SHARE THIS STORY

| More

Sana Ngayong Pasko - Chapter 8

(Yesha)


“ELOW sweetie, howdy do?”

Napaismid siya. Hindi niya sinagot ang text na iyon ni Shaider. Naiinis na siya dito dahil paulit – ulit itong nangangako na darating pero hindi naman ito tumutupad. Marahil ay nag – aaksaya lang siya ng oras sa pakikipagtext dito kaya ipinasya na niyang tumigil.

“are u free tonyt?”

Napangiti siya pero hindi pa rin niya sinagot ang text na iyon.

“INBOX @ 7pm – c u der…”

Huh? Totoo kaya ang sinasabi ng unggoy na ito?

“nice joke…” she replied.

Hindi siya nainip sa paghihintay ng reply ni Shaider dahil saglit lang ay sumagot na ito.

“I’ll be der…”

“u sure?”

“YES *wink*

“ok den…c u l8r.”

Bibigyan niya ng pagkakataon si Shaider pero subukan lang nitong denggoyin siya at makakatikim itong talaga! Sa text nga lang dahil hindi naman nga niya ito personal na kilala.

FIFTEEN MINUTES before seven o’clock ay naroon na siya sa INBOX. Gusto niyang mauna sa tagpuan nila ng mysterious texter. Umorder siya ng iced tea at matiyagang naghintay sa sa lalaki.

Hustong alas siyete ay naiinip na siya. Hindi biro ang labinlimang minuto ng paghihintay pero walang kaso iyon dahil talaga namang maaga siya sa oras ng usapan.

7:05…

7:08…

7:10…

Salubong na ang kaniyang mga kilay sa matinding inis. Hindi naman sumasagot sa kaniyang text si Shaider. Mukhang kailangan na nga niyang tanggapin na ginogoyo lang siya ng lalaki. Damn!

Sa matinding inis ay napahampas siya sa kaharap na mesa. Hindi niya napigil ang bisyong pagdadabog kapag nagagalit. Nang tumingin siya sa paligid ay nakita niyang sa kaniya nakapokus ang tingin ng lahat ng naroon. Napahiyang naupo na lamang siya at saka ininom ng straight ang iced tea na nasa mesa.

Pasko na naman ngunit wala ka pa,

Hanggang kailan kaya ako’y maghihintay sa iyo…

Ang sugat ng pride ay lalo pang umantak nang marinig niya ang awiting pumapailanlang sa kabuuan ng INBOX. Walang iba kundi ang awiting kinaiinisan at pinagtataguan niya tuwing pasko!

Bakit ba naman kailangang lumisan pa,

Ang tanging hangad ko lang ay makapiling ka…

Mula sa inis na naging galit ay lumambot ang puso niya. Tila siya maiiyak na anumang sandali. Ramdam na ramdam niya ang bawat mensahe ng kanta…at ang nakakainis ay naaapektuhan siya ng husto!

Sana ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako,
Hinahanap-hanap pag-ibig mo…

Biglang nanariwa ang ang lahat sa kaniya. Ang galit…pait ng paghihintay…at sakit ng pagkabigo. Tila ba nakakuwadrong isa – isa ang bawat pangyayaring bahagi ng kaniyang nakaraan at lahat iyon ay isa – isa niyang nakikita. Lahat ng iyon ay bumubuo sa isang mapait na nakaraan na ang pinakatampok ay walang iba kundi si Austin…

Si Agustin Perez na simula’t sapul na makilala niya’y inibig na niya nang husto…ang pinag – alayan niya ng buong panahon at pagkatao…ang siya ring tao na unang nanakit at nagpaasa sa kaniya…Paano ba niya kalilimutan ang lahat? Paano niya lilimutin ang taong dahilan kung bakit isinumpa na niya ang magmahal?

Pero sapat ba ang sakit upang tuluyan niyang kalimutan si Austin? Bakit tila sa likod ng isip ay umaasa pa rin siyang makita at makasamang muli ang binata? At sa mga sandaling iyon ay agad niyang naamin sa sarili ang totoo…na lihim niyang inaasam na si Shaider at Austin ay iisa…ang siyang totoong dahilan kung bakit siya naroon at matiyagang naghihinay sa taong hindi niya tiyak kung darating.

At kahit wala ka na, Nangangarap at umaasa pa rin ako,

Muling makita ka at makasama ka sa araw ng Pasko…

“Eure?” Naputol ang kaniyang pagmumuni – muni nang may tumawag ng kaniyang pangalan. Huh? Tama ba ang nakikita niya? Si Shaider ay si…Shann?

“Shann…”

“Kanina ka pa ba dito?” tanong nito.

“Yes. Ikaw? I…can’t believe this…”

“Ako din.”

“Ha?” Nagtaka siya sa sagot nito.

“I mean… how are you?”

Nang makabawi siya sa pagkabigla ay ngumiti siya kay Shann.

“This is impossible…I mean…you’re very different from Shaider.”

Umilap ang mga mata ng binata.

“Well I guess, I just found the right outlet.” He grinned. If Austin has American features, Shann’s was perhaps a combination of Spanish and Italian. Ang maamong mukha nito ay hindi pagsasawaan ng sino mang magpupukol ng tingin dito.

Pinakiramdaman niya ang sarili sa katotohanang si Shaider pala at ito ay iisang tao lamang. Was she disappointed?

Pasko na naman ngunit wala ka pa,

Hanggang kailan kaya ako’y maghihintay sa iyo…

Lihim siyang napangiti. Umulit na ang bahaging iyon ng kanta pero ngayon ay tila iba na ang kahulugan niyon. Tama. Bakit nga ba hindi niya subukan ang muling magmahal? Kung hindi siya pinalad noon, marami pa namang ngayon. Kung nasaktan siya dati, hindi naman iyon nangangahulugan na habampanahon na siyang masasaktan. Wika nga ni Tat, kailangan niyang bitiwan ang lahat ng alaala ni Austin. That will only be the time she’d be able to move on. And perhaps, Shann was the right person she’s been waiting for the longest time.

“TOTOO BA ang sinasabi mo, Eure?”

Hindi niya masisisi ang mga kaibigan. Masyado nga kasing coincident na si Shann at Shaider ay iisa. Ang totoong Shann Dorantes na tinutukoy niya noon ay likhang isip lamang samantalang si Shaider ay ka-text na niya bago pa man niya likhain ang katauhan ni Shann. Paanong nangyari iyon?

“Hindi ko rin nga lubos na maintindihan eh. Ang sabi niya ay dati na niya akong napapansin sa tuwing nauutusan ako ni Big Boss sa tanggapan nila. And that he really wanted to meet me…at ginamit niya ang impluwensiya niya para malaman ang number ko.”

“Naniniwala ka?” tanong ni Jane.

Kibit – balikat ang naging tugon niya rito. Ano naman ang magiging dahilan ng pagtatahi nito ng kuwento kung sakali?

“Isipin niyo girls, nadulas lang ako kay Sir kaya ko nagamit ang pangalan ni Shann. Paanong…ibig sabihin, tini-text na niya ako bago ko pa masabi kay Sir Austin na siya ang boyfriend ko?”

“Exactly!” namimilog ang mga mata ni Jane habang tulala lang sa isang tabi si Tat.

“I really don’t see the connection. Ikaw Tat, ano ang masasabi mo?”

“Wala na ‘kong signal. Tuluyan nang naglaho ang bluetooth na pinapangarap ko.”

Napabunghalit siya ng tawa sa sinabi nito.

“Talaga bang gusto mo si Shann?”

“Anong gusto? Nagbibiro ka ba? Magpapakamatay ako para sa kaniya, Europa! Napakasarap naman ng problema mo!” kunwa ay umaatungal na wika ng kaibigan.

“Well, he’s not actually my type . Ayoko ng gaya niya na tila conservative pa sa lola ko. Alam mo bang bago kami umalis sa resto ay pinaikot pa niya ang mga pinggan? Ayon daw sa granny niya ay iyon ang dapat gawin kapag aalis ang isa sa habang kumakain ang lahat.”

“At paanong mawawalan ng kumakain eh restaurant nga ‘yun diba?” napabunghalit ng tawa si Tat sa narinig na winika ni Eure. Hindi ito halos makapaniwala na may ganoon pa pala ng paniniwala sa panahon ngayon.

“Eh paano kung nasa fiesta o kasalan ka kumakain? Natural na hindi mauubos ang mga bisitang halinhinang kakain sa ganoong handaan ‘diba.”

“Eh di ang saya! Ang ingay ng okasyon, kasi lahat ng pinggan ay ala space ship na umiikot!” Sumakit ang tiyan niya katatawa sa isinagot ni Eure sa tanong ni Jane.

“Naku, sinabi mo! Hindi ko nga nakuhang tumawa nang paikutin ni Shann ang pinggan ko. Baka kasi ma-offend ‘pag pinansin ko pa.”

“Palit tayo, Eure huhuhu. Daang beses kong gugustuhin ang magpaikot ng pinggan basta kasama ko lang si Shann – ang bluetooth ng buhay ko!”

“Nasasabi mo lang ‘yan ngayon. Tingnan ko kung ano ang gagawin mo ‘pag nakita mong nag-alcohol si Shann pagkatapos niyong magholding hands!” sige sa kantiyaw naman si Jane na tuwang – tuwa sa nakikitang reaksiyon ni Tat.

“No worries, blackberries! Kahit ako pa ang paliguan niya ng alcohol magpa-rape lang siya sa’kin!”

Kaylakas ng tawa ni Eure sa birong tinuran ni Tat. Kung sana ay magkakagusto nga dito si Shann. Pero tila kabila pa iyon ng imposible dahil ayon na rin sa binata ay ayaw na ayaw nito ng babaeng magaslaw. Hindi bale, tiyak namang lilipas din ang pagsinta ng mahal na kaibigan.

“NASAAN NA ang correspondence na sinasabi mong nilamay mo?” Mainit na naman ang ulo ni Austin. Napapansin niyang tila napapadalas ang kasungitan nito. Marahil ay dala ng maraming problema ng iba’t – ibang negosyong pinamamahalaan nito.

“Malapit na, Sir. Proofreading na ‘ko.”

“Ang tagal naman! Mukhang diyan na naubos ang oras mo!” sasagutin niya sana ang bulyaw na iyon ni Austin pero biglang umalingawngaw ang baby laugh message tone niya.

Napaawang ang labi niya sanhi ng mensaheng nabasa sa cellphone. Malinaw na nakasaad doon na hindi na tuloy ang kasal ni Conrad at Elmira. Maging ang engagement party na binabanggit nito noong una ay kanselado na rin.

“Paano kang matatapos kung wala kang ginawa kundi ang makipagtext diyan sa de-karo mong nobyo?!” Nagulat siya sa sigaw na iyon ni Austin. Sa labis na pagtataka ay nawala sa loob niyang nakikipag – usap siya kay Austin. Naningkit ang kaniyang mga mata at naging isang linya ang kaniyang mga labi pero pinili niya ang hindi na lamang kumibo. Na-realize na niya ang paulit – ulit na ipinapayo ni Tat at Jane. Tama ang mga ito. Hindi niya dapat pinakikitaan ng kagaspangan ng ugali ang amo dahil kailangan niyang ihiwalay ang kaniyang personal na buhay sa trabaho.

Kunwa ay walang naririnig na ipinagpatuloy na lamang niya ang pagbabasa ng correspondence sa harap ng computer monitor. Nagulat siya nang basta na lamang lumapit nang walang kakila – kilatis si Austin sa kaniyang kinauupuan.

“Try to work efficiently, Europa. Wala ka nang ibang ginawa kundi makipagpalitan ng text sa boyfriend mo! Nasaan na ang report of recommendations na hinihingi ng admin?”

“Ang yabang mo ah! Kanina ka pa!” Hindi na niya napigil ang pag – akyat ng inis sa ulo. Baka akala nito ay madali ang multitasking! Hindi pa siya tapos sa isang trabaho ay nakautos agad ito.

“Bakit? Nagagalit ka? Isusumbong mo ko sa boyfriend mo? Sige…magsumbong ka! Ngayon na! Pulbusin ko pa ang dibdib ng lalaking ‘yan eh!”

Kaylakas ng sigaw ni Austin at lalo lang iyong nagdadagdag sa inis na kaniyang nadarama. Madali niyang hinanap sa phonebook ang pangalan ni Shann at madali iyong idinial. Bahagya siyang nagulat nang mapansing sa halip na Shann ay Shaider pala ang napindot niya. But who cares? Iisa naman ang taong mayari ng magkaibang number na iyon. Ilang sandali siyang naghintay at taas ang noo habang bumububod sa harap ng nakapamaywang na si Austin.

Laking gulat niya nang marinig ang malakas na ringing tone ng cellphone ni Shann. Naka – loudspeaker ba siya? Sa ikatlong pagtunog ay unti – unting naging malinaw sa kaniyang pandinig ang pinagmumulan niyon…sa table ni…Austin???

Sa isang iglap ay nagkatitigan sila ng binata. Bakas sa kaniyang mga mata ang pagtataka samantalang kay Austin naman ay pagkalito. Si Shaider…si Austin? Tila ibig yata niyang himatayin.
Digg Google Bookmarks reddit Mixx StumbleUpon Technorati Yahoo! Buzz DesignFloat Delicious BlinkList Furl

3 comments: on "Sana Ngayong Pasko - Chapter 8"

Anonymous said...

Please delete all the stories posted in this site because these are owned by Tagalog Online Pocketbook. SANA NGAYONG PASKO is legally owned by CHAPTERS OF THE HEART PUBLISHING. If you will still block me and refuse to delete the said posts, the publishing house will have to sue you for violating copyright laws. Avoid issues and complications by deleting all the stories here that are not yours especially SNP. Thank you so much.

Yesha
SNP Author

Anonymous said...

Please delete all the stories posted in this site because these are owned by Tagalog Online Pocketbook. SANA NGAYONG PASKO is legally owned by CHAPTERS OF THE HEART PUBLISHING. If you will still block me and refuse to delete the said posts, the publishing house will have to sue you for violating copyright laws. Avoid issues and complications by deleting all the stories here that are not yours especially SNP. Thank you so much.

Yesha
SNP Author

Anonymous said...

Please delete all the stories posted in this site because these are owned by Tagalog Online Pocketbook. SANA NGAYONG PASKO is legally owned by CHAPTERS OF THE HEART PUBLISHING. If you will still block me and refuse to delete the said posts, the publishing house will have to sue you for violating copyright laws. Avoid issues and complications by deleting all the stories here that are not yours especially SNP. Thank you so much.

Yesha
SNP Author

Post a Comment