SHARE THIS STORY

| More

A Night to Remember - Chapter 14 END

(Pangarap_ko)



Nagpalipas pa sila Doon ng ilang araw dahil na rin sa pakiusap ng mga magulang ni Tyler na buong puso naman nilang pinaunlakan dahil alam nilang nasasabik ang mga ito sa apo.

Bago sila bumalik ng pangasinan ay niyaya siyang lumabas ni Tyler naiwan ang kanilang mga anak sa mga magulang ni Tyler.

Makalipas ang ilang sandali ay humito sila sa condo ni Tyler kung saan unang may nangyari sa kanila.

“Ipikit mo mga mata mo wag kang didilat ok?” ang sabi ni Tyler sa kanya na inilagay pa ang mga kamay nito sa mata niya at iginiya siya nito papasok

“Oh!” ang tangi niyang nabanggit pagkaalis ng kamay ni Tyler sa kanyang mga mata. Paano ay nakita niya na ang buong carpet ay napapaligiran ng mga petals ng rosas na kulay puti at pula may lamesa sa gitna na kinalalagyan ng champagne at candles

“Did you like it?” ang nakangiting tanong nito sa kanya sabay abot ng mga bulaklak na nakapatong kanina sa gilid ng pintuan.

“Oh yes its beautiful thank you” ang nasabi niya habang inaamoy ang twelve roses

“Halika lets dance” ang sabi nito at biglang naging deam ang paligid at may malamyos na music

Habang nagsasayaw sila halos magkadikit na magkadikit na nga ang kanilang mga mukha habang nagsasayaw at hindi naghihiwalay ang kanilang mga mata na nagkikislapan sa sobrang saya habang panay ang bulungan nila ng mga sweet nothings.

Pagkatapos nang ikatatlong kanta ay nagyaya na siyang maupo dahil nangangalay na ang kanyang mga binti kaya niyaya na siya nitong maupo sa mesa para kumain at ng buksan nito ang mga nakatakip sa lamesa ay nakita niya ang mga paborito niyang pagkain mayroong T-bone steak with baby carrots and corn and mash potato meron ding salad at ilan pang dish na hindi niya alam ang mga pangalan.

Pagkatapos makakain ay inalis ni Tyler ang takip ng dessert nila at bumungad sa kanya ang heart shape na chocolate cake na may nakasulat na “Will you marry me” at may nakapatong na singsing kinuha ni Tyler ang singsing at lumuhod sa kanyang paanan.

“I love you so much the moment I laid my eyes with you you stole my heart and never gave it back now I want you to pay me by taking me into your life forever, Ayessa will you marry me?” ang sabi nito sa kanya at dahan dahang inilagay sa kamay niya ang singsing na may katamtamang laking diamond.

“You already take my heart long long time Tyler you always took my breath everytime you are near me and being away from you for more than three years was the most unbearable time of my life and yes im willing to marry you” ang sabi niya rito at ginawaran siya nito ng halik na lumalim ng lumalim at muli ay naranasan nilang maging isa.

Paguwi nila ay sinabi na nila ang kanilang planong pagpapakasal sa kanilang mga anak at sa magulang ni Tyler na labis na ikinatuwa ang kanilang plano lalo na ang kanilang mga anak.

“Ayessa siguro panahon na para pumunta tayo sa pamilya mo” ang sabi ni Tyler sa kanya ng nagsosolo na sila sa kwarto.

“Huh?” ang nagulat niyang sabi dahil hindi niya inaasahang darating ang panahong yayain siya nitong pumunta sa kanyang Ama.

“ Ang sabi ko puntahan natin ang pamilya mo, malay mo lumambot na ang kanilang puso lalo na ng daddy mo mahigit tatlong taon na rin naman kayong nagtitiisan kaya dapat lang na subukan nating lumapit ulit sa kanila” ang sabi nito sa kanya

“Tyler galit sa akin ang daddy hindi raw niya ako anak, anak daw ako sa ibang lalaki ng mama” ang sabi niya kay Tyler at Hindi niya napigilan ang mga luhang nag-unahan sa pagpatak dahil sa pagkaalala sa sinabi ng ama.

“ Kahit na kailangan pa rin nating subukan malay mo lumambot na ang kanyang puso alam kong gusto mong makauwi sa inyo kahit hindi mo sabihin alam kong na mimiss mo sila” ang basa nito sa emosyon niya.

“Siguro nga pero natatakot ako” ang sabi niyang umiiyak naramdaman niyang niyakap siya Nito

“Don’t be scared im with you I promise I wont let anyone hurt you even your dad” ang pangako nito sa kanya saka siya hinalikan

Pagkalipas ng dalawang araw ay lumipad sila ni Tyler kasama ang kanilang mga anak papuntang hacienda para humingi ng tawad sa kanyang ama.

Papalapit pa lang sila sa kanilang hacienda ay di na matago ang kanyang kaba at walang tigil siyang nanalangin n asana napatawad na siya ng ama at wag ipagtabuyan.

“Mang Nestor nandyan po ba ang daddy” ang tanong niya sa matandang hardinero

“Ayessa ikaw na ba yan iha?” ang natutuwa nitong tanong sa kanya habang hindi makapaniwalang pinakatitigan siya inayos pa nga nito ang salamin nito at pinunasan.

“Opo Mang Nestor nandyan po ba ang yaya ? Si daddy po?” ang sunod sunod niyang tanong

“Oo iha nasa loob ang yaya mo ganon din ang iyong daddy at mommy” ang nakangiti nitong sabi sa kanya

“Ahh eh puwede po kaya akong pumasok ?” ang kinakabahan niyang tanong dahil natatakot siyang ipagtabuyan ng ama.

“Naku oo sandali at bubuksan ko ang gate” ang sabi nito na nagpangiti sa kanya

Bumalik siya sa kotse at sinabi kay Tyler na puwede na daw silang pumasok kaya iminaneho na nito ang sasakyan papasok ng hacienda

“Mommy dito po ba kayo nakatira dati?” ang tanong sa kanya ni Natasha na nagising nap ala

“Oo anak” ang maikli niyang sagot dahil ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib dahil sa takot

Nang makapasok sila sa loob ng hacienda ay ninenerbiyos siyang bumaba kasama si tyler ng biglang lumabas ang kanyang yaya

“Yayaa” ang tawag niya sa matandang babaeng lumabas

“Oh Ayessa anak ang tagal na kitang inaalala” ang umiiyak nitong sabi at nagyakap sila ng pagkahigpit-higpit

“Yaya galit pa rin ba ang daddy” ang tanong niya rito pagkatapos nilang magyakap

“Naku iha ang tagal ka nang hinahanap ng daddy at mommy mo” ang sabi nito sa kanya na ikinagulat niya

“Talaga po yaya?” ang natutuwa niyang tanong dahil hindi siya makapaniwalang hinanap pala siya ng mga magulang kung alam lang niya ay matagal na sana siyang bumalik.

“Oo halika siguradong matutuwa ang mga yon” ang yaya nito sa kanya ng bigla itong huminto at napatingin kay Tyler na nakatayo sa kanyang tabi.

“Sino pala ire?” ang tanong nito sabay turo kay Tyler na ikinangiti niya

“Siya po si Tyler ang tatay ng mga anak ko” ang sabi niya rito habang buong ningning na nakatingin kay Tyler na umakbay sa kanya.

“Tyler ito ang pinakamamahal kong yaya” niyakap si Tyler ng kanyang yaya na halos mamasa ang mga mata.

“Yaya ito naman po ang mga anak ko si Natasha at Nathaniel kambal po sila” ang pakilala niya sa mga anak niya

“Ito na pala ang ipinagbubuntis mo noon at kambal pa” ang nasisiyahan nitong sabi at niyakap ang mga bata na hindi naman tumutol sa halip ay yumakap din sa kanyang yaya kahit hindi nito kilala.

“O siya halikayo at ng Makita mo na ang mga magulang mo” ang sabi nito at inakay sila sa may garden kung saan nakaupo ang kanyang daddy at mommy habang nagkakape napahigpit ang hawak niya sa kamay ni Tyler kumukuha ng lakas ng loob dahil bigla naming siyang sinalakay ng takot

“Senyor narito na ho si Ayessa” ang masayang sabi ng kanyang yaya

Biglang napalingon sa kanila ang kanyang mommy at daddy umiiyak na lumapit ang kanyang mommy pagkakita sa kanya at mabilis itong tumakbo palapit sa kanila.

“Oh Ayessa ang anak ko” ang sabi nito at mahigpit siyang niyakap ng makalapit ito sa kanya damang dama niya ang paghihirap ng loob nito at kaligayan habang mahigpit siyang yakap ng kanyang ina.

“Mommy” ang umiiyak niyang sabi na di malaman kung paano yayakap sa ina dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman niya ang init ng mga yakap at halik nito na matagal na panahon niyang hinahanap-hanap.

“Ayessa anak” ang sabi ng daddy niya na nakatayo na pala sa tabi nila ng mommy niya at namamasa ang mga luhang nakatunghay sa kanilang magina.

“Daddy o daddy im so sorry” ang sabi niya sabay yakap dito ng mahigpit at naramdaman niyang mas mahigpit ang iginanti nitong yakap na matagal na niyang gustong maramdaman sa tuwing yakap nito ang kanyang Ate Lira ay iniisip niya kung ano kaya ang pakiramdam na makulong sa mga bisig nito at ngayon nga ay naramdaman niya kung gaano kasarap at kainit ang yakap ng isang ama na matagal niyang pinanabikan.

“Oh anak ko patawarin mo ang daddy nagkasala ako sayo” ang sabi nito at niyakap siya ng mahigpit na mahigpit habang umiiyak.

Makalipas ang ilang sandali ay nahimasmasan na rin siya at ang kanyang magulang napatingin ang daddy niya sa gawi nila Tyler at tinignan siya parang itinatanong kung sino ang kanyang mga kasama kaya mabilis siyang lumapit at ipinakilala ang mga ito sa isa’t isa.

“Daddy si Tyler po at ang mga apo ninyo si Nathaniel at Natasha” ang pakilala niya sa kanyang mag-aama na nakangiti sa kanyang mga magulang.

“Tyler Natasha Nathan ang daddy at mommy ko” ang pakilala niya sa mga magulang na namasa na naman ulit ang mga mata dahil sa kanyang sorpresa.

“ Hi sir, ma’am natutuwa po akong makilala kayo” ang sabi ni Tyler at inilahad ang palad tinignan ito ng daddy niya at sa halip na tanggapin ang palad nito ay bigla nitong niyakap si Tyler ganon din ang ginawa ng mommy niya at nang maghiwalay ay ang kambal naman ang hinarap.

“Hello kids” ang sabi ng daddy niya sa kambal na halatadong nahihiya dahil humawak pa ang mga ito sa kanyang mga hita.

“Hello po” ang sabay na sagot ng dalawa na bahagyang ngumiti sa kanyang Ama.

“ Come give Lolo embrace” ang sabi nito at inilahad ang mga braso at yumakap ang kanyang mga anak dito at muli nakita niyang umiyak ang daddy niya habang yakap ng mahigpit ang mga apo, ang mommy naman niya ay pinupog ng halik ang mga ito ng dito naman yumakap.

Niyaya sila ng kanyang magulang sa loob para kumain nakaakbay pa ang kanyang ama sa kanya ng pumasok sila habang hawak naman ng mommy niya sila Tyler at ang mga bata pagkatapos kumain ay pinagpahinga ng yaya niya ang kanyang mga anak habang siya at si Tyler ay kinausap ng kanyang daddy sa study room

“Anak patawarin mo sana kami alam naming napakalaki ng pagkukulang namin sayo mula pa ng bata ka” ang simula ng kanyang mommy habang nakaupo sila sa Study room.

“ Di naman ako galit sa inyo mommy at daddy ako nga po ang nagkasala binigyan ko kayo ng kahihiyan” ang sabi niya habang umiiyak na nakahawak sa kamay ng mga magulang.

“Shh iha” ang sabi ng mommy niya pilit siyang pinatatahan sa unang pagkakataon naramdaman niya ang kalinga ng kanyang ina umiiyak ito habang hinahaplos nang pagkasuyo suyo ang kanyang mahabang buhok.

“ Anak alam ko marami akong nasabing masasakit na salita sayo mula ng bata ka pa at ng araw na palayasin kita believe me pinagsisihan ko ang nagawa ko kung puwede ko nga lang ibalik ang nakaraan gustong gusto kong itama ang mga pagkakamali ko sayo” ang sabi ng kanyang daddy

“Nalason lang kasi ang utak ko kaya sayo ko naibunton dahil sa akala kong kasalanan ng mommy mo alam kong nasabi ko sayo na hindi kita anak alam ko na ang totoo iha anak kita ginulo lang talaga ng traidor kong kaibigan ang pagsasama naming ng mommy mo kaya sinabi niya na anak ka raw niya sa mommy mo, pero umamin na rin siya at sinabing hindi totoo ang sinabi niya anak kita” ang lumuluha na sabi ng kanyang ama

“Daddy kung ganon kayo talaga ang daddy ko?” ang nasisiyahan niyang tanong sa ama na nakangiting tumatango.

“ Oo anak ng malaman ko ang totoo hinahanap ka namin pero hindi ka namin Makita walang makapagturo kung nasan ka” ang sabi nito na mababakas ang sobrang paghihirap ng loob dahil sa pagkaalala sa mahigit tatlong taon nilang pagkakawalay.

“ Masayang Masaya ako at bumalik ka iha akala ko hindi na kita makikita kahit kailan, akala ko mamatay na lang akong hindi man lang nakakahingi sayo ng tawad at naitutuwid ang pagkakasala ko” ang dagdag pa nito habang tumutulo na naman ang mga luha nito dahil sa labis na pagsisisi sa mga pahirap na ipinalasap nito sa kanya.

“Masaya akong malaman na hindi ka napariwara ng araw na palayasin kita sa tuwing iisipin ko ang kalunos lunos mong anyo ng araw na yon ay hindi ko mapigilang magalit sa sarili ko dahil sa ginawa kong pangaapi sayo, alalang-alala ako sayo dahil alam kong buntis ka pero pinigilan ko ang sarili ko dahil galit na galit ako sayo napakasama ko talaga” ang sabi nito na sinuntok pa ang dibdib nito na parang hanggang ngayon ay hindi pa nito mapatawad ang sarili sa nagawa sa kanya.

“Daddy wag ninyo pong sisihin ang sarili ninyo, kasalanan ko po ang lahat naging padalos dalos ako sa ginawa ko kaya nasaktan ko kayo maging si Tyler” ang sabi niya sa ama na niyakap ito ng mahigpit.

“Ako ang dapat sisihin sa lahat ng ito kung naging mabuti sana akong ama hindi ka sana nahirapan” Ang sabi ng kanyang ama habang masuyong hinahaplos ang kanyang likod.
“Wala po yon daddy nakita naman ako agad ni Tyler at ngayon nga ay pananagutan na niya ako” ang sabi niya sa ama.

“Kumusta po pala ang Ate Lira?” ang tanong niya sa mga magulang sa pagkaalala sa kanyang kapatid.

“Mabuti naman anak nasa ibang bansa sila ng kanyang asawa at wala pa ring anak ” ang sabi ng kanyang mommy.

“Ganoon po ba gusto ko po sana siyang makita” ang sabi niya sa mga magulang.

“Uuwi sa pasko ang mga yon siguradong matutuwa ang Ate mo dahil matagal ka na rin niyang hinahanap” ang sabi ng kanyang Daddy na ikinatuwa niya.

“Kuwentuhan mo kami anak Kung anong nangyari sayo sa loob ng mga taong wala ka dito” ang sabi ng kanyang mommy na parang sabik na sabik malaman kung anong klaseng buhay ang pinagdaan niya ng palayasin siya sa bahay.

“Ok naman po mommy napadpad ako sa Pangasinan at naging manunulat yun ang ipinang tutustos ko sa aming mag-ina” ang sabi niya sa mga ito.

“Naging napakahirap siguro ng buhay mo dahil hindi ka sanay sa hirap” ang sabi ng kanyang mommy na halatang na-awa sa kanya.

“Hindi naman po mommy sa umpisa lang ako nanibabago pero mula ng dumating ang kambal sa buhay ko ay pilit kong kinaya para sa kanila hanggang sa magkita nga kami ulit ni Tyler at nalaman niyang nabuntis pala ako” ang sabi niya sa mga magulang at masuyong tinitigan si Tyler na ginantihan din nito ng mapagmahal na tingin.

“Bakit pala sabi mo sa akin noon anak hindi mo kilala ang ama ng ipinagbubuntis mo, tinakbuhan mo ba siya iho?” ang tanong ng kanyang daddy na hindi naman galit kundi nagtataka lang.

“Hindi ko po alam Sir na nabuntis siya bigla na lang siyang umalis ng araw na may mangyari sa amin” ang sagot ni Tyler sa kanyang ama.

“Naku ano bang Sir Daddy na lang ang itawag mo sa akin at malapit na naman kayong maging mag-asawa nitong anak ko” ang masayang sabi ng kanyang ama na ikinatawa nilang lahat.

Naging Masaya ang kanilang usapan nagkuwentuhan pa sila ng Kung ano anong mga bagay na may kinalaman sa nakalipas na panahon til aba pinupunan nila ang nasayang na mga panahon na magkakahiwalay sila.

Nagpalipas muna sila ng ilang araw sa kaniyang mga magulang dahil gusto raw ng mga itong bumawi sa kanya sa mga panahong nasayang dahil sa mga pangyayari.

Naging napakasaya nila Hindi muna tumanggap ng kahit anong kaso ang kanyang mga magulang para daw Hindi mahati ang panahon ng mga ito sa kanila habang nagbabakasyon sila sa hacienda.

“Daddy kailangan na po naming bumalik sa manila dahil may kailangan na pong bumalik ni Tyler sa pamamahal ng kanilang negosyo” ang sabi niya sa ama makalipas ang limang araw nilang bakasyon.

“Ganoon ba anak?” ang sabi ng ama na mababakas ang kalungkutan.

“Opo but don’t worry daddy pangako babalik kami ulit dito para magbakasyon” ang sabi niya sa kanyang daddy at niyakap ito ng mahigpit na mahigpit.

“Sige aasahan ko yan, balitaan mo na lang kami kung kailan kayo magpapakasal ni Tyler ok” ang sabi nito ng paalis na sila.

“Opo daddy magtatampo ako pag hindi kayo dumalo” ang birong totoo niya sa ama at masuyong ginawaran ito ng halik at nagpaalam na.

Makalipas ang isang buwang preparasyon ay natuloy na rin ang kanilang kasal na sinaksihan ng mahigit anim na daang panauhin masayang Masaya siya dahil sa wakas ay naging buo na rin ang kanilang pamily.

“Are you happy sweetheart?” ang bulong ni Tyler sa kanya habang nasa reception sila ng kanilang kasal.

“Yes very much happy” ang sagot niya dito na nagniningning ang mga mata dahil sa sobrang kaligayahan.

“Good dahil mamaya ay mas paliligayahin kita, umuuungot na kasi ang kambal ng kapatid” ang sabi nito sabay himas sa kanyang braso na ikinakiliti niya.

“Don’t worry seven and half months from now magkakaroon na ulit sila ng kapatid” ang namumula niyang bulong dito na ikinasigaw nito kaya napatingin sa kanila ang mga bisista

“Ano ka ba ang ingay mo” ang nahihiya niyang saway dito at kinurot ito ng mahina Na ikinatawa nito pag katapos ay hinuli Lang nito ang kanyang mga kamay.

“ Ladies and Gentleman forgive me for being too noisy kababalita lang kasi sa akin ng misis ko na may madadagdag na sa aming pamilya seven and half months from now” ang masayang masaya nitong pagbabalita sa mga bisitang nakatingin sa kanila dahil sa sigaw nito.

“Way to go” ang narinig pa niyang sabi ng Daddy niya na ikinapalak-pak ng iba pang bisita.

“Brother you really live with your motto ‘Time is Gold’ dahil Hindi ka talaga nagaaksaya ng panahon look at you makakatatlo na” ang sigaw ng kakambal nito na ikinatawa ng mga naroroon habang namumula naman pareho ang kanilang mga mukha.

“Yehey magkakaroon na rin tayo ng baby” ang masayang masayang sabi ni Natasha na sinabayan pa ng Talon at Palakpak.

“Lets cheers to that” ang masayang masayang sabi ng Daddy ni Tyler at sabay sabay na iniangat nila ang mga kopita at nag cheers sa isa’t isa.

“I love you so much sweetheart thank you so much” ang Masaya nitong sabi sa kanya pagkatapos nilang inumin ang wine nila.

“I love you too sweet heart ” ang sabi rin niya at binigyan siya nito ng napakahabang halik.

Wakas

ABANGAN:

Totoo kaya ang kasabihang “Hate is just a thin line away from Love” malalaman natin sa kuwento ng buhay pagibig ni Natasha ang isa sa kambal na anak nila Tyler at Ayessa na pinamagatang UNEXPECTED LOVE.
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

5 comments: on "A Night to Remember - Chapter 14 END"

Anonymous said...

hey the teaser is catchy and i felt bad when i found out that the chapters 1 to 7 is missing but i still read it and i understand the whole story bcoz the characters explanation inside,, then i realized that this story was great, this story really moves my heart. :)))

Anonymous said...

I really like this story...

Anonymous said...

awesome what a heart-melting story....love it!

Anonymous said...

nice story,sayang lang wala ung chapter 1-7..

Anonymous said...

i relly love the story,and ended up with a joyful tears in my eyes.its a good story even if chapter 1 to 7 is missing...more power to the writer,wish you could create such a lovely stories like this...

Post a Comment