SHARE THIS STORY

| More

Breaking Silence - Chapter 10(END)

(Calla)



NAKATAYO sa likuran ni Brice si Lamond at may hawak itong baril. Ito ang bumaril sa lalakeng nagtangka sa buhay ni Ballerina, ang leader ng C5G na pinagplanuhan din niyang patayin.

“Lamond! Anong ibig sabihin nito?” agad niyang tanong dito pagkatapos nitong dis-armahan si Brice na kasalukuyang may tama sa braso nito.

Binigyan muna ng malakas na suntok ni Lamond si Brice bago ito pansamantalang nakatulog. Itinutok nito ang baril kay Ballerina. “Totoo ba na si Gascon ang pumatay sa kapatid ko!?”

“Anong sinasabi mo?” ibinalik lamang ni Ballerina ang tanong nito kay Lamond. Hindi ito natatakot sa ginawang panunutok na baril ng lalake.

Ibinato ni Lamond ang diary ni Ingrid sa pagmumukha nito. Pinulot ito ni Ballerina bago sinimulang basahin ang huling nakatala duon. Ang nakatala dito ay may relasyon ito sa huling pangyayari sa misyon ng kapatid ni Lamond.

“Si Ingrid ang pinakamahalagang asset ko bago ko binuo ang C5G. Hindi ko akalain na pati ang pagkakaruon niya ng kapatid sa katauhan mo ay ililihim niya sa akin.” panimula ni Charles, aka Ballerina.

“At ang pinakahuling misyon niya ay sa India kung saan nabigo siya. May usapan kami na kung ano ang mangyayari sa kaniya ay mananatiling nakatago ito sa anino naming dalawa upang walang makakita. Ngunit ngayon–”

Isang click ang narinig niya mula sa labas ng pintuan. Isang sniper! Tinarget nito si Lamond, bumagsak ito sa sahig at mabilis na nawalan ng malay, tila wala ng buhay.

Kasunod niyaon ay mabilis na bumangon si Brice sa kinahihigaan nito! Nagpanggap lang pala ito na walang malay nang pabagsakin ito ni Lamond. Napakatuso talaga!

“Brice!?” sigaw ni Ballerina dito. Gagalaw pa sana ang kaniyang ama ngunit mabilis itong napinahan ni Brice at nabihag nito ang magkabilang kamay nito. Naiposas nito ang mga kamay ni Ballerina ng walang kahirap-hirap.

“Una, patay na si Lamond dahil may nakaabang na sniper sa sinumang magtatangkang manakit sa akin. Malas niya, at siya ang dumating.” ngumisi ito bago nito sinipa si Ballerina patungo sa sulok ng kwarto. Ini-lock ni Brice ang pintuan pagkatapos sumenyas sa mga tauhan nito na nasa maayos itong kalagayan.

“Ikalawa, narinig ko rin ang naging usapan ninyo tungkol sa India at sa Ingrid na iyon. In fact, ako ang tumapos sa kaniya.” tuluyan nang tumawa ng malakas si Brice bago tinadyakan ang bangkay ni Lamond.

“Kung alam ko lang na may kapatid ang babaeng iyon, dapat ako na rin mismo ang gumawa nuon para sa kaniya upang mabilis kong napatahimik ang wala niyang kwentang buhay habang pinapahirapan ko siya. At least, ngayon, magkasama na kayo!”

Huminga muna siya ng malalim bago siya nagsalita. May kailangan siyang linawin sa Brice na ito. Ngayon, parang nagiging malinaw na sa kaniya ang lahat kung sino ang totoo nilang kalaban. “Brice, may itatanong ako sayo…”

“Kahit ano, Sylvia, my dear.”

“Anong dahilan at bakit mo pinatay si Ingrid? Kahit hindi ko siya nakilala, alam kong mabuti siyang tao. Pero sa nararamdaman ko, bakit parang galit na galit ka sa mga tauhan ni papa?”

“Isa lang ang sagot Sylvia, my dear.” anito bago lumapit sa kaniya saka siya sinampal ng ubod ng lakas ni Brice. “Dahil ang C5G na binuo ng Charles Gervaise na ama mo o ni Ballerinang iyan ang siyang sisira sa plano namin upang monopolahin ang buong merkado sa buong mundo!”

“Gagawin mo ba ang lahat, matupad lamang ang inyong plano?” tanong niya kay Brice na halata namang naiinis sa kaniya. Ok lang yun dahil yun ang plano niya, ang inisin ito.

Mabilis namang lumapit si Brice kay Ballerina. Sinuntok muna niya ito bago niya ito sapilitang itinayo. Tumapat silang dalawa malapit sa bintana kung saan nakahandusay din ang bangkay ni Lamond. Balak nitong isunod ang kaniyang ama!

“Ito na ang wakas ng C5G!” ani Brice bago napansing tila may nawawala sa lugar. Inilibot niya ang paningin sa paligid at napansing nawawala ang bangkay ni Lamond!

Shit! Nakalimutan niyang assassin din ang mga ito! Kung papaano nawala ang bangkay nito ay hindi na mahalaga dahil parang siya ang tagilid sa sitwasyong ito! Ani Brice sa sarili bago niya inilayo ang sarili sa bintana kung saan nagsimula na ring umatake ang sniper!

Sa pagkakataong ito, naging mabilis ang pangyayari dahil mabilis na naihagis ni Sylvia ang master key para sa posas na inilagay ni Brice sa kaniyang ama. Samantalang si Lamond naman ay mabilis na sinugod si Brice sa likuran ngunit naging mailap ito dahil mabilis itong nakalabas ng kwarto at nakahingi ng tulong.

SA di kalayuang lugar kung saan nakatirik ang hall sa harapan nito…

“Polar Bear! Nakatakas si Brice!” sigaw ng isang lalake pagkatapos tingnan ang isa pang lalake na walang buhay sa tabi nito. Ayon sa pananamit at gamit sa paligid nito ay isa itong sniper.

Ito ang sniper ni Brice. Ayon kay Reduce, gumagamit ng kakaibang taktika ang Brice na iyon kung kaya’t naging madali para sa kaniya ang makaisip ng pangontra para dito.

Sumagot ang kausap niya. “Skinny Bear! Tama ang hinala mo. Wala ngang kinalaman si Ballerina sa nangyari sa kapatid ko…” Nakipag-usap ito sa kaniya gamit ang isang sophisticated na communication device.

“Saka na lang tayo magkamustahan. Kailangan ninyo ng umalis diyan bago tayo mahanap ng mokong na yun.”

“Roger that.”

Pagkatapos maibaba ang linya ay may natanggap siyang bagong text message sa kaniyang cellphone. Galing ito kay Reduce. Mabilis niya itong binasa.

P is safe. All C5G, re-group.

Ngumiti lamang siya bago siya tuluyang nakatayo. Kasabay niyaon ay mabilis na nagbalik sa kaniyang isipan ang ginawa niyang paghalik kay Sylvia. Oo, anak ito ni Ballerina, ang leader ng C5G at alam niyang bawal sa kanilang organisasyon ang anumang emosyon. Ngunit wala na siyang paki-alam duon dahil ngayon ay lubusan na niyang nauunawaan ang nararamdaman ni Parc kung bakit nito pinakasalan at minahal ng buo si Junifer.

Kung kaya ni Parc na mag-sakripisyo, kaya niya ring gawin iyon dahil umiibig na siya kay Sylvia! Nahuli nga lang ang kaniyang realisasyon ngunit handa siyang talikuran ang lahat alang-alang sa nararamdaman niya para dito.

ISANG araw bago magkita-kita ang grupo ng C5G, nag-desisyong magkita muna si Sylvia at Arthur sa isang cafeteria…

“Am I early Arthur?” may lambing sa tono niya ang pagbati pagkatapos na makita ang lalakeng nakadamit ng sobrang pormal, para tuloy itong makikipaglamay.

Ngumiti lamang ito sa kaniya. “No Sylvia. In fact, you’re just in time.” aniya bago siya nito inalalayang umupo. Umorder agad sila ng makakain at maiinom.

“I’ll be straight with you, Arthur.” panimula niya pagkatapos umalis ng waitress.

Tumutol si Arthur. “No, ako dapat ang mauna Sylvia.”

“No, let me speak first.”

Natahimik lamang ang lalake. Napangiti siya dahil pakiramdam niya ay dominante ang aura niya ng mga oras na iyon. Humugot muna siya ng sapat na lakas ng loob bago siya nagsalita. Kakailanganin niya iyon dahil ito na ang una at huling beses na gagawin niya ito sa kaniyang buhay. Kapag pumalpak pa siya dito, ayawan na talaga!

“I love Parc, so much.”

“I know…”

“But I have to let him go. We all know that Parc is happy with that bitch but I’m ok with that.”

“Yeah…”

“And I know you love me too. I realized it when you first kissed me.”

Natahimik si Arthur sa narinig mula sa kaniya. Success! Ito ang uri ng reaksyon na gusto niyang makita sa isang lalake! Ang makita itong tulala at natatameme! Magsasalita na sana ito ngunit agad na dumating ang waitress, dala ang kanilang order. Save by the waitress! Napangiti siya dahil naaayon ang sitwasyon sa kaniyang plano!

“Sylvia–”

“Wait Arthur, let me finish first. You see, I can learn how to love you but you have to give me some time. I mean, sa uri ng mga pinagdaaanan natin–”

Hindi pa siya tapos magsalita ngunit agad na tumayo si Arthur sa kinauupuan nito at agad siyang siniil ng halik sa labi! Hindi naging mabini iyon dahil pakiramdam niya ay kanina pa ito nagpipigil. At ang pangyayaring iyon ay hindi kasama sa kaniyang plano. Kainis na mga lalake! Kahit kailan talaga, laging ini-spoil ang mga romantic moments ng mga babaeng kagaya niya!

“Even if it will take you a lifetime to learn on how to love me, I’m willing to wait, even in silence…” bulong ni Arthur sa kaniya. Sa narinig niya mula dito ay parang nadurog ang kaniyang puso at tuluyan na itong nahulog para sa kaniya. Mahal na mahal siya ni Arthur. Naging huli nga lang ang realisasyon nito ngunit hindi pa huli ang lahat.

Niyakap niya ng buong higpit si Arthur bago niya ito mahinang sinuntok sa tagiliran. “No need to wait my dear because I’m willing to break every silence in this world just for me to say how much you mean to me.”

END
read more...

My Only You – Chapter 7

(Kaven)



NOW….

“IT’S REALLY over Danielle” ulit na sabi ni Dean sa kanya. Parang bombang sumabog ang narinig niyang sabi na nagmula kay Dean. Nasa likod sila ng Engineering building ng mga oras na ‘yon na kung saan ay malayo sila sa karamihan.

“NO!” tanggi niya. “N-no..no..no” hindi makapaniwalang sambit niya habang umiiling. Hindi niya mawari ang emosyong umusbong sa kanya ng mga oras na ‘yon pero naramdaman niya ang sakit. “Nagbibiro ka lang Dean, ‘di ba?” umaasa pa rin siya. Ayaw niyang umiyak kaya pilit niyang pinanatag ang loob at kinukumbinsi ang sarili na nagbibiro lang ito.

“I’m sorry, Dan!” umiwas ito ng tingin pagkasabi no’n. Sapat na ang mga katagang iyon para bumuhos ang mga nagbabadyang mga luha. Ang sakit! Ang sakit sakit! Ano ba ang mali sa ‘tin Dean?! Gusto niyang maisatinig iyon para marinig ni Dean pero wala siyang narinig mula sa bibig niya.

Patuloy pa rin ang kanyang pagluha na parang hindi na siya makahinga.

“Damn! Don’t cry Danielle but….” sabi nito na walang kaemo-emosyon. Ni hindi man lang ito nasasaktan at ito ang nagpa-inis sa kanya.

“Ayokong marinig ‘yan. La lalalala…na na na na na na na” pinutol niya agad kung ano ang sasabihin nito habang tinatakpan ang tenga niya. “Ayokong makipaghiwalay sa ‘yo Dean!” mariin niyang sabi. “Kahit ilang ulit mo pa akong ipagtabuyan ng walang dahilan o may dahilan man ay ipaglalaban ko pa rin ang pag-ibig ko sa ‘yo. Kahit isiksik ko pa sarili ko. Mahal kita Dean at alam kong alam mo na mahal mo rin ako!”

Iyon lang at nagmamadali na siyang umalis. Ayaw na niyang pakinggan ang mga sasabihin nito. Hindi niya alam kung saan niya hinugot ang lakas ng loob para masabi niya ‘yong lahat.

Umiiyak na nagmamadali siyang pumasok sa kotse niya pero may pumigil sa kanya. At pagkalingon niya ay si Sam ang nabungaran niya. Agad siya nitong niyakap at niyakap na rin niya ito. At dito na siya nawalan ng lakas.

Nagpasalamat siya nang dumating ang kaibigan dahil naibuhos niya lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon. Humahagulgol pa siya na parang batang paslit.

“Sshh, tahan na bes’.” Pinapatahan siya nito.

“Ang sakit bes’! (sinok) Ang sakit sakit! (sinok uli)” nahihirapan na siyang huminga. “Tama bang ipaglaban ko ang pag-iibigan namin bes’? Tama bang ipagsiksikan ko ang sarili ko sa taong ayaw na sa ‘kin? Ewan ko bes’, pero ano bang nagawa kong mali?” sunod-sunod niyang tanong.

“Bes’, please don’t cry. I don’t want to see you cry because it hurts me too. Walang mali sa ‘yo bes’! Hindi ko alam ang rason ni kuya pero sa tingin ko may malalim na rason iyon. I think, tama ang ginawa mo bes’!” naiiyak na rin ito.

Sam insisted to drive her home. Sam thinks that it’s not safe for her to drive in her condition right now. At magta-taxi nalang daw ito pauwi. Pagkarating nila sa condo niya ay hindi na tumuloy pa si Sam sa loob baka maabutan pa ito ng rush hour. Pagkapasok sa unit niya ay nagpasalamat siya na wala ang kanyang kuya at tiyak na magtatanong iyon. Feel niya kasing mahahalata nito ang namumugto niyang mga mata sa kaiiyak at ayaw niyang malaman nito ang rason ng pag-iyak niya, baka susugurin niya si Dean.

Before her brother comes, she went to her bedroom at ini-on niya ang Ipod niya. Ginamitan niya ng speaker at nilakasan niya ‘yon. And straight to her bathroom, wala sa sarili niyang binuksan lang ang gripo sa bathtub para punuin iyon ng tubig. Pagkatapos ay bigla siyang sumampa sa tubig kahit naka-tshirt at pantalon pa siya. At hayun, umiiyak na naman siya. Hindi niya mapigilan ang sarili.

Sa kaiiyak niya ay napagod na yata ang mga mata niya kaya inaantok na siya. Kaya nakatulugan na niya ang lamig na nadarama.

“Dean, please don’t leave me! Wake up Dean!” niyugyog niya ang binata pero hindi pa rin ito tumitinag. Kinakabahan na siya kaya napaiyak siya. “No! No Dean, please wake up!”

May tumapik sa kanya at nilingon niya iyon pero hindi niya maaninag ang mukha nito. Ibinalik niya ang tingin kay Dean pero para siyang hinihila ng taong tumapik sa kanya dahil palayo ng palayo siya kay Dean. At dahil sa inis ay sinigawan nita ito.

“Ano ba? Let me go!” asik niya. Tumayo siya at humarap dito. Gano’n nalang ang pagkabigla niya sa nakita. “Dean?” nasambit lang niya. Isang ngiti lang ang naging sagot nito at bigla itong lumayo sa kanya. “De..e..an!” sigaw niya habang umiiyak. Sa kaiiyak niya ay parang hindi siya makahinga na parang nalulunod at nilalamig siya. Nagpupumiglas siya na parang mamamatay na siya dahil hindi na siya makahinga. At pagkatapos ay naramdaman niya na may humila na naman sa kanya.


“WHAT the hell are you doing kuya?” galit na tanong sa kanya ni Sam nang dumiretso ito sa condo niya. Alam niyang pupuntahan siya nito matapos ang pangyayari.

“It’s none of your business Sam” tiim-bagang sagot niya. Hindi dapat nito malaman ang totoong dahilan kung bakit niya hihiwalayan si Dan dahil nakapangako siya sa isang tao. Dan! Oh Dan! Ayaw niya itong saktan pero siya naman ang nasasaktan.

“What? Now, it’s none of my business? Huh! I can’t believe this kuya” umiiling nitong sabi. Bumuntong-hininga muna ito bago nagpatuloy. “Ayokong makialam pero sinasaktan mo na ang kaibigan ko kuya, ang mahal mo!” naging mahinahon na ito.

“Hindi ko na siya mahal. Nalaman ko nalang na mahal ko pa pala si Dennise” sabi niya na kunwa’y totoo. Seryoso pa rin ang mukha niya pero nararamdaman niya ang sakit.

“You’re unbelievable kuya! Mataas pa naman ang tingin ko sa ‘yo pero ano ginawa mo? Sinira mo” galit na sabi nito sa kanya. Tinatanggap niya bawat pagkasuklam sa kanya ng kapatid, dahil tama ito. Sinasaktan niya ang mahal niya.

Biglang natigil ang pagtatalo nila ni Sam ng tumunog ang Moto Q9h nito. Nakitang niyang kumunot ang noo nito ng tingnan kung sino ang tumawag at sinagot nito ang tawag.

HELLO?

YES, SPEAKING?

OH KUYA DAVE, NAPATAWAG KA? Ang kuya ni Dan. Nalaman na nito siguro. Kunwa’y nagbabasa siya ng magazine pero pinariringgan niya ang kapatid.

WHAT? WHAT HAPPENED? bigla siya napaigtad sa kinauupuan ng biglang napasigaw si Sam.

AHH, OK!

HOW IS SHE? bigla siyang kinabahan nang marinig niya ang ’she’ dahil alam niyang si Dan ang tinutukoy nito. Ano ang nangyari kay Dan? Hindi niya mapapatawad ang sarili kung may mangyaring masama sa mahal niya. Bumaling ito sa kanya at binigyan siya nito ng matalim na tingin. Gusto niyang magtanong dito kung napa’no si Dan pero hindi na niya itinuloy.

“Give me your car keys!” utos nito sa kanya. Wala siyang nagawa kaya ibinigay niya ‘yon agad.

“Where are you going?” tanong niya baka makalasap siya ng impormasyon kung anong nangyari kay Danielle.

“It’s none of your business kuya” anito na bakas pa rin ang galit sa mukha. “Don’t worry, I will return your car as soon as possible” sabi nito sabay talikod. Lumakad ito patungo sa pinto ngunit bigla itong lumingon sa kanya. “Dan doesn’t deserve this. At dahil sa ginawa mo ito, face the consequences.” Lumabas na ito at iniwan siyang nakatanga.

Hindi niya maiwasang mag-alala kay Dan. Gusto niyang puntahan ito pero hindi pwede. Wala siyang magawa, kailangan niyang kamuhian siya ni Dan. Pero hindi niya mapapatawad ang sarili kapag merong masamang nangyari sa dalaga.

“OH MY! DANIELLE” narinig niyang sambit ng isang lalaki gusto niyang ibuka ang mga mata pero parang ang bigat-bigat ng talukap ng mata niya. Naramdaman niya nalang na iniangat siya nito. Narinig din niya ang bawat pagpatak ng tubig nang iangat siya.

“Ang lamig” nasabi lang niya. Iyon lang at bumalot na ng dilim ang kanyang paningin.

Naalimpungatan siya ng marinig ang tinig ng kaibigang si Sam. Gusto niyang bumangon pero hindi niya magawa. Masakit ang buo niyang katawan at nararamdaman pa niya ang basang damit na suot niya.

“Oh my!” napasinghap ito nang makita siya at agad na tumabi sa kanya. “Ba’t basang-basa siya? Tell me what happened?” takang tanong nito.

“Pagdating ko rito ay dinig na dinig ko ang tugtog mula sa kwarto niya. Tinawag ko siya pero walang sumasagot. Dali-dali ko siyang pinuntahan sa kwarto niya at nakita ko siya sa banyo niya. Nasa bathtub ito at kung hindi pa ‘ko dumating ay” huminto ito at huminga ng malalim. “God! Baka nalunod na ‘yang kapatid ko.”

“Thank you for coming Sam! ‘Kaw na ang magbihis kay Dan. Lalabas na muna ako at ihahanda ko muna ang pagkain at gamot niya” sabi ng kapatid niya. “Just call me if your done” dagdag pa nito bago lumabas.

“Sam, ang ginaw” mahina niyang sabi. Giniginaw na talaga siya, ramdam niya ang pangangalog ng buong niyang katawan.

“Gaga ka ba bes’? Nagpapakamatay ka ba?” Pinagalitan siya nito habang isa-isa nitong tinatanggal ang mga basang damit niya. “Naku! Ang init mo bes’!”

“Ano ba ang nangyari bes’?’ tanong niya nang hindi pa niya natatandaan ang nangyari sa kanya kanina.

“Muntik ka lang naman manulod bes’” sarkastiko nitong sagot sa kanya pero hindi ito galit.

Tapos na nitong bihisan siya at tinawag na nito ang kuya niya. Dumating naman ito na may dalang soup at gamot. Hinang-hina talaga siya ng mga sandaling ‘yon dahil masakit ang ulo niya, katawan niya at pati puso niya. Nahihirapan din siyang magsalita dahil namamalat ata ang lalamunan niya.

“Thank you so much Sam!” sabi niya ng sila nalang dalawa.

“Sus, it’s nothing Dan! I’m your friend and parang sis na ang turing ko sa ‘yo” anito na may ngiti sa labi. “And don’t do that ever again bes’. You made us nervous” dagdag nito.

“Hindi naman talaga ako nagpapakamatay bes’. Nakatulugan ko lang talaga ang pagbabad ko sa tubig kanina” paliwanag niya. “I’m sorry kung nag-alala kayo. Don’t worry, it will not happen again” nakangiti niyang sabi.

“O sige na, magpahinga ka na at uuwi na ‘ko. Binilin ko na rin sa kuya mo kung anong oras ka niya papainumin ng gamot.” Pagkasabi nito ay hinalikan siya nito sa noo at tumayo na ito.

“Ingat sa pagmamaneho” paalam niya.

“Ok.”

Nang makalabas na ito ay nalungkot na naman siya. Pero dahil nga masama ang kanyang pakiramdam ay nakatulog agad siya.

ILANG araw nang nakalipas mula nang sabihan siya ni Dean na maghiwalay na sila at dahil do’n ay muntik na siyang malunod sa bathtub niya ay hindi pa rin siya pinupuntuhan ni Dean. Ni hindi nga nangumusta ito sa kalagayan niya. Kapag tinatawagan naman niya ay hindi naman sumasagot at ‘pag nagtext siya ay hindi nagrereply. Hindi naman siya ganito noon, hindi niya pinagsiksikan ang sarili sa taong ayaw naman sa kanya pero hindi kay Dean. Gano’n ba niya kamahal ang binata para gawin niya sa sarili ito? Nalungkot siya sa realisasyong iyon pero ‘yon ang gusto niya.

Ngayon nga ay sumama siya kay Sam na magnight out para magcelebrate ng pagkakapasa nila sa proposal ng project nila. Kasama nila ang kagrupo nila sa thesis at iba pang mga babaeng naging kaibigan nila. Sam insisted to go with her para daw mawala ang lungkot niya kahit ngayon lang.

Iba-iba ang kanilang in-order na drinks meron ladies drinks, hard, and beers. Hindi siya mahilig uminom kaya iced tea nalang ang kanyang in-order.

“Oh come on Dan, ‘wag kang kj” sabi ng isang kaibigan niyang si Nicole. Matagal na rin niya itong kaibigan. “Let’s celebrate for the approval of our proposal!” anito.

“Nah! ‘Wag niyo na ‘yang pilitin, hindi ‘yan umiinom. Just be happy na sumama siya ngayon” salo ni Sam sa kanya. Buti nalang hindi na nag-insist si Nicole dahil ayaw niya talagang uminom.

Pinasaya niya ang kanyang sarili ng mga sandaling iyon. Unfair naman sa kanila kung siya ay magmumukmok lang sa isang tabi. Binalik niya rin ng kanyang sigla at kulit na ipinagkait niya noong nagdaang mga araw. At nakisali siya sa mga biruan ng mga ito.

“Oh ow!” untag sa kanila ni Nicole na nakatingin sa may entrance ng bar. Natigil ang kanilang tawanan. “Look who’s here?” dagdag nito. Para itong nakakita ng multo.

Lahat sila ay napalingon sa tinutukoy nito. Ang iba ay napasinghap sa nakita. At siya naman ay parang pinagsakluban ng langit at lupa sa nakita. Hinawakan agad ni Sam ang kamay niya nang makita nito na parang iiyak siya. Pero pinigil niya ang sarili.
read more...

I Meant It When I Said 'I do' - Chapter 8

(Calla)



Earl has waited for almost an hour now. But they have plenty of time. The party starts at six. Ayaw niya sanang pumunta sila sa pagtitipong iyon ngunit kailangan niyang suportahan ang nakababatang kapatid. It’s the first time that Elaiza accepted responsibility. Maliban doon maraming business deals ang kailangan niyang i-propose sa business partners ng pamilya nila. It will be good for Veronica to belong in the circle.

But he would prefer staying at home with his wife. Hindi niya aakalaing ipagpapasalamat niya ang pansamantalang pagtira ng kapatid. Nababawasan ang guilt niya sa tuwing nakikita niyang nakangiti ito bagamat pilit. And she kissed him back. She always does. The chemistry is there na kahit siya, hindi niya magawang iwasan.

Napatingin ulit siya sa relong pambisig.

“We’re done!” narinig niyang tili ng bakla. “Oh, so so beautiful!”

Umayos siya sa pagkaka-upo nang marinig ang yabag na papalapit. Nahigit niya ang hininga nang makita ang asawa. Kung ilang minuto siyang nakatitig rito’y hindi niya alam. Nakatingin lang ang asawa sa kanya’t naghihintay ng sasabihin niya.

“Is it okay?” tanong nito sa kanya. Napalunok siya.

“You look–” Napangiti siya sa bakla at sa dalawang babaing nadoon. “Good work, guys!”aniyang mabilis na napatayo at inalalayan sa siko ang asawa.

“You mean girls, duh!” maarteng reaksyon ng bakla. Hindi niya magawang tingnan ito dahil nakapagkit ang tingin niya kay Veronica. She’s indeed very beautiful. She chose the emerald green dress which fitted her curves perfectly. Her neck is bare and it showed her sexy shoulder blades. Nanuyo bigla ang lalamunan niya.

“Magpapaalam na po kami, Mr. and Mrs. San Diego,” ani Frenzy.

“Thank you so much, girls! You saved the day!” nakangiting sabi nito.

Nagpasalamat na rin siya at inihatid ang mga ito sa pinto. Nang lingunin niya ang asawa’y nakatingin ito sa kanya. Lumapit siya rito at ibinigay ang braso.

“Shall we?” aniya. Sumilay ang ngiti sa labi nito. And he felt his pulse accelerated.

“Thank you,” anito.

“Why do you have to be so beautiful, my wife?” wala sa loob na bulong niya. It was the same feeling he felt on their wedding day. He’s deeply mesmerized by the beauty of her.

But he’s not in love.

Of course, narinig niyang sagot sa sarili.

“Here we are,” aniya nang ihimpil ang kotse. “Ready?”

Nakita niya ang kaba sa mukha nito. Ngunit nakuha nitong tumango. “We have to do this perfectly, right?”

“Right,” sagot niya at inalalayan ang asawa pababa ng kotse.

“Wait, how do I look?”

Humugot siya ng hininga. “Perfect.”

Napatitig ito sa kanya saka napangiti.

PAGPASOK nila’y sinalubong sila ng Daddy niya. Malaki ang pagkakangiti nito lalo na nang makita si Veronica. And he gave him the I-told-you-so look.

Veronica instantly drew a lot of attention. At natagpuan niya ang sariling pigil-pigil ang sariling kamaong mapasuntok sa mga lalaking nagpapapansin sa asawa. Hindi niya gustong iwan ito ngunit may mga tao siyang dapat kausapin. Naging panatag ang loob niya nang makita si Elaiza. Her sister made a lot of heads turn too. She’s not so little anymore. She felt protective of her with those stares but he felt more protective of his wife.

Jealousy? Oh, cut it out.

When they heard the clinging of the glass, napatingin ang lahat kay Don Eleazar. By this time, Earl managed to be beside his wife and held her close.

“I want to thank you all for coming. It’s been a long time since we all gathered just for the party and forget about business. Though I know, we talk about it all the time.” Ngumiti ang Don saka inilibot ang tingin sa lahat. “I would like to make a toast,” anitong itinaas ang kopitang hawak. “For my daughter Elaiza who will be running the San Diego’s chain of hotels,” Lumapit naman ang dalaga at bahagyang yumuko sa lahat ng bisita. “And for my son, Simon who is now bestowed the responsibility I used to hold in all the San Diego’s businesses.”

Napakunot ang noo ni Earl. Nagkaroon ng bulungan. Sumenyas ang Daddy niyang papuntahin siya sa gitna. Nagpahinuhod siya, hawak-hawak ang kamay ng asawa niya.

“For the best of the company,” anitong itinaas ang kopita. “Cheers!”

“Cheers!” anang lahat.

Parang di makagalaw si Veronica sa bilis ng pangyayari. Earl just… Ni hindi niya halos malunok ang alak na nasa bibig. At nang malunok niya iyon ay mas naramdaman niya ang pait kesa sa tamis niyon.

“Hey, you okay?” ani Elaiza. Awtomatikong napangiti siya.

“Congratulations!” aniya sabay yakap rito.

“Thanks,” anitong gumanti ng yakap. Pagkuwa’y sumeryoso ang mukha. “I know you’re worried. I can read it in your eyes.”

Napatingin siya rito. At sa isang sulok ng mata pinagmamasdan niya ang asawang abala sa pakikipagkamay sa mga negosyanteng bumati rito.

“No. It’s just–”

“You don’t need to explain. I understand, Veronica. He’ll be twice as busy. He’ll be twice as tired. And he’ll be irritable. In short, he’ll be a pain in the ass. Hindi biro ang posisyong iiwan ng Daddy sa kanya.”

I’m not really worried about that… aniya sa sarili. It so happened that Earl have no reason to be married to me anymore.

Pakiramdam niya’y nginangatngat ng takot ang puso. Oh yes, he hated him so much for the past days. Ngunit… hindi niya alam kung makakaya niyang isang araw hihiwalayan na siya nito.. Because all along, she knew, she’s not pretending. She loves him and she knew she’ll die the moment she loses him.

Is it really happening now? The only thing that would keep their marriage is his father’s life. Mariin niyang nakagat ang labi.

Ilang sandali pa’y nagsimula na ang sayawan. May iilang pares na sa bulwagan.

“Hon?”

Muntik na siyang mapakislot nang pumulupot ang braso ni Earl sa bewang niya.

“Let’s dance,” anito. Napasunod siya rito. Unti-unting lumamlam ang liwanag ng ilaw at pumailanlang ang musikang pamilyar sa kanya. Napa-iling siya. It must be Elaiza.

You’re my everything

The sun that shines above you

Makes the bluebirds sing

The stars that twinkle way up in the sky

Tell me I’m in love

When I kiss your lips

I feel the rolling thunder to my finger tips

And all the while my head is in a spin

Deep within, I’m in love

Tila idinuduyan siya sa ganda ng boses ng kumakanta. Ikinawit niya ang kamay sa batok ng asawa at inihimlay ang pisngi sa balikat nito’t napapikit. Can’t they be like this after 50 years? His Dad will be like, 112 then. If only his Dad is healthier… Napabuntong-hininga siya.

“Of all people, you have the weirdest reaction regarding my promotion considering you are my wife.” mahinang sabi ni Earl.

“I’m sorry,” aniyang itinago ang mukha para itago ang anumang emosyong meron siya.. “Marami lang akong iniisip.”

“You’re upset,” anito.

“No,” depensa niya.

“Then what is it? People are looking at us, Veronica. And you’re so beautiful that you draw a lot of attention. And people are seeing you sad.”

Naramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi. She wished Earl meant those flattery and not because it’s part of their pretensions. Because she felt good hearing those from him.

“I’m just worried,” amin niya.

“Of what?”

“Of you.”

“Of me,” anito sa tonong mawawalan na ng pasensiya. “Elaborate further please.”

Napabuntong-hininga si Veronica. This is the first time they really got to talk. Just like the old days. O baka dahil lamang maraming nagmamasid sa kanila. Kakausapin kaya siya nito kapag silang dalawa lang ang naroroon?

“It’s nonsense, Earl.”

“I’d pretty much like to listen to nonsense things actually.”

“The deal…” Lumabas sa bibig niya kahit tinangka niyang pigilan. Naramdaman niyang tumigil ito sa pagsayaw. “I’m worried you might–”

“Look at me,” malamig na sabi nito.

Unti-unti niyang ini-angat ang ulo.

“Is that how little you think of me?”

Napayuko siya nang di makayanan ang titig nito. He looked hurt and mad at the same time. Naramdaman niya ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa.

“I just wanted to make sure,” aniyang pinatatag ang tinig kahit di niya maalis-alis ang takot na nakadagan sa dibdib. Nakita niya ang pangangalit ng bagang nito.

“I honor my word, Veronica.” Suddenly he’s cold as ice. Kagaya noong una nilang pagkikita.

Mapait siyang ngumiti. “I’d hold on to that.”

“Be my guest, my wife,” anitong may sarkasmo sa tinig.

“We might as well seal our deal with a kiss,” aniya nang masulyapang nakatingin sa kanila ang mga taong naroroon dahil sila lang ang parehang hindi sumasayaw.

Napabuga ito ng hininga. “Why do you always do that?” inis na bulong nito.

“Do what?”

“Make me kiss you when I don’t want to!”

Daig pa niya ang sinampal sa tinuran nito. Because kissing is whole lot better than arguing! Gusto niyang isatinig ngunit yumuko ito at inabot ang labi niya. It was a fleeting second. Parang paru-parong dumapo ang labi nito sa labi niya.

Her heart sank. So, he didn’t really wanted to kiss her. Nanubig agad ang mga mata.

“Is that smear-proof?”

“What?” aniyang pilit kinontrol ang pagpiyok ng boses.

“Never mind,” anito saka muling yumuko at inangkin ang labi niya.

And Veronica was lost again. He let Earl devour her. He sucked her breath and she clinged closer to him, gasping for air. Pakiramdam niya’y namamaga na ang mga labi niya ngunit wala siyang pakialam. She kissed him wantonly like there’s no tomorrow. Suddenly, there were just two of them. And all that matters to her is Earl’s lips on hers. She felt something poking near her abdomen. Ganon na lang ang pag-iinit ng mukha niya. And they’re in the dance floor!

Kapwa sila humihingal nang maghiwalay ang mga labi nila. Napasulyap si Veronica sa paligid and was surprised that every pair is kissing! Including Elaiza. Wait, is she smooching with the waiter?

Napatingin siya kay Earl. Ngunit nakatitig ito sa kanya. And her stomach twisted as she read the desire in his eyes. Nang hinila siya nito’y agad siyang napasunod. And they found themselves in the powder room. The moment the door was closed, Earl captured her lips hungrily and his hands were all over her body. Napasinghap siya at napakapit ng mahigpit rito nang bumaba ang labi nito sa leeg niya. He was planting kisses on her shoulder blades. Nibbling ang gently biting on some spots.

Pagkuwa’y naramdaman niya ang kamay nito sa ibabaw ng dibdib. Kneading, bringing pleasure from all direction. Kinagat niya ng mariin ang labi para hindi kumawala ang ungol. His other hand searched for the zipper of her dress as her own hands are busy taking off his belt.

He moaned as she let her hands roam under his shirt. He captured her lips once more. And Veronica melted. Nang hindi nito mahagilap ang zipper, inililis nito ang hemline ng gown niya. She was shocked when she heared fabric being ripped.

“Take care of–” the gown. Gusto niyang sabihin ngunit hindi natuloy dahil kumawala ang ungol sa bibig. She just felt his hands inside her.

Nagulantang sila nang may kumatok. Nagkatinginan silang dalawa, habol ang hininga.

“Let’s go somewhere else,” anito. Ibinuka niya ang labi ngunit hindi niya alam kung ano ang isasagot. “Don’t make me beg, please.” Hindi na nito hinintay ang kanyang sagot. Hinila na nito ang kamay niya.

Nang buksan nila ang pinto’y agad silang lumabas. Ni hindi nila tiningnan kung ano ang reaksyon ng mga taong naroroon.

They found a vacant room. And the moment they locked the door, Veronica felt, eternity had begun.

HALOS hindi makapaniwala si Veronica sa bilis ng pangyayari. They’re inside this dark room lying on a bed, completely naked. Hindi niya alam kung saan hahagilapin ang mga damit. But it’s the least she can think of right now.

What just happened? She felt sore all over. All she knew is they made love over and over again.

Pinakiramdaman niya ang katabi. Wala siyang ibang naririnig kundi ang salitan paghinga nila. Hindi niya alam kung anong oras na pero sige pa rin ang tugtog sa labas. His skin is warm, smooth and firm beneath hers. Nakahiga siya sa braso nito at nakayakap siya rito. Can she stay here forever?

She was wondering what he’s thinking. Iniisip ba nito ang nangyayari ngayon? Making love isn’t part of the deal. Or… was it really lovemaking or plain sex for him? Gumuhit ang pait sa dibdib.

She called out his name during their climax. And when they both reached the peak, she whispered I love you.

Gusto niyang makadama ng hiya. Dahil walang anumang tugon mula sa bibig nito. He just kissed her fully in the mouth. Well, at least he didn’t mentioned Bianca. That’s a good sign. And he’s still holding her up to this moment.

THEY should get up now. Put back their clothes. But he felt so wonderfully comfortable holding Veronica in his arms. Her smooth, soft and velvety skin felt just so good against his. She just smells so good.

“Earl,” tawag nito. Walang anumang ilaw mula sa silid na iyon maliban sa malamlam na liwanag mula sa labas. Kaya hindi nila makita ang isa’t isa.

“We better get up,” halos bulong na sabi nito. “Earl?” anitong bahagya siyang niyugyog.

“Mmm..” aniyang niyakap ito ng mahigpit. She heard her chanting his name while they were making love. And she whispered something. Was it I love you? Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Was he really happy? Or was it just because of the pleasure of their joined bodies? Crap!

Okay. He still finds her gorgeous. He is somehow convinced that the word ‘gorgeous’ was made just for her. But that doesn’t mean anything at all. He might be addicted to her. He might do crazy things for her, kagaya ng ginagawa niya ngayon. But that doesn’t imply something. She can satisfy his needs. She can fill him up. She can drive him nuts. But it’s nothing serious. Not at all. She might affect his moods all the time but that’s normal. That happens a lot.

He might change some of his views about how he should treat her, but that was his conscience. It’s nothing big.

He might feel happy now, an emotion he ceased to feel a long long time ago. Yeah, a bit strange but manageable. Life is just good, why should he be miserable?

He might consider forgetting the pains from the past. Like, he can maybe forgive her…

Napapikit siya ng mariin. Now, that’s trouble.

“I’ll find our clothes,” aniya at bumangon. It took them several minutes to find the pieces of their clothes. Tinulungan niya itong isuot ulit ang gown nito.

“Earl,” may pag-aalangan sa tinig nito.

“Yeah?”

“I can’t find my-” Hindi man niya nakikita’y nararamdaman niya ang pamumula ng pisngi nito.

“Your?” aniyang di napigilan ang pagtaas ng sulok ng labi.

“My undies!” pabulong na asik nito.

“Oh, I ripped it off,” aniya. “It’s actually in my pocket.”

“You what?” bahagyang tumaas ang boses nito.

“Don’t worry, I’ll buy you a new one.”

“Earl!”

Saka lang niya natumbok kung ano ang ibig sabihin nito.

“Ssh.. It’s okay. Nobody will know.” aniya saka hinapit ito at dinampian ng halik sa noo.

Veronica felt really uncomfortable without something underneath. She just hoped that the party will end soon. Pagkalabas ng silid ay nagtuloy silang dalawa sa powder room. Nanlaki ang mata niya sa ayos nila. Daig pa nila ang nasalanta ng tsunami. Dagli siyang nag-ayos. Sinuklay ng daliri ang buhok. Ipinasya niyang ilugay na lamang iyon. She was busy putting on her lipstick when she glanced at Earl. Nakatingin ito sa kanya. Nang makontento siya sa ayos ay hinarap niya ang asawa at inayos ang collar ng tuxedo nito.

“I really wish they have something smear-proof.” tila wala sa loob na sabi nito.

“Huh?” aniyang nakakunot ang noo.

Hindi ito sumagot, nakatitig lang sa labi niya.

“Oh,” aniya nang makuha ang ibig sabihin nito. “I wished so, too.”

Hahalikan sana siya ulit nito nang may pumasok.

“We better go.” aniya. Baka saan na naman sila mapunta kapag hindi sila nagpigil.
read more...

Breaking Silence - Chapter 9

(Blue)


Hawak ni Sylvia ang simbulo ng kompanya. Isang rug bear. Ibinigay iyon sa kaniya ng kanyang papa nung maliit pa siya. Nagsilbing lucky charm niya habang lumalaki siya. Nahiling niya noon sa rug bear na sana ay bata na lamang siya at laging kasama ang kanyang papa.

Inilagay niya sa ibabaw ng drawer ang hawak bago humakbang palabas ng silid na okupado niya simula pa kagabing dumating siya sa hotel. Gabi ng kanyang engagement party at ngayon niya makikilala ang lalaking ipakakasal sa kaniya ng kanyang papa. Nawalan ng silbi ang pagpapanggap niyang nagdadalang tao siya. Hindi nito iyon pinaniwalaan. At kahit pa na totoo iyon ay alam niyang hindi iyon magiging hadlang para sa mga plano nito. Para dito ay isa lamang siyang laruan na pwede nitong pagalawin kahit na kailan nito gusto.

Mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Naalala niya ang lalaking sa unang pagkikita ay nakaramdam siya ng pagmamahal. Tinanggap na niya sa sarili na kahit kailan ay hindi siya minahal ni Laughing bear. Ilusyon lamang iyon. Ang buong akala niya ay mahal siya nito kaya lagi itong nasa tabi niya. Pero nagkamali siya, Hindi pag-ibig iyon kundi kabaitan. Umalis siya sa samahan dahil pinagbigyan niya ang kanyang mama na magpunta sila ng Pilipinas at bumisita sa mga kamag-anak nito. Iyon pala ay isa iyon sa mga plano ng kanyang papa para mailayo siya kay Laughing bear. Hindi gusto ng kanyang papa na isang katulad lang ni Laughing bear ang mapangasawa niya.

Isa siya sa mga hitmen ng kompanya. Kasama niya si Laughing bear sa mga misyon niya at hindi miminsang nanganib ang buhay niya ngunit laging naroon ang lalaki para siya tulungan at iligtas. Nang sabihin niya sa kanyang papa na may pagtingin siya kay Laughing bear ay matinding galit ang naging reaksyon nito. Simula noon ay hindi na muli niyang nakasama sa misyon ang binata. Si Arthur ang ipinalit ng kanyang papa para makasama niya sa mga misyon. Kabaligtaran ni Laughing bear si Arthur. Marahas ang lalaki at walang pakialam kung masaktan siya . Ang tanging iniisip nito ay patayin ang target kahit buhay niya ang maging kapalit.

Dinama niya ang mga labi. Hindi niya alam kung bakit nagawang hagkan siya ni Arthur pero nagpapasalamat siya sa ginawa nito dahil nagising siya sa kaniyang ilusyon.

Ngayon ay nakapagdesisyon na siya. Susundin niya ang kaniyang papa….pansamantala hangga’t hindi siya nakakaisip ng paraan kung paano niya ito matatalo.

Nakangiti niyang binuksan ang malaking pintuan ng hall. Musika na nagmumula sa orchestra ang sumalubong sa kaniya. Nagsimula na ang kanyang kamatayan.

Hindi na gusto pang pumunta ni Lamond sa engagement party ng anak ni Charles Gervaise ngunit kailangan na niyang malaman ang totoo sa nangyari sa kapatid. Lalong gumulo ang mga pangyayari sa natuklasan niya sa India. Shit! Ano ba talaga ang totoo? Sino ba ang paniniwalaan niya?

Pumasok siya sa loob ng hall. Hinanap ng mga mata si Charles. Nakita niya ito na kausap ang isa sa mga associates nito. Akma niya itong lalapitan ng bumukas ang isa pang malaking pintuan ng hall at bumungad ang anak ni Charles Gervaise.

Hindi niya maiwasan mapahugot ng hininga. Nakita niyang naningkit ang mga mata nito bago ngumiti ng lapitan ng isang matandang babae.

Pinakatitigan niya ito, sumasabay ang hapit na gown nito sa bawat paglalakad nito. Her gown is like her second skin. Napailing siya. Sa unang beses na pagtatagpo nila ng dalaga ay may kung anong binuhay ito sa kaniya. Protective instinct? Hindi niya masabi. Marahil ay nakikita lamang niya ang kapatid dito kaya niya naiisip ang bagay na iyon. Malaki ang pagkakahawig ng dalawa. Her sister has an innocent beauty, so as this woman. He did a mocking smile. Pero alam niya ang nakatago sa inosenteng kagandahan na iyon.

”Bonsoir tout le monde!” bati ni Sylvia sa buong bisita. Naningkit ang mga mata niya ng makita ang ama.

Agad siyang sinalubong ng kanyang mama. ” What took you so long? Kanina pa naghihintay ang mapapangasawa mo.”

Isang ngiti lang ang isinagot niya sa kaniyang mama. ”So where is he?”

Masiglang hinawakan ng kaniyang mama ang isang kamay niya at iginiya siya sa lalaking mapapangasawa niya.

Nakangiti sa kaniya ang lalaking hindi na niya agad nagustuhan. Bagamat nakangiti ang lalaki ay bakas sa mga mata nito ang kalupitan.

”He’s a gentleman at alam kong magkakasundo kayo ng anak ni Gascon and you know what, He’s good in fencing too.” Nakangiting sabi ng kaniyang mama habang papalapit sila sa lalaki.

Hindi niya gusto ang nararamdaman sa mapapangasawa niya. May kung anong galit ang umusbong sa dibdib niya.

Agad na inabot ng lalaki ang isang kamay niya para hagkan ang likod ng palad niya. ”My Sylvia. I’m very happy to finally meet you.”

“So do I, Mister Gascon.” Nakangiti niyang sagot at hinila ang kamay.

”Call me Brice.”

”Maiwan ko muna kayo, Sylvia. Hahanapin ko lang ang papa mo. ”

Tumango siya sa kaniyang mama at bumaling sa mga bisitang nasa malaking hall.

”Nang malaman kong pumayag ka sa pagpapakasal sa akin ay lalo akong nasabik na makita ka, Sylvia. Alam mong maliit ka palang ay gustong-gusto na kita.”

Bahagyang ngiti lang ang kanyang isinagot. Naiirita siya sa ipinapakita nitong paghanga sa kaniya.

”Alam kong hindi mo gustong magpakasal sa akin, kaya naman kinumbinsi ko ang papa na gamitin niya ang kaniyang impluwensiya para mapapayag ko ang iyong papa na ipakasal ka sa akin.”

She smiles at him. Iyon lang ang kaya niyang isagot dito. Alam niya ang lahat ng plano ng kaniyang papa. Kaya hindi siya naniniwalang kaya nito at ng papa nito na impluwensiyahan ang kaniyang papa.

Ang maamong mukha ng kanyang papa ay kabaligtaran ng pag-uugali nito. Nagulat siya sa paghawak na ginawa nito sa kaniyang braso. Iginiya siya papunta sa dance hall.

”Let’s dance Sylvia.”

Wala siyang nagawa kundi ang sumunod dito. Iyon ang gusto ng kaniyang papa, sundin ang lahat ng sasabihin ng lalaki. Humawak ang isang kamay nito sa kaniyang baywang bago siya hinapit papalapit sa katawan nito.

”Ang pakiramdam ko’y magiging akin ka ngayong gabi, Sylvia. Kapag nangyari iyon ay hindi mo maiisip kahit saglit si Laughing bear.”

Tumalim ang mga mata niya. Natawa ng mahina ang lalaki.

“Damn you.” mahinang bulong niya.

“I know that you’re inlove with Laughing bear kaya naman pinahanap ko siya sa mga assassin ng papa. And I know where he is.”

Naikuyom niya ang mga kamay.

Patuloy lang sila sa mahinang pagsasayaw. Iyon ang nakikita ng mga bisita at bawat isa ay may ngiti sa mga labi. Isa ang mga Gascon sa pinakamayaman at maimpluwensiya sa France. Iniisip ng mga bisita na mapalad si Sylvia sa pagkakaroon nito ng mayamang mapapangasawa.

Mabilis na naiharang ni Sylvia ang isang kamay ng bibigyan siya ng isang malakas na suntok ng lalaki sa may tiyan niya. Hinawakan niya ang kamay nito at akmang gagamitan ng karate ng pumakabila ito sa pagkabigla niya. Napunta ito sa likuran niya hawak ang mga kamay niya at marahan siyang isinayaw.

“Surprised?” Natawa ang lalaki sa reaksyon niya. “I know how to fight too, My Sylvia.”

Inikot siya nito paharap dito. Nakita niya ang ginawang pagngisi nito. Umangat ang isang binti niya para sa isang flying kick ngunit nahawakan nito ang binti niya at hinapit siya.

“Où est-il?” bulong niya. Inangat ang mga kamay. Humanda sa pag-atakeng gagawin ng lalaki. napansin niyang magaling ang lalaki sa close range fight. “Tell me where he is.”

“My Sylvia, You don’t have to worry about him. He’s safe in my father’s hands.”

“I don’t believe you.” isang upper cut ang ibinigay niya ngunit tinanggap lang nito.

Isang matinding sampal ang iginanti nito. Napaatras siya ng bahagya. Napasigaw ang mga bisita sa nasaksihan.

“Sylvia!”

Napatingin siya sa direksyon ng boses. Galit na galit ang mukha ng kaniyang papa.

“Désolé, papa. Hindi ko kayang magpakasal sa kaniya.”

Hindi mailabas ni Charles ang galit sa anak sa harapan ng mga bisita. Hindi niya gagawin iyon dahil masisira siya sa kaniyang mga kasosyo. Hindi talaga ito marunong sumunod. Si Laughing bear na naman ang dahilan kung bakit nagkakaganoon na naman ang kaniyang anak. Damn Laughing bear! Anong bang pinakain nito sa anak niya? Hindi siya makapapayag na ang lalaking iyon ang mapangasawa ng anak niya. Hindi niya mapapayagan na si Laughing bear ang humawak ng lahat ng negosyo niyang pinaghirapan mapalago sa loob ng maraming taon.

Agad na tinungo ni Rowena ang anak ng matalim siyang titigan ni Charles. Hinawakan ang magkabilang kamay ng anak at dinala sa dibdib.

“Sylvia, What’s wrong?” may pag-aalala sa tinig ni Rowena.

“Mère, I don’t want to marry him.” nangingilid ang mga luha sa mga mata ng anak. Hinaplos niya ang makintab nitong buhok.

“Sylvia…I know you will learn to love him, just give him a chance.” Alam niyang hindi gusto ng anak niya sa mapapangasawa nito dahil kay Laughing bear, pero wala siyang karapatan na baliin ang utos ni Charles.

“Non, Mère.” Umiling si Sylvia. Hindi ko kayang magmahal ng iba.” Si Laughing bear lang ang mahal niya. Mananatiling si Laughing bear lang.

“Anong kalokohan ito, Sylvia?” galit na galit na lumapit sa kaniya ang kanyang papa. Mahigpit na hinawakan ang braso niya. “What’s wrong with you?”

“Rien, Père. I don’t love him. Si-”

Nanlaki ang mga mata ni Sylvia. Mabilis na tinabig niya ang kanyang papa. At isang matinding flying kick ang ibinigay niya kay Brice ng makitang kumuha ito ng baril at itinutok sa ama niya.

Nabitiwan nito ang baril at napaupo sa marmol na sahig. Agad ang pag-agos ng dugo sa may braso nito. Nanlaki ang mga mata niya.
read more...

My Only You – Chapter 6

(Kaven)




Years ago….

“Bro! Ano ‘tong nabalitaan ko na bumalik na sa dati ang walang kabuhay-buhay mong buhay ha?” tudyo sa kanya ng kapatid sa kabilang linya. “Who’s the girl?” dagdag na tanong nito. Alam niyang natatawa na si Kean sa kanya.

Kean is the only brother he had. Hindi lang simpleng kapatid kundi kakambal pa niya ito. They are identical twins even their parents can’t identify which is which. Kaya naman palagi silang nagkakasundo kapag kapilyahan na ang pag-uusapan.

“Stop the crap Kean! What’s up at napatawag ka?” pag-iiba niya, alam niyang hindi siya tatan-tanan nito. Tumawa ito ng husto bago nagpatuloy.

“It’s nice to know na ok ka na Dean after living like hell when your ex-girlfriend dumped you!” Hindi nito sinagot ang tanong niya. Marami yatang alam ‘tong mokong na ‘to, pero hindi na siya nagtaka dahil nand’yan si Sam. Napabuntong-hininga na lang siya bago nagsalita.

“Ano pang sinabi sa’yo ng magaling nating bunso?” wala na siyang magawa kundi pag-usapan ang buhay niya.

“Well she said na natutorpe ka sa isang babae. And this woman made you whole again” tugon nito.

“Yeah right!”

“And this woman is mad at you because of your ex. What’s wrong with you bro?” anito na nakikinita niyang nakakunot-noo ito.

“Damn! I’m just protecting her from Dennise” napataas ang tono ng boses niya.

“Ok ok! I think this woman is interesting” sabi nito na nagpatahimik sa kanya.

“Well, I just called to inform you all na bibisita ako d’yan sa Pinas. And I’m going to stay in your condo” untag nito. “I have to go bro! Bye.”

‘THERE’S no place like home’ bulong niya sa sarili ng makalapag na ang eroplanong sinakyan niya. Limang taon din siyang hindi nakauwi sa Pilipinas kaya kahit tatlong araw lang ang bakasyon niya ay umuwi talaga siya sa Pinas.

“Kean!” isang pamilyar na tinig ang tumawag sa kanya. Paglingon niya ay nakita niya ang kakambal at lumapit siya dito.Tinapik nito ang balikat niya bilang pagbati.

“Kumusta byahe, ‘tol?” tanong nito.

“Whew! Kakapagod nga pero ok lang basta nakauwi ako” nakangiti niyang tugon.

“Mabuti pa punta na tayo sa condo ko. Naghihintay na sila Mommy at Sam do’n” anito.

“May pagbabago rin pala dito sa Pinas pero hindi pa rin nagbabago ang sobrang traffic dito” naibulalas lang niya nang mapansin ang usad-pagong na takbo ng mga sasakyan.

“Sanayan lang ‘yan” natatawang sabi ni Dean.

Makalipas ang isang oras ay sa wakas nakarating na rin sila sa condo unit ng kapatid. Gaya ng inaasahan ay masayang sinalubong siya ng kanyang mama at bunsong kapatid.

“Kuya Kean!” bungad sa kanya na akmang yayakapin siya pero nag-alinlangan ito. “Oh wait, sino si kuya Kean sa inyong dalawa?” nalilito nitong tanong

“Guess who?” natatawang tanong ni Dean na halatang niloloko ang kapatid.

“Andaya talaga!” napasimangot si Sam pero biglang ngumiti. “Ah wait, kaw si kuya Dean dahil natatandaan ko yang tshirt mo, am I right?” Tumawa ito habang nagtatalon na parang bata at niyakap siya.

Maya-maya lang ay dumating ang daddy nila kaya masaya nilang pinagsaluhan ang inihandang pagkain ng mommy nila. Masaya siya dahil ngayon lang uli sila nakumpleto simula noong pumunta siya sa States para mag-aral.

“TAMANG-tama ang pag-uwi mo Kean at matutulungan mo ako sa negosyo na ‘tin” untag niya sa kakambal nang nasa balkonahe sila habang umiinom ng beer.

“Whoa!” anito. “Negosyo na naman? ‘Kaw nalang muna ang bahala d’yan Dean at saka nand’an naman si Cathy. Ayoko munang mag-isip tungkol sa negosyo. Alam mo namang umuwi ako rito para makapagrelax” tanggi nito.

“Nah, Cathy is not in town. Nagbakasyaon ata kasama ang barkada” aniya. “Ok, pagbibigyan kita ngayon” suko niya. Napabuntong-hininga nalang siya dahil wala siyang magawa kundi ang lumiban sa mga klase niya. May konting problema lang sa negosyo na dapat niyang resolbahin.

“AY! Ano ba?” gulat na sambit ng isang babae.

“Hey, watch out!” Nagulat din siya kaya medyo napalakas ang timbre ng boses niya. Pero alam niyang siya ang may kasalanan. Nagmamadali siyang lumakad habang palingon-lingon dahil hinahabol siya ni Dennise.

Napatitig siya sa dalaga nang humarap ito sa kanya. Hindi lang pala basta babae ang nakabangga niya kundi isang magandang babae. Para itong isang anghel sa angking ganda nito kahit simple lang ito. Ang mga mata nito na may malalantik na pilik-mata, ang matangos nitong ilong at ang mapupulang labi nito ay saktong-sakto sa hugis ng mukha nito.

“Kuya Dean?” anito ng makita siya. Dean? Kunot-noo niya itong tinitigan dahil napagkamalan siya nitong si Dean. Pero napangiti nalang siya.

“Oh! I’m sorry miss. Nagmamadali kasi ako.” aniya at dali-dali na siyang umalis.

Napag-alaman niya na ang magandang dalaga na nakabangga niya at ang babaeng nagugustuhan ni Dean ay iisa. Ipinakita kasi ni Sam ang litrato ng kaibigan nitong si Danielle. Ikinuwento ni Sam kung bakit naging magkaibigan ang mga ito at kung bakit nakilala ito ni Dean.

“Bukas na ba talaga ang flight mo kuya Kean?” untag sa kanya ni Sam.

“I have no choice” natatawang sagot niya. “Why?” tanong niya.

“Debut kasi ni Dan bukas. Sayang naman hindi ka namin mapapakilala” paliwanag nito.

“Talaga?” nasabi lang niya. “Can I have her cellphone number?” Huli na para bawiin ang tanong niya.

“Huh?” tila nagulat si Sam.

“I just want to greet her” depensa niya

“Ahh ok. ‘Eto oh” anito sabay lahad ng cp nito sa kanya.

Hindi siya makatulog ng gabing iyon dahil sa kaiisip sa kay Dan. Ewan ba niya pero may impak sa kanya ang dalaga. Stop it Kean! sita niya sa sarili. Ipinilig niya ang ulo para matigil ang kabaliwan niya. Hindi niya dapat maramdaman ‘yon.

ALAS sais ng hapon ay nasa airport na siya. Ang mommy lang niya ang naghatid sa airport dahil alam niyang busy sila Dean at Sam sa pag-aasikaso ng surprise birthday party para kay Dan. Dan! sambit niya sa isipan. Agad niyang kinuha ang cellphone at nagtext.

HAPPY BIRTHDAY DANIELLE. Nagdalawang-isip pa siya kung isi-send niya ito. Pero kusang gumalaw ang daliri niya kaya naisend ito.

Message Sent ang nakalagay sa screen. Maya-maya lang ay tumunog ang kanyang Iphone at pagkakita kung sino ang nagtext ay agad niyang binasa iyon.

THNX…MAY I KNW U? :) napangiti siya sa reply nito. Do I have to tell my name at magpakilala bilang kapatid nila Sam at Dean?

Kaya ito nalang ang nereply niya. 8S NOT MPORTNT, JST ENJOY UR DAY…:)

WHAT? I DNT KNW U & U KNW ME, DO U THINK 8S FAIR?.. reply nito. Hindi na siya nakareply uli dahil in-announce na ang flight niya. Kailangan na niyang pumasok sa eroplano.

LINGID sa kaalaman ni Dan ang pagkakaroon ng kakambal ni Dean na si Kean. Ang alam lang niya ay may kapatid ito sa Amerika. Hindi pala niya alam ay nakaharap na niya ito.

Ano ang magiging papel ni Kean sa buhay ni Danielle? At ano naman ang magiging papel ni Kean sa pag-iibigan nila Dean at Danielle? Possible bang magkagustuhan din sila Kean at Dan pero paano?…….

Abangan sa mga susunod na kabanata ng kwentong pag-ibig ng MY ONLY YOU.
read more...

I Meant It When I Said 'I do' - Chapter 7

(Calla)



“I TOLD you about her.” mariing bulong ni Veronica. Nagmamadali silang ayusin ang silid na inookupa ni Earl. Mabuti na lang at may pintuang lagusan mula sa silid na iyon patungo sa master’s bedroom. Madali nilang nailipat ang lahat ng gamit ni Earl mula doon. “She can’t stay here, Earl. I won’t be able to pretend we’re good.”

“I don’t want her here either!”

“Ssh!” aniya nang lumakas ang boses nito.

“Tell her to go.”

“Is she my sister? You tell her.” nanggagalaiti niyang sabi. Earl could be really annoying sometimes.

“Is everything alright?”

Pareho silang napalingon sa pintuan.

“But of course, Elaiza. We’re just fixing your bed.”

“Akala ko nagtatalo kayo.”

“Uhmm.. it’s just sweet nothings.” biglang nasabi ni Veronica.

“Oh, sweeeeeeet.” anitong kinikilig. “I’m really sorry I am bothering you.”

“Yes, you perfectly knew the right time to bother, lil sis.” ani Earl.

“Hon.” saway niya. Parang gusto niyang mabilaukan sa pagkakabigkas no’n.

“Oh, I really missed your sarcasm, kuya!” anitong biglang nangunyapit sa braso ng kapatid. “Did you miss my wit?”

“No. Is there no way you can go, get a taxi?”

“Kuya! Are you saying I’m allowed to sleep with Dave?”

“No!” mariing sagot ni Earl. “Go to your friends. Gumagawa kami ng baby, Elaiza. You should consider that. We need privacy. Should I call a taxi now?”anito ngunit nakayakap ang isang braso sa kapatid. Alam ni Veronica na miss ng mga ito ang isa’t isa. Parang hinahalukay ang tiyan niya sa pinag-uusapan ng mga ito. Gumagawa ng baby?

“Oh, Kuya, I don’t really mind if you make babies. A lot of babies! You can do whatever you want, hindi ako haharang-harang. My friends don’t live close, alam mo yan Kuya. But if I’m allowed to stay with–”

“No DAVE.”sabi agad ni Earl.

“Then, there’s no other place but here. I already told Veronica and she said yes. Besides, it’s just for two days.”

Hindi sumagot si Earl kaya siya ang binalingan ng dalaga. “Right, Veronica?”

“Y-Yeah!” dagling sagot niya.

Napatingin si Earl sa kanya parang sinasabing ‘Now, that’s your fault.’ Lihim niyang inirapan ang asawa.

TILA hindi makahinga si Veronica habang nakahiga sa kasama katabi ang asawa. Kahit malaki ang espasyo sa pagitan nila’y hindi pa rin magawang kumalama ng pulso niya. Natetensiyon siya masyado. Lalo pa’t naamoy niyang bagong-paligo ito. He smelled fresh.

Wait, wait, wait. Ano’ng nangyayari sa kanya? She hates him.

Hate? Anang isang bahagi ng utak. Okay. Hate is probably too much. Masama lang ang loob niya sa asawa. Masamang-masamang masama. Then why are you looking at him like he’s a god or something?

I’m not!

Oh, yes you are.

No, I’m really not.

Okay, deny it.

“Stop it!” naisatinig niya.

“Stop what?” biglang lingon ni Earl sa asawa.

Natampal ni Veronica ang sariling bibig. “W-Wala.” dagling sagot niya saka tumalikod dito.

Namayani ulit sa kanila ang katahimikan.

Hindi siya sumagot. Pinakiramdaman niya ang dibdib. Mabilis pa rin ang tahip niyon. Naramdaman niya ang pagpihit nito. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Gusto na niyang matulog at sana bukas paggising niya paalis na si Elaiza nang hindi na sila magpanggap pa. Pumihit ulit ito. Tumikhim. Hindi siya gumalaw. Nagpanggap siyang tulog na tulog.

“Veronica?” tawag nito.

“Huh?” Gusto niyang batukan ang sarili. Akala ko ba tulog ako?

“Ah…” anito. Hindi na nagsalita pa.

“What?” aniyang pumihit paharap dito.

“Nothing. Akala ko kasi… Never mind.”

“Can I sleep now?” aniyang bakas ang inis sa tinig.

“Sure, sure. Just…”

“Just what?”

“Don’t forget to breathe.”

Pumihit siya patalikod dito. Wasn’t she breathing? Wait… he’s watching her breathing?

NAGISING si Veronica sa mabining dampi ng hangin sa balat niya. It’s deliciously warm. Warm… Warm? And it has funny rhythm just like breathing. Breathing?

Ibinuka niya ang namimigat na talukap at ganon na lang ang panlalaki ng mata niya nang makitang halos gadangkal lang ang pagitan ng mukha nilang mag-asawa. At isa pang kahindikhindik, nakayakap sa bewang niya ang braso nito at nakadantay ang paa niya sa hita nito. Ganoon na lang ang pag-atake ng nerbiyos niya. Kaagad niyang binawi ang paang nakadantay dito. Akmang itutulak niya ng malakas ang katabi nang mapatitig siya sa mukha nito.

Natigilan siya. He still sleeps like a baby. May kung anong kumurot sa puso niya. Unti-unting kumalma ang sarili nang mapagmasdan ang asawa. He looked so peaceful. Wala sa loob na hinaplos niya ang mukha nito.

Veronica, anang isip. Ngunit dinama pa rin ng likod ng kamay ang maamong mukha nito. Bigla itong gumalaw. Binawi niya agad ang kamay kasabay no’n ang malakas na pagkabog ng dibdib. Hindi magigising si Earl sa haplos ng kamay niya kundi sa lakas ng kabog ng dibdib niya. Hindi siya nakakilos nang mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya at ibinaon nito ang ulo sa leeg niya. Napasinghap siya ng wala sa oras. Tinangka niyang itulak ito dahil sa libu-libong kuryenteng gumapang sa balat niya ngunit mas lalo lang nitong hinigpitan ang yakap.

“Earl.” aniyang nagpupumilit makawala. There should be no physical contact. She swore to herself what happened that fateful night will be the last. Ngunit bakit di niya makontrol ang reaksyon ng sariling katawan?

“Mmm…” tinatamad nitong sagot at mas lalong ibinaon ang ulo sa pagitan ng leeg niya. Pakiramdam niya’y aapuyin siya ng lagnat anumang oras.

“Earl, wake up!” nanggigigil na sabi niya’t buong lakas na itinulak ito. Bahagya lang itong natinag. Nakayakap pa rin sa kanya. Hinimas nito ang likod niya pagkatapos biglang natigilan. Kinapa-kapa nito ang katawan niya saka napabalikwas ng bangon. Natampal nito ang sariling noo nang makita ang mukha niya.

“I’m sorry.” anitong halos hindi pa maibuka ang mga mata..

Hindi siya sumagot. Dagli niyang inayos ang sarili saka nagsuot ng roba.

“Maghahanda lang ako ng almusal.” aniyang hindi ito nilingon. Ngunit natigil siya sa paglalakad nang may maalala at muling lumapit dito at bumulong. “You should eat breakfast.”

Napahikab ito saka tumango-tango.

“Greet me good morning and don’t forget to kiss me.” aniya at tumalikod. Ngunit natigil siya nang hilahin nito ang kamay niya.

“Good morning, honey.” anito at sinalubong ng labi nito ang labi niya. Huli na para umiwas. Naging mabuway ang pagtayo niya ngunit maagap siyang sinalo ng bisig ng asawa. Nawalan siya ng lakas na tumutol nang pasukin ng dila nito ang bibig niya. Their tongues played. She worried about her morning breath because he just tasted so good. So damn good. Naramdaman niyang may matigas na bagay sa harapan niya. It took her seconds to realize. Saka bumalik ang sariling huwisyo niya. She promised herself never to allow it happen again. Ano’ng ginagawa niya?

“Gross!” aniya saka itinulak ito. “I meant goodbye kiss! We only have to kiss when someone’s watching!” inis na sabi niyang pilit hininaan ang boses.

Nagkibit-balikat ito. “I thought you meant now.”

Pinigilan niya ang sariling magdabog palabas ng pinto.

“Good morning!” masiglang bati ni Elaiza na ikinalingon niya, nakabihis na ito.

“Good morning! Why, you look great!” komento niya sa ayos nito.

“Thanks, Veronica. I need that. I need to look amazing. I have to make a good impression!” excited na sabi nito. “Aren’t you working today?” tanong nitong tiningnan ang suot niya. Naka-roba pa rin siya at hindi pa siya naliligo.

“I open the boutique at nine. I still have plenty of time. Sit down.” aniyang hinanda ang mesa.

“Is this how you pamper kuya?” anitong tinulungan siyang maghanda.

Ngumiti lang siya saka itinuon ang pansin sa pinipritong itlog at bacon. I would have if only he wanted to…

“I heard my name.”

Nahigit ni Veronica ang hininga nang marinig ang boses ng asawa. Lumingon siya’t ngumiti. “Good morning, hon.”

Hindi siya nagpahalatang nagulat nang ipinulupot nito ang kamay sa bewang niya sabay dampi ng labi nito sa labi niya. “Good morning, honey.”

Instantly, napuno ang baga niya sa bango ng cologne nito. Actually, it’s not just cologne. It’s a mixture of aftershave, shampoo and soap and that sooo manly scent. Kung hindi pa nito hawak ang bewang niya’y baka natumba na siya sa sobrang panlalambot.

Tumikhim si Elaiza. Saka lang siya natauhan tila bigla.

“Kuya naman, nadi-distract mo si Veronica. Maupo ka nga nang hindi masunog yang piniprito niya.”

Ngunit hindi pa rin binibitiwan ni Earl ang bewang niya.

“Jeez, ganyan ba talaga ang mga bagong kasal?” himutok nito.

“Oh yes, lil sis.” ani Earl sa kapatid. Halos gadangkal lang ang distansiya ng mga mukha nila. Naamoy niya ang mainit na hininga nito. Mas mabuti ngang hawakan siya ng asawa dahil nawawalan na ng lakas ang mga tuhod niya.

“That’s not so you, kuya.” ani Elaiza. Napalunok si Veronica. Mabubuking na ba sila?

“And what does that supposed to mean?” ani Earl ngunit nakatingin sa kanya. Muli nitong inilapat ang mga labi sa labi niya. At nawala siya sa sarili ng pansamantala. Saka pinakawalan ang bewang niya. Tinangka nitong kunin ang siyanse sa kamay niya.

“I can handle this, hon. Just sit.” aniya kahit nanlalambot ang tuhod. Ngunit nagpumilit itong ituloy ang ginagawa niya.

“I doubt it, Veronica.” sabat naman ni Elaiza. “Umupo ka na kasi, kuya. Para naman kayong hindi magkatabi kagabi.”

Naupo si Earl. Sumunod si Veronica at inilapag ang pritong bacon at itlog.

Ngingiti-ngiti si Elaiza habang nagmamasid sa kanilang dalawa.

“You’re not a living dead anymore, kuya! That’s what I wanted to say. Thanks to Veronica.” anito habang sumusubo.

Nagkatinginan sila ni Earl. Pagkuwa’y ngumiti ito at pina-ikot ang mga mata. Tila sinasabing napapraning na ang kapatid nito. And suddenly, she felt sixteen once again.

“Everyone will be surprised.” anitong ngingiti-ngiti. “I’m sure they will love you, Veronica.”

“They?” kunot-noong tanong niya.

“Oh my.” nanlalaki ang matang tiningnan siya. “Are you saying you forgot the party tonight?”

“Party?” Lalong tumindi ang pagkaka-kunot ng noo niya.

“Kuya?” baling nito sa kapatid.

Magsasalita na sana ni Earl nang saluin niya.

“How can I forget! Sorry, Elaiza, my memory’s not so good at this point of the day.” aniyang ngumiti.

Tila nakahinga ito ng maluwag.

“It’s just a welcome party for Elaiza. It’s not really big.”

Sumimangot ang kapatid nito. “The members of the board is going to be there, kuya. It’s gonna be big!”

Hindi na nakipagtalo pa si Earl.

Pagkatapos kumain ay dagli nang naghanda ang magkapatid.

“I’ll see you later, Veronica.” Hinalikan siya ni Elaiza sa pisngi. “Dad will pick me up from the hotel so I’ll see you at the party.”

“Yeah… Good luck on your first day.”

Ngumiti ito. “Thanks!”

“Bye, honey.” ani Earl.

“Take care, hon.” aniyang pilit nilambingan ang tinig saka wala sa loob na inayos ang necktie nito. “What’s that party?” nanggigigil na bulong niya. “My God Earl–”

“I’ll take care of everything.” bulong nito. “I’ll be home at four.”

Magsasalita pa sana siya nang angkinin nito ang mga labi niya. He nibbled her lips like he can’t get enough of it. And Veronica can’t help but kiss him back. Pakiramdam niya’y mapupugto ang sariling hininga.

“I’ll see you at four.” bulong nito nang maghiwalay ang labi nila. Tango lang ang isinagot niya. She can still feel her lips throbbing from his kiss. Siguro’y dapat niyang linawin kay Earl na hindi nila kailangan mag-french kissing sa harapan ng kapatid nito. But why is it so damn good?

Nakita niya ang naiiling na nangingiti si Elaiza. Pinamulahan siya ng mukha. Saka nagmamadali siyang naligo’t nagbihis pagkaalis ng mga ito.

HINDI makapag-concentrate Si Veronica sa trabaho. Wala siyang ginawa kundi ang tingnan ang oras. Nang sa wakas ay sumapit ang alas tres, nagpasya siyang magsarado na ng boutique. She needs to prepare. Ni hindi pa niya alam kung ano ang isusuot.

She’s used to parties. But this is the first time she’s going to attend a gathering as Mrs. Earl Simon San Diego. And she just have to make a good impression lalo pa at mga investors at mga kasamahan iyon ng asawa niya sa negosyo.

Pagdating niya sa bahay, kaagad siyang naghanap ng maisusuot. Pinili niya ang black strapless sequined dress na binagayan niya ng two and a half-inch black stilletos. Kaagad siyang naligo. Nang marinig niyang bumukas ang pinto, nakapag-blow dry pa lang siya. Hindi pa siya nakakapag-ayos! Inayos niya ang roba at lumabas ng silid para salubungin ang asawa.

Natigilan siya nang makita ito. He’s wearing a tuxedo. A very elegant tux. May kausap ito sa cellphone at naglalakad paroo’t parito sa living room. Huminga siya ng malalim. There’s no way her black dress would match his elegance. Kailangan niyang maghanap ng ibang isusuot. Sumenyas ito sa kanya nang makita siya. Pagkuwa’y pinindot nito ang end button at nilapitan siya.

“You should’ve warned me.” aniya rito. “I don’t have a dress that will match yours!”

“You’d look great wearing a sack, honey,” anito.

“Ha-ha.” inis na sagot niya. Naiinis siya dahil ayaw man niya’y nag-init ang pisngi niya sa papuri nito.

“Don’t worry.” anitong pinisil ang ilong niya. “I’ve got something for you.”

Umigkas ang kilay niya.

Ilang sandali pa’y tumunog ang door bell. Kaagad iyong pinagbuksan ni Earl. Dalawang babae at isang binabae ang pumasok may dalang gowns. Napatingin siya kay Earl.

Kinindatan siya nito.

“Hello, Mrs. San Diego.” anang bakla. “I’m your make-up artist Frenzy. And this is Lucy and Cheena your dress consultants. Our sole mission is to make you the most beautiful woman tonight. Shall we get started?”

Napangiti siya. “Oh good Lord, thank you!”
read more...

Breaking Silence - Chapter 8

(Blue)


Isang mabangong amoy ng paboritong pagkain ni Arthur ang nagpagising sa kanya. Napangiti siya. Siguro ay nagluluto ang mahal niyang si Junifer. Nakikita niya ang imahe ni Junifer na nakayuko sa kanya at may masuyong ngiti. Alam niyang sa pagbangon niya ay isang mainit na halik ang isasalubong nito sa kanya. Ngunit nawala ang ngiti niya at napamulat ng mga mata ng maalala ang nangyari kagabi. “Shit!” bigla siyang napabangon buhat sa pagkakahiga sa sofa.

“Bonjour!”

Nilingon niya ang nagsalita. Nakangiti itong nakatingin sa kanya. May hawak na maliit na kutsara at nakasuot ng apron. Suot nito ang madalas gamitin ni Junifer sa pagluluto ngunit hindi ito si Junifer.

“Que faites-vous ici, Sylvia?” nakangunot-noo niyang tanong na kung anong ginagawa ng babaing ito sa apartment niya. Tumayo siya buhat sa sofa at nilapitan ang dalaga.

Umikot ang mga eyeball nito sa mga mata. “Ganyan ba dapat ang isalubong mo sa akin sa loob ng tatlong taong hindi natin pagkikita? How rude! wala ka pa rin ipinagbago. hmp!” Inirapan siya nito bago ipinagpatuloy ang pagluluto.

Nagsalubong ang kilay niya. Anong gustong palabasin ng babaing ito? Hinawakan niya ang isang braso nito at iniharap. “What do you want?” mapanganib niyang tanong sa dalagang hindi man lamang kakikitaan ng pagkatakot sa mukha kahit na humihigpit ang paghawak niya sa braso nito.

“Masusunog ang niluluto ko. Bitiwan mo ako.” mahinahon nitong sabi ngunit nagsisimula ng magningas ang mga mata nito sa galit.

Pagigil na binitiwan niya ang braso nito, ngunit hindi niya ito inalisan ng tingin. “Si P ang dahilan ng pagpunta mo rito hindi ba?”

Umiwas ito ng tingin at muling tumalikod sa kanya. Hinarap ang niluluto.

Matalim ang ginawa niyang paghinga. Lumayo kay Sylvia at naupo sa isa mga stool chair sa kitchen. “I’m hungry.” paangil niyang tanong dito.

Bahagya itong ngumiti. “Malapit na itong maluto.”

Isang tahimik na almusal ang pinagsaluhan nila. Hindi maiwasan ni Arhtur na muling titigan ang dalaga habang abala ito sa kitchen. Tatlong taon na magbuhat ng umalis ito sa France. Sa samahan. Malaki ang pinagbago nito. Hindi na niya makita ang iyakin na dalagitang minahal niya.

“Sylvia–”

“Minahal ba ako ni Laughing bear, Arthur?” halos bulong na tanong nito sa kanya.

Wala siyang masabi. Hindi niya gustong lalo pang masaktan ito. At ano ang maari niyang sabihin? “Hindi mo kailangan si P sa buhay mo, Sylvia.” paangil siyang sumagot. Ngunit minura niya ang sarili sa sinabi dahil sa nakikitang panghihina ng dalaga.

“I love him, Arthur.” mahina nitong sabi.

“I know.”

Humarap ito sa kanya at may hinanakit na nagsalita. “Anong alam mo sa nararamdaman ko, Arthur? Minsan ba ay pinakinggan mo ako? Tanging si Laughing bear lamang ang nakakaintindi sa akin.” tuluyan na siyang napahagulgol.

Nilapitan niya ito at akmang yayakapin ng umiwas ito. Nagniningas ang mga mata nito sa galit.

“Muli kong ibabalik ang pagmamahal sa akin ni Laughing bear, Arthur. Papatayin ko ang babaing iyon!”

Tumalim ang mga mata niya. Mahigpit na hinawakan ang mga braso ng dalaga. “I will kill you too.”

Nararamdaman ni Sylvia ang matinding galit ni Arthur. Hindi niya maiwasang manginig. Inaamin niyang natatakot siya sa lalaking ito. Sa tuwing makikita niya ito ay hindi niya maiwasang manginig at panlamigan ng katawan. Hindi ito katulad ni Laughing bear na laging nakangiti. Tahimik ito at laging nakaangil sa kanya. Sa tuwing kasama niya ito sa mission ay mas natatakot siya dito kaysa sa target nila. Kagabi ay alam niyang pagod ito kaya madali niya itong napatumba ngunit ngayon ay nagsisisi siya kung bakit ginalit niya ito. Kulang na lang ay balian siya nito ng leeg. Humihigpit ang hawak nito sa braso niya.

Hindi na sana niya ito gustong puntahan ngunit wala siyang mapagpipilian. Ito lamang ang makapagsasabi sa kanya kung nasaan si Laughing bear. Napadaing siya sa muling paghigpit ng mga kamay nito sa braso niya.

“Merde.” mahinang sambit nito sa nakikitang pagdaing niya. Marahas siyang binitiwan nito.

Lumayo sa kanya at malakas na nagmura. Hindi niya maiwasang mapapitlag. Ngayon lang niya nakitang nagalit ito ng matindi. Nag-iigitng ang mga ugat nito sa leeg at nakakuyom ang mga kamay sa pagpipigil sa kung anumang gagawin nito.

Tumalikod ito sa kanya at naghubad ng T-shirt bago inihagis sa kitchen table. Umiwas siya ng tingin. “Go home, Sylvia. Je ne peux pas te dire où il est.” hindi nito masasabi kahit sa kanya kung nasaan si P. Humakbang ito palabas ng kitchen.

“I swear Arthur. I will kill that woman!” galit niyang sigaw. “Hindi ko matatanggap na may ibang pakakasalan si Laughing bear maliban sa akin.”

You’re childish, Sylvia. Do whatever you want.” tuluyan na itong lumabas ng kitchen.

Narinig na naman niya ang mga salitang iyon. Galit niya itong sinundan. Humarang siya sa gagawin nitong pag-akyat sa hagdanan. “I’m not a kid anymore.” isang right hook ang ibinigay niya dito.

Tinanggap lamang nito ang ginawa niya. Hindi niya ito natinag sa pagkakatayo. Nasa mga mata ang kaaliwan ng tumingin sa kanya. Ipinagngitngit niya iyon. Ipinapahiwatig ng mga matang iyon na wala siyang laban dito at talagang bata lamang siya sa paningin nito.

“Vous avez raison.” pag sang-ayon nito. Naging mapungay ang mga mata. ” You’re not a kid anymore, I noticed that.” bumaba ang mga mata nito sa mga labi niya. “You’ve grown into a beautiful woman.”

“Arthur…” nakakaramdam siya ng kakaibang damdamin sa ginagawa nitong paghagod ng tingin sa kanya.

Marahas na kinabig nito ang batok niya. Naramdaman na lamang niya ang mga labi nitong humahalik sa kanya. Mainit ang mga labi nito. Tila siya napapaso. Ang akma niyang pagpigil dito ay naudlot ng bumaba ang isang kamay nito sa baywang niya at marahas siyang hapitin papalapit dito. Lumalalim ang halik nito. Ang mga kamay niya na kanina ay gustong pumigil sa ginawa nito ay kusang yumakap sa leeg nito. Tinanggap ang halik nito at gumanti din ng ganoong kainit na halik.

Ang sabi ni Arthur sa sarili ay yakapin ang dalaga. Ikulong sa mga bisig niya. Burahin ang nararamdaman nitong sakit sa ginawa ni P. Ngunit hindi niya naiwasang hagkan ang dalaga. Nawala siya sa sarili ng matitigan ang mga labi nito. Ang mga labi nitong gusto niyang hagkan noon pa man. Minahal niya ito sa unang pagkikita nila. Ngunit pinatay niya ang nararamdaman ng magtapat ito ng pagmamahal kay P. Ang ginawa niya ay lumayo dito at naglagay ng pader sa pagitan nila. Damn! pero anong ginagawa niya ngayon? heto siya at hinahagkan ang dalaga.

Naramdaman ni Sylvia ang pagbaba ng mga labi ni Arthur sa punong dibdib niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Hindi man niya aminin ay nagugustuhan niya ang ginagawa nito sa kanya. Hindi niya iyon naramdaman man lamang kay Laughing bear sa tuwing hahagkan siya nito. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa naisip. Malakas niyang itinulak si Arthur.

“No!” Agad niyang inayos ang damit. bakit niya ngayon lang nalaman ito? Napakasakit!

Umiwas siya sa gagawing pagyakap sa kanya ni Arthur. Hindi siya makapaniwala. Hindi siya totoong minahal ni Laughing bear. Isang ilusyon lang ang lahat.

“Sylvia…”

“Don’t, Arthur.” Putol niya sa anumang sasabihin nito. Hindi na niya gusto pang marinig ang totoo. Hindi niya kakayanin.

Nagbuntong hininga ito. “Please Sylvia. P is happy now with her wife. Huwag mo na siyang guluhin.”

Malungkot na ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Napakasakit ng nararamdaman niya. “Hindi ko maipapangako, Arthur.”

“Damn..” mahinang bulong nito.

Marahang humakbang siya palabas. Napahagulgol siya ng makalabas ng apartment. Isang ilusyon lang ang pag-ibig na iyon sa kanya ni Laughing bear. Siya lamang ang nag-isip na mahal siya nito.
read more...

My Only You – Chapter 5

(Kaven)




“I’m here Sam!” tawag niya sa kaibigan para matunton siya nito. Nasa canteen siya at kumakain ng mga sandaling iyon.

”Hi Dan” bati nito nang makalapit na ito sa kanya. “Ang aga mo ata ngayon ah, 9am palang” sabi nito sabay tanaw sa relo nito. “Hindi ba mam’yang hapon pa ang klase mo?” Umupo ito sa tabi niya.

“Yep! Nangako kasi ako sa kuya mo na manonood ng praktis nila.”

“Wow, iba na talaga ang in love ah, ang agang pumapasok” iiling-iling nitong sabi sabay tawa. Natawa na rin siya sa tinuring nito.

“Ikaw talaga” tinapik niya ito sa balikat.

“Buti ka pa bes’. Kailan kaya ako gigising ng maaga para mapanood ang praktis ng mahal ko?” lalo silang nagkatawanan sa sinabing iyon ni Sam.

Ilang sandali ay nakita niya si Dennise sa may pintuan ng canteen. Parang gandang ganda ito sa sarili dahil taas noo pa itong pumasok at pangiti-ngiti pa ito. Nakita niyang tumingin ito sa kanya ng matalim kaya dali-dali niyang inalis ang tingin dito.

“Well well well, look who’s here? Ang inosenting haliparot” si Dennise iyon kasama ang mga alipin nito este mga kaibigan nito. Nakalapit na pala ito sa kanila.

‘Relax Dan, h’wag mong pansinin ang bruhang ‘yan’ sabi niya sa sarili bago mapabuntong-hininga. Nagulat din si Sam.

“Sam?” tanong niya sabay kindat at ngumiti.

“Hmmm?” sagot naman nito.

“May narinig ka bang nagsasalita?” diniinan niya ang huling salita. Ngingiti-ngiti naman si Sam na nakahalata sa pang-iinis niya kaya sinabayan siya nito.

“Wala nga eh. Tayo lang naman ang nag-uusap ‘di ba?”

“Naku! Minumulto na yata ako! Takot ako!” pang-iinis niya. Ginaya pa niya ang huling sinabi sa isang movie.

“Crazy!” inis na sabi ni Dennise bago ito tumalikod sa kanila, syempre kasama ang mga kampon nito.

Natawa sila dahil nagwalk out din si Dennise na inis na inis sa kanila. Tiningnan nila ito habang papalayo. Natatawa sila kasi muntik na itong matumba dahil sa nakaharang na paa ng isang estudyante at dahil dito ang pobreng estudyante ang pinagdiskitahan ng inis nito ni Dennise.

“Hay naku ‘tong si Dennise, hindi na siguro ito magbabago” umiiling niyang sabi.

“Oo nga eh. Buti na lang ay hindi ito nakatuluyan ni kuya. Noon pa ma’y hindi ko na siya gusto para kay kuya dahil maarte at maluho pa” pag-aamin nito.

“Maiba nga tayo. Tulungan mo naman akong maghanap na ipanreregalo sa kuya mo oh” wika niya.

“Huh? Ang layo pa nang birthday niya ah!” kunot-noo nitong tanong.

“I know pero para sa graduation niya.”

“Aaah. Hindi ‘yon mahilig sa regalo eh.” Nakita siya nito na napasimangot kaya naman bumawi ito. “Alam ko na, ba’t hindi mo siya ipagluto ng masarap na pagkain? Mas gusto niya ‘yon.”

“Really?” masigla niyang tanong. Buti nalang ay may alam din siya sa kusina. Tinuruan kasi siya ng kuya Dave niyang magluto.

Tumango lamang si Sam bilang tugon.

“Ehem, ehem” bungad sa kanila ni Dean kasama ang barkada. “Ako ba ang pinag-uusapan niyo ladies?” nakangiti nitong usisa.

“Whoa! Kapal mo kuya hap” biro ni Sam.

Nang makaupo si Dean sa tabi niya ay pinunasan niya ang pawis nito.

“Teka teka, I smell something fishy.” kunot-noong usisa ni Sherwin. Tumawa lang sila dahil ito lang yata ang hindi pa nakakaalam sa sitwasyon nila.

“Kayo na…” hindi na nito natapos ang sasabihin ng tumango na silang dalawa ni Dean.”Ouch naman, it hurts. Wala na talaga ‘kong pag-asa sayo Dan?” umiiling nitong sabi.

“Umasa ka pa! Noon pa man ay wala ka na talagang pag-asa” pang-aasar ni Sam.

“Ba’t ba ang sungit mo sa ‘kin Sam?” baling nito kay Sam. “Nagseselos ka ata? Hindi ba the more you hate is the more you love?” ganti nito.

“What the…. Harhar, kapal talaga!” Tumawa sila ng malakas dahil sa iringan na naman nina Sam at Sherwin. Sa gilid naman ay tahimik lang na nagmamasid si Jacob at alam niya kung bakit.

“Sam!” untag sa kanila ni Jacob habang inilahad nito ang isang kaperasong papel.

“What’s this?” si Sam.

“Ticket for our game this coming Saturday! I hope you will watch” sagot naman nito.

“Of course, susuportuhan ko kuya ko noh! But, thanks for the ticket” ngumingiti ni Sam na sabi. “Atleast, hindi na ko pipila para sa ticket na ‘to. Alam kong ‘di na para sa ‘kin ang ticket ni kuya” biro nito sabay tingin sa kanya.

“Inunahan mo na naman ako Sam” si Dean. Nahalata siguro nito na nagulat siya dahil wala namang binigay sa kanya si Dean.

“It’s ok kuya, alam ko namang kay Dan mo ‘yan ibibigay” sabi nito at kinindatan pa siya. Loka talaga ‘tong si Sam.

“DINNER at seven?” tanong niya kay Dan nang inihatid niya ito sa parking lot ng school. Hanggang parking lot lang niya ito naihahatid dahil may dala naman itong kotse at may klase pa siya.

“Hmmm, sure” she said while smiling. “Where?”

“Basta. I’ll pick you up after my last class.” Masaya niyang sagot.

“O-ok.”

Bago ito pumasok sa kotse ay hinawakan muna niya ang mga kamay nito. Humarap ito sa kanya at hindi niya maiwasang titigan ang namumula nitong magandang mukha. Her eyes, nose and lips are so perfect and beautiful to look at. Hindi niya maiwasang mapadako sa mga labi nito at hindi niya napigilang lumunok. Ang sarap halikan ang mapupulang lips nito. Pero pinigil niya ang sarili kaya sa halip na sa labi niya ito halikan ay sa noo nalang nito. Ayaw niyang maging agresibo baka mabigla ito. Kailangan dahan-dahanin.

“Take care, honey” sabi nalang niya nang napansin niyang nahiya ito.

“Thank you! Ikaw din. See yah then.”

Iyon lang at pumasok na ito sa kotse nito.

Binaybay na niya ang daan patungo sa condo niya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis ang kaba sa dibdib. Kinakabahan pero kinikilig siya. Ganito pala ang pakiramdam.

First date nila iyon ni Dean kaya naman paghandaan niya ito ng husto.

“SAAN ba tayo pupunta Dean?” nagtataka niyang tanong.

“Don’t worry honey, just trust me” sabi nito.

“Ok. But you knew that I don’t like surprises” naiinip na siya.

Matapos ang ilang minuto ay huminto sila sa tapat ng bagong restaurant. Katabi nito ay dagat.

“We’re here” bulong sa kanya ni Dean sa punong tainga niya kaya naman nakiliti siya. Inalalayan siya nito sa pagbaba at iginiya siya sa paglakad.

“Ang ganda naman dito” naibulalas niya.

“A beautiful place for a beautiful lady” sagot naman nito at kinilig siya ng husto. Pumasok sila at sinalubong ng isang waiter.

“Good evening ma’am, sir” bati ng nakangiting waiter.

“Good evening” bati rin niya.

“Mr. Perez?” tanong nito. At tumango si Dean. “This way sir.”

Inihatid sila ng waiter sa isang VIP table kung saan wala masyadong tao. Habang naglalakad sila ay alam niyang maraming nakatingin sa kanila especially ang mga girls. Syempre, gwapo at kilalang basketball player yata ang kadate niya. Isa sa mga naging cover page kasi si Dean sa isang kilalang Sports Magazine. One of the beautiful faces of basketball player dito sa Pilipinas ika nga.

Naging masaya ang kanyang gabi. Masarap ang pagkain doon at masarap din kasing kakwentuhan si Dean at idagdag pa ang magandang tanawin. Hindi lang ang tiyan niya ang nabusog kundi ang puso niya sa sobrang kaligayahang nadarama. Hindi niya talaga malilimutan ang gabing ito.

At nang inihatid na siya sa sa condo niya ay:

“Thank you Danielle” sabi nito.

“Thank you rin Dean. Nabusog talaga ako at nag-enjoy” nakangiti niyang sabi. Pagkatapos ay bumaba ito para pagbuksan siya ng pinto. “Ingat sa pagmamaneho ha” pahabol niya.

“Yeah, thanks.” At nang tatalikod na siya ay naagapan nito ang braso niya at nagulat siya sa mga sumunsunod na pangyayari.

HINDI na niya napigilan ang sarili at hinalikan niya ang mapupulang lips ni Dan. At first ay parang pumapalag si Dan dahil na rin siguro na hindi ito marunong humalik pero kalaunan ay hindi na. It was not a torrid kiss at mabilis lang but he can feel the love. Hindi pa niya iyon naramdaman sa tanang buhay niya.

MASAYA siya sa relasyon nila ni Dean. Ramdam niya ang pagmamahal nito sa kanya at mahal din niya ito. May konting away pero nareresolba agad. Gaya no’ng nakita niyang naghalikan sina Dennise at Dean pagkatapos ng championship game nito.

Isang minuto nalang ay lamang pa rin ang score nila Dean kaya minabuti na niya na pumunta sa canteen para bumili ng tubig para kay Dean. Sumama naman si Sam sa kanya. Nang nasa canteen na sila ay narinig nila ang hiyawan na nagmula sa gym.

“Tara na Sam, tapos na yata ang laro” yaya niya sa kaibigan.

“Oo nga at nagkakasiyahan na sila.”

Lalong lumakas ang hiyawan kaya nagmadali silang pumanhik sa upuan nila. Nagulat sila sa nakita lalong-lalo na siya. Napatulala at nanghihina siya sa nakita. Parang tinutusok ng karayom ang puso niya sa sakit na nadarama. At biglang tumulo ang tubig na nagmula sa kanyang mga mata. Kaya minabuti na niyang umalis sa gym.

“Danielle, wait! I need to explain!” Hindi niya namalayan na hinabol siya ni Dean at nakalapit na ito sa kanya. Hinawakan siya nito sa kanyang kanang braso at pilit siya nitong ipaharap.

“Ano ba!? Bitawan mo nga ako?” nasasaktan niyang sabi kay Dean. Ayaw niyang humarap dito dahil ayaw niyang makita siya na umiiyak.

“No!” mariing tanggi nito. “Hindi ka aalis hangga’t hindi mo naririnig ang paliwanag ko.”

“I don’t need your explanation Dean. Tama na ‘yong nakita ko” naiiyak niyang tugon dito.

“Damn! Please be open minded Dan. It’s just a kiss at hindi….” Nagpantig ang kanyang tenga sa narinig kaya pinutol na niya ang sasabihin pa nito.

“Just a kiss, huh?!” sarkastiko niyang sagot. “Just a kiss between you and your ex? What do you expect from me Dean, ngumiti lang habang ang boyfriend ko ay nakipaghalikan sa ex nito sa harap pa ng maraming tao?” sumbat niya rito. Danielle tries to look at Dean but can’t instead she looks down teary eyed.

“For Pete’s sake Dan, please don’t cry and please let me explain?” pagsusumamo nito.

“For what? Para magmukha na naman akong tanga?”

Ito na ang huli niyang sinabi bago siya tumakbo palayo. Nasaktan talaga siya sa nakita niya kaya hindi na niya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag si Dean. Ilang araw din niyang hindi kinausap ang boyfriend dahil hindi pa rin mawaglit sa isipan ang insidente.

Buti nalang ay ikinuwento ni Sam ang pagtulak ni Dean kay Dennise nang halikan nito ang boyfriend niya at hinabol siya nito. At tumulong din sa pagpapaliwanag ang mga kaibigan nito sa kanya. At naging maayos na sila uli.

Iyon lang siguro ang naging tampuhan nila bilang magnobyo.

GRADUATION DAY!

Tulad nang inaasahan ay gumraduate si Dean na cum laude. Proud siya sa katipan dahil kahit busy ito sa business at basketball ay hands-on pa rin ito sa pag-aaral. Pero nang maisip niyang hindi na niya ito makikita araw-araw ay nalungkot siya. Nasanay na kasi siya na palagi silang nagkikita dalawa. Ayaw niyang maging selfish kaya minabuti niyang ‘wag nalang isipin.

ILANG taon na rin ang nakalipas pagkatapos ng graduation day niya ay going strong pa rin ang relasyon nila ni Dan. Kahit sobrang busy niya sa trabaho bilang bagong VP sa isang kilalang firm ay hindi pa rin siya nawawalan ng time kay Dan. He make it up to her by going out-of-town with her and with his sister Sam.

He really loves Dan so much that he doesn’t want to lose her and hindi niya kayang iwan ito. Nakapagbakasyon na rin silang dalawa kapag sembreak ni Dan. Napuntahan na nila ang lahat ng magagandang spot sa Luzon area at sa Visayas. At ang huli nilang napuntahan ay ang rest house nila sa Subic.
read more...

I Meant It When I Said 'I do' - Chapter 6

(Calla)



NAGISING si Earl sa tindi ng sikat ng araw sa mukha at sa tindi ng sakit ng ulo. Nagulat siya nang makitang nasa bahay na siya. How did he manage to get home? Ngunit mas nagulat siya nang maramdamang wala na siyang saplot sa katawan.

At may kakaiba sa bahay.

Kumunot ang noo niya. Where the hell is his wife?

Napilitan siyang bumangon at nagtimpla ng kape. It’s Saturday. The house was unbearably silent. Tiningnan niya ang lahat ng kuwarto ngunit wala doon ang asawa.

Pinilit niyang inalala ang pangyayari sa nagdaang gabi. At natampal niya ang sariling noo. Dagli niyang kinuha ang cellphone.

“Hello?” anang kabilang linya.

Hindi alam ni Earl kung saan sisimulan ang sasabihin. “I’m sorry about last night.” mahinang usal niya.

“Yeah, you should be.”

“Look, I didn’t mean to take advantage. And I was too drunk. And.. Bianca, I-I–”

“You-you what?” anitong ginaya ang pagka-bulol ng dila niya. Mas lalo siyang nahirapan magsalita.

“About what I did last night.” aniyang napabuntong-hininga.

“Yeah, you’ve been so annoying.”

Kumunot ang noo niya.

“Annoying?”

“Yes, very annoying. You keep on blabbering, I need to go home. My wife’s waiting for me, blah blah blah.”

Lalong tumindi ang pagkakakunot ng noo niya. “You mean–” Biglang nag-flashback ang alaala niya sa nagdaang gabi. So it was her. It was really his wife he made love to last night. That’s why it felt so damn right.

“Buti na lang dumating ang asawa mo. I called her to fetch you. I was so tired last night to drive you home. Hey, something wrong?”

Natigilan siya. Something is definitely wrong. He remembered trying against his will to shout his wife’s name sa pag-aakalang si Bianca ang kaulayaw niya. He called out Bianca’s name.

“I’ve got to go now.” aniya saka pinindot ang end call button.

I need to find my wife.

DAMN IT! Kung naka-ilang mura na siya, hindi niya alam. He can’t find his wife! Pinuntahan niya ito sa Daddy nito ngunit wala ito roon. Tinawagan niya si Elaiza at ilang mga kaibigan nito ngunit hindi nito alam kung nasaan ang asawa niya. Pinuntahan niya ito sa boutique nito ngunit walang sinumang nandoon. He tried every place she used to hang out. He tried every people. Papalubog na ang araw ngunit di pa rin niya matagpuan ang asawa niya.

He’s worried. And he hated that feeling! Hindi niya alam kung saan nagmumula ang damdaming iyon. Buong akala niya’y hindi na siya makakaramdam ng kahit ano.

Why does he feel guilty? Hindi ba iyon ang gusto niya? Ang masaktan ito?

But it wasn’t part of the plan! Anang isang bahagi ng isip. It shouldn’t have happened!

Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan. He had to go to the police.

Lulugo-lugo siya nang makalabas sa presinto. Hindi sila magse-search and rescue operation unless 24 hours nang nawawala ang asawa. He knew that already. Ngunit gusto lang niyang magbaka-sakali. Muntik na siyang mapaaway nang magpumilit siya.

This is killing him!

Nagpasya siyang umuwi ng bahay para magbihis. Nagulat siya nang madatnang nakaparada na ang kotse ng asawa. Mabilis niyang ipinarada ang sasakyan saka patakbong tinungo ang elevator.

Pagbukas na pagbukas niya ng pinto nakita niyang nagulat ito at napatingala. Ngunit agad ding nagbaba ng tingin nang makita siya at dagling niligpit ang binasa saka tumayo.

“Where the hell have you been?”

Hindi ito sumagot. Bagkus walang salitang naglakad ito papuntang silid. Mabilis na hinarang niya ang asawa.

Nang tingnan siya nito’y hilam ng luha ang mga mata at nanginginig ang mga labi.

“Please, I don’t wanna talk.” anitong nilampasan siya.

Para siyang itinulos sa kinatatayuan. Pinanood niya itong pumasok sa silid at pagsara nito ng pinto. Gusto niyang habulin ang asawa. Ngunit tila tuod siyang nakatayo sa harap ng pinto. At ayaw man niyang pakinggan, naririnig niya ang impit na paghikbi nito.

NAMUMUGTO ang mga mata ni Veronica kinabukasan. Wala siyang ganang magbukas ng boutique ngunit ano naman ang gagawin niya sa bahay? Magmukmok at mag-iiyak?

Kanina pa niya narinig ang pag-alis ni Earl. Kanina pa niya gustong bumangon ngunit di niya magawa. Kahit anong gawin niya’y hindi niya makuha-kuha ang sakit sa dibdib. Halos iniyak na niya lahat kahapon. Nagpunta siya ng Baguio para lamang ilabas ang lahat ng hinanakit sa dibdib. Ngunit hindi pa rin mawala-wala iyon. Kapag nakikita niya ang asawa’y tila nginangatngat ang sugat sa dibdib niya. Ni di niya mapigilan ang sariling huwag mapa-iyak sa harapan nito.

Dinama niya ang dibdib at tinapik iyon.

You’re strong, Veronica. You have gone through this before. You’ve been through worst. Just keep going. Fight! Pagpapalakas-loob niya.

Huminga siya ng malalim saka tumayo at hinanda ang sarili. Kailangan niyang maging matatag. Hindi titigil ang mundo niya dahil lamang sa pansamantalang pagkalimot ni Earl sa pangalan niya.

Biglang nanubig ang mata nang maalala ulit iyon. Dagli siyang pumasok sa shower at hinayaang tangayin ng tubig ang mga luha niya. She should stop crying. She better stop crying!

Paglabas ng silid ay nagmamadaling naghanda siya ng sariling almusal. Nagulat siya paglingon nang may makitang pulumpong ng bulaklak sa ibabaw ng mesa. Di niya magawang ihakbang ang paa palapit. Naglandas ulit ang luha sa pisngi. The next thing she knew, she was on the floor, gripping her chest, sobbing like a little child.

How long is this torture going to take place?

NAPATITIG si Earl sa mga dokumentong dapat pag-aralan niya ngunit blanko ang pumapasok sa isip. Wala siyang mintindihan at di niya magawang kalmahin ang sarili. Ilang beses niyang tinangkang tawagan ang asawa ngunit di niya itinuloy.

Nakita ba nito ang mga bulaklak? Magiging okay na ba sila mamaya?

Bigla’y napasabunot siya sa sariling buhok. When were they ever okay? Simula’t sapul, hindi maganda ang pakikitungo nila sa isa’t isa. It was just a fake marriage! Why is he so damn worried?

Because what happened was not fake! Sigaw ng utak niya.

Yes, he wanted this. He wanted to see her suffer every single day. Gusto niyang maranasan nito ang lahat ng pait at sakit na naranasan niya noon. He wanted vengeance. Ngunit hindi sa ganitong paraan. He can hurt her in many other ways. He can make their business die, he can start ruining their marriage in the eyes of all people, he can destroy the friendship between their fathers, he can do a lot more to hurt her. But this…This is just out of his plans.

“Lorrie?” aniya sa intercom.

“Yes, Sir.”

“Cancel all my appointments for today. I have something more impotant to do.”

“Sir?” gulat na saad nito.

“You heard me, cancel it all. Rearrange them somewhere this week.” iritadong sabi niya.

“Right away, Sir!” agad na sagot nito.

Binuksan ni Earl ang pinto ng sasakyan ngunit agad nagbago ang isip at isinara ulit iyon. Napatingin siya sa puting rosas na nasa kabilang upuan. Tila nalalanta na iyon.

Kita niya ang asawa mula sa kinapaparadahan ng kotse. Halos kalahating oras na siya roon. Pinapanood ang bawat galaw nito. May kausap itong costumer.

Nang makalabas ang costumer nito’y kinapa niya ang cellphone at idinayal ang numero nito. Nakita niyang tiningnan nito ang cellphone. Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito nang makita kung sino ang tumatawag at inilapag ulit iyon. Tinawagan niya ulit. Hindi na nito dinampot ang cellphone. Tinakpan nito ng dalawang palad ang mukha. Napasuntok si Earl sa manibela nang yumugyog ang mga balikat ng asawa’t dali-daling pumasok sa opisina nito.

Pinaandar niya ang sasakyan. Isang tao lang ang naiisip niyang maaring puntahan.

Gabi na nang magpasya si Earl na umuwi ng bahay. Magulong-magulo pa rin ang isip niya. Hindi nakatulong ang pag-uusap nina Bianca. Mas lalo lang nadagdagan ang sakit ng ulo niya.

“You’re in love! I mean, you’re still in love.”

“Love is out of this, Bianca. I’m just guilty. I still hate her, FYI.”

“Why would you feel guilty then? Since when do you start caring about someone you hate? Why would you bother sending her flowers? Why would you cancel your meetings just to see her? And why would you be spending your time here talking to me as if the whole world is upon your shoulders just because your wife doesn’t want to talk to you if you have no feelings for her? You love her, Earl. You can’t lie.”

“Ow, shut up. I came here to ask you what I should do, not how I feel.”

“You should make it up for her, Earl. That is, if you really care for her. You didn’t just wound her ego. You wounded her soul. And that takes time to heal.”

“I know.”

“You know it’s almost unforgivable, right?”

Tumango siya.

“I don’t know where to start.” Napahilamos siya sa mukha.

“Know what, Earl?”

“What.”

“I’ve never seen anyone looking as pathetic as you do. Kaya kahit ilang beses mong sabihin sa akin na wala kang nararamdaman sa asawa mo’y hindi kita mapapaniwalaan. Have you looked at yourself in the mirror lately? You would be the exact picture of the word desperate.”

HINDI na siya nakipagtalo kay Bianca. Napagod na siya sa pakikipag-usap dito. He knew himself well. Galit pa rin siya kay Veronica. Hindi mawawala ng ganoon lang ang sakit na idinulot nito sa kanya. Hindi niya ito kayang patawarin.

But seeing her cry is another thing. And what he did is the worst crime a man can commit.

“If it could have been me, would you react like that?” Tila nauulinigan niya sa tenga ang tanong na iyon ni Bianca sa huling pag-uusap nila. Hindi siya nakasagot.

“If you had called out Veronica’s name while we are having sex, would you react like that?” ulit nito.

“Probably.” aniya. But he can never imagine having sex with Bianca.

“Probably not.” anito. “You’re not a good liar, do you know that?”

Hindi na siya kumibo.

ISANG buong linggo siyang iniwasan ni Veronica. Hindi na niya ito nakikita sa umaga at tulog na ito pagdating niya sa gabi. Isang linggong hindi siya makatulog. Isang linggo siyang kinakain ng konsensya niya. Isang linggo siyang walang magawa kundi ang padalhan ito ng bulaklak at pagmasdan ito mula sa labas ng boutique nito. Isang linggo siyang parang wala sa sarili at hindi makapag-isip ng maayos. Gusto niyang kausapin ito. Gusto niyang bumalik ang tawa nito kahit kunwari lang. Gusto niyang makita ulit ang saya sa mga mata nito kagaya noong araw ng kasal nila. Pero hindi niya alam kung papaano. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam kung ano ang gagawin.

Biyernes ng gabi. Nakaparada na ang kotse ng asawa pagdating niya. Gusto niyang maka-usap ito kahit wala siyang ideya kung ano ang sasabihin. Hindi niya alam kung papaanong hindi maapektuhan sa sakit na nakikita niya sa mga mata nito.

Nang makapasok siya’y nakita niya ang mga bulaklak. Nakalagay ang mga iyon sa vase. Nakahinga siya ng maluwag-luwag dahil hindi nito itinapon ang mga iyon. Natagpuan niya ang sariling nakatayo at nakatitig sa pintuan ng silid nito. Gusto niyang katukin iyon. Ngunit tila may bakal ang mga kamay at di niya magawang itaas. Kung ilang minuto siyang nakatayo sa harap no’n ay hindi niya alam. Nagulat siya nang biglang bumukas iyon.

“AY!” sigaw ni Veronica nang bigla siyang bumangga sa matigas na bultong nakaharang sa kanya. Magkahalong gulat at takot ang dahilan ng sigaw niya. Lalo pa’t sabay silang bumagsak sa sahig. Ngunit nang maamoy niya ang pamilyar na pabangong iyon at marinig niya ang nakakabinging tahip ng dibdib, alam na niya kung sino ang nakabangga. Tila napasong inilayo niya ang sarili dito.

“What were you doing in front of my room!”

Ngunit lukot ang mukha nito’t tila nahihirapang bumangon.

“Earl?” aniyang nilapitan ito at tinulungang maka-upo. “Are you okay? Saan ang masakit?”

“I’m… okay.” anito kahit halatang may masakit sa gawing likod nito.

“Ba’t naman kasi nakaharang ka sa pintuan.” pagtataray niya habang inalalayan itong maka-upo sa sofa. “Sobrang masakit ba?”

Umiling-iling ito.

Saka lang nagawang titigan ni Veronica ang asawa. Isang linggo din niyang tinikis ang sariling huwag silayan ito. Ni sulyap, ipinagkait din niya sa sarili. Ngayong nakita niya ito’y gustung-gusto niya itong yakapin ng mahigpit na mahigpit. Lihim na minasdan niya ang asawa.

Nanlalalim ang mga mata nito’t humumpak ang pisngi. Masyado bang marami ang trabaho nito ngayon? Marami bang problema sa kumpanya?

Kung gaano sila katagal naka-upo, hindi nila alam. Wala silang ibang naririnig kundi ang hininga nila. Maya-maya’y napatayo siya.

“Can we talk?” anitong ikinatigil ng hakbang niya.

“What for?”

“Hindi ko alam.”

“Wala naman tayong dapat pag-usapan.”

Biglang lumagitik ang seradura ng pinto. Nagkatinginan sila ni Earl. Mabilis itong napatayo at iniharang ang katawan nito sa kanya. Nakahawak ang isang kamay nito sa isang vase. Ganoon na lang ang kaba sa dibdib niya. Pareho silang nagulat nang biglang bumukas ang pinto.

“Damn it!” ani Earl nang di maituloy ang paghagis ng vase sa sigaw ng kaharap.

“Kuyaaaaaaaaa!!!”

“Elaiza!” gulat na sambit ni Veronica.

“Can’t you even knock?!”

“It’s okay, Earl.” ani Veronica nang tumaas-baba ang dibdib ng asawa sa galit.

“Sorry, Kuya!” anitong nakabawi na sa pagkabigla. “I forgot to tell you, I still have the key. And I’m about to surprise you guys. SURPRISE!”

Napa-iling si Veronica. How can she forget about Elaiza? How can they pretend they are okay?
read more...