nasa isip na lyrics ng isang kanta ang sinabi niya.
“Teka Will, puntahan ko lang si Erin ha. Mukhang may problema siya.” nakangiting paalam niya kay Will na bumitaw sa pagkakayakap sa kaniya at tumingin din sa direksyon ni Erin.
“Okay. Magpapalit lang ako ng damit. Maghanda ka na rin, malapit ng laban mo.”
“Sama na lang kaya ako sa’yo?” nanunukso niyang sabi, sinabayan pa niya ng kindat.
“Pilya!” hinalikan muna siya nito sa noo bago tumalikod.
Napabungisngis siya. Mapuntahan na nga ang best niya, baka nga masundan pa niya si Will.
“Oy! ang layo ng tingin ah.” ani Ikay ng makalapit sa best niya. Tumanaw din sa tinitingnan ni Erin. “Best, may problema ba? Kanina ka pa kasi walang kibo eh. Wala ka rin ganang mag-cheer kanina. Ano bang tinitingnan mo?”
Tumingin sa kaniya si Erin pero nag-iwas ng tingin ng titigan niya.
“Ah…may problema nga ang aking bestfriend. Halika magsabihan tayo ng problema. Ano ba iyon?” naupo siya sa may tabi nito. Nang hindi ito kumibo ay napakamot siya sa ulo.
Tumayo siya. Gumilid at humarap dito. Blangko ang expression ng mukha nito. Kung anu-ano na ang ginawa niya sa mukha niya mapatawa lang niya ang best niya ay wala pa rin naging epekto rito. Nagsayaw siya ng baby dance. Napangiti lang ito. Mahirap palang patawanin ito kapag seryoso masyado. Napakamot siya sa ulo.
“Best ang OA mo. Kung mag-arte ka ng ganyan akala mo artista ka sa teatro. Ano bang problema?”
“Wala.” nag-iwas ulit ito ng tingin.
“Wala raw eh para ka nang namatayan sa hitsura mo.” nangangalay na siya kaya naisipan niyang umupo. “Nag-away ba kayo ni Marc?”
“Wala na kami ni Marc.” bulong nito.
Siya naman ang napaawang ang bibig sa sobrang shocked. “Teka, paanong nangyari? niloko ka ba niya? Aba! ungas iyon ah!” napatayo siya sa inis.
“Hindi best. Ako ang nakipagbreak sa kaniya.” nag-init ang sulok ng mga mata nito.”Kasi-” nahinto ito saglit dahil nakaramdam ng panghihina. Bahagya nitong nasapo ang ulo.
“Kasi ano? Kasi nakita mo siya may kasamang iba gan’on?” naiinis niyang tanong. Humanda talaga ang Marc na iyon sa kaniya. Ang bait-bait ng best niya, lolokohin lang ni Marc?
“Best hindi iyon ang dahilan-”
“Eh ano?” nangunot ang noo niya ng makitang may dugong lumalabas sa ilong ni Erin. “Best- Best-” bigla siyang nanginig sa nakitang dugo. “Best nag-nose bleed ka.”
Inapa ni Erin ang ilong at nang makitang may dugo ang kamay ay napaiyak ito sa kaniya at niyakap siya.
“Best…”
Kanina pa hinahanap ni Will sa buong campus si Ikay ngunit hindi niya ito makita. Hindi na nakasali sa laban si Ikay dahil kanina pa ito nawawala. Mangilan-ngilan na lang ang mga estudyante sa school.
Muli niyang binalikan ang oval bench kanina kung saan niya huling nakita si Ikay. Ang sabi nito pupuntahan lang si Erin at kakausapin. Nagtanong na rin siya sa Magnificent, hindi rin nila makita si Erin. Saan kaya nagsuot ang dalawang iyon?
Namataan niya ang clinic. Iyon na nga lang pala ang hindi pa niya napupuntahan. Baka nandoon ang dalawa. Naalala niyang sinabi sa kaniya ni Ikay na mukhang may problema si Erin. Marahil masama ang pakiramdam ng huli at naisipan ng mag-bestfriend na pumunta sa clinic.
Inilang hakbang niya ang pagpunta roon. Hindi naman kalayuan ang clinic sa kinatatayuan niya kanina. Nang nasa tapat na siya ng pinto ng clinic ng magbukas iyon. Si Ikay ang bumungad sa kaniya.
“Ikay..kanina pa namin kayo hinahanap.”
“Hindi ko kasi maiwan si Erin eh. Nagpapahinga na siya ngayon. Kanina kasi parang-”
“What’s wrong Ikay?” Nahihimigan niya sa tinig nito ang lungkot.
Nag-angat ng tingin si Ikay kay Will. Nanginginig pa rin siya hanggang ngayon. Hindi maalis sa isipan niya ang nangyari kanina. Agad niyang dinala si Erin sa clinic dahil marami ng dugong lumalabas sa ilong nito. Nagulat siya ng ipatawag ng nurse ang doctor ni Erin. Naitanong niya sa sarili na kung bakit may doctor ang best niya. Sinunod na lamang niya ang nurse kahit gusto na niyang magtanong.
Nang dumating ang doctor kanina, hindi na niya napigil pa ang sariling tanungin ito. Na kung bakit kailangan pa nitong tingnan si Erin. Nawalan siya ng hininga sa sinabi ng doctor. May sakit ang best niya.
Hindi niya halos mapaniwalaan ang sinabi ng doctor sa kaniya. May sakit ang best niya. Anim o sampung taon na lamang ang itatagal ng buhay nito. Nag-init ang sulok ng mga mata niya. Ganoon na ba kalala ang sakit ng best niya?
“Will…Can you..embrace me for a while?”
Agad siyang hinapit nito at walang salitang mahigpit siyang niyakap.
“Mawawala ang bestfriend ko. Mawawala siya sa akin, Will.” tuluyang bumalong ang mga luha sa mga mata.
1 comments: on "All I Need by Erin - Chapter 16"
sa TOP site to dba?? bat nan dto silang lahat??
Post a Comment