SHARE THIS STORY

| More

A Night to Remember - Chapter 10

(Pangarap_ko)



Nagising siya sa pagkakaingay ng kanyang mga anak at ng tignan niya ang orasan nakita niyang alas siyete na ng umaga kaya napabalikwas siya ng bangon tinanghali na pala siya ng gising siguradong nagugutom na ang kanyang mga anak.

Kaya Dali dali siyang nagsuklay at nagtungo ng banyo para magsipilyo at maghilamos ng makatapos ay hinanap niya ang mga anak

“Natasha! Nathan” ang tawag niya sa mga ito ng paglabas niya ng banyo ay hindi niya makita ang mga ito.

“Mommy over here” ang masayang sigaw ni Nathan sa kanya nanggagaling ang boses ng mga ito sa labas

Nang sumilip siya sa bintana ay nakita niya ang kanyang mga anak na nakaupo sa may upuan sa ilalim ng puno nakakandong si Natasha kay Tyler habang si Nathan naman ay nakahawak sa isa nitong hita.

“Good morning Ayessa” ang nakangiting bati ng napakaguwapong nilalang sa kanya

“Good morning mommy” duet pa ng kanyang mga anak na napaka-ganda ng ngiti.

“Morning kids, morning Tyler” ang sabi niya sa mga ito at lumabas ng bahay at lumapit sa mga ito na abalang nagkukuwentuhan.

“Hey gutom na ba kayo magluluto na si Mommy ng breakfast ok?” ang tanong sabi niya sa mga anak ng mapunang walang balak ang mga ito na humiwalay kay Tyler.

“No mommy daddy already make breakfast, hinihintay ka na lang naming magising me and kuya drink our milk na”

“Oh bakit di ninyo ginising si mommy” ang nagtataka niyang tanong sa mga ito.

“Daddy said kasi na hayaan ka muna magrest kaya siya na lang ang nagtimpla ng drinks naming” ang sabi naman ni Nathan

“Hey kids tutal gising na ang mommy lets eat na” ang sabi ni Tyler at binuhat ang dalawang bata na tuwang tuwa

Wala siyang magawa kundi sundan na lang ang magaama sa kusina at nakita pa niyang abala na ang mga ito sa paglalagay ng mga plato at baso.

Inabutan niyang may mga nakatakip na pagkain sa lamesa ng buksan ito ni Tyler nakita niyang may Omelet, Sausage, at Beef tapa pa at fried rice na may kasamang ham and bacon na lalong nagpakalam sa sikmura niya dahil matagal na siyang di nakakatikim ng mga pagkaing nakahanda

“Wow ang dami naman nito daddy” ang tuwang tuwang sabi ng kambal habang nakatingin sa mga pagkaing dala ni Tyler dahil hindi naman sila nakakakain ng ganon.

“Talaga akala ko pa naman kanina ay kulang” ang sabi nito na nakatingin sa kanya

“Well lets dig in guys” ang dagdag pa nito at nilagyan ng pagkain ang plato ng kambal pagkatapos ay sa kanya

“Hey that’s enough” ang awat niya dito dahil halos punuin na nito ang kanyang plato ng fried rice at nilagyan pa nito ng tig-dadalawang piraso bawat klase ng ulam ang kanyang plato.

“No you need to eat more look at you ang payat mo” ang sabi nito sa kanya at tinitigan pa siya mula ulo hanggang paa bago hinawakan ang kanyang braso at pinisil.

“Hoy hindi po ako payat slim ang tawag dito” ang biru totoo niya dito na ikinatawa nilang lahat walang mapaglagyan ang kanyang kasayahan dahil nandito nanaman at kasalo nila si Tyler

“Kitam sabi ko na nga ba at kulang ang food natin next time magdadala ako ng doble” ang sabi nito ng wala na halos matira sa mga dinala nitong pagkain kaya nagtawanan ulit sila.

Tumayo na siya at sinimulang magligpit lumabas naman ang kanyang mga anak at naiwan sila ni Tyler

“Let me help you” ang sabi nito at sabay kuha ng basahan sa kamay niya hinayaan na lang niya ito at hinugasan na lang niya ang mga plato at ng matapos ito ay nagpupumilit tumulong maghugas

“Hey I can manage, baka di ka naman marunong maghugas mabasag pa ang mgaplato” ang birung totoo niya kay Tyler

“Ofcourse not magaling ata akong maghugas ng Plato at iba pang Gawain sa bahay noh” ang sabi nito at pilit kinukuha ang sponge sa kanya kaya hinayaan na lang niya ito. True to his word magaling nga itong maghugas ng Plato mukhang sanay na sanay

“Wow I can’t believe this Tyler Fuentabelia rich and famous Tyler narito sa kusina ko at naghuhugas ng plato” ang biro niya rito pero napapahanga siya nito dahil hindi lahat ng anak mayaman ay gagawin ang ginagawa ni Tyler

“Well noong maliliit kami ay tinuturuan kami ng mama ng mga simple things para daw di puro kami utos” ang sabi nito na kumikislap ang mata halatadong sobrang mahal nito ang ina

“Ganon ba mabuti ka pa my Mother never around she is always working her career is more important for her ang Yaya ko lang ang lagi ko kasama salamat sa yaya ko dahil siya ang nagturo ng lahat ng dapat ko malaman when it come’s to house work.” ang malungkot niyang sabi dahil naalala naman niya ang yaya niya at magulang.

“Hey cheer up im sure she loves you a lot and at least sabi mo nga nandyan ang yaya mo at marami kang natutunan diba?” ang pangaalo nito sa kanya

“Your right I miss her so much” at nangingilid na ang kanyang luha

“Hush sweetheart im sorry” ang sabi nito at binitiwan ang platong hinuhugasan at niyakap siya

“Sira bakit ka nagsosorry ako nga ang nagdadrama dito eh” at pinahid niya ang maliit na luhang pumatak

“Daddy are you fighting Mommy?” ang sabi ng maliit na boses na nagpalingon sa kanila sa pintuan ng kusina at nakita nila doon si Nathan

“Ofcourse not baby napuwing Lang ang mommy kita mo nga embrace ko siya diba?” ang sabi naman ni Tyler dito

“Mommy are you sure he is not fighting you?” ang paniniguro pa ng kanilang anak

“Yes baby bakit niya naman ako aawayin diba?” ang sabi niya sa anak at binigyan ito ng matamis na ngiti

“I see im glad kukuha Lang po ako ng water kasi nauuhaw daw si Natasha” ang sabi pa nito

“Oh bakit ikaw kumukuha where is she anyway?” ang tanong niya rito dahil nagaalala naman siyang baka Kung mapaano naman ang kanyang isa pang anak.

“Ok Lang po yun mommy ako naman ang mas matanda sa kanya she’s on there tree chair” ang sabi nito na nagpangiti sa kanila ni Tyler pareho.

Kaya bumitiw na siya kay Tyler at dali-daling nagsalin nang tubig dahil naghihintay sa kanila si Nathan na nakahawak pa mandin sa pants ni Tyler.

“Here baby tell her not to forget to say thank you to you ok?” ang sabi niya at binigyan ng halik sa noo ang kanyang anak at lumabas na ito pagkatapos tumango sa kanya.

Pinagpatuloy na nila ang paghuhugas ng plato siya na ang nagpunas at si Tyler ang naghugas nito ng matapos sila ay lalabas na sana siya para silipin ang kanilang mga anak pero naramdaman niyang hinawakan nito ang braso niya

“Bakit?” ang nagtataka niyang tanong rito.

“Wala pa kasi akong kiss” ang sabi nito na parang bata na ngumuso pa sa kanya.

“Bakit naman kita iki-kiss?” ang tanong niya rito habang nakataas ang isa niyang kilay.

“Well im good right? I help you clean up wala ba akong price?” ang parang batang nagtatampong sabi pa nito na ikinatawa niya nahinto lang siya sa pagtawa ng bigla na lang siya nitong halikan ng mabilis sa labi

“There you go thanks” ang sabi pa nitong tumawa na parang nakakaloko naisan siya ng loko

Napangiti na lang siya ng lumabas na ito ng kusina ng silipin niya sa bintana ay nakita niyang nakikipaglaro na ito sa kanyang mga anak kaya hinayaan niya na lang muna ang mga itong.

Sasamantalahin na lang niya munang may nagbabantay sa mga bata para maglinis at sinimulan na niyang maglipit ng kuwarto ng mga bata at nagwalis sa buong bahay at nilinis ang banyo ng matapos na siya sa ginagawa ay bumaba na siya ng bahay para puntahan ang mga ito pero di niya Makita kaya dali dali niyang hinanap natagpuan niya na lang ang mga ito sa may pangpang at may kung anong ginagawa

“Hey anong ginagawa ninyo dyan?” ang tanong niya sa mga ito ng makalapit siya

“Nothing mommy umupo muna kami dito kasi nakita naming naglalaro sila Bentong kaya pinakilala naming sa kanila sa daddy” ang mahabang paliwanag ni Natasha

“Opo mommy kasi si bentong ang laging nagsasabi na wala daw kaming daddy gawa gawa lang daw namin siya” ang salo pa ni Nathan na medyo lumukot ng konti ang maliit na mukha.

“Ganon ba? Hayaan mo siya di naman totoo dahil may daddy kayo” ang sabi niya sa mga ito napatingin siya kay Tyler na nakatingin sa kanya parang may gustong itanong.

Kaya iniiwas niya na lang ang kanyang tinggin dahil ayaw niyang tanungin na naman siya nito tungkol sa kambal.

“Mommy niyaya tayo ni Daddy sa house niya malapit lang daw dito punta tayo sige na?” ang tanong ni Natasha sa kanya

“Huh ah e” di niya alam ang isasagot napatingin na lang siya kay tyler

“Come Ayessa malapit lang dito just 2 blocks away magswimming lang tayo at magbabarbeque” ang pangungumbinsi din nito sa kanya

“Sige na mommy plssssssssss” ang duet pa ng kambal

“Ok sige kukuha lang tayo ng pangswimming ok?” ang sabi na lang niya at nagsipagtalunan sa tuwa ang kanyang mga anak at halos higutin na siya sa pagmamadali.

Nang makuha ang kanilang gagamitin ay umalis na rin sila agad ilang sandali pa ay nakarating sila sa isang bagong tayong bahay bakasyunan malapit nga lang talaga ito sa bahay nila.

Malawak ang bakurang pinasukan nila marami itong puno ng niyog na nagbigay ng preskong hangin ng huminto ang sasakyan ay pumasok sila sa bahay bakasyunan na gawa sa kahoy maganda ang pagkakagawa nito at kumpleto sa modernong kagamitan may 5 kuwarto ito at kulay puti ang buong paligid may malaking balkonahe ang bawat kuwarto napakaganda nangpagkakagawa ng pagkakagawa sa pinakaterace ng bahay na nakaharap sa dagat .

“Wow daddy dito po kayo nakatira?” ang manghang mahanghang tanong ng kanyang mga anak

“Hindi iho pahingahan ko lang ito ang bahay ko ay nasa manila” ang sabi nito sa anak bago ginulo ang buhok

“Talaga nagpunta na kami doon nila mommy isang beses lang” ang sabi naman ni Natasha

“Ganon ba o sige halikayo at magpalit na tayo ng panligo para makalangoy na tayo” ang yaya sa kanila ni Tyler

“Sinong kasama mo dito daddy ang laki naman masyado ng bahay mo” ang sabi ni Natasha na nagpakaba sa dibdib niya baka sabihin ni Tyler na ang asawa nito masasaktan siya ng sobra di lang para sa sarili kundi para sa mga anak

“Ang katiwala nitong bahay” ang sabi nito at tinawag ang matandang katulong at ipinakilala sila

“Yaya Maring pakisamahan ninyo po sila sa kuwarto sa itaas para makapagbihis sila” ang sabi nito at pumasok na rin ito sa kuwarto

Nang matapos niyang bihisan ang mga anak ay nagpaalam na ang mga ito na pupunta kay Tyler kaya hinayaan niya na lang ang mga ito.

Pagkalabas ng mga ito ay pumasok siya sa banyo napakaganda ng pagkaka-ayos ng banyo na may malaking bathtub matagal na siyang hindi nakakagamit nito dali dali niyang isinuot ang dala niyang panligo isang short short at sleeveless blouse na kulay dilaw ang isinuot niya kahit simple lang ay napakaganda at sexy niyang tignan ng lumabas siya ng banyo ay narinig niyang may kumakatok at nang buksan niya ito ay si tyler pala

“Hi nasan ang mga bata?” ang kinakabahan niyang tanong dito nang pagbuksan niya ito ng pinto.

“Nandoon sa ibaba kasama ni Nanay Maria naghahanda para sa pagbabarbeque” ang nakangiti nitong sabi sabay pasok sa kuwarto.

“ Ah ganon ba o sige lalabas na ako” ang natataranta niyang sabi at dali-daling lalabas na sana sa pinto.

“ You look so beautiful ayessa parang hindi ka nanganak napaka sexy mo pa rin” ang sabi nito sabay hapit sa bewang niya.

“Ty-tyler huh ano naman ang iniisip mo nasa baka umakyat ang mga bata” ang babala niya dito.

Hindi siya nito pinansin bagkus ay hinalikan siya sa mga labi matagal mapaghanap ang mga halik na yon kaya nakalimutan na niyang baka biglang pumasok ang kanyang mga anak iniyakap niya ang kanyang mga braso sa leeg nito at mas lumalim ang kanilang halikan nang bigla na lang may magbukas ng pintuan at ng lingunin nila ay nakita nila sa Natasha na nakatakip ang mga kamay sa mata.
Nagtinginan na lang sila ni Tyler at sabay natawa sa ayos ng kanilang anak dahil kahit nakatakip ang mga kaya nito sa mata ay nakabuka naman ang dalawang daliri.

“ Sorry” ang sabi nito at nakitawa na rin

“ Its ok kiddo” ang sabi ni Tyler at binuhat sa isang kamay si Natasha at inakay siya sa kabila at sabay sabay na silang nagsibaba papunta sa may beach

“ Daddy lets go maligo na tayo” ang yaya ni Nathan at hinigot pa sa kamay si Tyler nailing na lang siya dahil nakalimutan siya ng anak

“ Tulungan ko na po kayo Nanay maring” ang sabi niya sa matanda na abala sa pagiihaw

“ Naku kaya ko na ito iha sumama kana sa kanilang lumangoy” ang nakangiti nitong taboy sa kanya kaya lumapit na lang siya sa kanyang magaama

“ Mommy ang sarap maligo” ang sigaw ni Natasha sa kanya na tuwang tuwa habang panay ang pasag sa tubig na parang munting serena.

“ Sige lang baby wag kayo pupunta ni kuya sa malalim ok?” ang sigaw niya dito dahil medyo nasa malayo na ang mga ito bagamat hindi naman malalim.

“ Don’t worry mommy kasama namin si daddy” ang sabi nito at masayang bumalik sa paglangoy.

Umupo na lang siya sa buhangin habang pinapanood ang kanyang mag-aama nakapagandang pag masdan ng mga ito na masayang nagsasabuyan ng tubig.

Nang bigla siyang magulat dahil naramdaman niyang nabasa ang kanyang damit at ng lingunin niya ay sinasabuyan na pala siya ni Tyler at ng mga anak kaya tumayo siya at lumapit sa mga ito at gumanti.

Nagsabuyan sila ng tubig at naglanguyan hanggang mapagod ng mapagod ang mga anak niya ay umahon ang mga ito ay naiwan siya at si Tyler lalangoy na sana siya papunta sa pampang ng biglang may humigot sa kanyang mga binti napasigaw siya at pinagsisipa ang humigot sa kanya tawa ng tawa si Tyler ng umangat sa tubig

“Ahh nakakainis ka papatayin mo ba ako sa takot?” ang sigaw niya dito habang patuloy itong hinahampas

“Ha ha ha ang cute mo talaga Ayessa” ang sabi nito na hinigot pa siya sa mas malalim na lalo lang niyang ikinasigaw habang parang pusang nagpapasag.

“Tyler ano ba di ako masyado magaling lumangoy baka malunod ako” ang nagpapanic na sabi niya habang hindi alam kung papaano kakapit kay Tyler dahil sa takot na malunod.

Totoong di siya magaling lumangoy kaya hanggang dibdib lang ang nilalanguyan niya pag mas malalim na ay nagpapanic na siya tulad nga ngayon.

“Shhh don’t worry di kita hahayaang malunod” ang sabi pa nito at mas lalo pang lumangoy sa malalim kaya lalo siyang napakapit dito ng mahigpit.

“Ahhhh Tyler ibalik mo ako sa mababaw” ang panay paring sigaw niya na lalo lang nitong ikinatuwa dahil habang lumalalim ang tubig ay mas lalong humihigpit ang kapit niya dito na parang isang tuko na takot mahulog sa sanga.

Nang Makita ni Tyler na mangiyak ngiyak na siya ay huminto na ito at niyakap siya ng mahigpit

“Hey don’t cry wag kang magalala magaling akong lumangoy” ang sabi nito sabay halik sa kanyang mga mata sa ilong hanggang sa labi at tulad ng dati ay di na naman siya makatutol dahil talagang nagugustuhan niya ang mga halik nito kaya tinugon niya ang mga halik nito na mas lalo pang lumalalim

“Ayessa” ang namamaos nitong tawag sa kanya pagkatapos maghiwalay ng kanilang mga labi

“Tyler” ang sabi niya habang nakatitig dito ang namumungay niyang mga mata.

“Oh Ayessa you are so beautiful I cant seems to get enough of you” ang sabi nito sabay halik ulit sa kanya humihinto lang sila kapag kumukuha ng hangin pagkatapos ay magdidikit ulit ang kanilang mga labi nahihiling niya na sana ay wag nang matapos ang sandaling iyon.

Pagkaahon nila ay Masaya silang nagsalo- salo sa mga pagkain na inihanda sa kanila ni nanay maria sinusubuan pa siya nito na akala mo ay mga bago silang kasal na ikinakapalakpak ng kanilang kambal.
read more...

Sana Ngayong Pasko - Chapter 6

(Yesha)




“ANO’NG GAGAWIN ko? Kasalanan mo ‘to, Tat eh. Gagawa ka lang din ng plano, hindi pa ‘yung perpekto!” Afternoon break nila at tinext niya ang dalawa na magpunta sa puwesto niya.

“There’s no perfect crime, girl! Saka isa pa, bakit ako? Sino ba ang shunganga na nag-imbento ng pangalan diyan? Hindi mo ba naisip na kilalang tao si Mr. Dorantes?” Prenteng – prente sa pagkakaupo sa swivel chair ni Austin si Tat. Nakataas pa ang mga paa nito habang nakahiga naman sa couch si Jane at nagbabasa ng magazine.

“Oo nga. At pinsan pa ni Bettina Dorantada ang napisil mong iimbento! Gusto palang sumakay sa limo!”

Natawa si Tat nang malakas sa sinabi ni Jane. Pinaikot pa nito ang swivel chair habang inaalaska siya.

“Juice me, girl! Sosyal lang tingnan ang limo pero ang totoo, mukang karo ng patay ‘yun noh!”

“Ano ba naman kayong dalawa? Kailan ba kayo magseseryoso? Kayo ang pasimuno ng boyfriend kuno na ‘yan kaya tulungan niyo ko ngayon!”

“Wait…wait…wait…”

Napatingin siya kay Tat nang bigla itong tumayo at may dinukot na kung ano sa bulsa. Ilang sandali lang ay inilabas na nito ang sarili nitong cellphone.

“May nagtext…Sino ba ang gumawa ng kuwento? Siya rin ang tatapos nito…”

Pinukol niya ng pen holder ang kaibigan habang tawa ito nang tawa. Sa hitsura nito ay gayang – gaya nito sa pagsasalita ang isang komedyante sa telebisyon.

“Aray! Tita, masakit ‘yan ha! Natamaan ang pigsa ko…”

“Yikes, Crisanta! Kadiri ka!”

Nalipat kay Jane ang paningin niya nang umayos ito ng upo at seryosong humarap na sa kaniya. Sa dalawang kaibigan ay mas seryoso ito.

“Eure, isa lang ang paraan para mapanindigan mo ang imbento mong ‘yan! Natural, kailangan nating kausapin si Shann para…”

“Hey, hey, hey! No way! Paano nating gagawin ‘yun eh pinsan siya ni Bettina?! Tiyak na mabubuko tayo! Bukod doon, magmumukha naman tayong stupid sa gusto mong mangyari, friendster!” sa wakas ay nagseryoso rin si Tat. Na-imagine marahil nito ang hitsura habang nakikiusap kay Shann Dorantes.

“Wala na tayong magagawa! Kasama na niya si Bettina at sa mga oras na ito ay tiyak nang confirmed na niya na nagsinungaling ako. Nakakahiya talaga, grabe!” kunwa ay atungal niya. Akala pa naman niya ay smart na siya sa pagdadala ng situwasyon. May butas naman pala iyon!

“Naku, nakikita ko na kung paano ka pagtatawanan ni Sir Austin, tsk tsk, tsk…”

Akma niyang ibabato kay Tat ang paperweight na hawak pero madali itong nakapagkubli sa mesang inuupuan.

“Loka ka, Europa! Solid na solid ‘yan! Durog ang ilog ko ‘pag binato mo sa’kin ‘yan!”

Natawa siya sa hitsura nito.

“Diyan na nga kayo! Babalik na ko sa cubicle ko dahil marami pa ‘kong trabaho noh!”

Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa executive table at lumakad palapit sa pinto. Sumunod naman dito si Jane.

“Trabaho? Ano ba ang trabahong sinasabi mo?”

Lumingon ito sa nagtanong na si Jane at nginitian ito nang buong kapilyahan.

“Marami…at hindi kakayanin ng powers mo…plowing, planting and harvesting! Tara na, dali!”

Napailing na lang siya habang nakamasid sa dalawang kaibigan na nagkukulitan habang papalayo.

TOTOO BA ANG nakikita niya? Sa sampung friend requests sa kaniyang Facebook profile ay dalawa doon ang nakapagbigay ng palaisipan sa kaniya. Una ay si Shaider. Paano nitong nalaman ang pangalan na gamit niya sa FB? Binaligtad na pangalan ang inilagay niya sa profile. Bukod doon ay hindi siya nag – upload ng kahit na anong litrato. Wala kasi siyang hilig sa mga ganoon. Idagdag pang ubos – oras ang paglalagay ng profile pictures.

Hindi rin niya gustong makita ng iba ang profile niya sa mga FB updates kaya naman inaasahan niyang walang makakasunod sa kaniyang kakilala doon liban kay Tat at Jane. Out of curiosity ay in-approved niya ang anim sa mga requests kasama na ang dalawa.

Ang pag – asang makikilala niya si Shaider ay agad na lumipad sa hangin. Masyado nitong pinanindigan ang disguise. Walang ibang litrato sa profile nito kundi ang mga larawan ng superhero bilang Shaider at Alexis. Paano niya ito makikilala?

Na-excite siya nang biglang lumitaw sa chat application ang pangalan ni Shaider.

“elow sweetie…”

Hindi niya maiwasan ang mapangiti. Na-missed niya ang kakulitan ng kaniyang mysterious texter.

“pls dnt kol me sweetie…”

“and y is dat?”

Mabilis itong sumagot at pakiramdam niya ay katabi lang niya ito. Maraming nag popped out na chat messages pero inignora niya iyong lahat.

“d monster calls me sweetie 2 and I kinda hate it…”

“uh – uh…monster hu?”

“secret, shadier…don’t mind him…how r u?”

“feeling blue…”

“and y is dat?”

“I’m missing u…”

“lol!”

Saglit na natahimik ang kausap. She waited for his reply.

“yeah lol hahaha!”

Nagulat siya nang lumitaw sa chat box ang pangalan ni Austin. Online din ito? Kung gayon ay totoo ngang hindi ito si Shaider. Napasimangot siya. Sa likod pa naman ng isip niya ay hinahangad niyang ito nga ang lalaki.

“gud eve, my Europe…”

Hindi niya ito sinagot. Sa halip ay si Shaider ang kinausap niya.

“d monster is online…”

“monster hu agen?”

“Austin Perez…my boss…”

“y monster? Is he strict?”

Nahilo na siya nang makitang punong – puno na ang kaniyang FB bottom dashboard.

“yes…a very strict boss…and I so totally hate him!” sagot niya.

“but love him at the same tym right?”

Napatili siya nang makitang namali siya nang type. Paanong nangyaring kay Austin niya nai-type ang message para kay Shaider?

“no way…” napilitan tuloy siyang sagutin ang chat nito.

“Shann told me to say hi to u…just wonderin’ if you don’t text each other…” She bit her lower lip. Ano kaya ang pinagsasabi nito sa inosenteng pinsan ni Bettina?

“wat did u tel him?”

“nothing much…I just told him I know his girlfriend…what do u expect?”

“errrr…”

“u don’t love him, do u?”

Ang inaasahan niyang pagtatawa ay hindi niya mabakas sa mga chat messages nito.

“asa ka pa…” ingos niya. Ang yabang ng lalaking ito. Kung umasta ay akala mo kung sino!

“bakit ayaw mo sakin? Kaya rin naman kitang ibili ng limo…kahit eroplano pa kung gusto mo :) ”

“hindi ko xa gusto dahil lang sa limo, excuse me!”

“so ano pala kung ganoon ang gusto mo sa kaniya?”

Natigilan siya. Hindi rin naman niya kilala ang totoong Shann Dorantes. Hindi niya nakita ang profile nito kanginang hinanap niya ito sa internet. Posible bang hindi iyon ang tunay nitong pangalan?

“u knw him and I knw u can answer ur own question.”

“mas gwapo ako sa kaniya…”

“and so?”

“mas sweet…”

“tell that to your Bettina…”

“don’t get jealous…she’s nothing compared 2 u…”

Napairap siya sa sinabi nito. Muli niyang binalikan si Shaider pero nagpaalam na pala ito at offline na.

“do u see me like a toy, Sir?” pagkuwa’y tanong niya sa kausap. Tuluyan na niyang inignora ang iba pang mensahe sa loob ng chatbox.

“if u’r a toy, u’r perhaps the most expensive toy I’d like to have.”

“but u can’t buy everytng u knw?”

“yes I knw. Just tell me anytng I need to do to have u, my Europe.”

“stop flirting wd ur sec, Mr. Perez. She’s no longer available!”

Hindi na niya hinintay ang reply nito. Nag logout na siya sa Facebook bago pa man ito makasagot.

“GOOD MORNING.”

Napatanga siya sa lalaking nakatayo sa harap ng kaniyang table. Hindi niya napansin ang pagpasok nito sa opisina dahil kasalukuyan niyang kinukuha ang sapatos na nasa ilalim niyon.

“Good morning…”

“Shann!” Napatingin siya kay Austin na papalapit sa kaniyang mesa. Alanganin ang ngiti nito pero mas higit siya na hindi na halos malaman ang gagawin pagkarinig pa lamang sa pangalan ng lalaking dumating. Ito pala ang Shann Dorantes na ibinibida ni Tat at Jane? Hindi naman sinabi ng mga ito na kamukha pala ni Aga Muhlach ang binata!

“Napasyal ka, pare?” Nag high five ang dalawa.

“Balak ko sanang yayaing lumabas ang nobya ko eh. Puwede ba?” nakangiting tanong ng panauhin.

Lumipad ang tingin niya sa lalaki. Sa isang iglap ay napagmasdan niya ang anyo nito. Bukod sa magkabilang biloy ay may guhit rin ito sa kanang cheekbone na nagbigay dito ng pilyong anyo. Sino ba ang nagsabing birth defect ang pagkakaroon ng dimples? Therefore, not all defects are bad!

Nang balikan niya ng tingin si Austin ay nabawasan ang ngiting kanina lang ay nasa mga labi nito.

“Ganoon ba? Tumawag ka muna sana, pare. May nira – rush kasi kami ni Eure.” Anito na tumingin nang makahulugan sa kaniya.

“Pare naman, saglit lang kami. Isa pa ay malapit na ang lunchbreak, I don’t mind waiting for ‘my girlfriend’ outside…”

Austin shrugged.

“Ask ‘your girlfriend’ then.”

“Sir…?” hindi niya alam ang sasagot kaya ipinasa rin niya dito ang disisyon.

“Okay. Lumakad na kayo ngayon para makabalik kayo agad. Sige, pare…” ngumiti ito at pagkuwa’y tumalikod na.

May pagdadalawang isip man ay kinuha na rin niya ang shoulder bag saka sumamang palabas kay Shann. Dapat niya rin naman talagang kausapin ang lalaki upang humingi ng paumanhin rito.

HINDI GAYA NG inaasahang limo ay isang Toyota model lang ang dala nito. Wala rin itong kasamang driver. Ilang na ilang siya sa buong durasyon ng biyahe dahil hindi rin naman ito masyadong nagsasalita. Tama nga yata si Austin na loner ang binatang milyonaryo. Mabuti na lamang at bukas ang car stereo nito kaya kahit paano ay nalibang naman siya sa daan.

Sa isang hindi kalayuang seafood restaurant siya dinala ni Shann. Umorder ito ng grilled swordfish at roasted salmon habang blackened tuna at coleslaw naman ang inorder niya.

Habang kumakain ay tahimik ito. Hinintay niya itong magsalita subalit halos matapos na sila ay wala man lang itong imik.

“Shann?” untag niya rito. Napatingin naman ito sa kaniya.

“Ops, sorry, Eure. Hindi ko kasi ugaling magsalita habang kumakain. I hope I’m not boring you.”

Well, I’m bored!

“Hindi naman, But do you mind kung pag – usapan na natin ito para naman makabalik ako nang maaga sa opisina?”

“Oh, go on. Ano ba ‘yun ?” tanong nito habang sige sa pagkain. His table manners were still intact despite his good appetite. Naalala niya si Tat. Ayaw na ayaw nito ang usaping table manners. Ayon dito ay pare – pareho lang naman ang pupuntahan ng mga kinakain ng tao. Ano kaya ang hitsura nito ‘pag nakita ang ka-date niya ngayon?

“Okay, this is it. Actually, hindi naman tayo magkakilala kaya…”

“Aren’t we? And I thought I am your boyfriend?” he grinned.

Napakagat – labi siya.

“I’m so sorry. I had to say that because of some personal reasons. Please don’t get offended but when I mentioned your name, it was just…well, I never knew you really exist…I’m sorry…”

Ngumiti ang replica ni Aga Muhlach at naglitawan ang mga biloy nito sa pisngi.

“And who’s blaming who? Wala naman ‘diba. Actually, gusto lang kita talagang ma-meet. At ngayong nakita na kita, walang problema kahit totohanin pa ang mga kuwento mo kay Austin.”

Napaungol siya sa matinding kahihiyan. Hindi naman niya inaasahang aabot sa ganito ang lahat. Ang dati nang komplikado ay nagsanga pa!

“But you don’t need to do that. Willing naman akong umamin sa mga nagawa kong mali. Kakausapin ko si Sir.”

His hand motioned her to stop.

“Eure, ginawa mo ‘yun in purpose so bakit mo babawiin? Handa akong tulungan ka sa pagpapanggap mo. Masyadong nang boring ang buhay ko. Siguro nga ay tama silang lahat na kailangan ko ng konting adventure sa mundo.” He chuckled before sipping his wine. Namilog naman ang kaniyang mga mata.

“Pero, Sir…”

“Call me Shann. No girlfriend calls his boyfriend that way.” Napanganga siya pero hindi na niya nagawang tumanggi lalo pa at muli itong nagsalita.

“Finish your food now, Eure. I need to bring you to your office after thirty minutes. The pilot episode of our “story” will start today.”

Naguguluhang napatango na lamang siya sa sinabi nito.

“EUROPA, HINDI KITA mapapatawad sa ginawa mo.” Seryosong mukha ni Tat ang bumungad sa kaniya pagbalik ng opisina. Napangunot naman ang noo niya sa pagtataka.

“Ano naman ang ginawa ko?”

“Saan ka nanggaling? Papaano mong naatim na lamnan ang iyong sikmura samantalang kaming mga kaibigan mo ay narito at matiyagang naghihintay sa’yo?” animo tila nasa teleserye si Tat habang kunwa ay maiiyak pa ito habang nagsasalita.

“Gaga! Naglunch lang ako!”

“Exactly! Kami ay hindi pa kumakain hanggang ngayon! Nangako kang magsasama tayo sa hirap at ginhawa, Europa! Paano mong nagawa ang lahat ng kabuktutang ito? Paano mo nagawang magtaksil?”

Binatukan niya ito nang mahina sabay turo sa lalaking nakasunod sa kaniya.

“Loka! Hindi ka na naman nasaksakan ng vet mo noh? May kasama ko kaya lunukin mo muna ang rabbies mo Crisanta!”

Natahimik naman si Tat nang makita ang lalaking kasama niya.

“Sir…este Shann, meet my friend Tat. Tat…hoy, Tat!” pumitik pa siya sa hangin nang makitang tila nakagat ng ahas ang tulalang kaibigan. Animo naestatwa ito sa pagkakatingin kay Shann.

“Ha? 092748546…”

Muli niya itong binatukan nang mahina sa ulo.

“Ano ka ba? Hindi naman niya hinihingi ang number mo. Introduction pa lang tayo.”

“G – Ganoon ba? Naku, sorry. My name is Crisanta ‘Tat’ Briones. I live in…”

“Nice to meet you, lady.” Naputol sa pagsasalita si Tat nang kamayan ito ni Shann. Ang gatla naman sa noo ng lalaki ay hindi naaalis habang nakatitig ito sa kaibigan niya. Tulala pa rin si Tat hanggang sa igiya siya ng binata patungo sa opisina ni Sir Austin.

“ONE THIRTY – FIVE to be exact…”

“Traffic kasi sa daan kaya…”

“Hindi komo kilala ko ang boyfriend mo ay aabusuhin mo na ang pagpayag kong lumabas kayo.”

“Pasensiya na. Hindi ko naman kasi inaasahang sa seafood resto pa ko dadalhin ni Shann. Akala ko’y sa malapit lang.”

“Yeah right…seafood restaurant…alam na alam niya ang gusto mo ‘diba? And I’m sure you both have a good day!”

Nabigla siya nang walang anu – ano’y basta na lamang isinara ng lalaki ang hawak nitong laptop.

“Sorry…hindi na mauulit…”

Apologetic ang tinig niya. Nalibang kasi sila ni Shann sa pagkukuwentuhan at hindi nila agad namalayan ang pagtakbo ng oras. Nang ihatid siya nito ay kapuna – puna rin ang malamig na pagtanggap ni Austin sa binata. Nahiya siya kay Shann dahil sa inasal ng amo. Tinutulungan na siya pero hayun at nasusungitan pa ito ni Austin.

“Hindi na talaga! Dahil hindi na kita papayagan sa susunod!”

“Yan eh kung magpapaalam pa ko sa’yo!”

“Europa, nagsisimula ka na naman ha! Stop talking to me that way!”

“Ikaw lang kasi eh. Nagtitiyaga ka pa sakin samantalang sinasagot – sagot naman kita. Kung pinababalik mo na ba ko sa dati kong puwesto eh di hindi na sasakit ang ulo mo.”

“You sound like a puppet. Don’t waste your time putting up the same issue, Eure!”

“Bakit ba ang sungit – sungit mo? Sana pala kasi, hindi mo na ‘ko pinayagan kung ganyang aawayin mo din ako sa kaunting oras na naatrasado ko sa pagpasok!”

“Sana nga! Kung alam ko nga lang eh talagang hindi na kita pinayagan!” Napahawak siya sa dibdib nang makitang namumula sa tinitimping galit si Austin. Nang tumayo ito at ihagis sa couch ang throw pillow nito sa swivel chair ay nabigla siya. Then he stood and went out of the office while uttering expletives that she couldn’t clearly hear.
read more...

All I Need by Erin - Chapter 6

(Blue)

”Seven o’clock na wala pa rin sina Jennifer. Oi Erin na-watch mo ba kagabi yung PBA? Laban kasi ng san mig at ginebra ’yon eh. ” tanong niya sa bestfriend niya. Nasa oval bench pa sila at hinihintay ang ibang barkada bago magsipasukan sa kani-kanilang room. Routine na nila ’yong mga girls tuwing umaga-na magbatian at magbeso-beso pag-uwian.

Tinaasan lang siya nito ng kilay. Oo nga pala, wala pala itong interes sa basketball. Nagkamali siya ng taong pinagtanungan. Napahagikgik siya.

”Mukhang masigla ka ngayon ah. May nangayri bang maganda nung sabado?” nakangiting tanong ni Erin sa kaniya.

Alam na niya ang tinutukoy nito. Ang date nila kuno ni Kuya Will ang gusto nitong ibulgar niya.

”Wala naman nangyari kakaiba. Nagpunta lang kami sa ilog at nagsnacks.” sagot niya.

Tiningnan siya nito na parang sinusuri kung totoo ba ang sinasabi niya. Nang makitang seryoso siya ay napatapik ito sa noo.

”Hay Ikay, wala ka na talagang pag-asa.” naiiling nitong sabi sa kaniya.

Nangunot ang noo niya.”Ano na naman ba iyon?”

”Hindi mo ba man lang mahalata?”

”Ang ano?”

”Na gustung-gusto ka ni Will!” singit ng baklang si Jonathan sa pag-uusap nila.

”Singitera! Pa’no niyo naman nasabi?”

Naiinis na tumayo si Erin. ”Hay naku! Hindi ko na mahihintay ang iba, kayo nalang tutal 8 o’clock pa ang klase niyo. At saka Jonathan ikaw na ang kumausap diyan sa bestfriend kong napaka-manhid. Naku talaga!”

Humakbang na ito palayo sa kanila. Nasundan niya ito ng tingin bago bumaling kay Jonathan na inaayos ang make-up sa mukha. Tumingin din ito sa kaniya bago siya nginitian ng malapad.

”Kahit anong gawin mong pag-papanggap kay Jackelyn na bading ka, lalabas pa rin ang katotohanan na in love ka sa kaniya.” asar niyang sabi dito. Ayaw niya ang klase ng ngiting iyon ng baklitang katabi niya. Ngiting sinasabi na isa siyang walang pakiramdam na babae na kahit anong pa-cute na gawin ng lalaki sa harapan niya ay hindi niya mapapansin.

Nagseryoso naman ito at lumabas ang pagiging lalaki nito. ” Pareho lang tayo. Pero mas malala ka dahil nasa harapan mo na hindi mo pa makita.”

”Mali kayo ng iniisip ano. Walang gusto sa akin si Kuya Will.” aniya. Naiinis na siya sa sobrang kulit ng mga ito na paulit-ulit sa litanyang may gusto sa kaniya si Kuya Will.

”Pa’no mo naman nalaman? Sinabi ba niya sa’yo? Hindi naman ’di ba?” pananalakab nito. Nagbalik sa pagiging bading ito ng mamataan si Jackelyn na papalapit sa kanila.

Napahagikgik siya. ”Hindi ka ba nahihirapan sa ginagawa mo? Nagpapanggap na bading para lang kay Jackelyn na babae naman ang gusto?”

Hindi ito sumagot siniko lamang siya at nagsenyas na tumahimik siya.Napahagalpak na siya ng tawa. May naisip na naman siyang bagong kwento.

”Hi girls!” bati ni Jackelyn sa kanila. Kahit na nakapalda mapapansin na babae talaga ang gusto nito at hindi isang bading na katulad ni Jonathan. Kung sabagay, babae nga pala si Jonathan baka pwede rin ang mga itong magkatuluyan. Sumasakit na ang tiyan sa kakapigil sa pagtawa.

”Mukhang maganda ang mood ni Ikay ngayon ah. Anong bang magandang nangayri ha?” nangingiting tanong ni Jack.

”Hay naku! Maloloka ka sa babaing ’to, nakipagdate na lahat kay Kuya Will eh hindi pa rin umaamin na gusto rin niya ang kaniyang fake brother.” pumipilantik ang mga daliri nito at nagbeu-beutiful eyes kay Jack.

”Ayos ’yon ah. Anong nangyari? Ikwento mo naman sa amin.” sabi nito na naupo rin sa oval bench.

”Mamaya nalang kasi time na namin eh. Sige ha.” aniya sabay hila kay Jonathan patayo at dali-daling naglakad papasok sa kanilang room.

”Kainis ka talaga.” habol na sigaw ni Jack.

Bakit hindi siya magmamadali eh nakita niya si Kuya Will na papunta sa direksyon nila. Hindi niya gustong marinig nito ang pinaguusapan nila. Nakakahiya kaya, at saka baka kung ano pa isipin nito at sabihan pa siyang ilusyunada. At bakit naman niya iisipin na may gusto ito sa kaniya gayong nakikita niyang kapatid lang ang turing nito sa kaniya. At kung totoo man na may gusto ito sa kaniya…Napabuntong hininga siya. Umupo na siya sa chair na may name tag niya sa may sandalan bago nangalumbaba. Kung totoo man iyon, Hindi niya siguro alam ang gagawin niya.

Gusto nang itanong ni Will kay Ikay kung nagkaroon ba siya ng tatlong mata at ganoon na lamang ito makatitig sa kaniya. Kanina, habang papunta sila sa canteen ay nakatitig na ito sa kaniya at waring may gustong sabihin. Ngayon ay pakiramdam niya, may mali sa mga kilos niya at bawat galaw niya ay sinusundan nito ng tingin. Alam niyang napapansin na rin ng iba ang ginagawang pagtitig na iyon sa kaniya ni Ikay kaya naman para siyang nasa hot seat. Ano bang nakikita nito at ganoon na lamang ito makatitig sa kaniya?

”Bunso, baka malusaw na si Kuya Will mo sa kakatitig mo sa kaniya.” Lihim na natatawang sabi ni Reed.

Napatingin si Ikay kay Reed at parang wala sa sariling nagtanong. ”May sinasabi ka ba, bossing?”

Napahagikgik naman ang ibang girls at nagsikuhan.

”Ayaw pa kasing umamin ng isa diyan eh.” kinikilig na sabi ni Jinky.

Bigla naman pinamulahan ng mukha si Ikay. ”Eh kasi, nag-iisip lang ako ng bagong kwento. At naisip ko na this time, si Kuya Will naman ang gagawan ko ng love story. Siya nalang kasi sa mga boys ang wala pang love story eh.”

”Asus! Palusot pa si Bunso.” pang-aasar na sabi ni Rhoena na humagikgik ng ambaan niya ng suntok. ”Uy guilty siya.”

Huminga siya ng malalim bago tinitigan si Kuya Will. ”Kuya Will, May gusto ka ba sa akin?”

Tumawa ng malakas sina Sipag at Arciaga. Si Reed naman ay nagkunwaring kumakain ng sandwich nito. Sina Jennifer at Jinky naman ay nag-excuse na pupunta sa comport room. Sina Rhoena at Jonathan ay alanganing matatawa o hindi.Ang totoo ay nagulat ang mga ito sa straight niyang pag-tatanong.

Gusto niyang pagsasapakin ang mga ito. Kanina ay ang lalakas mang-asar ngayon eh akala mo mga anghel sa sobrang tahimik. Tumingin siya kay Kuya Will. Wala man lang mabasang anuman sa mukha nito.

”Ano ba, Kuya Will?!Tinatanong kita kung may gusto ka ba sa akin o wala?” naiinis na siya. Bakit tahimik lang ito.

”Itigil mo yang kalokohan na iyan.” malamig na sagot ni Will.

Inis siyang tumayo at padabog na kinuha ang knapsack bag niya bago naglakad palabas ng canteen. Nadisappoint siya sa isinagot nito. Hindi iyon ang inaasahan niyang sagot. Pwede naman nitong sabihin na hindi o kung may gusto man ito sa kaniya ay pwede namang umamin na lamang ito, hindi iyong nakabitin siya sa ere sa ginawa nitong pag-sagot ng ganoon.

Naiinis talaga siya. Naku! Nanggigigil siya kay Kuya Will. Gusto niya itong sapakin.

Nangunot ang noo niya ng makitang nag-iiyak si Erin habang naglalakad ito.

”Erin!” tawag niya dito at ng tumingin ito sa kaniya ay nagpahid ng mga mata bago ngumiti sa kaniya.

”Anong nangyari? Bakit umiiyak ka ng ganyan?” tanong niya ng makalapit dito. Napatingin siya sa mga braso nito. ”Bakit may pasa ka?”

”Si Maryrose, Alam na niya ang tungkol sa amin ni Marc. Pinagsasampal niya ’ko pati na rin yung mga kaibigan niya. Pinagtulungan nila ’ko Ikay.” muli na naman itong umiyak.

”Nasaan na sila Maryrose?” Ngayong mainit ang ulo niya. Gusto niyang awayin ang lahat.
read more...

A Night to Remember - Chapter 9

(Pangarap_ko)



“Mommy bakit di pa dito tumira ang daddy?” ang tanong ni Natasha sa kanya habang hinihilamusan niya ito.

“Anak di siya dito puwede tumira kasi mayroon siyang sariling house at isa pa busy ang daddy sa work” ang matiyaga niyang paliwanag dito.

“Then tayo na lang ang lumipat sa house niya im sure he wont mind” ang lista nitong sagot na ikinagulat niya imagine 3 years old pa lang ang anak niya ay nakakapagsalita na ng ganito

“Anak there are things na mahirap ipaliwanag so please tama na ang tanong ok?” ang sumusuko niyang sagot dito at dali dali na itong pinunasan at binihisan.

May sasabihin pa sana ito kaso tinignan na niya ito kaya tumahimik na lang hanggang sa patulugin na niya ang mga ito halos maiyak pa siya ng marinig niya ang dasal ng mga ito.

“Dear Papa Jesus sana po ay pasayahin ninyo an gaming mommy dahil parati na lang siyang sad and Papa Jesus if its not too much to ask please padalawin ninyo po sana ang daddy naming kasi miss na miss na po naming siya at pag nandito siya im sure hindi na magiging sad si mommy at lagi na kaming magiging Masaya amen” ang sabay pang pagtatapos ng kanyang mga anak na tumayo na sa pagkakaluhod sa kama.

Nang makatulog na ang kanyang mga anak ay humiga na rin siya ngunit ilang oras na siyang nakahiga ay di pa rin siya dalawin ng antok dahil naiisip niya kung nasan si Tyler dahil mula ng ilabas sa ospital si Natasha ay hindi na ito nagpakita pa sa kanila magiisang lingo na ang nakakaraan hinahanap na rin ito ng kanyang mga anak ang sinasabi na lang niya ay busy sa trabaho at pag tinanong kung kelan ito bibisita ay pinagagalitan na lang niya ang mga ito kahit ayaw niya dahil di niya alam ang sagot sa tanong ng mga ito

“Tok tok tok” ang nagpabalikwas sa kanya mayroong kumakatok pero sino kaya ito ang tanong ng isip niya kaya dali dali siyang bumangon ng marinig niya ulit ang mga katok

“Sino yan?” ang tanong niya ng makalapit sa pintuan

“ Its me open the door” ang narinig niyang sabi ni Tyler kaya dali dali niyang binuksan ang pinto

“ What are you doin? Its raining hard for goodness sake” ang sabi niya ditto at dali dali siyang pumasok sa kwarto para kumuha ng tuwalyang pamunas dito

“ Thank you” ang mahina nitong sabi saka pinunasan ang sarili

“ Meron ka bang dalang damit?baka magkasakit ka niyan bakit kasi nagpabasa ka sa ulan” ang nagaalala niyang tanong dito ng umiling ito ay pumasok siya sa kuwarto ay hinanap ang maluwang niyang tshirt nagulat pa siya ng pagharap niya ay may nabunggo siya

“ Anong ginagawa mo bakit ka pumasok” ang natataranta niyang sabi

“ Ayessa” ang sinabi nito saka siya kinuyumos ng halik ng una ay tinutulak niya ito palayo sa katawan niya pero pero unti unti na rin siyang nadarang sa maalab nitong mga halik kaya gumanti na rin siya ng halik ditto

“ Tyler” ang nasabi na lang niya ng palayain nito ang mga labi niya para lang uli halikan kumuha lang pala ito ng hangin at sabik na sabik ulit siya nitong hinalikan.

“ Oh ayessa I miss you so much I want you” ang sabi nito at naramdaman na lang niyang nasa mga dibdib na niya ang mga kamay nito

“ Tyler don’t” ang mabuway niyang pananaway dito ng maramdaman niyang gumagapang na ang kamay nito papunta sa kanyang dibdib

“ I miss you terribly pls don’t fight” ang sabi nito at lalo pang pinaglalalim ang paghalik sa kanya di niya na Malayang tinutugon niya na rin ng mas malalim pang halik ang mga halik nito hanggang sa buhatin siya nito ay hindi pa rin siya makapag desisyon kung tututol o hahayanan na lang niyang gawin nito kung ano man ang gusto nito…

“ Tyler pls don’t” ang pananaway niya rito ngunit sa huli ay mas namayani ang binubulong ng kanyang puso at ng traydor niyang katawan at nagsanib ang kanilang mga katawan at nilalasap ang masarap at nakakaliyong pakiramdam.

“I love you Ayessa o I love you so much” ang narinig niyang bulong ni Tyler ng marating nito ang kasukdulan at patang pata itong humiga sa kanyang tabi. Di niya malaman kung ano ang gagawin kung iiyak o magbubunyi dahil sa ikalawang pagkakataon ay naranasan niya ulit ang maangkin ni Tyler.

“ Ayessa” ang tawag ni Tyler sa kanya pero nagkunwari na lang siyang natutulog

Hinayaan siya ni Tyler akal siguro ay nakatulog na talaga siya naramdaman na lang niya ang masuyo nitong paghalik sa kanyang ulo at niyakap siya nito ng mahigpit na para bang mawawala siya anong sandal.

Naalimpungatan siya dahil sa bigat na nararamdaman niya sa kanyang sikmura nagulat pa siya ng makitang nakayakap sa kanya si Tyler at naalala na lang niya ang nangyari ng nakaraang gabi ng maalala niya ang mga anak ay dali dali siyang bumangon at nagbihis dahil baka magising na ang kanyang mga anak.

Pagkatapos maligo ay dumiretso siya sa kusina para magluto ng almusal angpirito siya ng hotdog at itlog at sinangag ang natirang kanin ng gabi abala siya sa pagluluto ng maramdaman niyang may yumakap sa kanyang likuran na ikinagulat niya

“ Ano ba Tyler nanggugulat ka naman eh” ang sabi niya dito sabay hampas sa mga braso nito dahil sa pagkagulat dito.

“ Sorry di ko kasi mapigilan ang sarili kong yakapin ka napakabango mo kasi” ang bulong nito naramdaman niya na lang na may kung anong nabubuhay sa likuran niya

“ Tyler huh ano ba baka magising ang mga bata” saway niya dito at pilit inaalis ang pagkakayakap nito di nila namalayang nasa pinto si nathan

“ Yeheyy Natasha nandito ang daddy” ang tuwang tuwang tawag nito sa kapatid na dali dali ring pumasok sa kusina

“ Wow ang daddy nga ,,dito ka ba natulog Daddy?” ang tanong nito sabay yakap kay Tyler

“ Yes baby tulog na kayo kaya din a naming kayo ginising ni mommy” ang sabi nito habang yakap ang dalawang bata sabay kindat sa kanya na nagpapula sa kanyang mga pisngi

Ganadong Ganado ang kanyang mga anak sa pagkain panay pa ang lagay ng mga ito sa plato ni Tyler halatang sabik na sabik sa ama.

Napakaganda nilang pagmasdan parang isang buong pamilya na matagal na niyang pinapangarap ngunit alam niyang imposible mangyari ito kaya nilukuban siya ng lungkot.

“ Hey Mommy bakit malungkot ka?” ang naguguluhang tanong ni Natasha na bahagya pang nagsalubong ang mga kilay.

“ Huh hindi baby why did you say that?” ang tanong sagot niya dito dahil nagulat siya sa tanong nito dahil hindi niya napunang pinagmamasdam pala siya ng anak.

“ Kasi parang gusto mong mag cry” ang sabi nito na tinitigan siya ng mariin.

“ No baby Masaya lang ang mommy kasi Masaya kayo” ang sabi niya at nakita niyang nakatingin din sa kanya si Tyler at parang hinihintay ang isasagot niya.

“ Hey sino pa ang gusto ng sinangag?” ang pagiiba niya na lang ng usapan at dali daling tumayo para sumandok ng kanin.

Nang matapos kumain ang lahat ay tutulungan sana siyang magligpit ni Tyler pero hinigot na ito ng kambal dahil may ipapakita daw dito kaya naiwan siya sa kusina at nagligpit ng kinainan nahiling nasa din a matapos ang sandaling kasama nila si Tyler.

“ Look at this daddy” ang narinig niyang sabi ni Natasha kay Tyler ng puntahan niya sa kuwarto at nakita niyang ipinapakita pala dito ng kanyang mga anak ang mga album ng mga ito aalis na sana siya pero nakita siya ni Nathan

“ Hey mommy come pinapakita namin ang mga picture natin kay daddy” ang Masaya nitong yaya sa kanya at ng lumapit siya ay pinaupo pa siya ng mga ito sa tabi ni Tyler

“ Mukhang ang saya saya ninyo dito” ang sabi ni Tyler sa kanya at itinuro ang 1st birthday ng kambal

“ Yes” ang nasabi na lang niya gusto sana niyang idagdag “sana nandyan ka rin” kaso pinigilan niya ang kanyang sarili

“ Ang dami palang mga letrato pakiramdam ko kasali ako sa paglaki nila” ang sabi nito na nagparigudon sa kanyang puso dahil nararamdaman niya ang lungkot sa boses nito

“ Don’t worry daddy nandito ka na ngayon sa susunod kasama ka na sa lahat ng picture” ang sabi ni Natasha kay tyler

“ Sana nga baby magugustuhan yon ng daddy” ang narinig niyang sinabi nito at di na niya mapigilan ang luha ay nagpaexcuse siya at lumabas ng bahay

“ Mommy anong ginagawa mo dyan?” narinig niyang sabi ni Nathan

“ Wala anak bakit?” ang tanong niya dali dali pinunasan ang luha

“ Mommy di ka ba Masaya nandito ang Daddy?” ang naguguluhan nitong tanon

“ Ofcourse not baby sa katunayan masayang Masaya ang mommy kasi nandito na ang daddy” totoo sa loob na sinabi niya

“ Talaga mommy? Kasi kami ni Natasha masayang Masaya” ang sabi nito na nakalarawan ang sobrang saya

“ Oo nga pala Mommy sabi daw ng Daddy ipapasyal niya raw tayo ngayon” ang sabi nito

“ Huh? Sinabi niya yun?” ang tanong niya sa anak wala siyang alam tungkol doon

“ Opo pinapatawag ka na nga niya magbihis na daw tayo” ang sabi pa nito at hinigot siya sa mga kamay kaya sumunod na lang siya dito

Umalis muna si Tyler makalipas ng ilang minute nakabalik na ito at preskong presko na mukhang nakaligo at nagpalit ng malinis na damit dahil tapos na rin silang magayos ay dali dali na silang umalis.

Nagpunta sila sa may simbahan dahil araw ng lingo at sabay na nagsimba nakagitna sa kanila ang kanilang mga anak. Ng matapos ang misa ay nagyaya ang mga bata pumunta ng mall at nanood sila ng pambatang movie, inabutan siya ni Tyler ng pera siya na raw ang bumili ng ticket at ito na ang bibili ng kanilang drinks at popcorn na siya niyang ginawa ng pumasok na sila sa sinihan ay gumana naman ang kapilyahan ng kanyang anak

“ Mommy dito ka sa tabi ni Daddy” at pinaupo siyang pilit sa tabi ni Tyler

At ng umupo siya ay tuwang tuwa ang dalawang bata lalo na ng hawakan ni Tyler ang kanyang mga kamay gusto sana niyang higutin pero nakatingin ang kanyang mga anak kay hinayaan na lamang niya ang kamay nito di na nito iyon inalis hanggang sa matapos ang palabas.

Pagkagaling sa sine ay naglaro ang kanyang magama hanggang sa magutom at sabay sabay na silang kumain sa restaurant. Gabi na sila nakauwi at di pa pumayag ang mga batang matulog kung hindi pa binasahan ni tyler ang mga ito ng kuwento hanggang sa nakatulog.

“ Gusto mo ng kape?” ang tanong niya rito ng makita niya itong lumabas ng kuwarto

“ Sure” ang sabi nito kaya pumunta siya sa kusina at gumawa ng kape para sa kanya at kay Tyler ng matapos siyang magtimpla ay dinala niya ang kape kay Tyler na nakaupo sa may lamesa

“ Here’s your coffee” ang tawag niya dito sabay abot ng ginawa niyang kape at umupo sa may kabilang gilid ng lamesa

“ Hmm it taste very good masarap ka pa lang magtimpla” ang sabi nito pagkatapos humigop at hinawakan ang kanyang mga kamay

“ Sus instant coffee lang yan im sure mas masarap pa ang naiinom mo dyan” ang sabi naman niya na hindi binabawi ang kamay

“Serious ito na ata ang pinakamasarap na kapeng natikman ko” ang sabi pa nito sa kanya

“Tyler I want to thank you for today”

“No problem I have very wonderful time with you and the kids” ang sabi nito sa kanya at bahagyang namumungay ang mga mata

“I think its getting late I should be going” ang sabi nito ng maubos ang kapeng kanyang ginawa

“Yeah magmamaneho ka pa” ang nasabi na lang niya kahit ayaw pa sana niya itong umalis

Nang tumayo si Tyler ay tumayo na rin siya para ihatid ito sa may pintuan ng makarating sila doon at akmang lalabas na si tyler at ng isasara na niya ang pinto ay

“Ayessa” ang tawag nito sa kanya

“Yes?” ang kina- kabahan niyang tanong Dito

“Hmmmm nevermind” ang sabi nitong nag-aalinlangan parang may gusto itong sabihin or gawin

“Magiingat ka sa pagmamaneho ok?” ang nasabi na lang niya kahit na ang gusto niyang sabihin ay ‘just stay with us’ pero alam niyang kalabisan na iyon.

Nang tumango ito sa kanya ay tumalikod na siya at handa na talagang isa ang pinto ng Makita niyang nakatayo pa rin sa may pintuan si Tyler

“Something wrong Tyler?” ang nagtataka niyang tanong dahil hindi pa rin ito kumikilos

“Ahh wala aalis na ako bye Ayessa” ang nasabi na lang nito at ng akala niya ay aalis na ito ay bigla naman itong humarap at niyakap siya

“Tyler” ang nasambit na lang niya dahil bigla na lang parang may nagrarambulang paro paro sa kanyang sikmura

Nang tingalain niya ito ay nakita niyang pababa ang mukha nito sa kanyang mukha alam niyang hahalikan siya nito pero imbes na umiwas ay ipinikit na lang niya ang kanyang mga mata at hinintay ang mga labi nito at ng magtagpo ang kanilang mga labi ay ginantihan din niya ang halik na iginagawad nito tumagal ng ilang sigundo naramdaman na lang niyang tapos na pala ang halik at ngayon nga ay nakatingin na ito sa kanya.

“Good night Ayessa , ill dream about you tonight ” ang masaya nitong paalam sa kanya at dali dali itong sumakay sa kotse nito habang siya ay naiwang nakatulala ng mawala na sa paningin niya ang sasakyan nito ay naiiling na lang siyang pumasok at nahiga sa kama.

Nakatulog siya ng may nakapaskil na magandang ngiti sa mga labi dahil sa napakasaya niya sa buong maghapon kasayahang matagal din niyang hindi naramdaman.
read more...

Sana Ngayong Pasko - Chapter 5

(Yesha)



HINDI NIYA itinuloy ang planong pagli – leave. Bago umuwi ang dalawang kaibigan ay plantsado na ang kanilang usapan. Bagaman kinakabahan ay sumang – ayon na rin siya sa mga ito. Bakasakaling kapag isinagawa niya ang ideya ni Tat ay tuluyan na siyang pabalikin ni Austin sa dati niyang puwesto. Ito na mismo ang magkukusang humanap ng ibang sekretaryang papalit sa kaniya.

Para sa kaniya ay tila hindi tatlong taon ang lumipas. Gaya ng dati ay ginawa niya ang morning routines niya sa opisina. Alas siyete pa lang ay naroon na siya. Inihanda niya ang coffee maker at ang imported na kape. She knew Austin’s preference in coffee. However, hindi gaya noon na matapang at walang asukal ay bahagya nang pinalalagyan ng binata ng creamer ang kape nito.

Naalala pa niya ang kuwento nito sa mga sinabi ni Elmira tungkol sa maling dulot ng labis na pag – inom ng matapang na kape. At naaalala pa rin niya kung paanong sa simula ay pinagselosan niya ang sekretarya ni Sir Conrad noon. Kasalukuyang nagsasalimbayan sa isip niya ang maraming alaala ng opisinang iyon nang may sumungaw sa pinto ng silid.

“Good morning, Ms. Legazpi. May nagpapaabot po nito.” Lumapit ito sa kaniyang mesa matapos niyang senyasan at saka iniabot sa kaniya ang hawak nitong bulaklak. Napangunot ang kaniyang noo. Sino naman kaya ang magpapadala sa kaniya ng bulaklak gayong lahat ng kaniyang manliligaw sa mga nakalipas na araw ay tinapat na niyang lahat.

Pinirmahan niya ang kapirasong papel na iniabot ni Mang Mencio saka umusal ng pasasalamat dito. Akma niyang sasamyuin ang tulips nang nag – ingay ang kaniyang baby laugh message tone.

“mownin’…pink tulips for a lovely lady…”

Napangiti siya. Hindi yata at romantic pala ang stalker niya? Agad ay nalimutan na niya ang inis dito nang nagdaang mga araw.

“tnku. How did u knw my fave color?” she replied.

“- oh never mind…wer r u?”

Na-excite siya sa nabasa. Baka iimbitahan na siya nitong lumabas at sa wakas ay handa na rin itong humarap sa kaniya. Sa labis na tuwa ay hindi na niya napigil ang magkuwento.

“d2 me opis ng bakulaw kong boss, my 1st day to work again as his secretary…”

“wow…very gud…”

Her eyebrows creased.

“very gud?”

“I mean…I’m sure u can make a very gud secretary :) ”

Nag – iisip pa siya ng isasagot dito nang biglang bumuglaw sa pintuan ng silid ang lalaking kahapon lang ay pinag – aksayahan niya ng luha. Dala ng pagkagulat ay agad siyang napatayo at awtomatikong bumuka ang kaniyang labi upang magbigay ng pagbati dito. Huli na para bawiin ang sinabi niya kaya’t napatampal na lang siya ng mahina sa noo.

“You’re as lovely as the morning, Europe.” Napaawang ang labi niya pero hindi naman niya nagawang soplahin ang sinabi ni Austin. Baka nga tama si Tat na hindi niya dapat ipinakikita rito na bitter siya. Tama lang na pakitunguhan na niya ito nang maayos upang sa ganoon ay hindi nito isipin na may damdamin pa rin siya dito.

Banayad niya itong tinanguan. Diretso itong lumakad sa mesa nito at ipinatong doon ang hawak nitong laptop bag.

“Err…Sir, kailan po ipapaayos kay Mang Mencio ang puwesto ko?” Nang dumating siya ay nasa tabi ng pinto ang kaniyang mesa. Una siyang daratnan ng sino mang papasok sa silid. Gayunman ay walang anumang partisyon ang mismong opisina ni Austin.

“Bakit? May problema ba sa puwesto mo? Masikip ba? You can stay here beside me if you want.”

Sinikap niyang sikilin ang nadaramang inis. Alam ni Austin na pikon siya kaya batid niyang nananadya ito.

“Ang ibig kong sabihin, wala ba man lang tayong dibisyon? I mean, I’m just thinking of your privacy here…”

He waved his hand as if pacifying her.

“Suit yourself, Eure. I don’t need the privacy you’re trying to insinuate. Besides, ganito na rin naman tayo dati, ‘diba? What’s the fuss?” Sinimulan nitong i – set up ang laptop nitong hinugot mula sa bag. Siya naman ay tumayo na at nilapitan ang kinalalagyan ng coffee maker. Walang kibong isinilbi niya rito ang umuusok na kape.

“lil amount of sugar?”

“Have you changed your preference? Want some more?” tanong niya na akmang kukuhaning muli ang kapeng inilapag sa gilid ng mesa nito.

“No, it’s okay,” muntik na niyang mabitiwan ang tasa nang hawakan nito ang kaniyang kamay. Simpleng haplos pero tila bolta – boltaheng kuryente ang hatid niyon sa kaniya.

“Are you sure?” she asked.

“Yes. Thank you.”

“Okay.” She smiled.

“Okay.” He smiled back.

“Sir?” she looked in his hand touching hers.

“Oh, I’m sorry.” He took the cup of coffee from her and placed it on the table. Napangiti siya nang palihim sa sarili habang pabalik sa sariling mesa. Hindi pa niya nararating ang puwesto ay narinig na niya ang tinig ng lalaki.

“Pink tulips?”

Napalingon siya rito at nakita niyang nakamasid ito sa lamesitang pinagpatungan niya ng bouquet.

“Y – yes. Someone sent me the flowers…”

Hindi kumibo si Austin. Basta na lamang ito tumango at sinimulan nang itutok ang mga mata nito sa laptop computer.

“HELLO… I’M SORRY Ms. Bettina, but Sir Austin is no longer here in the office.” Sagot niya sa telepono habang ang lalaki ay abalang – abala sa pagsenyas sa kaniya. Ikalawang tawag na iyon ng dalaga at gaya ng una ay siya lang din ang sumagot noon.

Si Bettina ay kinakapatid ni Austin. Inaanak ito ni Mrs. Perez sa isang kaibigan nitong kasa – kasama sa ballroom dancing. Kung bakit nito iniiwasan ang babae ay tila nahuhulaan na niya. Matapos ibaba ang telepono ay hinarap niya ito.

“Sir, alam kong wala akong pakialam sa mga calls niyo pero kung gusto ninyong magsinungaling ay kayo na lang. May caller id naman ang telepono natin kaya kung si Bettina ang tumatawag ay agad ninyong malalaman.”

Naiinis siya na ginagamit pa siya nito upang magsinungaling. At isa pa, hindi siya gaya ni Elmira na matiyagang sasagutin lahat ng tawag ni Boss Conrad. Para sa kaniya ay masyado ng personal iyon kaya hindi na dapat na sa kaniya pa rin iyon iasa ng amo.

“Just please tell any girl that will call to…”

“I said I don’t want to handle your personal calls sir, do you hear?” Bigla ay nawala na naman ang atmospera ng ‘peace talk’ nila ni Austin. Isang iglap ay tila na naman siya buwitreng handang silain ang kaniyang ‘prey.’

“So you want me to answer all my calls, is that what you are trying to say, Ms. Secretary?” mababa pa rin ang boses ng binata subalit buung – buo iyon na tila ba nagpipigil lamang ng emosyon.

“I was just referring to your personal calls, for Pete’s sake!”

“Bakit ba? What’s the big deal, Europa? Napakasimple ng hinihiling ko. Sasabihin mo lang sa lahat ng babaeng tatawag na wala ako. Ganoon lang!”

Hindi rin niya maunawaan ang sarili. Basta na lamang lumalabas sa bibig ang kaniyang mga sinasabi.

“Pero narito ka nga kasi! Iyon ang nagpakomplikado roon. Ayokong magsinungaling dahil hindi ako sinungaling gaya mo!”

Natahimik si Austin. Basta nakamasid lang ito sa kaniya at may kung ilang sandali rin silang nagtitigan.

“Kung minsan ay mas mabuti na ang magsinungaling kaysa naman pilitin mong magpakatotoo pero may ibang tao ka namang masasaktan.”

Hindi niya agad naunawaan ang sinabi nito. Masyadong malalim iyon at hindi niya maiugnay sa pinagdidiskusyunan nila.

“Dapat mong sabihin ang totoo kahit pa may masaktan. Dahil sa huli, mas masakit ang matuklasan mong kasinungalingan lang pala ang lahat ng pinaniniwalaan mo at inaakala mong totoo.” She replied, pertaining to what happened years back.

Kapwa sila napakislot nang tumunog ang telepono. Si Bettina na naman iyon kaya madali niyang tinakpan ang mouthpiece saka nakipag – usap sa binatang prenteng nakaupo sa swivel chair nito at nakamasid sa kaniya. Bahagya siyang nagtaka nang sumenyas itong sasagutin na nito ang tawag.

“Yes, Bettina…oh sure, no problem. I’m free the whole day!”

She got the message. Ayaw niyang sagutin ang mga personal calls nito kaya ito na ang gumawa noon. Ang suma total, hindi nito kayang iwasan ang mga babaeng kausap at nakagawa ito ng sariling lakad sa loob lamang ng dalawampung segundo!

NATITIYAK NIYANG ilang minuto lang ay lalabas na ng opisina si Austin kasama ang Bettina na susundo rito. Hindi niya ibig makialam pero tawag ng tungkulin kaya napilitan siyang kausapin si Austin habang nag – aayos ito ng mga gamit.

“Going out?”

Tumango ito na pasipol – sipol pa. Ang kumag ay talagang nang – iinis! At tagumpay naman itong inisin siya dahil sa mga sandaling iyon ay totoong sumisiklab na ang pasensiya niya.

“You can’t leave. We still have…”

“That can wait but my date can not. See you tomorrow, Europa!” anito na tumayo na at lumakad palapit sa pinto ng opisina.

“So are you telling me that you’re gonna entertain all the invitations of whosoever that will call and invite you out?! I can’t believe this Mr. Perez! You are impossible!”

“Cool, my Europe…calm down…bakit galit na galit ka na naman? Kaninang nagre- request ako sa’yo to turn down my calls, you refused me. Ngayong ako ang sumagot at heto ang resulta, galit ka pa rin…will you please be honest at least for a day, Europa…nagseselos ka ba?”

Hindi siya agad nakahuma pero sa huling hibla ng kaniyang pasensiya ay naisip pa rin niya ang plano nilang magkakaibigan.

“Bakit naman ako magseselos? Boyfriend ba kita, Sir?” may diin sa mga huling katagang binitawan niya. The man twitched his lips for a grin.

“I may not be your boyfriend but… I know you love me…”

Natawa siya nang pagak sa sinabi nito. Ganoon ba siya…ka-transparent?

“Ang kapal naman ng facebook mo! What makes you think that I love…you?” her voice faltered and the man laughed even more. Monster!

“I love you too, my Europe…I love you too…” kapwa sila natahimik sa huling sinabi nito.

Ang mga kamay nito ay nakatukod sa mesa niya at siya naman ay nakatingala rito. Bumilang din ng ilang sandali ang magnetong hatid ng titigan nilang iyon pero sa huli ay natauhan din siya.

“Sanity check, Mr. Perez…I think I need to look for the best psychiatrist in town to wake you up…”

He didn’t move and just kept on standing there while intently staring at her.

“If I were you, I would rather check my heart, sweetie… I know you still love me and there’s actually no reason to deny it…”

“In your dreams…I’m sorry to disappoint you but I’ve got a new boyfriend now…”

Tumayo ito nang tuwid at pinagsalikop ang mga braso sa matipuno nitong dibdib. He heaved a sigh and she was frozen for seconds. That was the sexiest sigh she has ever witnessed!

“Really? Try to convince me, my sweet. Name your dummy boyfriend now.” Nakangisi na naman ito na tila ba siguradong – sigurado sa mga iniisip at sinasabi nito.

“He’s not a dummy boyfriend, how dare you! His name is…Shai…Shann Dorantes.” She silently thanked God for her wit. Mabuti na lamang at agad siyang nakapag – isip.

“Oh, really? The one with limo in Conrad’s birthday party?” amusement was in his face.

Hindi siya agad nakasagot. Hindi naman niya alam na existing pala ang pangalan na naisipan niyang gamitin. Kaya pala madali niya iyong naisip – dahil pamilyar na sa kaniya ang pangalang iyon!

“That’s good. He’s quite a loner; I know him for being a good man though.”

Nakahinga siya nang maluwag sa sinabi nito.

“I’ll talk to him tonight. By the way, Bettina’s his cousin. Oh, I’m sure, you know that. See you later, Europa. Have a nice day!”

Muntik na siyang mahimatay sa narinig na huling sinabi nito. Awang ang mga labi at bagsak ang mga balikat na napaupo na lang siya.
read more...

All I Need by Erin - Chapter 5

(Blue)






”Kuya Will ano bang gagawin natin sa ilog? Akala ko ba manonood tayo ng sine?” ani Ikay. Hinihingal na siya. Malayo at pataas pa ngayon ang nilalakad nila bago sila makarating sa paboritong lugar ng lalaking kanina pa siya akay sa paglalakad. ”Wala ka sigurong pera ano? Ang lakas ng loob mong magyaya wala ka naman pala pera.”

”Meron akong pera, kaya lang naisip ko manonood naman tayo ng mga barkada sa Sunday at same movie din naman ang panonoorin natin so bakit pa tayo manonood? Mas masarap d’on sa ilog. Presko ang hangin at naisip ko rin na makakatulong din ang lugar na ’yon para makapag-isip ka ng bago mong kwento.”mahabang paliwanag nito. Hindi man lang ito hinihingal sa paglalakad.

”Eh aantukin lang ako d’on eh. Teka muna, hinihingal na ko eh. Stop muna tayo.” Kumalas siya sa hawak nito at naupo sa batuhan. ”Ayoko talaga ng malayong lakarin.”

”Ang taba mo kasi kaya madali kang hingalin.”nangingiti nitong sabi. Nagbukas ng basket at kinuha ang boteng may laman na tubig. Binuksan bago ibinigay sa kaniya. ”Uminom ka muna.”

”Salamat ah.” nakairap niyang sabi. Bago uminom.

”Sungit!” natatawang kinuha agad ang bote ng mangalahati iyon. ”Akin na ’to. Mawawalan na tayo ng tubig mamaya niyan eh.”

”Kuya Will, nauuhaw pa ’ko.”

”Halika na. Mamaya kana ulit uminom pagdating natin sa ilog.” hinila na siya nito patayo.

”Wow!”bulalas niya. Kitang-kita niya ang pagdaloy ng waterfalls mula sa itaas hanggang sa ibaba. Parang gusto niyang maligo. May mga halamang nakapalibot sa mga batuhan at tila sinadya ang mga pinagdikit-dikit na bato para gawin daan sa kabila. Hinipo niya ang halaman na makahiya at parang si Erin na biglang tumiklop ang mga dahon dahil sa hiya. Napahagikgik siya. Maganda pala talaga ang lugar na ito.”Ang ganda dito Kuya Will. Pa’no mo nalaman ang lugar na ito?”

Naupo sa blanket na inilapag sa batuhan si Will bago sumagot.”Maliit pa lang ako alam ko na ang lugar na ito. Aksidente kong nalaman na may ilog pala nung minsan naligaw ako sa may La Trinidad. Pwede ka nang dumaan dito paakyat sa mga batuhan na ‘yon sa kabila papunta sa La Trinidad.” Itinuro nito ang kabilang daan na may paakyat sa gubat na papunta sa subdivision. “Kaya lang eh medyo delikado na dumaan dahil sa matatalim na bato. Dito rin ako sinagot dati ni Cathy. Doon sa ilalim ng waterfalls.” mahabang paliwanag nito. Inilabas ang kakainin nila.

Napasimangot siya. ”Hindi ko tinatanong ang Cathy mo.” inirapan niya ito bago naupo sa blanket. ”Ano bang mga dala mong pagkain? Nagugutom na ’ko eh.” tumingin sa loob ng basket.

”Kakakain mo palang gutom ka na agad.” natatawang sabi nito.

”Ang haba kaya ng nilakad natin?” kinuha sa basket ang apple bago kinagatan. ”Yummy!”

Natatawa lang si Will sa kaniya. Hinayaan lang siyang kainin ang apple.

”Kuya Will, kamusta na nga pala kayo ni Cathy? Hindi ba dapat nakauwi na siya galing japan?” wala siyang maikwento ngayon dito kaya nagtanong na lamang siya. Gusto rin naman niya malaman kung ano na ba ang nangyari sa girlfriend nito na nagpunta ng japan para doon magtrabaho.

”Hindi ko alam. Pero ang sabi niya ay uuwi siya. Ang huling pag-uusap namin ay nung nakaraang buwan pa.”

”Ang hirap siguro malayo ka sa minamahal mo ’no? I mean, hindi mo ba siya namimiss Kuya Will?”

Hindi kumibo si Will. Kinuha niya ang plato ni Ikay at nilagyan ng mga prutas. Nami-miss nga ba niya si Cathy? Simula ng umalis ito hindi man lang siya nakaramdam ng lungkot. Masaya siya kahit na wala ito sa tabi niya. At alam naman niya ang dahilan kung bakit hindi siya nalulungkot. Tumingin siya kay Ikay na kumakain ng manggang may bagoong.

”Kuya Will kain ka na.”Yaya nito bago siya binigyan ng mangga sa plato nito. ”Ang sarap talaga nito.”

Tumango lamang siya. Hindi niya gustong ialis ang paningin sa dalagita.

”Kuya Will, naalala mo ba yung una tayong nagkakilala nina Bossing?”

Nakangiti siyang tumango. Hindi niya malilimutan iyon. Iyon ang araw na nagbago siya dahil nakilala niya ito.

”Nakakatawa kasi ako lang yung babae d’on sa guidance office. Tapos tatlo kayong nakaupo kaharap ko na parang mga three stoogies. Kulang na lang magbatukan kayo d’on.”

”Ang sungit mo nga n’on nang-aamba ka pa ng suntok.”

Nagkatawanan sila. ”Seriously Kuya Will, bakit kayo napa-guidance n’on?”

”Dahil iyon kay Cathy. Nakipag-away ako dahil sa dati niyang karelasyon. Hindi na kasi gusto pa ni Cathy d’on sa lalaking iyon kaya hiniwalayan niya. Kaya lang ay ayaw pumayag nung lalaki kahit na girlfriend ko na si Cathy kaya ayun…sumugod naman sina Reed kaya tatlo kami nina Reed at Arciaga na napa-guidance.”

”Eh pa’no yung lalaking nanghamon sa inyo ng away?”

Nagkibit balikat siya.”Hindi siya napasama dahil kamag-anak siya ng mayor natin kaya malakas siya sa school.”

”That’s unfair!” sigaw nito. Hinawi nito ang buhok na tumatabing sa mukha dahil sa lakas ng hangin.

”Kaya nga nagtayo ng org si Reed dahil gusto niyang ipaglaban ang karapatan niya bilang estudyante sa school.”

”Dapat lang.” Sang-ayon ng dalagita. Napayakap siya sa mga braso niya. Bigla yatang lumamig.”Kuya Will, patabi ako. Nilalamig ako eh.”

Tumayo siya at naupo sa tabi nito. Ikinawit ang isang braso sa kaliwang braso nito. Hindi na nakatanggi si Will. Gusto rin naman nito iyon.

Inihilig ni Ikay ang ulo sa balikat ni Will bago ipinikit ang mga mata. Panatag siya kapag ito ang kasama niya. Hindi siya nakakaramdam man lang ng kahit na anong lungkot kapag kasama niya ito.

”Kuya Will salamat.”

”Saan?”mahina halos bulong nitong tanong.

”Sa lahat ng ginagawa mo para sa akin. Alam ko minsan nagsasawa ka na sa kakaintindi sa akin. Pero huwag mo kong iiwan ha? kasi hindi ko kaya kung mawawala ka sa akin, Kuya Will. Sana ikaw na lang ang totoong kuya ko at sana kayong dalawa na lang ni Erin ang naging kapatid ko.”

Nagbuntong hininga si Will. Hindi naman siya sang-ayon d’on. Hindi siya pwedeng maging kapatid nito. meron bang kapatid na gustong hagkan ang mga labi nito?

”Kuya Will, mahal ko talaga si Marc. Hindi ko na kayang itago pa ang nararamdaman ko sa kaniya. Gustong-gusto ko ng sabihin sa kaniya at kay Erin ang nararamdaman ko. Ayokong saktan si Erin. Anong gagawin ko?” nagpahid ng luhang umalpas sa mga mata.

”Tutulungan kitang makalimutan mo si Marc sa kahit na anong paraan okay? so wag ka ng umiyak. Nagiging madrama ang date natin eh.” natatawa niyang biro dito bago ginusot ang buhok nito.

Tinabig nito ang kamay niya at kinurot siya sa braso. Akma niya itong yayakapin ng tumayo ito at tumakbo paiwas sa kaniya. Nang malayo na sa kaniya ay humarap ito.

“Tayaan tayo Kuya Will! Ang matalo manlilibre ng ice cream!” sigaw nito sa kaniya.

Humagalpak siya ng tawa. Sabay tayo at hinabol ang dalagitang mabilis na tumatakbo papunta sa sa may waterfalls.
read more...

A Night to Remember - Chapter 8

(Pangarap_ko)



Matuling lumipas ang mga taon ngayon ngayon ay tatlong taon na ang kanyang kambal na magkamukhang magkamukha at habang lumalaki ang mga ito ay lalong nakakamukha ni Tyler ang kanyang si Tyler na mula ng may mangyari sa kanila ay wala na siyang narinig pang balita mula dito.

Si Natasha ay lumalaking napakaganda at napakatalino masayahin itong bata at napakadaldal habang si Nathaniel naman ay lumalaki ring super guwapo at matalino kabaliktaran ni Natasha madalang magsalita si Nathaniel at nangi-ngilala ito hindi basta basta nakikipagusap kung kanino mahilig din itong maglaro magisa at kamukhang kamukha ng ama.

Ang nakuha lang sa kanya ng mga ito ay mga mata niyang mabibilog at ang kulutan niyang buhok halos lahat ay kay Tyler na.

“Mommy can we go to school na?” ang tanong ni Natasha na bagamat tatlong taon pa lang ay magaling ng magsalita ang kanyang kambal.

“But your not four years old yet baby” ang sabi niya naman sa anak habang kumakain sila ng gabihan

“But me and Nathan want to go school na talaga mommy” ang sabi pa nito

“Natasha diba si Mommy naman ang teacher ninyo ? Don’t you want me to teach you anymore?” mula ng magidad kasi ang mga ito ng dalawang taon ay tinuturuan na niya ang mga anak ng mga itinuturo sa nursery dalawang taon pa lang ang mga kambal ay marunong na silang bumilang at mag abc

“Kasi gusto daw ni Natasha mommy ng mga kalarong kids” ang sabi naman ni Nathaniel

“Why may mga friends naman kayo ditto diba?” ang masuyo niyang tanong sa mga ito

“We don’t like them mommy kasi there mean” ang sumbong ni Natasha na sinangayunan ni Nathaniel sa pamamagitan ng pagtango

“Don’t say that baby their not mean” ang saway niya sa anak

“Lagi nila kaming tinutukso ang sabi nila mga bata raw kaming walang daddy” ang naiiyak na sabi nito sa kanya

“That’s not true baby may daddy kayo nagwowork lang” ang sabi na lang niya sa mga anak

“Then why don’t he visit us mommy? Ayaw niya ba sa amin?” ang inosente nitong tanong

“Ofcourse not sweetheart daddy love you both very much” ang naiiyak na rin niyang sagot sa mga ito dahil naaawa siya sa mga anak

“How about you Nathan do you want to go school na?” ang pagiiba niya ng usapan para di mahalata ng mga ito ang lungkot

“Yes mommy but its ok if you don’t want yet” ang mahina nitong sagot sa kanya

“He wants mommy sabi nga niya sa akin gusto daw niya ng may kalarong ibang kids” ang pilyang sagot ni Natasha na nalimutan na ang kalungkutan dahil sa wala itong tatay.

“Ok sige sa pasukan ienroll ko kayo ok?” pangako niya sa mga anak

“Talaga mommy? Yeheyyyyyyyyy ang bait talaga ng mommy” at hinalikan pa siya ng sabay ng kambal.

Ang kanyang kambal ang kanyang kaligayahan kaya kung kaya din lang niyang ibigay ang lahat ng gusto ng mga ito ay gagawin niya basta mapasaya niya lang ang mga anak dahil ang mga ito lang ang kanyang ala-ala mula sa nagiisang lalaking minahal niya ngunit isang bagay lang ang di niya kayang ibigay sa mga ito yon ang mismong ama ng mga ito.

Maaga siyang nagising dahil pupunta siya ng manila para dalhin ang kanyang nobela dahil malapit na ang bayaran niya ng bahay at nangako din siya sa kambal na isasama niya ang mga ito.

Dahil ngayon din ang araw ng kanyang birthday 22 years old na siya at gusto niyang ipagdiwang ito kasama ang kanyang kambal.

Nagsalang muna siya ng tubig saka Nagpunta sa banyo pagkatapos maligo ay ginising si Alicia para makaligo na rin ito saka niya ipinirito ang hotdog at itlog pagkaluto ay isinangag na niya ang kanin.

Pagkaluto ng almusal ay tinimplahan niya ng gatas si Natasha at chocolate kay Nathan saka niya ginising ang mga ito at sabay sabay na silang nagalmusal.

“Morning” bati ni Ayessa kay Mildred isa ring writer sa publication na pinapasahan niya ng nobela.

“Morning! Oh wow who are this cute little angel?” ang nakangiti nitong tanong na nakatingin sa kanyang mga anal

“My twins, this is Nathaniel and this is Natasha and this is Alicia tinutulungan niya ako sa kambal” ang pakilala niya

“Ang lalaki na pala ng anak mo Ayessa at ang gwapo at ganda hehe naingit tuloy ako” ang sabi nito na pinanggigilan pa ang kanyang kambal.

“Can I borrow them ilibot ko sila rito” hinging permiso nito

“Sure punta rin ako kay Madam! Kids behave ok? Alicia ikaw na bahala” saka siya pumasok sa office at dinala ang kanyang manuscript

Pagkatapos nila sa Publication house ay dumiretso sila sa Jolibee at nagmeryenda pagkatapos nagyaya ang kanyang mga anak sa zoo at dahil di pa sila nakakapunta roon ay dinala niya ang mga ito pagkatapos sa Zoo ay nagpunta naman sila sa mall para manuod ng sine habang kumukuha siya ng ticket iniwan niya na muna ang mga it okay Alicia.

“Im sorry Ma’am” ang sabi ni Nathaniel sa babaeng natamaan nito.

“Oh! Honey tignan mo hindi ba kahawig niya ang mga anak natin noong bata pa ang mga ito” ang sabi ng magandang babae na bagamat may idad na ay napakaganda pa rin nito.

“Oo nga Honey parang pinagbiyak na bunga” ang sabi naman ng guwapong lalaki na kahit medyo may idad na ay di maikakailang napakaguwapo

“Kuya ok ka lang? Ma’am im sorry din po di namin kayo napansin did you get hurt po ba?” ang inusenteng tanong ni Natasha sa babae

“Oh dear” ang di makapaniwalang sabi ng babae dahil katulad ng batang lalake ay kamukhang kamukha din nito ang kanyang anak

“She’s ok sweetheart nothing to worry” ang sabi ng lalaki

“Nat, Nathan whats going on?” ang tanong ni Ayessa ng makalapit siya sa mga anak na mukhang namumutla habang nagsosory sa magasawa

“We didn’t mean it mommy natamaan siya ni Kuya and she almost fell but we really didn’t mean it nagplay lang kami” ang mangiyak ngiyak na sabi ni Natasha

“I understand baby did you guys say sorry?” tanong nya sa mga anak

“Yes mommy” ang sabay na sagot ng mga ito sa kanya na bahagya pang nagtago sa kanyang gilid.

“Im so sorry Ma’am and Sir are you ok?” ang tanong niya sa magasawa na parang natitilihan

“Your kids?” bagkus ay tanong nito na hindi naman siya tinignan dahil abalang-abala ang mga ito sa kakatitig sa kanyang mga anak.

“Yes Ma’am, are you ok?” tanong niya ulit dahil nakatitig lang ang magasawa sa kanyang mga anak at para pa ngang hindi makapaniwala sa nakikita.

“Yes iha we are ok hindi naman ako nasaktan but my! Your kids remind me of my son’s noong kasing idad nila ang mga ito” ang sagot ng ginang na nakangiti na ngayon sa kanya

“Oh ic” yun na lang ang nabanggit niya di niya maintindihan kung bakit biglang tumibok ng malakas ang kanyang puso sa sinabi ng babae

“Mommy lets go na po baka hindi na natin maabutan ang movie” ang nababagot na yaya sa kanya ni Natasha

“We have to go now Ma’am and Sir again im sorry” ang nasabi na lang niya at iniwanan ng ngiti ang magasawang hanggang makapasok sila ay pinakatitigan pa rin ang kanyang mga anak.

“Ma, Pa what are you guys looking at?” ang tanong ng bagong dating sa magasawa

“Oh Tyler where have you been bakit ang tagal mo Hindi mo tuloy nakita ang mga bata dito kanina” ang sabi ng mama niya

“Kids? Who’s kids?” ang naguguluhang tanong Ni Tyler sa kanyang ina

“There’s Twin kids juts here awhile ago and beat me Iho they does look like you and your brother when you where kids” ang sabi naman ng kanyang ama

“Oh please Pa don’t tell me na ganyan na kayo kasabik ni Mama sa apo at lahat ng bata ay naiimagine ninyong kamukha namin ni Tyron” ang natatawang sabi ni Tyler sa kanyang mga magulang

“We better get going come on” ang yaya niya pa sa magulang na nagkibit balikat na lang at sumunod na sa kanya

Gabi Na ng makauwi sila ayessa sa kanilang bahay at dahil sa mahabang biyahe ay maagang nagsipagtulog ang kanyang mga anak habang siya ay nagiisip kung bakit ganon na lang kung tignan ng magasawa ang kanyang mga anak na akala mo ay talagang matagal na nilang kakilala

“Hindi kaya yun ang parents ni Tyler” sabi niya sa sarili “no it cant be” sabi naman ng ibang parte nito kaya imbes na masira ang ulo niya sa kakaisip ay minabuti na lang din niyang matulog.

Kinabukasan ay maaga siyang nagising at naligo dahil pupunta siya sa palengke para mamili ng supply nila sa bahay.

Nag-grocery muna siya bago pumunta sa wet market at bumili ng isda para sa bulang-lang na plano niyang lutuin pagkatapos ay bumili na rin siya ng palabok sa karindiria dahil paborito itong almusal ng kanyang dalawang anak pagkabili niya ay dumiretso na siya ng uwi.

“Morning my babies” ang bati niya sa dalawang anak niyang nakaupo sa may hagdan at mukhang hinihintay talaga siya.

“Mommy kanina pa kami hungry” ang sabi ni Natasha na mula noon ay talagang mainipin na

“Im here now so lets go to kitchen kasi masarap ang almusal paborito ninyo” ang sabi niya at Dali daling nagsipagsunuran sa kanya ang kanyang kambal

Nang ilagay niya sa lamesa ang palabok ay tuwang tuwa ang mga ito at di na magawang hintayin ang inuming gatas at chocolate na ginagawa niya.

Pagkatapos mag-almusal ay nagpaalam ang mga itong maglalaro

“Just stay here inside ok? Wag kayo pupunta sa kalsada” ang bilin pa niya sa kanyang anak dahil walang bantay ang mga ito ngayon dahil nasa school si Alicia.

Habang naglalaro ang kanyang mga anak ay sinamantala naman niya yun para mag-linis ng bahay at magpalit ng mga punda at bedsheet dahil bukas ay darating na ang taga-laba ng kanilang mga damit.

Nang matapos linisin ang kuwarto ng mga bata isinunod niya ang kanya at ng matapos lilinisin na sana niya ang kanilang banyo ng bigla niyang marinig ang malakas na pag preno at sigaw ng bata dali dali siyang bumaba ng bahay

“Natashaaaaaaaaa omg Natasha” ang malakas niyang sigaw dahil nakita niyang nakahandusay ang kanyang si Natasha

“Natasha baby wake up pls wake up baby” ang umiiyak niyang sabi ng malapitan niya ang kanyang anak na nakahiga at punong puno ng dugo.

“Mommyyyyy” ang sabi nito bago nawalan ng Malay sa kanyang kamay
.
“Dalhin na natin siya agad sa hospital” ang sabi ng boses Na pamilyar sa kanya at ng lingunin nya ay si Tyler nga

“Ayessa akina ang bata bilisan natin baka kung mapano na siya” ang sabi nito sabay kuha kay Natasha sa kanyang kamay dali dali niyang binuhat si Nathaniel at ng makasakay na sila ay pinasibat na nito ang sasakyan hanggang makarating sila sa malapit na pagamutan.

Agad inasikaso si Natasha sa pagamutang pinagdalhan nila dito hindi nga lang isa ang doctor na tumitingin dito kundi dalawa pero hindi pa rin niya mapigil ang sobrang takot na nararamdaman para sa kaligtasan ng kanyang anak.

“Mommy is she going to die?” ang tanong ni Nathaniel na umiiyak habang yakap niya

“ No baby no don’t say that your sister will live ok? She wont die I promise” at lalo niyang hinigpitan ang pagkayakap sa kanyang anak na lalaki.

Naramdaman na lang ni Ayessa ang malapad na dibdib ni Tyler sa kanya at ng tignan niya ito niyakap ns siya nito ng mahigpit at doon siya umiyak sa mga bisig nito kung di pa nagreklamo si Nathan na di na makahinga ay di pa siya nito bibitawan sa pagkakayakap.

“I will get something to drink Ayessa do you like anything?” tanong nito sa kanya

“Just water thank you” ang di nakatingin na sabi niya dito

“How about you kiddo?” ang tanong nito kay Nathaniel na tumigil na sa pagiyak pero nakayakap pa rin sa kanya.

“Chocolate milk” ang mahina nitong sabi

“Do you want to come with me?” ang malumanay nitong tanong kay Nathaniel at tumingin naman sa kanya si Nathaniel naparang nagtatanong kung puwede siyang sumama

“Go ahead baby” at binigyan niya ito ng mabining halik sa noo at lumakad na ito palapit kay Tyler at kinarga naman nito ang kanyang anak.

Pagalis ng mga ito ay lumapit sa kanya ang driver na nakasagasa sa kanyang anak at kitang-kita niya ang sobrang takot na nakarehistro sa mukha nito.

“ Im so sorry po Ma’am hindi ko po talaga sinasadya di ko po namalayan na may tumatawid na bata” ang sabi nito na halatadong sising-sisi at takot na takot.

“Di ako galit sayo pero ipagdasal mong walang mangyaring masama sa anak ko dahil di ko alam Kung anong gagawin ko sila lang ang pamilya ko” ang umiiyak niyang sabi dito.

“Im really sorry po patawarin ninyo po ako” ang nakayuko nitong sabi sa kanya.

May sasabihin pa Sana siya ng bigla na lang lumabas ang doctor mula sa operating room

“Sino po ang pamilya ng pasyente ” ang tanong ng doctor ni Natasha dahil nakatingin sa doctor ay di niya namalayan na nakabalik na sila Tyler

“Ako po ang nanay” ang sabi niya sa doctor

“Misis kailangan po natin siyang salinan ng dugo but we don’t have any stock of her blood type.” Ang sabi ng doctor sa kanya

“I will donate my blood im her mother im sure it will match” ang sabi niya

“Ok Misis we will test it now come with me” ang sabi ng Nurse kaya sumama siya dito naiwan si Nathaniel kay Tyler

“Im sorry misis pero di po kayo magka blood type” ang sabi ng nurse na ikalumo niya

“How can that be possible im her mother omg my daughter” ang naghihisterya niyang sabi

“Im sorry misis pero we will keep trying to find the blood just calm down ok?” ang mahinahon nitong sabi at bahagya pang idinantay ang mga kamay nito sa kanyang balikat dahil nararamdaman siguro nito ang sakit na nararamdaman ng isang inang tulad niya.

Nanlulumo siyang bumalik sa mga kasama na naghihintay sa kanya sa harapan ng Emergency room.

“What happen?” ang salubong sa kanya ni Tyler habang hawak si Nathaniel.

“Magkaiba daw kami ng blood type” at umiyak pa siyang lalo niyakap siya nito

“I will try mine wait for me ok?” saka siya nito binitiwan at nagpa test ng dugo sumama na rin ang driver na nakabungo sa anak niya para magpatest na rin.

Pagkalipas ng ilang minute ay sinabi sa kanya ng nurse na may magdodonate na raw ng dugo dahil nagmatch daw ang dugo ni Tyler napausal na lang siya ng pasasalamat.

Makalipas ang ilang oras ay lumabas ang doctor at dali-dali niya itong nilapitan para malaman ang kalagayan ng kanyang Anak at ni Tyler.

“Your daughter seems fine now di naman grabe ang kanyang tinamong pinsala, nagdugo lang ng sobra ang natamo niyang sugat dahil tumama ito sa nerves kaya kinailangan siyang salinan ng dugo but other than that nothing serious so you can relax now she is safe now.”

“Can I see her doc?” Ang Nanginginig pa rin niyang tanong dito dahil sa pinaghalo-halong emosyon dahil sa wakas ay ligtas na ang kanyang anak sa kapahamakan.

At ng tumango ang doctor ay Dali dali silang pumasok ni Nathaniel at nakita nila na nakahiga at natutulog si Natasha at sa kabilang kama naman ay nakahiga si Tyler at nagpapahinga hinalikan niya sa noo ang kanyang anak at lumapit din kay Tyler na nakatingin sa kanya.

“Thank you so much di ko alam ang gagawin ko kung may mangyaring masama sa anak ko” ang sabi niya at ginawaran ng halik sa noo si Tyler bilang pasasalamat.

“ Its ok you don’t have to thank me im glad to help” ang sabi nito at ngumiti sa kanya bago pumikit dahil sa nanghihina pa ito dahil marami-raming dugo rin ang kinuha rito para isalin kay Natasha.

Pumunta sila sa front desk at kumuha ng kuwarto para makapagpahinga ng maayos ang kanyang anak pati na rin si Tyler pagbalik niya ay inilipat na ang dalawang natutulog sa silid na kinuha niya para sa mga ito.

Umuwi muna siya para kumuha ng gamit ng anak at ipagbilin si Nathaniel kila Nanay Tinay dahil di ito puwedeng magtagal sa ospital.

Pagkaligo ay bumalik agad siya sa ospital at nagdala ng pagkain at gamit pagpasok niya nakita niyang payapang natutulog si Tyler at Natasha inilapag niya ang mga dala at hinalikan sa noo si Natasha at lumapit din siya kay Tyler

“Tyler?” ang tawag niya dito tinitignan kung gising na ba ito dahil nagdala siya nang pagkain para makabawi agad ito ng lakas.

Nang walang sumagot ay lumapit siya at tinitigan ito wala pa ring nagbago napakaguwapo pa rin nito at parang bagyo pa rin ang presensiya kung dati ay malaki na ang katawan nito ay mas lalo pa ata iyong lumapad at mas lalo itong naging makisig dahil nag mature na ang dating boyish nitong dating.

Napadako ang kanyang tingin sa mga labi nito na pagka-pula pula tuloy ay para siyang naakit na halikan ito at ng di mapigilan ang sarili ay unti unti niyang inilapit ang mukha dito at sa isip ay sinasabing saglit lang at ng malapit na ay biglang dumilat si Tyler na ikinagulat niya kaya para siyang napaso na napaatras.

“ Oh hey gi-gii sing ka na pala?”Ang nagkantautal niyang sabi dahil huling huli siya ni Tyler na magnanakaw ng halik dito kung hindit ito dumilat.

“ Hi what are you doing? “ ang sabi nito at ng lalayo sana siya ay ikinawit nito ang mga braso sa kanyang likuran kaya magkadikit na halos ang kanilang mga mukha at naamoy niya ang suwabe nitong amoy at ang napakabango nitong hininga kahit bagong gising

“ Hhmm Tyler baka may makakita” ang sabi niya na pilit kumakawala sa pagkakayakap nito hindi lang dahil sa natatakot siyang may makakita sa kanila kundi dahil natatakot siyang hindi mapigil ang kanyang sarili at tuluyang angkinin ang mga mapupula nitong labi na malapit na malapit sa kanya.

“ Its ok kahit Makita nila tayo wala pa naman tayong ginagawa diba?” ang nanunukso nitong sagot sa kanya na lalo lang ikinapula ng kanyang makinis na pisngi.

“ Hmmm Ayessa napakaganda mo parin at napakabango basta malapit kang ganito ay di ko mapigil ang sarili ko” ang bulong ni Tyler at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya ngayon ay halos nakahiga na siya sa dibdib nito at iilang hibla na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha.

“ Tyler what are you doing?” ang natataranta niyang sagot dahil naiilang siya sa mga titig nito at ng akmang hahalikan na siya nito ay bigla naman bumukas ang pinto kaya itinulak niya ang dibdib ni Tyler at mukhang napalakas dahil napadaing ito kaya natataranta niyang nilapitan ulit ito at hinimas ang nasaktang dibdib.

“ I see that you are feeling better now I guess women are really good medicine” ang tudyo ng doctor kay Tyler na lalong ikinapula ng kanyang mga mukha dahil sa hayagang panunukso ng bagong dating sa kanila.

“If you didn’t enter right away I will be much better!” birung totoo ni Tyler kaya pinanlakihan niya ito ng mga mata na lalo lang ikinatuwa ng dalawang lalaki.

Pagkatapos I check ang kalagayan ni Natasha at makitang ok na ok na ito ay lumabas din agad ang doctor.

“Ayessa why did you left after that night? Ni hindi mo ako hinintay magising” ang sabi ni Tyler sa kanya na ikinalito niya dahil di niya alam kung sasabihin ba niya ang totoong dahilan or magsisinungalin sa huli pinili nalang niyang wag magsalita.

“Ayessa im asking you?” ang pangungulit pa nito

“Tyler pls lets not talk about the past its just a one night stand” ang sabi niya dito kahit hindi naman iyon ang gusto niyang sabihin halos batukan pa nga niya ang kanyang sarili dahil hindi siya makapaniwalang sinabi niya ang salitang iyon.

“Just a one night stand?” ang sabi nito sabay upo na marahil ay ikinabigla ng katawan nito kaya bigla itong napahawak sa ulo at napadaing.

“Tyler are you ok?” ang nagaalala niyang lapit dito at hinawakan ang mga kamay nitong nakahawak sa ulo nito.

“Anong masakit Tyler tell me? Gusto mo bang tawagin Ko si Doc? ” ang di magkandatuto niyang sabi habang hinahawakan ang ulo nito.

Hinawakan ni Tyler ang kamay niyang nakahawak sa ulo nito at hinigot siya dahil nabigla ay bumagsak siya sa kangungan nito

“Ayessa” ang halos pabulong na sabi nito at nakita niya ang mga mata nito na punung puno ng damdamin.

“Tyler” ang masuyo niyang sabi dito dahil malapit na malapit na naman ang kanilang mga mukha at naiilang siya sa paraan ng pagkakatitig nito sa buo niyang mukha.

At namalayan na lang niyang magkalapat na pala ang mga labi nila na matagal ding panahon na nauhaw sa isat isa

“Oh Ayessa I miss you so much God know’s how much I miss you” ang bulong nito.

Habang panay pa rin ang halik sa kanya tama ba ang naririnig niya namiss daw siya ni Tyler “ I miss you too Tyler so much” sigaw ng isip niya habang tuloy pa rin sila sa halikan na habang tumatagal ay lalong nagiging mapaghanap at lalong lumalalim, hihinto lang sila para kumuha ng hangin at balik na naman sila sa kanilang halikan hanggang maramdaman na lang niyang ang kamay ni Tyler ay nasa ibabaw na ng dibdib niya at parang bigla niyang naalala na baka may asawa na pala ito dahil doon ay parang binuhusan ng tubig ang apoy na nagsisimula ng magdingas

“Ayessa whats wrong?” ang naguguluhang tanong nito dahil bigla na lang niya itong itinulak palayo sa kanya

“This is wrong Tyler” Ang sabi niya dito na lumayo papunta sa higaan ng anak niya. Mahabang sandali ang lumipas namalayan na lang niyang tumatayo na si Tyler at naghahanda nang umalis.

“I will leave you for awhile Ayessa but I will be back ok?” ang sabi nito at di na hinintay ang kanyang sagot at lumabas na agad ito

“Oh Tyler why I need to see you again Kung kalian pilit kong kinakalimutan ka” ang sabi niya sa sarili at lihim na lumuha.

“Mommy, Mommy “ ang gising ni Natasha sa kanya

“Hmmm Anak oh baby are you ok?im glad you are awake is there Something hurting?” ang sunod sunod niyang sabi na ikina ngiti ng kanyang anak

“Im ok Mommy I just want water” ang sabi nito sa kanya kaya dali dali siyang kumuha ng tubig at pinainom ito

“Are you hungry baby?” ang tanong niya rito habang hinihimas ang buhok nito

“No Mommy, im sorry mommy” ang sabi nito

“Hey why you’re saying sorry baby?”

“Bec I didn’t listen,,, You told us not to go outside pero lumabas parin ako nasagasaan tuloy ako” ang mangiyak ngiyak nitong sabi

“Hey hush now baby don’t worry about that ok? Mommy’s not mad I promise” sabay halik sa magkabilang pisngi ng anak niya

“Mommy you know what I have a dream” ang sabi nito

“Really wanna tell mommy kung anong napanaginipan mo?”

“I dream about daddy he was there calling my name telling me I need to be brave kinarga niya pa ako at sinabing he love’s you and he love us” ang sabi nito na ikinabigla niya

“Mommy nasan po ba ang Daddy ko? Is he in heaven?” ang inosente nitong tanong na nagpasakit sa dibdib niya kung puwede nga lang sana niyang sabihin na ang daddy nito ang nagsalin dito nang dugo pero ayaw niyang paasahin ang anak.

“No no baby your daddy is not in heaven he is still here he is alive bec only died go to heaven” ang sabi niya sa kanyang anak na di alam kung pano ipapaliwanag na ang daddy nito ay nasa malapit lang.

“If that’s true bakit we never see him? Doesnt he love us?” ang sabi nito na mukhang iiyak na

“Ofcourse sweetheart daddy love you and Nathan kaso may work si daddy kaya di pa siya nakakauwi pero promise malapit na” ang sabi niya dito na pilit itinatago ang luha na malapit ng tumulo dahil sa awa sa kanyang anak.

“Talaga Mommy? Kasi gusto ko na ng Daddy? Naiingit ako kila tin tin kasi kasama nila ang Daddy nila pati si Kuya naiingit din daw” ang dagdag pa nito na nagpatulo na ng tuluyan sa kanyang luha dahil di niya naisip na darating din ang panahon na maghahanap ng tatay ang kanyang mga anak.

“Oh Tyler I hope the circumstances are different kawawa ang mga anak mo” ang bulong ng isip niya.

“Hey mommy is hungry how about we eat together huh?” Ang sabi niya na pilit pinapasaya ang boses para di makahalata si Natasha sa lungkot na nararamdaman niya dahil kahit 3 yrs old lang ang mga anak niya ay likas na matatalino.

“Ok mommy im sorry for making you sad again” ang sabi nito at binigyan siya ng matunog na halik na lalo lang nagpatulo sa kanyang luha

Knock! Knock! knock

“ Daddyyyyyyyyyyy” ang sigaw ni Natasha na ikinagulat niya kaya nilingon niya ang tinatawag nitong daddy and there he is standing on the door holding a big teadybear

“Mommy nandito na pala ang daddy” ang tuwang tuwa nitong sabi

“Natasha he …….” Di na niya natuloy pa ang sasabihin dahil pumasok na si tyler at hinalikan ang kanyang anak sa pisngi

“Hello baby kumusta na ang pakiramdam mo? I brought you something that will take away any pain” ang masuyo nitong sabi kay Natasha

“Talaga daddy ano po yun?” sabik na tanong nito

“Here” at ibinigay nito ang napakalaking teddy bear na ikinakislap ng mga mata ni Natasha at binigyan ng matunog na halik si Tyler

“Wow look mommy ang laki ng bear na bigay ni daddy” ang tuwang tuwang sabi ni Natasha nakatingin din sa kanya si Tyler

“Yeah baby that’s very pretty pero you need to eat na ok?” at kinuha niya ang teddy bear at inilagay sa tabi nito

“Ok mommy pero gusto ko si Daddy ang magsusubo sa akin ok?” ang pakiusap nito

“ Sure baby ako ang magsusubo sayo but you need to promise to eat lots ok?” ang sabi naman ni Tyler at binuksan ang platic bag na dala nito kanina at inilabas ang mga pagkain binigyan siya nito ng pagkain at sinubuan si Natasha.pagkakain nila ay pinainom ulit ito ng gamot kaya nakatulog na ulit ang kanyang anak.

“Pasensya ka na Tyler huh” ang sabi niya na di makatingin ng diretso dito

“Its ok I enjoy it” ang sabi naman nito

“Ayessa look at me” ang utos nito sa kanya at ng di niya magawang tumingin dito ay ito na ang nagtaas sa kanyang mukha

“Where’s your husband ayessa? Nasan ang father ni natasha?” ang sunod sunod nitong tanong

“I eh na- nasa ib-a-ang bansa” ang nagkautal utal niyang sagot dahil hindi naman siya sanay magsinungaling

“ Hmmm really? Or ako ang tatay nila?” ang sabi nito na di naniniwala sa sinabi niya

“ How can you say that?” ang galit niyang sabi dahil alam niyang nabubuko na siya

“ Then how can you explain the happiness on your daughter face ng makita ako? And she keep calling me daddy” ang sabi nito na pilit tinitignan ang kanyang mga mata

“ Its just bec hindi kilala ng mga anak ko ang daddy nila dahil di pa ito umuuwi mula sa ibang bansa so napagkamalan ka ni Natasha na Daddy nito” ang sabi niya na pilit iniiwas ang mga mata.

“ Really? Then how about her blood type is same as mine”

“ Its probably pure coincidence” ang sabi niya

“ Napaka pambihira namang pagkakataon non,,,how old are the twins Ayessa?” di pa rin sumusukong panggigisa nito sa kanya

“Will you just stop it Tyler bakit ba inaangkin mo ang anak ng may anak” at pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak nito dahil alam niya pag di pa siya nakakawala sa mga hawak nito ay bibigay at aamin na siya.

“I will find the truth Ayessa and I promise you I will make you pay pag nalaman kong itinatago mo sa akin ang katotohanan.” at dali dali siya nitong iniwan

Nanglambot ng todo ang kanyang mga tuhod nang marinig niya ang banta ni Tyler hindi niya kakayanin pag nawala sa kanya ang kanyang mga anak. Lumapit siya sa kanyang anak na natutulog at niyakap ito ng mahigpit na parang sa ganong paraan ay di ito mawawala sa kanya

Lumipas ang mga araw Na di nagpakita si Tyler bagamat na mimiss niya ito ay natatakot siyang isipin na baka tinutuklas na nga nito ang nangyari at bigla na lang kunin sa kanya ang kanyang mga anak.

Si Alicia muna ang nagbabentay kay Natasha dahil kailangan niyang ipapalit ang check na ibinayad sa kanya para sa novela niya tamang tama dahil kailangan niya ng pera para mailabas na niya ang kanyang anak.

Pagkatapos niyang ipapalit ang pera ay bumili lang siya ng ubas at dali daling pumunta sa ospital ng malapit na siya sa kuwarto ng kanyang anak naririnig niya ang matinis na tawa ni Natasha kaya dali dali siyang pumasok para lang magulat dahil nandoon si Tyler kalaro ang kanyang dalawang anak.

“Hi mommy” ang masayang tawag ni Natasha sa kanya ng makita siyang nakatayo sa may pintuan kaya dahan dahan siyang lumapit sa mga ito.

“Hi mommy” ang sabi ni Nathan bago siya nito hinalikan sa pisngi

“Hello Kids, Ty-tyler” ang kinakabahang sabi niya saka siya lumapit at hinalikan si Natasha at Nathan

“Hi Ayessa” ang sabi nito at babalik na sana ulit sa pakikipaglaro sa mga bata

“Daddy bakit di mo kiss si Mommy” ang sabi ni Natasha kay Tyler na ikinalaki ng mata niya

“Gusto sana ni daddy kaso nahihiya siya eh” ang sagot naman ni Tyler sa tanong ng anak

“Mommy gusto ka daw ikiss ni Daddy” ang sabi naman ni Nathan

“Oo nga Mommy kawawa naman ang Daddy matagal ka na niyang di nakikita kaya na miss ka niya” ang sabi pa ulit ng pilyang si
Natasha

“Sige na Daddy payag na si Mommy kasi miss ka na rin niya sabi niya sa amin parati” sabi pa nito ng tumayo si Tyler ay biglang kumabog ang kanyang dibdib nagririgudon ito dahil talagang namiss niya ito sa ilang araw na di ito nagpakita.

“Well the kids want me to kiss you and so do I” ang sabi nito at bigla na lang siyang hinalikan nito dahil pilit pumapasok ang malikot nitong mga dila ay ibinuka na rin niya ang kanyang mga bibig at pinalaya ang kanyang damdamin dahil talaga namang namiss niya ang mga halik na yon

Napadilat siya ng maramdaman niya na wala na palang humahalik sa kanya at nagpapalakpakan na ang kanyang mga anak.

“Yehey ang saya saya ko talaga kuya may daddy at mommy na tayo di na tayo iingitin ng mga bata dahil may daddy na rin tayo” ang tuloy tuloy na sabi ni Natasha na muntik na magpaiyak sa kanya ng tignan niya si tyler nakita niya na nakatingin din ito sa kanya at parang may gustong sabihin.

Nang mag-hapon na iniuwi na ni Tyler si Nathan kasama si Alicia akala niya ay tutuloy na ito ng uwi pero bumalik pa rin ito bigla siyang kinabahan ng pumasok ito.

“Ayessa I need to talk to you” ang madiin nitong sabi sa kanya na punung puno ng awtoridad ang boses.

“We got nothing to talk about” ang sabi naman niya na pilit pinagtatakpan ang kabang nararamdaman.

“Really huh? I want you to tell me who’s the father of the twin” ang sabi nito ulit na mukhang galit na dahil sa patuloy niyang pagiwas sa mga tanong nito.

“ Its not you ok so please leave us alone” patuloy pa rin niyang pagsisinungaling at tinalikuran ito.

“ You really want me to do this to you don’t you……I know im the father nararamdaman ko yon at malakas ang kutob ko ” ang malakas nitong sabi sa kanya na ikinalingon niya dito.

“ NO how many times do you want me to tell you that” ang sagot niya

“ They are 3 years old and 4 months and that’s exactly the date when we make love Ayessa bakit ba ayaw mo pang aminin” ang sabi naghihirap nitong sabi sa kanya.

“ Please stop this Tyler , just stop it hindi ikaw ang ama ng mga anak ko bakit ba pinagpipilitan mo pa rin” ang umiiyak na niyang sagot dito dahil sa awang umaalipin na sa kanyang puso para dito dahil nakikita niya kung paanong naghihirap ang loob nito.

“ Oh shit hush don’t cry” sabi nito yayakapin sana siya pero tumalikod na lang ito at iniwan siyang wala pa ring patid ang pagluha.

Kinabuksan ay pinayagan nang lumabas si Natasha ng magbabayad na siya sa counter ay sinabing binayaran na raw ito ng isang Mr. Fuentabelia.
read more...