(Yesha)
“EUROPA!” sigaw niya nang makita ang dalaga na patungo na sa elevator ng building.
Lumingon ito subalit lalo lang nagmadali nang makita siya. Ang lahat ay pawang nakatingin sa kanila at nakabakas sa anyo ng mga ito ang pagtataka.
Nang makasalubong ang isang utility staff ay agad niyang hinintuan iyon at saka kinausap. Ibinilin niya rito ang nais at saka muling hinabol ang dalaga.
“Europa! Sandali lang!”
Inirapan lang siya ni Eure at tuluyan nang lumulan sa elevator. Saktong – saktong naabot niya ang pinto kaya napigil ang sana’y pagsarado niyon. Humihingal na napasandal siya. Napapikit siya sa matinding pagod at nang magmulat ng mga mata ay nakitang matalim na nakamasid sa kaniya si Europa.
“What?” tanong niya.
“What – what ka diyan! Ano’ng ginagawa mo rito?!”
“Namamahinga?” pamimilosopo niya. Kaygandang pagmasdan ni Europa sa mabining liwanag na nagmumula sa elevator ceiling at ang anyo nitong tila inis na inis ay lalong nagpatingkad sa angkin nitong ganda.
Bahagya niyang naipilig ang ulo. He never knew any woman who gets prettier when upset…except Europa.
“Sa buwaya ka ba ipinaglihi? Ang kapal ng balat mo eh! Can’t you get the signals? Ayaw kitang makita! Lalong higit na ayaw kitang makasama!” dahil kulob ang kinalululanan nila ay umaalingawngaw ang sigaw ng dalaga at halos ay takpan na niya ang mga tainga sanhi niyon.
Pinagsalikop niya ang mga braso sa dibdib at ibinalanse ang mga paa upang makasabay sa paggalaw ng lift.
“Gusto kong magpaliwanag mula sa simula at nais kong makinig ka sa mga sasabihin ko, Europa…”
“Nagsasayang ka lang ng oras. At kung sakali man, hindi na kailangan dahil wala na ring mangyayari. Aalis na ko ng Maynila ngayong tanghali kaya magsaya ka na!” asik nito. Ang mga mata’y tila nagliliyab sa galit.
“Alam kong marami akong pagkukulang sa’yo pero nakahanda akong punan ang lahat ng iyon…”
“Gasgas na ang punch line na ‘yan, Mr. Perez! Nabili na ‘yan sa mga pelikula! Wala ka na bang ibang puwedeng sabihin na kapani-paniwala naman?”
“Kahit sinong kriminal ay binibigyan ng pagkakataong magpahayag ng kaniyang panig, bakit hindi ako?”
“Dahil hindi ka naman kriminal! Manloloko ka lang! Paasa! Papampam! At walang ibinibigay na pagkakataon sa mga taong gaya mo! Ang dapat sa’yo, ibinibitin sa puno nang patiwarik…saka bubuhusan ng langgam…at hindi lang ‘yon; matapos mong mamantal ay dapat lang na pasagasaan ka sa pison nang tatlong ulit, bunutin ng isa – isa ang mga kuko mo sa paa saka ka tadtarin ng pinong – pino!”
Napalunok siya sa mga sinasabi ng dalaga. Sadya bang ganoon katindi ang galit nito?
“…at kung iniisip mong tapos na ang pagpapahirap ko, pasensiya ka dahil may kalalagyan ka pa! Kapag tadtad ka na ay ipapakain kita sa aso! At ang aso naman ay…”
“Europa! Ganyan ba kita nasaktan? Kung makikinig ka ay wala namang mawawala…Malay mo, mahal din pala kita!”
Sukat sa narinig ay kagyat na lumapit sa kaniyang harapan si Eure saka galit na galit na pinagbabayo ang kaniyang dibdib.
“Ang kapal mo talaga! Sino naman ang nagsabi sa’yong mahal kita? Ang yabang – yabang mo!” hinawakan niya ang mga braso ng dalaga at sinikap na mapayapa ito. Patuloy pa rin ito sa pagwawala at muntik nang matumba nang muling gumalaw ang lift. Dahil doon ay napayakap ito sa kaniya at sinamantala naman niya iyon upang payapain ang dalaga.
Hinawakan niya ang palad ni Eure saka iyon dinala sa tapat ng kaniyang kaliwang dibdib, sa bahaging pinaniniwalaan niyang kinalalagyan ng puso.
“Ito…ito ang nagsasabing mahal mo ako…open your heart, sweetie…feel me…nagkakamali ba ‘ko?”
Umilap ang mga mata ni Eure at madali nitong binawi ang palad subalit lalo lang niyang hinigpitan ang hawak doon.
“You’re so unfair…” narinig niya ang mahinang paghikbi ng babae. At nadama niya ang pagguho ng depensa nito.
“Ssshhhh…” he kissed her head. Then he cupped her face to let her absorb what he wanted to say.
“There’s nothing to worry about, nor anything to cry on, sweetie…you listen very well because I’m now going to say something out of my league…”
He kissed her forehead and the tip of her nose next.
“…I used to go out with different girls years back and I know you knew it…but you were just there patiently waiting for me…caring about me, fixing my schedules and all that…”
He heard her sobbed.
“I knew eversince that you loved me…and I also felt something special for you…But I thought, that was nothing compared to what you felt for me…na masasaktan lang kita kung bibigyan ko ng laya ang nadarama ko…”
“…call me coward, call me anything you want, pero naduwag akong harapin ang espesyal na damdaming nadarama ko na noon pa para sa’yo…”
“In my mind, what I felt was just something that will fade in time…but I was wrong…I gave myself time to think…ang pagpunta ko sa Japan ay isang daan din upang malayo sa’yo…dahil naguguluhan na ‘ko. I am falling in love with you everyday, sweetie at natatakot akong dumating ang araw na hindi ko na mahawakan pa ang sarili ko…”
“Austin…”
“…the day I flew to Japan, I called you up…”
“Para ano? Para sabihin sa’kin na nagbago ang isip mo at huwag nang magpunta? Dahil ang totoo ay may iba kang babaeng dinala doon na nauna na sa akin?” her voice faltered in agony.
“What are you talking about? I called up to tell you that Conrad and Elmira were there in San Martin… na sa halip ay sa farm ni mama ka magpunta dahil naroon ako…but you forgot your cellphone and Romina said you went out with someone else…”
Nagliwanag ang mukha ni Eure sa narinig subalit agad din iyong naglaho nang marinig ang pangalan ni Romina.
“That bitchy girl! Alam mong may gusto siya sa’yo! Totoong naiwan ko ang cellphone ko sa working table ko pero bakit siya naroon? Maging nang dumating ako ay wala kahit isang tawag o text akong dinatnan…”
“But you knew eversince that I didn’t know how to text. Ikaw ang dating gumagawa noon para sa akin, remember? ‘Yang Shaider na ‘yan, Facebook at Friendster account, gawa – gawa ko lang ang mga ‘yan! Ano ba ang malay kong magtext? Magchat all the more! My God, Eure, I just love you kaya ko nagawa ang lahat ng mga ‘yan! Mahirap sa simula pero pinilit kong gawin dahil mahal kita! I’m sorry, sweetie if I’m not perfect…I love you but it’s just me… it’s just myself that I can promise to give…”
Lumakas ang kanginang mahinang iyak ni Europa.
“Shame on you! Naririnig mo ba ang sarili mo Agustin?”
Tumango siya at saka masuyong pinahid ang luha ng dalaga na walang patid sa pagbalong. Mula sa likurang bulsa ng pantalon ay dinukot niya ang isang pulang kahon. Pero bago iyon ay iniabot niya dito ang isa pang regalong binili pa niya mula sa Japan.
“M – mapa?” maang na tanong ni Eure. Muli siyang tumango.
“I don’t understand…”
“Nang umalis ako nang walang paalam ay nailigaw ko ang puso mo…hindi ko iyon sinadya pero nasaktan kita…I really am sorry, my sweet…Just like you, I was also lost… gayunpaman ay hindi ka tuluyang nawala dahil narito ka pa rin sa pinakeaespesyal na bahagi ng puso ko…It’s me who’s still lost…the reason why I bought this map…tulungan mo akong muli kang maabot, Eure…ituro mo sa’kin ang daan pabalik sa puso mo…”
Nang maunawaan ay hindi napigilan ni Europa ang sapuhin ng mga palad ang mukha upang itago ang pag – iyak. Tila sasabog sa matinding emosyon ang kaniyang dibdib. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nadarama.
Dahan – dahang inalis ni Austin ang mga palad ng dalaga sa mukha nito saka niya binuksan ang maliit na kahon. Naroon ang simbolo ng kaniyang pag – ibig sa dalaga - ang diyamanteng singsing na kaytagal nang nasa kaniya subalit nangailangan ng ilang panahon upang tiyakin kung iyon ay sadyang para ky Eure.
“Mahal kita, Europa. Would you be willing to take me and be your lifetime protector? ”
“I – Is this for real?” sa halip na sagutin ay tanong din ang itinugon ng dalaga. Sa ikatlong pagkakataon ay tumango siya.
“Then yes, I do! love you, too, Austin…Shaider whatever!”
Napangiti siya.
And when he lowered his head to kiss her, she instinctively looked up on him. Their eyes met before their lips and when they finally tasted the warmth of kiss that each other offered, nothing matters anymore. They exchanged kisses as if no tomorrow…with passion…and hunger…
Bahagyang napakislot si Eure nang biglang pumailanlang sa loob ng elevator ang awit na dati’y nagpapalungkot sa kaniya. And suddenly, she realized everything…ang elevator…ang paulit – ulit nitong paggalaw subalit hindi iyon bumubukas upang magsakay…ang awitin…ang lahat ng iyon ay ginawa ni Austin para maniwala siya sa iniluluhog nito…
Pasko na naman ngunit wala ka pa,
Hanggang kailan kaya ako’y maghihintay sa iyo…
Napalinga si Europa sa paligid ng lift. Nagtatanong ang mga matang tumingala ito sa kaniya. Kibit balikat naman ang itinugon ng binata rito. Pagkuwa’y kapit – kamay nilang muling ipinadama ang pagmamahal sa isa’t – isa…
Bakit ba naman kailangang lumisan pa,
Ang tanging hangad ko lang ay makapiling ka…
Sa pagkakataong ito ay babaguhin ni Austin ang mensahe ng awit para sa dalaga. Papawiin niya ang anumang sakit ng loob nito sa mga nagdaang Pasko…ang takot nitong muling magmahal…
Sana ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako,
Hinahanap-hanap pag-ibig mo…
Dahil mula sa araw na iyon ay hawak – kamay at magkasama na nilang haharapin ang bawat Pasko na dadaan sa kanilang buhay…
At kahit wala ka na,
Nangangarap at umaasa pa rin ako…
Mamahalin niya ito nang tapat…nang wagas sa abot ng kaniyang makakaya…
Muling makita ka at makasama ka…
Dahil wala na siyang ibang babaeng mamahalin pa liban kay Europa…
…sa araw ng Pasko
Maraming salamat po sa lahat ng sumubaybay sa handog kong kuwento .
Yesha Lee :)
4 comments: on "Sana Ngayong Pasko - Chapter 10 (FINAL)"
Please delete all the stories posted in this site because these are owned by Tagalog Online Pocketbook. SANA NGAYONG PASKO is legally owned by CHAPTERS OF THE HEART PUBLISHING. If you will still block me and refuse to delete the said posts, the publishing house will have to sue you for violating copyright laws. Avoid issues and complications by deleting all the stories here that are not yours especially SNP. Thank you so much.
Yesha
SNP Author
Please delete all the stories posted in this site because these are owned by Tagalog Online Pocketbook. SANA NGAYONG PASKO is legally owned by CHAPTERS OF THE HEART PUBLISHING. If you will still block me and refuse to delete the said posts, the publishing house will have to sue you for violating copyright laws. Avoid issues and complications by deleting all the stories here that are not yours especially SNP. Thank you so much.
Yesha
SNP Author
Please delete all the stories posted in this site because these are owned by Tagalog Online Pocketbook. SANA NGAYONG PASKO is legally owned by CHAPTERS OF THE HEART PUBLISHING. If you will still block me and refuse to delete the said posts, the publishing house will have to sue you for violating copyright laws. Avoid issues and complications by deleting all the stories here that are not yours especially SNP. Thank you so much.
Yesha
SNP Author
Post a Comment