(Yesha)
“SAN K? bkt ayaw m p pakita sakin?” sagot niya kay Shaider matapos nitong magpadala sa kaniya ng isang inspirational quotation.
“dnt wori, lapit n…”
“masama akong naiinip, Shaider…hindi n ko ngrreply…”
“aw…”
Muli niya sanang sasagutin si Shaider nang humahangos na dumating si Austin sa opisina.
“Nasa baba na si Shann, Eure. Ipinaalala ko lang sa’yo na mapapahiya ka lang pero hindi kita papayagang lumabas ngayon.”
Iningusan niya ang lalaki sa inasal nito. Para itong bata na nagsisintir. Kangina ay nagtanong na ito kung lalabas sila ni Shann sa oras ng pananghalian. Naisipan niya tuloy na perfect timing iyon para muli nilang maipagpatuloy ang naudlot na pagpapanggap. Tinext niya agad si Shann at nang kumpirmahin nito ang pagdating ay masigla niya iyong ibinalita kay Austin.
Nang saglit na lumabas ng opisina si Austin ay nagawa pa niyang makipag-text kay Shaider habang naghihintay sa pagdating ni Shann pero saglit lang at humahangos na ngang bumalik ang lalaki.
“Hindi puwede. Birthday ni Shann ngayon.” Alam niyang birthday ng puppet boyfriend dahil naka-feature iyon sa magazine na binili ni Tat kung saan nakalathala ang profile ng binata.
“Last year ay birthday na niya. Next year ay birthday niya ulit. Walang kaso kung hindi iselebra ang birthday niya ngayon dahil may trabaho ka.”
“Corny. Hindi ako puwedeng lumabas mamayang gabi kaya ngayon na kami magdi – date.” Aniya na hindi pinapansin ang pagsisintir ng amo. Palakad – lakad ito nang pabalik – balik sa harap ng table niya.
“Sir, nakakahilo ka.” Wika niya habang patuloy sa pagre – retouch.
“Ang tigas ng ulo mo, Europa. Sino ba sa atin ang amo?” inagaw nito ang hawak niyang lipstick saka iyon ibinulsa. Tumayo siya sa matinding inis at hinarap ito.
“Ikaw. Pero sino ba ang girlfriend? Ako, ‘diba? Eh di ako ang magdedesisyon kung sasama ako kay Shann o hindi.” Aniya na nakataas pa ang kilay.
“Akina ‘yan.” Inilahad niya ang kamay upang hingin ang lipstick na inagaw nito.
“I’m your boss and I am giving you an order to stay. Hindi ka pa tapos sa sa correspondence at recommendations na pinapagawa ko kaya hindi ka puwedeng lumayo sa opisina.”
“Gusto mong ireport kita sa GILAS? Karapatan ko bilang manggagawa ang kumain ng pananghalian noh…at kung saan ko gustong kumain ay problema ko na ‘yun!” Umikot siya sa mesa at akmang kukuhanin ang lipstick na nasa bulsa nito subalit agad itong umiwas.
“Kayong mga babae, napakahalaga ng lipstick para sa inyo – na hindi ko alam kung bakit! Alam niyo bang hindi masarap ‘yan?”
“Sorry naman. Hindi ko naman kasi alam na kumakain ka pala niyan!” bigla niyang dinukwang ang bulsa nito kung saan alam niyang nakalagay ang kaniyang lipstick.
“Hindi mo alam? Gusto mong malaman?” pilyo ang ngiti ni Austin at naiirita siyang nae-excite na hindi mawari. Panay rin ang iwas nito sa pagdukwang niya.
“Akina ‘yan!” sa isang muling pagtatangkang maabot ang nais ay nayakap niya ito. Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Austin at pinagsalikop sa likuran nito sa pamamagitan ng kanan niyang kamay. Ang kaliwang kamay naman niya ay abala sa pag-abot ng lipstick sa bulsa nito.
“There!” aniya na tila batang tuwang – tuwa. Nakapa niya sa suot na pantalon ni Austin ang hanap. Akmang ipapasok na niya ang kaliwang kamay sa bulsa ng nito nang mapatigil.
“Come on, my Europe…get it…” anas nito sa punong tainga niya. Kagyat niyang nalanghap ang panlalaking amoy nito. So manly. Nagtaasan ang balahibo niya sa batok sa kilabot na nadama. Frozen, she just stood there and stared at him.
“Eure?”
“Errr…”
“Come on, get it…”
Napatitig siya sa binata. Dinidikta ng isip niyang umiwas at layuan ito pero iba naman ang ibinubulong ng puso niya. She was so helpless but contrary to what her mind was dictating her, she looked up on him.
Tila huminto ang lahat sa paligid nang magtama ang paningin nila. Maging si Austin ay natigilan din at basta lamang nakatunghay sa kaniyang mga mata. She was almost expecting it when he lowered his head and teased her lips. Kung gaya ng dati ay magwawala siya sa pagtutol subalit wala siya ni katiting na pagtangging nararamdaman sa dibdib. Ginaya niya ang ginagawa ni Austin at pilit na pinakibagayan ang nakaliliyong sensasyong dulot niyon.
Naramdaman na lamang niyang mahigpit na hinawakan ni Austin ang kaniyang kamay at dinala ‘yun sa direksiyong pinangangambahan niya. Lalo siyang napapikit nang maramdaman ang pagpasok ng kaniyang kamay sa bulsa nito.
“Eure?!”
Tila nakuryenteng naghiwalay silang dalawa ni Austin. Kapwa napatingin sa mayari ng tinig.
“Shann?!”
Walang emosyong makikita sa anyo ng binata subalit sa alam niyang kailangan niyang kausapin ang ‘nobyo.’ Agad niya itong nilapitan ngunit mabilis itong nakaiwas at agad na tumalikod. Hinabol niya ito upang magpaliwanag.
“Shann, I’m sorry…”
“What for? We both know what’s going on, Eure.”
Hindi pa rin humihinto sa paglakad si Shann at ang bawat madaanan ay napapatingin na sa kanila.
“Pero mali ang iniisip mo. ‘Yung nakita mo, hindi ganoon ‘yun! I mean, we were just…”
“Yeah, right, you were just there standing and kissing…your hand in his pocket…and what else? Yes, you were not doing anything wrong.” Hindi niya nararamdamang totoo ang galit ng binata subalit ramdam niya ang pagkairita nito.
“Listen to me first!” hinawakan niya sa braso si Shann at saka iginiya sa sulok ng pasilyo kung saan walang taong makakakita sa kanila.
“No. You listen to me, Eure. The truth is I don’t feel bad…” putol nito sa sinasabi niya.
“Oh, thank you Shann.”
“…but I feel betrayed. You invited me here to show this kissing scene?” His face was beginning to turn red.
“I don’t know how many times I need to say sorry but I really am so, so sorry. ‘Yung inabutan mo, hindi talaga…”
“Eure, you don’t need to explain…you are not obligued to explain either. Whatever your reason for kissing him is actually none of my business…Bu it must be love.”
Napatitig siya sa binata.
“It must be love, Eure…Kahit saglit pa lang kitang nakikilala, I’m sure you’re decent and I respect you for that. Only love will make you turn into the person you don’t imagine you can be. I just wish for your happiness, Eure…and goodluck!”
Hindi na siya nakasagot nang tumalikod na si Shann at tuluyang tinahak ang daan palabas. Wala na ito sa paningin niya ay umaalingawngaw pa ang mga sinabi nito. Sana nga ay pag – ibig ang dahilan ng lahat…sana nga…
“OMG! GINAWA niyo ‘yon???”
“Kasasabi ko lang ‘diba!” nakasimangot na sagot niya. Kasalukuyang nagtititili si Jane nang sagutin niya ang tanong nito tungkol sa balitang naabutan sila ng boyfriend niya na nasa isang alanganing situwasyon.
“Pero…paanong…bakit…?”
“OA mo, Jane. Itigil mo ‘yan at hindi bagay.” Aniya habang nakatingin sa hindi makapaniwalang si Jane.
Nang mapansin ang tahimik na si Tat ay nanibago siya.
“Crisanta, namatanda ka ba?” pumitik pa siya sa hangin upang bigyan ng diin ang biro niya. Nakatulala kasi ang kaibigan at hindi kumikibo.
“Oo nga. Kahapon pa po ‘yan ganyan. Walang ginawa maghapon kung hindi ang basahin ang magazine na si Mr. Dorantes ang cover.”
Napangiti siya. Napansin niya agad ang kakaibang reaksiyong iyon ni Tat nang ipakilala niya ito kay Shann. Kilala niya ito at ang asal na ipinakikita nito ngayon ay kaiba sa orihinal nitong pagkatao.
“Ang bluetooth, Europa…ang bluetooth, na-tooot mo ba?” walang anu – ano’y naging tugon nito nang hindi tumitingin sa kaniya. Hindi niya agad naunawaan ang sinasabi nito subalit ilang sandali lang ay naisip na rin niya ang tinutukoy ng kaibigan. Ang bluetooth ni Sir Austin!
Binatukan niya ng mahina si Tat.
“Hindi ko na-toot eh. Natakot ako.” Ganting biro niya.
“Natakot ka?! Hindi naman ‘yun nakakatakot noh!” ngiting – ngiti naman si Jane.
“Korek! Nakaka – excite nga ‘yun! Lalo kung ang mayari ng bluetooth ay si Fafa Shann! Haaayyy…mahalikan ko lang siya girls, puwede na ‘kong magpaagos sa Pasig River…” tumili pa si Tat habang naglilitanya ito, animo’y nangangarap ng gising.
“Ganyan na rin ang sinabi mo noong si Pipo pa ang love mo ‘diba Jane?” Ngumit si Jane at sumang – ayon subalit naging mailap ang mga mata nito na hindi na na lamang niya binigyan ng pansin.
“Oo nga pero iba talaga ang nararamdaman ko kay Shann eh. ‘Yun bang tipong…puwede ko nang kalimutan ang salitang lakwatsa mapaibig ko lang siya!”
“Wow naman, girl…inlababu ka nga! May kanto na ang dila mo in fairview ha! Isa ka nang ganap na makata!”
Napangiti siya sa sinabi ni Jane. Kung totoo ngang may gusto si Tat kay Shann ay isang matinding riot ‘yun. Tat and Shann? Imposible. It was like wishing the sun to set in the morning and shine before twilight. Napangiti siya habang naiiling.
“YOUR KISSES were as sweet as the morning dew…” nagulat siya nang biglang bumuglaw sa kaniya ang chat message ni Austin. Nilalamay niya ang ilang trabahong isinave sa email drafts niya at ngayon nga ay tinatapos niya iyon kaharap ang isang malaking mug ng kape.
“bakit…matamis ba un?” kontra niya. Iyon ang kaniyang paraan ng pagtatakip sa kahihiyang nadarama – ang awayin ito! Mula nang nangyari ang ‘accidental kiss’ nila ni Austin ay hindi niya niya ito kinausap. Hindi rin naman siya nito kinikibo kung wala rin lang kinalaman sa trabaho ang sasabihin nito.
“am I your first, my Eure?” Nataranta siya sa tanong nito. Tinatanong lang naman nito kung ito ang kaniyang first kiss. Sasabihin ba niya? Does it matter?
“I’m already twenty – four, Mr. Perez and you are asking me that?”
“well, em not asking 4 ur age…”
“my answer is NO definitely!”
“talga? Ops… ouch, what’s happening?!”
Napangunot – noo siya.
“y?”
“your nose is growing! it’s crowding me here!”
Natawa siya.
“OA mo.”
“Love is overacting, sometimes.”
“so ngta2pat ka n nyan?”
“sorta…”
“basted…”
“aw!”
“gimme back my lipstick first!”
“I’m keeping it, my Eure…”
“see? Paano kita gugustuhin kung pareho pala tau ng type?”
Saglit na nawala ang kausap at matapos ang ilang sandali ay saka ito sumagot.
“huh?”
“you like the shade of my lipstick ryt? So u lyk boys too? (grinning)”
“u don’t knw wat u’re saying…”
“bkt? Napipikon k?” napangiti siya pagkatapos mai-enter ang huling mensahe. Nakikini – kinita na niya na inis na inis na ito.
“ILOVEYOU, EUROPA…”
Nawala ang ngiti niya sa labi. Tama ba ang nababasa niya? Hindi niya iyon agad na nasagot.
“bwahahaha! Kita mo na! Eh di natahimik ka! Jokejokejoke…(evil grin)
Ang tuwang saglit niyang naramdaman ay biglang naglaho at agad na napalitan ng galit. Pinaglalaruan na naman siya ni Agustin?!
“Mr. Agustin Perez…kahit kaw n lng ang pinkahuling lalake na mati2ra sa planet earth ay hindi kita ppancnin…dahil ang kpal ng petals mo! Manyak! Alagad ni Suma! Impakto! Manunuba!”
“ouch…teka lng…joke lang, Europa!”
“jokin mo’ng muka mo! Goodluck sa bluetooth mo at iburo mo ‘yan hanggang maubos ang lahi ng mga dyosang gaya ko! GOODNIGHT!”
Hindi pa nakuntento at hinampas pa niya ng kamay ang keyboard. Mataas na mataas ang temperatura ng galit niya. Kung nasa harap niya si Austin ay malamang na striped na kung hindi man checkered ang mukha nito ngayon!
2 comments: on "Sana Ngayong Pasko - Chapter 7"
Please delete all the stories posted in this site because these are owned by Tagalog Online Pocketbook. SANA NGAYONG PASKO is legally owned by CHAPTERS OF THE HEART PUBLISHING. If you will still block me and refuse to delete the said posts, the publishing house will have to sue you for violating copyright laws. Avoid issues and complications by deleting all the stories here that are not yours especially SNP. Thank you so much.
Yesha
SNP Author
Please delete all the stories posted in this site because these are owned by Tagalog Online Pocketbook. SANA NGAYONG PASKO is legally owned by CHAPTERS OF THE HEART PUBLISHING. If you will still block me and refuse to delete the said posts, the publishing house will have to sue you for violating copyright laws. Avoid issues and complications by deleting all the stories here that are not yours especially SNP. Thank you so much.
Yesha
SNP Author
Post a Comment