SHARE THIS STORY

| More

Aien’s Romance - Chapter 10

(Nadinekyut)




ANG sakit sakit ng katotohana para kay Aien. Hindi niya na alam kung anong iisipin at gagawin. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya ng tadhana. Sa dinami-dami ng lalaking nagkagusto sa kanya, kay Adley pa siya umibig. Nasasaktan lang siya dahil sa pagmamahal niya dito.

Hirap na hirap na siya. Napakatagal na niyang nagtitiis. Ang dami na niyang sinakripisyo. Para sa kakarampot na pagmamahal na naibibigay sa kanya ni Adley, nagawa niyang suwayin ang kanyang ama. Handa siyang ipagpalit ang pamilya niya. Handa siyang tanggapin si Allie. Handa siyang magtiis ng may kahati dito.

Isinuko niya dito ang kanyang pagkababae. Sa lahat ng oras na kailangan siya nito ay lagi siyang nasa tabi nito. Lahat ng bagay na kailangan niyang gawin ay kinakalimutan niya kapag hinihiling nito na makasama siya. Lahat ng bagay na pinapahalagahan niya ay halos makalimutan na niya para dito. Ang trabaho niya, mga kaibigan, pamilya, maging ang sarili niya.

Pinaikot niya ang mundo niya dito. Bumuo siya ng pangarap para sa kanila. Umasa siya, naghintay, nagtiis. Pero nabalewala ang lahat ng iyon. Pawang ilusyon lang ang lahat. Hindi niya ito pag-aari at kailanman ay hindi ito magiging sa kanya.

LINGGO nang araw na iyon. Nang nagdaang gabi ay tinawagan siya ni Adley. Hinihiling nito na makausap siya. Ayaw na ng utak niya pero nagpupunulit pa rin ang puso niya. Ayaw maniwala ng makulit niyang pagmamahal dito na walang pupuntahan ang pagtitiis niya.

Ayaw na niya marinig ang sasabihin nito dahil alam niyang lalo siyang masasaktan. Alam niyang lalo lang siya maaawa sa sarili niya. Pero ano ba ang magagawa niya laban sa puso niya? Masakit man, gusto pa rin niyang umasa. Kahit napakahirap ng sitwasyon nila, gusto pa rin niya manatili sa tabi nito. Nababaliw na nga siguro siya, dahil nasasatan na siya ay ayaw pa rin niya tumigil.

Nasa pad siya nito ngayon. Nang magkita sila sa mall kanina ay niyaya siya nito doon. Wala na siyang lakas para tumanggi. Kailangan na sa pribadong lugar sila mag-usap dahil baka hindi na naman niya mapigilan ang sarili at mapaiyak na naman siya.

Nagpaliwanag ito. Kinuwento nito sa kanya ang nangyari nang araw na iyon. Mula nang gumising ito hanggang sa tawagan siya nito. Wala umano si Dalia sa bahay kaya hindi nito makompronta ang babae. Hindi umuwi si Dalia nang araw na iyon. Alam nilang sinadya ni Dalia ang ginawa nito. Ang hindi nila maintindihan ay paano nalaman ng babae ang tungkol sa plano nila.

Pilit pa rin niyang inunawa ang binata. Binantaan ito ni Dalia kaya nawalan ito ng choice. Nagpakatanga na naman siya nakinig na naman siya dito. Pinatawad na naman niya ito at muling binigay ang sarili dito. Manhid na siya ng mga sandaling iyon. Wala siyang makapang kaligayahan, sakit o galit sa kanyang puso.

Siguro ay naging bato na siya. Siguro ay pagod na ang puso niya na makaramdam ng kahit ano. Alam niyang niloloko niya lang ang sarili niya sa pag-iisip na may mangyayaring maganda sa kinabukasan nila ni Adley. Pero alam niya na wala nang kahihinatnan ang pag-ibig niya para dito.

Pero bakit ganoon? Kahit pilitin niyang magpakamanhid ay hindi niya kaya. Hindi niya kayang pakawalan ito. Kahit wala na siyang nakikitang pag-asa, ayaw pa rin niya talikuran ito. Hindi kayang mawala ito sa kanya. Hindi niya alam kung paano ipagpapatuloy ang buhay niya pag nawala ito. Hindi na niya magagawang magmahan ng kahit sino higit sa pagmamahal niya sa binata.

“GAWIN mo ang gusto niya Adley! Pakasalan mo siya!” galit na wika ng ama ni Adley sa kanya.

Mautak si Dalia dahil ginagamit nito si Allie laban sa kanila ni Aien. Ginagamit nito si Allie para makuha ang gusto nito. Binanta nito na hindi na nito ipakikita o ipahahawak si Allie sa kanila kapag hindi niya pinakasalan ang babae.

Umalis si Dalia sa bahay kasama si Allie. Nag-text lang ito na papayag lamang ito na kilalanin sila ni Allie bilang kapamilya kung pakakasalan niya ang dalaga. Marahil ay naramdaman na nito na nanganganib ang posisyon nito sa buhay niya dahil kay Aien. Bukod pa doon ay nasisiguro niyang may kinalaman ang balita na legal nang ipapasa sa kanya ng kanyang ama ang kumpanya. Pera ang habol nito sa kanila.

Ang mga magulang nito ay kinukunsinti ito. Baka nga ang mga ito pa ang nagbibigay ng ganoong ideya kay Dalia. Malaki ang magagawa ng pagpapakasal niya kay Dalia para sa kumpanya ng mga ito kung saka-sakali. Iyon ay kung pumayag siyang magpakasal dito.

“Hindi ko magagawa iyon dad. Hindi ko pakakasalan si Dalia. Mahal ko si Aien. Siya ang gusto ko pakasalan at makasama habangbuhay. Noon pa man ay alam na ninyo iyan. Hindi magagawa ang gusto ni Dalia!” mariing sagot niya dito.

“Tumigil ka sa kahibangan mo Adley! Pupunta ka ngayon din kay Dalia at pababalikin mo siya dito sa ayaw at sa gusto mo or I will disown you!” Napatayo ang kanyang ama mula sa kinauupuan dahil sa sobrang galit.

Mahal na mahal nito si Allie. Malapit na malapit dito si Allie. Maging sa kanya at malapit ang anak niya at mahal na mahal niya ito. Pero hindi niya alam kung ano ang gagawin.

“Hindi mo maaaring gawin ito sa akin dad!”

Hindi niya gusto pakasalan si Dalia. Sie Aien ang mahal niya. Gusto niya makasama si Allie, pero paano si Aien? Hindi niya kayang saktan ito. Hindi niya kayang iwan ito. Hindi niya kayang mawala si Allie at si Aien sa kanya.

“I can and I will Adley! Binabalaan kita. Makipag-usap ka nang maayos kay Dalia. Pabalikin mo siya dito at magpakasal ka sa kanya!”

“Pero dad, alam n‘yo naman na may iba akong mahal. Please dad, ayokong pakasalan si Dalia.”

“Wala akong pakialam sa mahal mahal na sinasabi mo! Ang gusto ko ay pakasalan mo ang nabuntis mo! Maging responsible ka sa ginawa mo Adley!”

“Pero ayoko dad! Hindi ako papayag sa gusto mo!”

Naupo ang kanyang ama. Nasapo nito ang dibdib nito at mukhang nahihirapan ito huminga. Dinaluhan agad ito ng kanyang ina na kanina pa nakikinig sa kanila malapit sa pinto ng sala. Nanghingi lang ng gamot ang kanyang ama at pagkatapos ay pinaakyat na ito ng kanyang ina sa silid ng mga ito.

“ANAK, sundin mo na lang ang papa mo,” malumanay na wika ng ina ni Adley sa kanya nang magkaharap na sila sa sala.

“I can’t ma. I don’t want to.”

“Anak, isipin mo ang kalagayan ng daddy mo. Isipin mo si Allie. Isipin mo ang kaligayahan ko. Marami kaming naapektuhan anak.”

“Pero paano naman ang kaligayahan ko ma? Paano si Aien?”

“Anak, kaya mo bang iwan si Allie. Kaya mo bang mabuhay ng wala siya sa tabi mo. Magiging masaya ka ba, kahit kasama mo Aien ay alam mo na may iniwan kang anak na hindi mo alam kung ano nang kinahinatnan. We both know that Dalia is not a good mother, and her parents are not good grandparents too. Hindi natin alam kung anong maaaring mangyari kay Allie.”

“But ma, I can’t be with Dalia. Hindi ko kaya. Hindi ko siya kayang mahalin o pakisamahan man lang.”

“Mag-isip ka ng mabuti, Adley. Nag-iisa si Aien. Samantalang tatlo kami ng daddy mo at ni Allie. Hindi ba sapat iyon? Kapag may nangyari sa daddy mo, mapapatawad mo ba ang sarili mo? Ganoon din kay Allie. Siguradong kakayanin ni Aien na mawala ka sa kanya. She’ll recover. She’ll got over it someday. Or at least, she can handle herself. She’s a stong woman. Pero ang tanong, kaya ba ng daddy mo na mawala si Allie? Alam mong mahal na mahal namin si Allie. Kahit ako, hindi ko alam kung kakayanin ko. At si Allie, maipagtatanggol ba niya ang sarili niya sa kung ano mang pwedeng gawin ni Dalia?”

Napaisip siya sa sinabi nito. Naalala niya ang sinabi noon sa kanya ni Aien.

“Adley, kapag kinailangan mo na mamili sa amin ni Allie, piliin mo si Allie ha. Huwag mo ako intindihin. Kaya ko ang sarili ko. Pero si Allie, kailangan ka niya. Siya ang piliin mo. Magiging okay ako. Kaya ko.”

Napapikit siya nang mariin. Hindi na niya alam ang gagawin. Nalilito na siya sa kung ano ba ang dapat niya piliin.

“Okay mom, I’ll talk to Dalia. Pipilitin ko siyang mapabalik dito. Pero hindi ko pa sigurado kung maaatim ko siyang pakasalan. Hindi pa ako sigurado sa desisyon ko.”

“Okay son. That’s good enough.”

NASA opisina pa si Aien at may tinatapos na trabaho nang tumawag si Adley. Alam niyang may problema ito. Hindi niya sinasabi dito pero sa tuwing nakakausap niya ito nitong mga nakaraang araw ay nararamdaman niyang mabigat ang loob nito. Parang may kung anong nagpapahirap dito. Gusto niyang alamin pero hindi naman niya makuhang magtanong.

Maya-maya ay may kumatok sa pinto. Pinapasok niya ito. Wala nang ibang nasa floor kundi siya kaya sigurado siyang si Adley iyon. Sumungaw ang gwapong mukha nito sa pinto. Nakangiti ito nang pumasok pero napansin agad niya na malungkot ang mga mata nito. Hindi umaabot doon ang ngiti nito.

Pumasok ito at lumapit sa kanya. Pinatong nito ang dalawang braso sa mesa niya. Yumukod ito at ginawaran siya ng halik sa labi. Mas matagal kay sa sa normal na smack iyon. But she doesn’t mind. He can kiss her as long as he wants and he’ll never hear any protest from her. She loves kissing him and making him feel how much she loves him. She loves making him feel speacial and adored.

“Busy?”

“Nope. Katatapos ko lang. Nakapagligpit na nga ako eh.” Iminuwestra niya dito ang desk niya na malinis na at wala nang mga kung ano-anong papel na nakapatong doon.

“Good. We need to talk. And after that, I’ll drive you home. Okay?”

“Yes sir!” Hindi pa rin siya makapaniwala na pagkatapos ng pag-iiringan nila dati dahil pareho silang domineering at bossy ay mauuwi rin sila sa pag-iibigan. Hindi niya akalain na mamahalin nila ang isa’t-isa ng ganoon katindi.

SA isang twenty-four hours McDo sila kumain. She requested it because she missed hanging out on simple places like that.

She let him order for her. Naupo lang siya sa mesa at hinintay ito makabalik dala ang pagkain nila. Konti lang ang binili nito. Alam kasi nito na nag-dinner na siya at sigurado siyang nakapaghapunan na rin ito. Hindi ito nagpapaliban ng kain kapag nasa bahay ito ng mga magulang nito. Nang tumawag ito kanina ay nakita niya sa caller ID ng phone niya ang numero nang bahay ng mga magulang nito.

Habang kumakain ay naisipan na niyang itanong kung anong problema nito.

“Dalia left the house.”

Nagulat siya sa sinabi nito. “When? Where did she go? Did she took Allie with her?” sunod-sunod na tanong niya dito.

“Noong isang araw pa. Akala namin naglakwatsa lang siya. Pero nag-text siya kaninang umaga na ilalayo niya sa amin si Allie kapag hindi ko siya pinakasalan.”

“What?!” Kulang ang salitang shock para i-describe ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Mabuti na lang at kakaunti lang ang tao. Napasigaw kasi siya dahil sa pagkabigla.

“Ayoko siya pakasalan. Alam mo iyan Aien. Gagawa ako ng paraan para hindi mangyari iyon,” mabilis na wika nito.

“She’s crazy! Ano ba ang binabalak niya sa bihay nila ni Allie. Ginagamit pa niya si Allie.” Galit na galit na siya sa babae. Sukdulan talaga ang pagiging desperada nito.

“Iyon na nga, ginagamit niya si Allie. Sigurado akong hindi pagmamahal ang dahilan kung bakit gustong-gusto niya akong pakasalan. Pera lang ang habol n’on.”

“Alam na ba ng parents mo ang tungkol dito?”

“Yes. Sila ang t-in-ext ni Dalia kaninang umaga.”

“Talagang naghahanap ng kakampi sa pangungumbinsi sa ‘yo. Mautak talaga ang bruha! Alam niyang mahal na mahal ng parents mo si Allie kaya sila mismo ang pipilit sa ‘yo na pakasalan ang bruha na ‘yon. Grabe! Ang galing ng loka loka na ‘yon ha!”

“Wala tayong magagawa Aien. Ganoon na talaga siya mula pa noon.”

“Ano ngayon ang balak mo?” nag-aalalang tanong niya dito.

“Kakausapin ko siya.”

“Madadaan pa ba sa usap ang babaeng iyon? Eh may sapak na sa utak iyon. Wala kang maipapaintindi doon dahil tanga iyon!”

“Wala akong choice kunsi kausapin siya. Hindi pwedeng hayaan ko si Allie sa kanya. Baka kung anong klaseng pagtrato lang ang gawin niya kay Allie. Hindi mo lang alam kung anong klaseng ina ang babaeng iyon Aien. Hindi ko maipagkakatiwala sa kanya at kahit sa parents niya si Allie. At ayaw nila mommy at daddy na mawala si Allie sa kanila. Ayoko din mawala si Allie. Mahal na mahal ko siya.”

Naawa siya sa nobyo niya dahil sa paghihirap sa tinig nito. Bakas ang matinding sakit sa mukha nito. Alam niya kung gaano nito kamahal si Allie. Alam niya kung gaano kaimportante para dito ang magulang nito. Naiintindihan niya ito at ang pinagdadaanan nito. Hindi nito kayang pakasalan si Dalia pero hindi din nito kayang mawala si Allie. Gagawin nito kahit ang lumuhod sa harap ni Dalia at magmakaawa huwag lang ilayo ni Dalia si Allie dito at palayain lang siya nito.

“Okay, sige. Naiintindihan ko. Talk to her and do everything you can to get out of this mess. Whatever happens, balitaan mo ako. Kung ano man ang magiging resulta ng pag-uusap niyo ay sabihin mo sa akin. Go and take Allie. Huwag mo siya pababayaan kay Dalia dahil baka hindi maganda ang maging trato nila kay Allie kapag hindi na nila nagamit ang bata para pasunurin ka nila.”

“Bukas ako pupunta sa kanila. Tatawagan kita sa isang araw. Wait for my call.”
read more...

Breaking Silence - Teaser

(Blue)



Kabilang sina Parc at Arthur sa mga vigilanteng hitman ng C5G. Sila ang tumatapos sa mga hadlang sa kompanya. At mayruong tatlong bagay ang mahigpit na ipinagbabawal ng samahan: Bawal ang sekreto, bawal magtraidor at bawal ang anumang emosyon.

Ngunit minahal ni Parc at pinakasalan si Junifer na lihim sa C5G ngunit walang lihim na di nabubunyag. Natuklasan ito ng kompanya. Kaya kamatayan nina Parc at Junifer ang magiging kaparusahan.

Mapapayagan ba ni Arthur na mamatay ang dalawang taong mahalaga sa kanya?
read more...

I Love You Long Before – Chapter 9

(Louise)



“Bakit nandidito ka pa?” nagtatakang tanong ni Mykee sa kanya ng mapagbuksan sya nito sa kwarto.

Mula sa binabasang kwaderno ay tumingin sya rito. “Bakit? Nasaan ba dapat ako?”

Natampal nito ang noo. “Ano ka ba Louise Izabelle Caliente?”

“Ano?” irritable nyang tanong rito.

“Hello??? One week nalang ay kasal na! Wala ka bang gagawin? Hindi ka man lang ba uuwi doon para pigilan ang nalalapit ng pagkasira ng future mo?” tuloy-tuloy nitong litanya.

Padabog na isinara nya ang kwaderno. “Mykee, finals na bukas! At hindi ko yata pinangarap na bumagsak ano?” napataas ang tono nyang sumbat dito. “Uunahin ko pa ba naman iyan bago ang studies ko?” irritable nyang sabi rito.

“Oh, sorry.” She said and made face. “Hindi ko naman alam na pinangarap mo rin palang makasal sa iba ang taong matagal mo ng pangarap na makasama!” anitong sinigawan sya atsaka padabog na ibinagsak ang pinto na lumabas.

Natameme sya sa sinabi nito, totoo naman kasi iyon, alam na alam ng kaibigan kung ano ang tunay nyang nararamdaman para kay Inigo. But then hindi nya lubos maisip kung paanong sya si Louise Izabelle Caliente ay maghahabol sa isang lalaking akala nya’y nakalimutan na nya kung ano ang nararamdaman nya para rito, and worst ay ikakasal na! At sa kaibigan pa niya. Naku naman! Nakasimangot nyang usal. Ang hirap palang ma-in love, ang sabi nila masarap daw, pero bakit ako parang mamamatay! Gosh! Wish ko lang sakit lamang ito para bukas o sa makalawa o sa susunod pang araw ay magaling na ako. Bigla nyang naisip ang ginawang pagdadabog ni Mykee. Bakit ba ako nagkaroon ng malditang kaibigang kaparis ko? Nakuu! At ako pang dinabugan. Muli nyang binuksan ang kwarderno at muling nagbasa, subalit wala naman syang maintindihan, patuloy sa pag-lipad ang isip nya. Hay…Inigo ano ba itong ginawa mo sa akin? She said and hopelessly sighed. Ibinaon nya ang kanyang mukha sa unan upang piliting burahin sa isipan ang lalaki subalit tila tukso namang iginuguhit na kanyang isip ang imahe nito.



“Akala ko gentleman ka?” tanong nya kay Inigo. Naglalakad sila sa kahabaan ng recto. Nagkita sila nito sa Josephine’s at naisipang lumabas.

“Gentleman naman ako ah.” Anito na ikinataas nya ng kilay. He laugh.

“Akin na nga yang bitbit mo.” Tukoy nito sa paper bag na dala nya.

“Hay salamat akala ko hindi ka na makakaramdam.” Sa pagkuha nito mula sa kamay nya ng paper bag ay hindi sinasadyang nahawakan din nito pati ang kamay niya. Natigilan sya at gayun din ito. Nag-angat sya ng tingin at nakita nyang titig na titig ito sa kanya. Naramdaman nya ang mabilis na pagpintig ng puso nya waring may nag-uunahang kung ano. Halos mabingi sya sa lakas ng pagtibok niyon ang ingay sa paligid ay hindi nya alintana. Ngayon lang nya naramdaman ang ganito. Isang malakas na busina ng jeep na dumaraan sa kalsada ng recto ang nagpabalik sa kaniya sa huwistyo. Dagli naman niyang binitawan ang paper bag.

“It feels so good holding your hand.” Mahina nitong bulong na nagpakilig sa kanya.

Ini-angat nya ang mukha mula sa pagkakasubsob sa unan at nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga. Isa kang sakit Inigo! Hay… Hopeless nyang nai-usal.



“Nakahanda na ba ang lahat?” tanong ni Inigo kay Maya. She sadly smiled. Matapos ng kanilang pag-uusap noon ay araw-araw na silang nagkikita. Tuwang-tuwa naman ang magulang ng dalaga sa kaalamang iyon.

“Tinawagan ko na ang lahat ng pwedeng tawagan.” anito and sat at the bench. Naroon muli sila sa lanai kung saan sila unang nag-usap.

“Good.” Aniya at bumuntonghininga. “Do you think she’s coming?” maya-maya’y tanong nya kay Maya.

“I don’t know.”

Totoo namang wala syang ideya kung darating si Louise sa araw ng kasal. Ang alam niya lang ay ayaw sya nitong kausapin, tanging si Mykee lamang ang naka-usap niya at hindi rin sya nito masagot.

“I think she’s still mad at me.” Napalingon sya sa sinabi ni Maya.

“But why?” Nagtatakang tanong nya. Bakit naman magagalit si Louise kay Maya?

“She loves you.” Titig na titig nito sa kanyang sagot.

He closes his eyes gawa ng kawalang pag-asa. He lighted a cigarette and sat beside Maya. She looked at him.

“Hindi ko alam kung paano mo nasasabing mahal nya ako. Gayung ipinamukha nya sa akin na hindi.” Yumuko sya at dinampot ang isang tuyong dahon sa kanyang tabi, nilaro-laro niya iyon

“It’s easy,” tinignan sya nito at mapait na ngumiti. “She have a very expressive eyes, you can see clearly what she’s feeling.” Binawi nitong muli ang tingin sa kanya. “I know her too well, we’ve been friends since gradeschool.”

“But why does she keep on running away from me?”

“Because she’s so afraid that you are just playing along, so she played along too.” Napatingala sya, para bang humihingi sa kalangitan ng sagot kung ano ang nararapat nyang gawin.

“Hindi ko maikakaila that I was just playing then, I loved her long before she wrote me the letter. At hindi ko sinasadyang masira ang plano ko.”

“Plano?” tumingin ito ng masama sa kanya.

He cleared his throat. “Yah, I planned to control the situations.”

Kumunot ang noo nito. “Plinano mo?” marahas itong napatayo. “Alam mo bang nasaktan mo ang kaibigan ko ng dahil lang sa mga plinano mo?” hindi sya nakaimik. “I-I can’t belive you! Tapos ngayon ay sasabihin mo sa aking mahal mo sya?”

“Yes, alam kong nasaktan ko sya because of my selfishness! God! You don’t know what I’ve been through para husgahan mo. — Look, kung selfish ako, what can you call yourself?” sarkastiko nyang sabi rito. Hindi naman ito nakapagsalita, matamang nag-isip.

“I’m sorry.”

Naisabunot nya ang mga kamay sa kanyang buhok sa inis. Ano ba itong pinasok ko? Shit!

She looked at him hopelessly. “Don’t worry, she will come… she must!” maya-maya’y sambit nito.



Disappointed sya sa katatapos na exam niya, alam nyang marami sa isinagot nya ay hindi tama. Ewan ba nya kung bakit hindi nya matandaan ang mga binasa. Kaninang papasok sya ay parang nahagip ng paningin nya si Inigo na sumakay ng jeep mabilis nya itong sinundan ngunit ng maabutan ay may konting pagkakahawig lang pala ito sa lalaki. Hindi nya mawari kung bakit bigla nalamang nyang ginawa iyon. Nakasimangot syang pumasok ng silid, only to find out that her traveling bag is all pack up! Nakatayo sa likod nito ang kaibigang si Mykee.

“Anong ibig sabihin nito Mykee?” hindi ito umimik sa halip ay umupo sa kama at nagtupi pa ng ilang damit. “Pinalalayas mo na ba ako?” nakasimangot nyang tanong. Maaring nagalit ito sa kanya nang minsang pagtaasan nya ito ng boses, subalit mabigat na ba ang rasong iyon para palayasin sya nito? “Mykee, sorry na, k-kung nasigawan kita. I-ikaw kasi eh ang kulit-kulit mo.” Aniyang hindi malaman ang gagawin dahil nananatiling tahimik ang kaibigan. Tumingin ito sa kanya atsaka ngumiti.

“Ano bang pinagsasabi mo dyan?” tuluyan na itong tumawa. “Para kang sira dyan! May pa-drama-drama ka pa!” lalong lumakas ang tawa nito. Hmpf! Ismid nya rito.

“Eh, baki naka-impake ang mga gamit ko?”

“Hindi lang ikaw ano? Ako din nag-iimpake.” Ipinagpatuloy nito ang pagtutupi ng mga damit at isa-isang inilagay sa bag nito.

“H-ha? Don’t tell me pinalalayas ka na dito sa apartment mo?”

“There you go again, jumping into conclusions.” Iiling-iling nitong sabi. “Uuwi tayo sa inyo sa San Isidro.”

“H-ha? B-bakit?” may kung anong bumundol sa kanyang dibdib.

“Tumawag ang daddy mo, isinugod sa ospital ang mommy mo.”

“What?” napa-upo sya sa kama.”Why? what happened?”

“I don’t know, basta ang sabi ng dad mo you have to go home immediately.” anitong isinara na ang traveling bag nito. Napatingin sya sa kaibigan atsaka sa bag nito.

“Eh bakit pati ikaw sasama?” nagtataka nyang tanong.

“Invited kasi ako sa kasal nila Maya. Remember its only three days to go.” Anito and then smiled. “Sasabay lang ako sayo kasi hindi ko pa po alam kung paano pumunta sa lugar nyo atsaka para na rin may matirahan ako di ba?” ngiting-ngiti pa nitong sabi. Isang matalim na irap ang ibinigay nya sa kaibigan. Traidor! Tse!

Tumawa ito ng malakas sa nakita nitong reaksiyon nya. “Bakit?”

“Traidor! Tse!” aniyang isinatinig ang kanina lang ay nasa isip. Lalo itong tumawa ng malakas hawak-hawak pa ang tiyan na ibinagsak ang katawan sa kama. “Anong nakakatawa?” nagtataray nyang sabi. Naiirita sya sa kaibigan dahil nagawa pa sya nitong pagtawanan.

“Ikaw!” she said still laughing hard.

“Hmpf! Kabagan ka sana sa kakatawa!” aniyang iniwan ito sa inis.



Ng gabi ding iyon ay tumulak sila patungong San Isidro. Habang nasa daan ay hindi sya mapakali sa kakaisip. Ano kayang nangyari kay mommy? Hindi naman sya basta-basta nalamang papauwiin ng daddy nya kung hindi ganun kalala ang kalagayan ng mommy nya. Alam nyang my hyper tension ito, pero sa pagkakatanda nya ay may maintenance itong gamot Paanong nangyaring ngayon ay isinugod na ito sa ospital? She closed her eyes pilt na hinuhuli ang mailap na antok. Ngunit sa pagpikit naman na mga mata nya ay ang mukha ni Inigo ang kanyang nakikita. Ano ba ‘to? Malala na yatang talaga ang sakit kong ito sayo Inigo ka!

Nang magdilat sya ng mata ay pumaparada na ang bus sa terminal ng San Jose City kung saan sya nag-aral, doon lang kasi may terminal ng bus, she looked at Mykee, tulog na tulog pa rin ito.

“Mykee.” Gising nya rito. Nagmulat naman ito ng mata. “We’re here.”

Kinusot-kusot pa nito ang mga mata. “San Isidro na ba ito?”

“Hindi pa. Sasakay pa tayo ng jeep patungong San Isidro. Dito lang kasi may terminal ng bus.” She got her bag and got out of the bus, kasunod nya si Mykee.

“Madilim pa pala” anitong tinignan ang relong pambisig. “Four am, matagal din pala ang byahe sa inyo ano? Akala ko’y San Isidro na agad ang baba natin iyon pala’y hindi pa.” Luminga-linga ito sa paligid napansin nitong malinis pa ang kalye. “Lou, may masasakyan ba tayo ng ganito kaaga rito?”

“Wala pa. Mga five pa lalabas ang mga pampasaherong jeep.” Aniyang tinungo ang waiting area ng bus. Ipinatong ang kanyang bag sa katabing upuan. Sumunod naman si Mykee sa kanya. “Dito nalang muna tayo mag-hintay.” Luminga sya sa paligid, may mga naghihintay ring pasahero roon, ang iba nama’y may mga sundong dumating. She sat to one of the chairs tumabi naman ang kaibigan sa kanya.

“You mean? One hour pa tayo rito?” nakasimangot nitong sabi, tumango naman sya biglang pagsagot. “Hay…” bakas sa mukha ng kaibigan ang kawalang pasensya. “Saan ba ang restroom dito?”

“Dumeretso ka dyan sa pasilyong iyan then turn left.” Pagbibigay nya rito ng direksyon. Dali-dali naman itong tumalima at sinundan ang sinabi nya. Pagkakataon nga naman, bakit kailangang ngayon pa dinala si mommy sa ospital ngayon pang ilang araw nalang ay kasal na nila Inigo. Nagpakawala sya ng isang malalim na buntong hininga. May kirot syang naramdaman sa kaibuturan nya sa kaalamang naroroon sya sa kanilang bayan on the time she will bury her heart. Siguro kung hindi nya ginawa ang sulat ay maaring sila ngayon ni Inigo. Impossible! Tanggi ng isip nya. He is as playful as ever, and because of him I learned to be playful too. Natutunan nyang I-enjoy ang bawat sandali ng youth nya, she go to bars, date a lot but never really had a relationship na masasabi. She had flings, yes, pero hanggang doon lang iyon. Ayaw nyang isugal ang puso sa sinasabi nilang ‘commitment’ not until Drew came. She made face nang malalala ito and sighed.

“Ang lalim naman ng iniisip mo.” Untag sa kanya ni Mykee.

“Wala ‘to, naaantok lang ako.” Napatingin sya sa daan kung saan pumapasok ang mga sundo ng ibang pasahero. Bakit nga ba hindi nya tawagan si Mang Nardo? Ang family driver nila. Tutal mayroon na itong cellphone na siyang binili ng kanyang ina para madali itong makontak. She immediately browse the phonebook in her cellphone.

“Bakit?” nag-aalalang tanong ni Mykee sa kanya.

“I’m going to call Mang Nardo our family driver, nawala sa isip ko na pwede tayong magpasundo sa kanya para hindi na tayo mag-commute.” Agad nyang kinotak ang matanda, ngunit ring lang ng ring iyon. She sighed. “Walang sumasagot.” Animo naman nabunutan ng tinik si Mykee sa itsura nito. “O, okey ka lang ba?” tanong nya.

“Ahmm… napagod lang siguro ako sa byahe.” Sumandal ito sa kinauupuan nito at ipinikit ang mga mata.



Isang black na Mazda 3 ang huminto sa tapat ng terminal. Hindi nya maintindihan ang kabang nararamdaman. Nagsimula nanamang mamawis at manlamig ang kanyang mga kalamnan. The drivers’ door swung open, parang nag-slow motion ang lahat sa kanya. Napatingin sya sa driver nitong umibis. Si Inigo! Anong ginagawa – Napatingin sya sa nakapikit na si Mykee. Mykee! Gigil nyang sambit. Siniko nya ito, gulat naman itong napadilat.

“Aray! Bakit ba?” nanlalaki ang mga matang itinuro nya sa pamamagitan ng tingin ang direksyon ng papalapit ng binata. Tabingi ang ngiti nitong sumilay. “Sorry.” Anito atsaka tumayo upang salubungin si Inigo. Marahas na buntonghininga naman ang pinakawalan nya. Nanatiling naka-upo at idinayal muli ang numero ng kanilang driver.

“Let’s go.” Masiglang aya ni Mykee. Kinuha naman ni Inigo ang bagahe nito at ipinasok sa compartment ng kotse. Muli itong bumalik at kinuha naman ang kanya.

Pinigilan nya ito sa pamamagitan ng paghawak ng isang bahagi ng kanyang traveling bag. “Give me that!” asik nya ritong napatayo. Binitawan naman iyon ng lalaki at tumingin kay Mykee. Nagkibit-balikat naman ang kaibigan. “Kaya naming umuwi. Susunduin kami ni Mang Nardo.” Mataray nyang sabi atsaka umupong muli.

“C’mon Lou, it’s already four thirty, malamang ay tulog pa si Mang Nardo.” Reklamo ng kaibigan.

“You mean, Mang Nardo na asawa ni Aling Concha?” tanong nya na tumingin sa dalagang nakairap.

“Oo bakit?”

“Wala ang buong pamilya nila, nagbakasyon sa Pangasinan noon pang nakaraang linggo.” Paliwanag nya rito.

“Oh,” tanging naiusal nya. “Kahit na, maghihintay pa rin ako ng jeep dito until five. I can go home alone” matigas niyang sabi na mahigpit ang ginawang pagkipkip sa bag. Hopeless namang napatingin si Mykee kay Inigo.



Aba’t talaga palang matigas ang ulo ng babaing ito. Well, kung kailangan kong I-pressure cooker para lumambot gagawin ko. “Ihahatid kita sa inyo whether you like it or not!” matigas nyang sabi dito. Napatingin naman ng marahas ang kaibigan nya rito.

“No!” mariing tanggi nya rito. “Who are you to tell me what to do?”

“You will! If you don’t want to be kissed infront of all these people.” Nakangising banta nito sa kanya. Bigla syang nanigas sa sinabi nito, napalingon-lingon sya sa paligid. Nakakagawa na pala sila ng scenario. Agad syang tumayo dala ang bag.

“Sabi ko nga eh, tara na.” Nagmamadaling sabi nya na nilampasan pa ang dalawa.
read more...

Aien’s Romance - Chapter 09

(Nadinekyut)



“NABALITAAN ko ang tungkol sa inyo nung Aien na iyon.”

Bahagya lang ang pagkagulat ni Adley sa salitang binitiwan ni Dalia. Kabababa lang niya kay Allie sa crib nito. Matangkad si Allie kumpara sa edad nito na isang taon at dalawang buwan. Kitang-kita ang pagiging magkamukha nila. Habang tumatagal ay lalo niyang minamahal si Allie.

“Ano ngayon?” walang ganang sagot niya dito.

“Bakit ka nakikisama sa babaeng iyon? Anong balak mo kay Allie?” inis na wika nito.

“Huwag ka na magkunwari Dalia. Alam kong hindi si Allie ang inaalala mo kundi ang sarili mo. Matagal mo na ako gustong makasama,” Naiinis na rin siya dito at hindi niya tinago iyon.

“So? May magagawa ka ba kung gamitin ko si Allie? Baka nakakalimutan mo, hinding-hindi mapupunta sa ‘yo ang custody ni Allie kahit nasa birthcertificate niya ang pangalan mo. Kahit saang korte ka pumunta, sa akin pa rin si Allie. Kung si Allie lang ang paraan para mapasaakin ka, well, gagamitin ko na siya.”

“Damn you Dalia! What do you want from me?!” galit na sikma niya dito.

“Alam mo na kung anong gusto ko Adley. Pakasalan mo ako at mahalin. Matagal ko na sinabi sa ‘yo, I’ll make you mine someday.”

Pagkasabi niyon ay umalis na ito. Naiwan siyang nagpupuyos sa galit dahil sa sinabi nito. Inamin na nito kung gaano kasama ito. Napakakapal ng mukha. Si Allie ang ginagamit nito para makuha ang gusto nito.

Totoo ang sinabi nito na wala siyang laban sa custody ng bata. Wala silang mahigpit na ebidensya na maaaring magdiin dito sa pagiging pabayang ina. May trabaho ito. At least, employed ito. Bihira ito pumasok at wala namanng ginagawa sa opisina. Basta na lang ito binigyan ng posisyon sa kumpanya ng ama nito.

“MAGPAKASAL na tayo Aien. Kahit sa huwes lang muna. Basta makasal na tayo para wala nang maging habol si Dalia,” wika ni Adley kay Aien.

“Pero sigurado ka ba diyan? Hindi natin alam kung anong gagawin ng parents natin kung sakali. Kilala ko si daddy, itatakwil niya ako kapag ginawa natin iyan,” alalang tugon niya sa binata.

“Wala tayong ibang magagawa. I don’t want to lose you. Please Aien, magpakasal na tayo para maalis na ang pangamba sa dibdib ko.”

Tinitigan niya ito. Marahil ay naiiipit na talaga ito. Alam niyang nahihirapan na ito sa sitwasyon nila. Siya man ay iyon ang nararamdaman. Ayaw niyang makitang nahihirapan at nasasaktan ito, pero ano nga ba ang magagawa niya? Hindi niya alam kung paano lulutasin ang lahat. Ayaw niya na kamuhian siya ng daddy niya, pero ayaw niya mawala si Adley sa kanya.

Alam niyang mali ang ginagawa nila, pero hindi sila maaaring sumuko. Mahal nila ang isa’t-isa. Gustuhin man niya ay hindi niya kayang umiwas at tumalikod dito. Ito ang buhay niya, ang mundo niya. Hindi niya alam kung paano mabubuhay ng wala ito.

“Okay. When, where and how? Secretly?”

“Ganoon na nga. Saka na natin ipapaalam sa iba kapag tapos na ang kasal natin. Tatawagan ko yung kakilala ko na isang judge. Itatanong ko kung kelan at saan puwede.” Mukha itong nabunutan ng tinik. Ngumiti ng tipid sa kanya.

“Okay. Just tell me. Kinakabahan pa rin ako pero may tiwala ako sa ‘yo. Alam kong ipinag-isipan mo muna ito. Kung ganoon ang desisyon mo, sigurado akong makakabuti sa ating lahat iyon.”

ADLEY immediately called his friend’s father. Ito ang naisipi niyang maaaring magkasal sa kanila ni Aien. Since matagal na niya kaibigan ito at ang pamilya nito, nasisiguro niya na maiintindihan nito ang kalagayan niya.

Ang totoo, hindi niya sigurado kung tama ang gagawin nila. Taliwas sa sinabi ni Aien, hindi niya iyon pinag-isipan ng maigi. Bigla na lang nag-pop sa isip niya ang ideyang iyon dahil hirap na hirap na siya sa sitwasyon nila. Ayaw niyang mahirapan at masaktan si Aien. Nalilito na siya sa tinatakbo ng mga pangyayari. Isa lang ang sinisiguro niya. Hindi niya hahayaan na magulo ni Dalia ang relasyon nila ni Aien.

“Sigurado ka na ba talaga Adley? Ano na lang ang sasabihin ng pamilya ninyo?” tanong ng tito June niya.

“Sigurado na po tito. Bahala na kung paano namin sasabihin kila daddy. Ang mahalaga ay makasal kami ngayon. I can’t afford to lose her.”

“Eh ang anak mo, paano? Inisip mo ba kung anong mangyayari sa kanya pag nagpakasal ka.”

Hindi siya nakasagot. Napaisip siya bigla. Hindi niya inalala si Allie nang magdesisyon siya.

“Gagawin ko ang pabor na hinihigi mo, pero bilang tito at kaibigan mo, hindi ko gusto ang desisyon ninyo. Hindi mo sinaalang-alang si Allie sa ginawa mo. Anak mo siya at dapat ay isipin mo ang maaaring mangyari sa kanya.”

“Basta nakapagpasya na po ako tito. Saka ko na iisipin kung ano ang gagawin ko kay Allie. Ang mahalaga lang ngayon ay makasal kami ni Aien sa lalong madaling panahon.”

Pagkatapos niya kausapin ang ninong niya ay tinawagan agad niya ang mga kaibigan niya. Tanging malalapit sa kanila ni Aien ang tinawagan niya at binilin na huwag ipagsasabi sa iba ang sikretong pagpapakasal nila. Ayaw niyang mapurnada ang pinaplano nila.

Naupo siya sa gilid ng kama. Paano na si Allie? Pagkatapos ng gagawin nila, ano na ang mangyayari sa anak niya? Ano ba ang maaaring kahantungan ni Allie. Natatakot siya para sa anak niya pero natatakot din siya para kay Aien. Ayaw niya itong iwan.

Shit! Ano ba? Ano ba? Tama ba ‘tong gagawin ko?

Nahilamos niya ang palad sa mukha. Malaki ang problema niya at hindi niya magawang solusyunan ngayon. Naiinis pa rin siya dahil wala siyang maisip na paraan para masiguro ang kalagayan ni Allie kung magpapakasal sila ni Aien. Pero kung hindi sila magpapakasal ay si Aien naman ang hindi niya mabibigyan ng kasiguradhan.

NAKAGAYAK na si Aien. Maganda ang puting bestida na suot niya. Kahit simpleng-simple iyon ay bagay naman sa kanya at lalong lumitaw ang magandang hubog ng katawan niya. Sinuot niya ang sapatos niya at kinuha ang purse niya.

Nanalamin siya bago tuluyang lumabas ng silid niya. She look gorgeous. Maganda ang mga mata niya ngayon. Mukhang blooming na blooming siya.

Lumabas siya ng bahay at sumakas sa kotse niya. Sa venue na sila magkikita ni Adley. Excited at kinakabahan siya. Masayang-masaya siya na sa wakas ay magiging opisyal na asawa na siya ni Adley. Matagal na niyang inaasam iyon. Ngayon ay matutupad na ang pangarap niya na maging mag-asawa sila. At unti-unti nilang bubuuin ang isang masayang pamilya. Isang masayang future.

DAHAN-dahang nagmulat ng mata si Adley. Iyon ang araw ng kasal nila ni Aien. Magkikita sila sa courthouse mismo. Alam niyang nang mga sandaling iyon ay gising na ang dalaga, pero pinigilan niya ang sarili na abutin ang cellohone niya upang tawagan ito at kamustahin.

Nag-iinat pa siya ng katawan nang biglang may maulingan siyang umiiyak. Bigla siya napabalikwas ng bangon. Noon lang niya naisip na hindi alarm ang nakapagpagising sa kanya kundi iyak. Iyak ng bata. Si Allie!

Mabilis niyang nakita ang crib sa sulok ng silid niya. Hindi niya alam kung paano napunta doon si Allie. Wala naman siyang naramdaman pumasok sa silid niya. Baka naman masyado lang mahimbing ang tulog niya. Pero bakit dinala doon si Allie? Bakit biglang pinasok sa silid niya ang mga gamit ni Allie? Ano ba ang nangyayari?

Tumayo siya at nilapitan si Allie. Kukunin na sana niya ito mula sa crib nito ngunit napahinto siya. Nahagip ng paningin niya ang isang paper na nasa ulunan ni Allie. Sulat kamay iyon ni Dalia.

You’re going to lose your son if you marry that woman! Go ahead Adley, leave your son to me! Dalhin mo sa kunsensya mo habangbuhay ang pag-iwan mo sa anak mo! Alam mo naman kung anong kaya kong gawin hindi ba?!

Inis na inis siya kay Dalia. Parang gusto niya sakalin ito. Paano ba nalaman nito na magpapakasal na siya? Damn! Sira na ang plano niya ngayon. Ano pa ba ang gagawin niya? Gusto niyang manakit ng tao ngayon. Sukdulan na ang galit niya sa babaeng iyon!

Patuloy sa pag-iyak si Allie kaya kinuha na niya ito sa crib upang patahanin. Agad naman itong tumigil sa pag-iyak. Nakilala agad siya nito.

“Daddy,” mahinang wika ng inosenteng bata.

Nakatitig lamang ito sa kanya habang subo ang hintuturo. Lumambot ang puso niya habang pinagmamasdan ang kanyang anak. Sa pakiwari niya ay kinakausap siya ni Allie sa pamamagitan ng mga mata nito. Parang nagmamakaawa ito sa kanya na huwag niya iwan ito.

Nahahapong napaupo siya sa gilid ng kama niya. Hindi niya kaya. Hindi niya kaya na iwan si Allie. Hindi niya kayang iwan ito kay Dalia. Alam niyang kakawawain lang ni Dalia ang anak niya. Nang muli niyang tignan si Allie ay halos mapaiyak siya. Nginitian siya nito.

Ang sama niya para hindi isaalang-alang ang anak niya. Nagdesisyon siya ng hindi iniisip ito. Binalewala niya ang sarili niyang anak. Anong klaseng ama ba siya? Bakit niya nagawa iyon? Inosente si Allie. Wala itong kinalaman sa kalokohan niya. Wala itong kasalanan sa mga kamalasang dumarating sa kanya. Hindi dapat ito madamay sa mga kaguluhan nila. Walang pang kamuwang-muwang ito.

NAGMAMANEHO na si Aien papunta sa courthouse nang biglang tumunog ang cellohone niya. Wala sana siyang balak sagutin iyon pero nang masulyapan niya ang pangalan sa screen ay kinuha niya agad iyon. Si Adley ang tumatawag sa kanya.

“Hello honey. Papunta na ako. Nasaan ka na?” masayang bungad niya dito.

Hindi ito kumibo. Naririnig lang niya ang paghinga nito.

“Hello? Honey? Okay ka lang ba?” Kinakabahan na siya. May ideya na siya kung anong mangyayari.

“I can’t do it Aien. Hindi ko kayang pabayaan si Allie,” mukhang hirap na hirap ito base sa tinig nito.

Hindi niya pinansin ang paghihirap na nabanaag niya sa boses nito. Mas nangibabaw sa kanya ang sakit na dulot ng mga sinabi nito. Itinabi niya ang kotse at saka umiyak.

“Honey please, huwag na kanam umiyak oh. Gagawa pa rin ako ng paraan,” pagsusumamo nito.

“Gagawa ng paraan? Anong paraan?! Anong klaseng paraan?! Kailan pa Adley?! Kailan pa?!” sigaw niya dito.

Pinatay niya ang cellphone niya pagkasabi niyon. Napahagulgol na siya. Pinaghahahampas niya ang manibela. Inis na inis siya. Hindi niya alam kung kanino magagalit. Sa sarili niya, kay Adley o kay Allie. Alam niyang bata lang si Allie at walang kamuwang-muwang ito. Pero hindi niya mapigilang sisihin ito sa kamiserablehan niya.

Bakit ba kailangan pa dumating si Allie? Bakit ba pinanganak pa ito? Bakit hindi na lang siya ang mommy ni Allie? Kaya niya alagaan at tanggapin si Allie. Kaya niya mahalin si Allie. Pero hindi siya maaaaring maging mommy nito.

Naiinis siya sa sarili dahil pinaasa niya ang sarili niya. Akala pa naman niya ay siya na ang pipiliin ni Adley. Lalo niyang naramdaman kung gaano kahalaga dito si Allie at siya ay pangalawa lang. Hindi siya ang priority! Hindi siya ang pinakamahal!

PAGDATING ni Aien sa bahay ay naabutan niya ang kanyang ama doon. Hindi siya umuwi agad matapos niya makausap si Adley. Naglakad-lakad siya sa mga lugar kung saan nandoon ang masasayang ala-ala nila ni Adley. Binalikan niya ang mga lugar kung saan naramdaman niya ang pagmamahal nito.

Umaasa siya na kapag ginawa niya iyon ay mararamdaman niya muli na mahal siya nito. Para kasing ayaw na maniwala ng puso niya sa sinasabi nitong pagmamahal. Parang suko na siya sa pag-aasam dito. Pakiramdam niya ay wala na silang patutunguhan.

Ito na naman ang isang pang sakit ng ulo! Buwisit! Wala na akong napala ngayong araw kundi kunsumisyon!

“Bakit nandito ka dad?” walang ganang tanong niya dito habang nauupo sa sette. Nasa study room sila.

“Alam mo ang pininta ko Aien. Hiwag ka magtanga-tangahan,” galit na wika nito.

“Hindi ko magagawa iyon dad. Hindi ko siya kayang iwan.”

“Choose Aien. Ang pamilya mo ang lalaking iyon!” sigaw nito sa kanya.

Pinantayan niya ang pagtaas ng boses nito. “You can’t do that!”

“You know I can! And I will!”

“Sino ba ang pinagmamalaki mo dad? Yung panganay mong walang utak? Yung pangalawa mong anak na bata pa, napakalandi na? O yung kakambal ko na irisponsable at gastadora? Sino?!” sagot niya dito.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Narinig niya ang pag-iyak ng kanyang ina na nakatayo sa pinto ng study.

“Sige dad. Ibigay mo sa kanila ang pinagkamamahal mong kumpanya para mawala sa ‘yo ang pinaghirapan mo.”

“Huwag mo akong tatakutin Aien. Kaya kong kunin ang lahat sa ‘yo. Kahit sarili mong pera ay kaya kong kunin. Sino ba ang pinagmamalaki mo? Yung Adley na ‘yon? Isang lalaking lintik na hindi ka magagawang pakasalan kahit kailan?!”

Sukat sa sinabi nito ay napahagulgol siya. Ano ba ang ginagawa niya sa sarili niya ngayon? Pinaglalaban niya ang isang lalaki na hindi siya kayang piliin. Ipinagpapalit niya ang pamilya niya para sa isang lalaki na tinalikuran siya para sa anak nito na mahal na mahal nito.

Tagos hanggang sa puso niya ang sinabi ng kanyang ama. Kahit ano ang gawin niyang pag-aasam ay hindi siya mapapakasalan ni Adley dahil kay Allie. Dahil mahal nito ang anak nito. At siya ay mananatili na lang na pangalawa sa anak nito. Wala siyang pinanghahawakan. Walang kasiguraduhan ang mangyayari sa kanya sa piling ni Adley.

“Iakyat mo muna siya sa kuwarto niya. Hayaan mo siya makapagpahinga,” narinig niyang wika ng kanyang ama sa kanyang ina. Wala na ang galit sa tinig nito. Punong-puno na iyon ng awa at lungkot.
read more...

Half Crazy – Chapter 9

(Calla)


NANANAKIT ang buong katawan ni Marga pagkagising niya. Pagmulat ng mga mata niya’y bumungad sa kanya ang mukha ni Justin na nakatunghay sa kanya. Gusto niyang matawa sa ekspresyon ng mukha nito. Puno ng pag-aalala ang mukha, parang nagbabantay ng taong maysakit.

“Good morning,” aniya rito. Ngumiti ito, pinapanood ang bawat galaw niya. “Okay ka lang?” takang tanong niya. Pinupog siya nito ng halik sa buong mukha.

“Justin,” kunwa’y angil niya.

“Brunch in bed,” anito.

Napatingin siya sa wall clock. Mag-aalas onse na pala. Inalalayan siya nitong makasandal sa headboard ng kama at inilagay ang tray ng pagkain sa harapan niya. Kumalam ang sikmura niya nang makitang may french toast, egg, ham, fresh fruits at orange juice. May rose pang nakalagay sa tray. Tiningnan niya si Justin. Kinikilig siyang hindi niya mawari. Hinayaan niyang subuan siya nito. Ganon na lang ang saya nitong pagsilbihan siya. At ganon na lang ang saya ng pakiramdam niya.

Ni wala siyang maramdamang pagsisisi sa nangyari kagabi. Hindi lang siya makapaniwala na sa daming beses na hiniling ni Justin iyon sa kanya noon, ngayon niya napiling ibigay na hindi na sila magkasintahan. Nararamdaman niya sa kaibuturan ng puso na lumalim lalo ang pagtingin niya rito.

“Ano’ng iniisip mo?” tanong nito habang pinagmamasdan siyang kumakain. Lumunok muna siya bago nagsalita.

“Ikaw… saka ako,” sagot niya.

Napa-isip ito ng saglit, gumuhit ang pagkabahala sa mukha. “Nahihirapan ka ba sa iniisip mo?”

Napaisip siya saka tiningnan ito. “Medyo.”

Ginagap nito ang palad niya’t hinalikan iyon habang nakatingin sa kanya. “Huwag ka munang mag-isip.” Ngumiti ito ng pilyo. “Baka mapano si baby. Ulo pa lang yung nagagawa natin. Mamaya yung kamay naman.”

Natawa siya’t natampal ang balikat nito.

Nakatitig pa rin ito sa kanya. May sinabi itong sobrang bilis na hindi niya naintindihan.

“Ano?”

Inulit nito iyon, mas mabilis. Nakangiti ito habang pinapanood ang clueless na ekspresyon niya. Saka dahan-dahan nitong inulit ang sinabi na sa bawat pagbigkas nito’y damang-dama niya ang emosyon ng bawat salita. “I love you. I love you. I love you.”

Nanuot sa puso niya ang sinabi nito. Dahil damang-dama niya iyon. Niyakap niya ito ng buong higpit. Gusto niyang sabihing mahal niya rin ito ngunit pinigilan niya ang sarili. Dapat makasiguro muna siya sa nararamdaman.

“Thank you, Justin…” aniyang pigil ang pagsungaw ng luha. Ipinapangako niya sa sariling kailanman hindi na ito sasaktan.

“I should thank you, Marga. You are my morphine. You soothe my pains away and I get euphoria everytime I’m with you. Hindi ko na kailangan ng kahit ano basta nandito ka sa tabi ko.”

Sa pagkakataong iyon, dinig niya ang malakas na sigaw ng puso. Si Justin ang mahal niya. Mula noon hanggang ngayon. Sa kung papaanong paraan at may epekto sa kanya ang pinsan nito’y hindi niya alam. Marahil dahil sa si Henrik ang klase ng lalaking dinadambana ng halos lahat ng kababaihan. He’s every woman’s dream. The exact opposite of Justin. Si Justin ang tipong barumbado, walang modo at rough and rugged ang dating samantalang si Henrik yung tipong gentleman, may disposisyon sa buhay, magalang at Mr. Nice guy yung personalidad. Mabait si Henrik sa kanya at ang madalas nilang pagsasama’y siyang dahilan ng pagkahulog ng loob niya rito. Bagay na hindi natanggap ng sarili niya kaya pinili niyang lumayo sa dalawa.

Ngayon ay unti-unti nang lumilinaw ang lahat sa kanya. Si Justin ang mahal niya. Si Justin ang gusto niyang ibigin habambuhay. Pero naroroon pa rin ang takot sa dibdib niyang masaktan ito. Mahal na mahal siya ni Justin. Hindi ang isang katulad niya na marupok ang nararapat dito. Ngunit kahit na ganoon, alam niya sa sariling hindi niya gustong mawalay dito. Lalo na ngayong tinuruan siya nito kung paano magmahal ng tunay sa kabila ng sakit na dulot ng mga bagay na hindi nila kontrolado.

But she has to make sure hindi siya maapektuhan kay Henrik. She had to see him again. At kapag wala na siyang maramdaman, tatanggapin na niya ang alok na kasal ni Justin.

Napukaw siya sa pag-iisip nang magsalita si Justin. Hindi niya nakuha ang sinabi nito kaya tinanong niya ulit.

“Sabi ko, kapag may nagawa akong kasalanan, mapapatawad mo ba ako?”

Nilunok niya ang kinakain. “Ano’ng klaseng kasalanan ba ‘yan?”

“Malaki.”

Tiningnan niya ito, inaarok kung nagbibiro lang ba ito. Seryoso ang mukha nito kaya ginagap niya ang kamay nito.

“Wala naman sigurong kasalanan na walang kapatawaran, di ba?” Magsasalita pa sana siya nang biglang bumukas ang pintuan ng silid. Napatili siya’t mahigpit na napakapit kay Justin nang tatlong lalaking may dalang armas ang bumungad doon.

“Walang gagalaw!” sigaw ng isang lalaki.

Nahintakutan siya nang ilang kalalakihan ang naroon at nakatutok ang baril sa kanila Kaagad na iniharang ni Justin ang katawan sa kanya.

“Affirmative! It’s Justin Camara.” anang isang pinakamalapit sa kanila’t mabilis na hinablot ang binata at pinaluhod at pinosasan ito. Mas lalong nasindak si Marga.

Nagtangkang pumiglas si Justin pero sinikmuraan ito kaagad ng malaking lalaking kaharap nito. Panay ang lingon nito kay Marga. “Don’t touch her.” nangangalit ang bagang na sabi nito.

“Don’t touch her!” sigaw ni Justin.

“Wait! Ano ‘to?!” ani Marga na tila mawawalan ng bait. May dalawa pang pumasok at nakatutok ang baril sa kanila.

Mabilis na pinakitaan siya ng NBI ID ng lalaking huling pumasok. “Chief Investigator Romualdo Torres.”

“No! You’re mistaken!” agad na sabi ni Marga. Bigla’y umandar ang utak. Ba’t ba hindi nila naisip na maaaring ipahanap siya ng mga kapamilya niya? Unti-unti siyang nabunutan ng tinik. “This is all wrong! I wasn’t kidnapped! Kusa akong sumama sa kanya.”

Kumunot ang noo ng imbestigador. “Kung maari’y sumama ka na rin sa amin sa presinto, Miss.”

Napalis ang ngiti niya sa labi. What are they arresting Justin for?

“Justin Camara,” anang lalaking may hawak sa kasintahan. “Hinuhuli ka namin sa salang pagpatay kay Rhoda Santillan.”

Tila namilog ang ulo niya sa narinig.

“Rhoda?”gulat na tanong Justin.

“Sumama ka ng mapayapa sa amin.”

“I didn’t kill anyone!” piksi ni Justin habang patuloy ang paglingon kay Marga.

Hindi makapaniwala si Marga. Nanghina ang tuhod niya sa narinig. “R-Rhoda?” aniyang tila mabubuway sa mga sandaling iyon. Napatingin siya kay Justin na pinagtulungan dalhin ng mga pulis. Kinakain ng matinding takot ang dibdib niya sa mga oras na iyon.

“Marga, I did not do it!” sigaw nito ngunit hinatak na ito papalabas. “Margarette!” sigaw nito.

“Kinakailangan namin ang pahayag mo sa presinto, Miss Romero” ani Chief Torres.

Unti-unting lumambong ang paningin niya. Kasunod noon ang pagtangis niya’t malakas na hagulhol. “Rhodaaa!!!” sigaw niya.

TILA nauupos na kandila si Marga matapos siyang i-cross examine ng mga pulis. Ikinuwento niya ang lahat ng nalalaman niya. Simula sa naaalala niya nung gabing nalasing siya hanggang sa magising siya sa hacienda ng mga Camara at kung papaano siya nanatili doon sa loob ng isang linggo kasama si Justin. Napatunayan ng mga ito na wala siyang kinalaman sa pangyayari kaya pinayagan siya ng mga ito na umuwi. Pero tulala pa rin siya habang nakaupo sa presinto. Hindi niya alam kung anong gagawin. Ni hindi niya alam kung ano ang iisipin.

Rhoda’s dead… Rhoda’s dead! Muling nag-uumalpas ang luha sa pisngi niya. Parang hindi niya makakayanan ang lahat ng pangyayari. Rhoda was murdered and Justin’s in prison.

Ito ba ang kasalanang gustong ipagtapat ni Justin sa kanya? Ganun na lang ang lakas ng pag-iling niya. Justin couldn’t kill anyone! Lalo na si Rhoda. She’s her bestfriend. And she knew he’ll never do anything that will break her. She’s sure about that!

Muling tumindi ang pag-iling niya nang maalala ang sinabi ng NBI agent na nag-imbestiga sa kanya. Kung anong klase ang pamumuhay ni Justin sa America. He was into drugs. Pabalik-balik sa rehab dahil naging dependent ito sa morphine. He’s an addict. At may ebidensiya silang magpapatunay na naka-drugs ang binata nang gabing maganap ang krimen. Bakit hindi man lang niya namalayan ang mga bagay na iyon kay Justin?

Ang mas mahirap tanggapin, halos lahat ng ebidensya sa pagkamatay ng matalik na kaibigan ay si Justin ang itinuturo. Nanginig siya nang sinabi kung papaano namatay ang kaibigan. She had a cerebral hemorrhage. Ang malakas na pagpalo ng matigas na bagay sa ulo nito ang dahilan niyon. Bagay na patuloy pa ring iniimbestigahan hanggang ngayon. Napatunayan din nila na si Justin ang huling kausap ng biktima nang gabing mangyari ang karumaldumal na pagpatay. Ipinakita din ng mga ito ang larawan ng hotel suite ni Justin ilang oras bago maganap ang krimen.

Magagawa ba ni Justin ang pumatay? Pakiramdam niya hinihiwa ang puso niya. Ano ba ang paniniwalaan niya? Nayakap niya ang sarili’t muling napahagulhol.

Bigla’y naramdaman niyang may pumisil sa balikat niya. Nakatunghay sa kanya ang naghihirap na mukha ni Henrik. Lalong tumindi ang sakit na nararamdaman ng dibdib niya’t hindi niya magawang pigilin ang pag-iyak. Niyakap siya nito at inalo. Hinayaan siya nitong umiyak sa mga bisig nito.

“I’ll take you home,” anito.

Umiling siya. Sumisigok na nakatingin sa seldang kinaroroonan ni Justin.

“Non-bailable ang case ni Justin, Marga.”

Impit siyang humikbi. Nang itinayo siya nito’y wala siyang nagawa kundi ang magpatianod. Halos wala ng lakas ang mga paa niya. Habang tumatagal lalo siyang nanghihina. Naramdaman niyang umangat ang paa niya sa lupa, binuhat siya ni Henrik papunta sa sasakyan nito. Halos hindi na niya mamalayan ang nangyayari. Hapong-hapo ang pakiramdam niya. Kusang pumikit ang namimigat na talukap niya.
read more...

I Love You Long Before – Chapter 8

(Louise)


Kanina pa sya naglalakad ng pabalik-balik sa harapan ng unibersidad kung saan pumapasok si Louise. Mykee called him, she seems bothered when they talked, she told him that Louise’s class will end up at six o’clock. Pero mag-a-alas syete na ay hindi pa rin lumalabas ang dalaga. Baka sa likod ng gate ito dumaan. Nagbuga sya ng hangin sa kawalan ng pasensya. No. it can’t be. Maya told him na sa front gate lang ito lumalabas. Ilang segundo lang ay namataan nya na ang hinihintay. May bibit itong file folder at mga libro sa kaliwang kamay. Ang mga kilos nito ay nagmamadali, nag-aalangan tuloy sya kung sasalubungin ito. Bandang huli’y napag-pasyahan nyang sundan nalamang ito hanggang sa tinutuluyan nito. Mahirap na, atleast alam niya kung saan ito nakatira ngayon.



Malayo-layo na rin ang nalalakad nya mula ng makalabas sya ng unibersidad nang maramdaman nyang parang may sumusunod sa kanya. Kakaba–kabang lumingon sya sa likod subalit wala naman syang makita. Binilisan nyang lalo ang paglalakad, parang nagririgodon ang puso nya sa kaba madilim pa man din sa area na iyon ng España. Dyos ko, holdap-in nalang po nila ako huwag lang po akong magahasa. Dasal nya. Isang malakas na pagbagsak ng takip ng basurahan na stainless na kanyang nadaanan ang nagpalingon sa kanya. Parang may naulingan syang gumalaw sa bahaging iyon. Iyon na ang senyales. Mabilis syang kumaripas ng takbo palayo sa takot na maabutan sya ng kung sino man iyon roon, tutal ay isang kanto na lamang at mararating na nya ang bahay nila Mykee.



Shit! Umalingasaw ang amoy ng basurahang natanggalan ng takip, nagdulot din ang takip nito ng ingay nang masagi nya iyon sa pagtatago dahil sa takot na baka makita sya ng dalaga. Pero dahil dito ay lalo pa itong tumakbo. Natakot ko yata. Napakamot sa ulong usal nya.



She was catching her breath when she reached Mykee’s apartment. Dali – dali nyang binuksan ang bag at hinanap mula roon ang susi.

“Louise.” habol ang hiningang tawag nya rito. Gulat na napatingin ang dalaga sa kanya.

“Paano mo nalaman na nandito ako?” takang tanong nito. Huli na ng ma –realize nya. “Ikaw ba ang sumusunod sa akin?” mataray nyang tanong dito. Tumango naman ito. “Walanghiya ka! Papatayin mo ba akong talaga?” galit nya itong hinampas ng librong hawak. Napangiwi ito sa sakit.

“Sorry. Hindi ko naman akalain na matatakutin ka pala.”

“Sino ba naman ang hindi matatakot sa ginagawa mo ha? Para kang holdaper. Akala ko tuloy rapist!” Sa wakas nakapa nya rin ang susing kanina pa nya hinahanap. Inilabas nya iyon at ipinasok sa susian ng kandado. Bumukas iyon, tinanggal nya iyon mula sa pagkakakawit atsaka binuksan ang tarangkahan.

“Louise, I need to talk to you.” Gulat naman syang napalingon sa lalaki. Aba’t ang herodes nakasunod pa pala!

“Pinapasok ba kita? Nakataas ang isang kilay nyang tanong rito.

“Hindi.” Hinawakan sya nito sa braso. Para naman syang napaso sa pagdantay ng kamay nito sa kanya. May kakaibang kilig na pumuno sa puso nya sa simpleng hawak lang nitong iyon.

“K-kung m-may sasabihin ka, sabihin mo na.” She hates it when she stammer infront of him. Nagsimula ng magpawis ang kanyang mga palad at manlamig.

“Kung anuman ang sinabi sayo ni Drew, totoo yun, siguro nga ganun ako kasamang kaibigan to steal away his girlfriend pero si Joyce ang unang lumapit sa akin. At lalaki lang ako Lou, natutukso din –”

“So? Whatever you are saying to me does’nt mean anything anymore. It’s bullshit that you are explaining to me well in fact we have no relationship and –” parang may bikig sa lalamunang hirap nyang sinabing “y -you’re getting m -married to one of my best pal.” hurt is clearly shown in his face. But what the heck! And so what if he is hurting? Nalaman nyang ikakasal na ito nang tumawag ang kaibigan nyang si Yna. At hindi nya alam kung paano nagawang tanggapin ng kalooban nya na ikakasal na ang lalaking minahal nya sa kabila ng lahat. Iyon ang mga oras kung saan ay hinabol sya nito at pilit na pinagpapaliwanagan. Pero sarado na ang mga tainga nya ng oras na iyon kaya hindi nya na ito hinayaan pang magsalita.

“I’m explaining all these things to you because I care of what you think of me.” basa sa tinig nito ang kalungkutan.

“Bakit?” she said sarcastically. “Matagal ko ng alam kung anong klaseng lalaki ka. So why waste your time telling me all that?” Pumihit sya paharap sa pinto isinuot sa seradura ang susi at binuksan.

“Dahil mahal kita. Don’t ask me kung kelan pa? Maybe long before you have written me that letter and gave me a picture.” Sa sinabi nito’y biglang naningkit ang mga mata nya sa naalala. Anger registered in her face. Pumihit syang muli paharap dito.

“Ang kapal talaga ng mukha mo! And what do you think of me? That stupid na hanggang ngayon ay mababaliw sayo after you showed to the whole town how stupid I was for liking you!” nanginginig sya sa galit, oo nga at matagal na iyon, but that left a scar to her heart. Dahil sa ginawa nito noon ay feeling nya ipinamukha sa kanya nito that he will never like her. And that made her feel rejected.

“Nagkakamali ka.” I-iling –iling nitong sabi. “Inagaw nila Drew mula sa akin ang sulat na ibinigay mo. Why would I show them your letter? well in fact it is the one who made me promise to myself that it is you I will marry someday.”

“Matapos nilang basahin ang sulat ay hindi na naibalik sa akin iyon. I even found myself looking inside the trashcans for it. Pero hindi ko na iyon nakita pa. All that is left to me was this envelope and the picture.” anitong inilabas mula sa pitaka ang nakatuping pink na sobre at ang picture nyang nakaipit sa pitaka nito. Nakilala nya ang envelope na ipinakita nito, she still remembers, she sprayed some perfume to it after closing.

“At anong gusto mong gawin ko? Yakapin ka sa tuwa dahil naitago mo yan?” sarkastiko nyang sabi rito. Ang totoo ay parang umaawit ang puso nya sa kaalamang hindi naman pala ito ang nagpaalam sa buong bayan ng tungkol sa nararamdaman nya rito, at ang makitang itinago pala nito ang kanyang larawan at ang envelope na pinaglagyan nya rito.

“Hindi. But I still want to know if you still feel the same for me after four years.”

“I’m sorry Inigo, but it’s way too long ago. The feeling is not the same anymore.” Dahil doon sa sulat sinabi kong gusto kita. Pero habang tumatagal ay nare – realize ko na mahal na pala kita. She finally admitted to herself.

Yumuko ito. At ng muling nag–angat ng mukha ay makikita ang namumuong luha sa mga mata nito. Nagpakawala ito ng malalim ng buntonghininga trying to stop his tears from falling. “I think I’m four years too late.” Basag ang tinig nitong sabi.”Pero walang makakapigil sa aking sabihin kung gaano kita kamahal, mahalin mo man ako o hindi, hindi magbabago ang nararamdaman ko para sa iyo.”

“Don’t make this too hard for yourself Inigo. You’re getting married already. Isa pa kahit sabihin mong mahal mo ako, that does’nt change a thing. – And one more thing I don’t go for engaged men.” Iyon lang at pumasok na sya sa loob. Nanghihina ang mga tuhod na umupo sya sa kalapit na single sofa. Is it true? He loves me? Is’nt it just one of his games? Sumandal sya at mariing ipinikit ang mga mata. Kung ganito pala ang mangyayari sana ay hindi na sya nagsulat noon, sana ay nakinig nalang sya kay Yna, sana ay hindi nalang sya gumanti siguro ngayon kung hindi nya ginawa ang lahat ng iyon ay hindi sana sya nasasaktan ng ganito. Sana.



“Oy, ang aga mo yatang umuwi?” tanong ni Hans na napatingin sa bote ng Black Label na syang tinutungga-tungga nito. “Anak ng tokwa Inigo! Regalo sa akin ni Mykee yan bakit ininom mo!” galit nitong inagaw ang bote. Halos maubos na ang laman niyon.

“Ows? Hang shwet namhan.” anitong ngingiti-ngiti. Inagaw nitong muli ang bote kay Hans.

“Ano ba Inigo! Para kang bata!” saway nito sa kanya. But he does’nt care anymore what people say to him. Sa mga oras na ito isa lang ang nais nyang mangyari, magpakalunod sa alak.

“Join ka namhan! What are friench fries for?” aniyang humalakhak. Iiling-iling namang umupo sa katapat na silya si Hans. Umiikot na ang buong paligid nya, ipinikit nya ang mga mata pero lalo lang syang nahilo. Pilit nya itong muling idinilat.

“Shit ka naman pare eh! Ano sasabihin ko kay Mykee kapag hinanap nya yan?” tanong nito sa kanyang nakatingin sa boteng nakalapag sa sofa.

“Shimpleh shabihin mo inehnom ko.” He said and laugh. “’Whag kang mag-halala pahre fafalithan ko yan, gushtoh moh blueh lebel pah eh.” aniyang tumayo at susuray – suray na nagtungo sa banyo. Paglabas nya ay agad nyang tinungong muli ang bar ng kaibigan. Pakiramdam nya ay kulang pa ang naiinom.

“Hep!” awat ni Hans sa kanya na inagaw ang kinuhang bote. “Tama na! Mauubos stock ko sayo nyan eh.” muli nitong ibinalik ang kinuha nya.

“Shhh…” aniyang inilagay ang hintuturo sa bibig na sumesenyas na tumahimik ito. “’Whag kang mahingay.” tumahimik naman si Hans at nakinig. Dahan-dahan nyang kinuha mula sa kamay nito ang boteng kanina lang ay inagaw mula sa kamay nya. “Bhaka marehneg kah nela.” aniya atsaka tumawa ng malakas.

“Baliw!” anitong binatukan sya. “Tumigil ka nga dyan! Do you think this will solve your problem?” anitong pinasadahan sya ng tingin. “Look at you! Mukha kang basura sa itsura mo.” Tinignan nito ang sarili nya. Lukot – lukot ang suot nyang t–shirt, basa ng pawis ang bandang dibdib, marumi ang pantalon na nagkanda-lukot – lukot na rin. Tumayo sya at inayos ang suot at saka nagpagpag.

“Maayush naman ah.” Sa paghakbang nya para umikot para patunayan na okey lang sya ay na – out balance sya. Napa-upo sya sa sahig.

“O!” nahawakan sya ni Hans. “Tama na nga yan!” anitong inalalayan syang maupo sa sofa.

“Okey lang akoh.”



Matinding sakit ng ulo ang gumising sa kanya, pati ang likod nya ay masakit. Uminom nga pala sya kagabi at naalala nyang lasing na lasing sya. Kumirot muli ang kanyang sentido ng maalala kung bakit sya nagpakalasing. Dahan-dahan syang umupo nakayukong hawak ang kanyang ulo. What will I do now? She never believed me. Damn!

“Buti naman gising ka na. How’s your head?” nakangiting tanong ni Hans. Sinulyapan nya ito.

“Parang pinupok-pok.”

“Kung di ka ba naman kasi baliw.” anitong umiling-iling pa. “So, What are your plans now?” Tinignan nya lang ito. Isang desisyon ang pumasok sa isip nya ng mga oras na ito.



“Kumain ka na ba?” kasalukuyang naglilinis ng kukong tanong ni Mykee kay Louise na ni hindi man lamang ito tinapunan ng tingin.

“Busog pa ko.” matamlay nyang sagot. Pabagsak na umupo sa sofa. Doon sya nito tinignan.

“Wala ka nanaman sa sarili.” anitong inihinto panandalian ang pagkutkot sa paa. Napansin nito ang panandaliang pagkatulala nya.”Kasi kung umamin ka na eh di sana’y masaya ka na ngayon.” Walang emosyon nya itong tinignan, nagpakawala sya ng malalim na buntong hininga. Matapos kasi niyang I-kwento rito ang lahat ng napag-usapan nila ni Inigo ay katakot-takot na paninisi sa kanya ang napala nya rito. Bakit daw hindi pa niya inamin kung ano ang talagang nararamdaman gayung mahal din daw pala nya ito at kung anu-ano pa. Hay… Sinulyapan niya ang kaibigang patuloy ang paglilinis ng kuko.

“Siya nga pala. Lumabas kami kanina ni Hans.” anitong tinapunan sya ng tingin. “Umuwi na sa San Isidro si Inigo balak na yata talagang ituloy ang kasal dun sa friendship mong may topak.” Itinuon muli nito ang atensyon sa ginagawa. Marahas syang napalingon dito.

“K-kasal?”

“Uhuh..” sang-ayon nito. “Bakit? Nagulat ka noh?” anitong pinukol sya ng nag-oobserbang tingin. “Ano na ang gagawin mo ngayon?”

“W-wala. Bakit naman ako magugulat? Alam na alam ko naman na gagawin at gagawin nya pa rin iyon kahit na aminin ko sa kanya ang nararamdaman ko.” Parang pinipiga ang puso nya sa nalaman, lahat na yata ng naranasan nyang sakit ay wala kumpara sa nararamdaman nya ngayon. Parang nagsikip bigla ang kanyang dibdib. Bakit ba ganito? Para akong sinasaksak. Kasalanan ko bang lahat ng nangyayari? Hindi nya namamalayang tumutulo na pala ang mga luha nya kung hindi pa lumapit sa kanya si Mykee.

“Friend, huwag ka nang mahiya sa akin. Alam na alam ko naman na mahal mo sya at nasasaktan ka. Huwag mong sarilinin ang nararamdaman mo dahil kapag sinarili mo iyan sasabog ka nalang.” anitong pinunasan ng palad nito ang pisngi nya at hinagod-hagod ang likod nya. Lalo namang lumakas ang pag-iyak nya. “Hush… Hans said that the wedding is only a week to go.”

Napatingin sya rito. One week to go? Malapit na pala. “Wala ka bang plano.” Tanong nito nang hindi sya kumibo. Plano? Anong plano? Kunot-noo syang tumingin sya dito.

“Plan? What plan?” aniyang isinatinig ang nasa isip.

“Hello?” anitong kumatok pa sa noo nya. “Mahal mo sya di ba?” tumango sya. “Ayaw mo syang makasal sa iba.” Sunod-sunod ang tangong ginawa nya. “Eh bakit kaya hindi mo pigilan ang kasal?” tanong nito. Hindi sya nakakibo. May punto ito, mahal nga niya si Inigo at ang makitang ikasal ito sa iba ang kahuli-hulihang gugustuhin nyang mangyari. Pero ako? Pipigilin ang kasal? Paano? Naglaro sa imahinasyon nya ang eksenang karaniwang napapanood nya sa telebisyon.

“Itigil nyo ang kasal!” sigaw nya. Nasa gitna sya ng aisle at buong tapang na sumugod sa altar kung saan naroroon si Inigo at si Maya. Napangiwi sya sa na-imagine. Nakakahiya. Yuck! Never kong gagawin iyon! Ang cheap! Hopeless syang nagpakawala ng buntonghininga.

“Anong gagawin ko?”



Mula ng dumating sya ng San Isidro ay hindi na sya nakatulog lalo na at alam na alam nyang nalalapit na ang takda nyang pagpapakamatay. Ang pagpapakasal kay Maya. Marahas syang napabuntonghininga, gustuhin man nyang magalit dito ay hindi nya magawa alam rin naman kasi nya ang ginawang pagkakamali. But how about my dream? Mananatili nalamang bang dream si Louise? God help me!

“Inigo, Maya’s here.” Pagbibigay alam ni Libya. Ano naman kaya ang kailangan sa akin nito? Hindi pa ba sapat ang preparation ng wedding para pati ako ay gambalain pa nya? He hesitately stood up. “Nandun sya naghihintay sa lanai.” Tinungo nya ang sinabi nito, at doon nakita nya ang dalaga na naka-upo sa isang bench roon. Nakaladlad ang kulot nitong buhok na bumagay naman rito. Naka-suot ito ng sleeveless khaki v-neck blouse, pinarisan nya ito ng pedal-pusher na jeans at khaki din na converse sneakers. Pinakatitigan muna nya ang dalaga bago nya ito lapitan. Maganda rin naman ito kahit morena ika nga nila ‘black beauty’ pero ewan ba nya kung bakit wala itong appeal sa kanya. Marahil dahil mapuputing babae ang type nya. He let out a sigh then he walked towards her.

Salubong ang mga kilay nya. “What do you want?” he said in an unfriendly tone. Lumingon ito sa kanya, nakita nya ang ginawa muna nitong paghugot ng hininga bago nagsalita.

“I need your help.” Matamlay nitong sabi. Lalong nagsalubong ang mga kilay nya sa narinig. Tama ba ang nababasa nya dito? Sadness was written all over her face.

“Wow! Tama ba ang naririnig ko? You are needing my help?” he said sarcastically. Nagyuko ito ng ulo. “Bakit? Ano pa ba ang kulang sa kasal? Tell me.” Naglakad sya patungo sa harap nito. Muli sya nitong tinignan.

“I-it’s not what y-you t-think?” she stammered. Nagpakawala ito ng marahas na hininga. “K-kung ayaw mong makasal sa akin – lalo na ako!”

“I don’t understand. After what you did ngayon ay sasabihin mo sa akin na ayaw sa aking makasal?” naisuklay nya ang isang kamay sa kanyang buhok.

“If you would help me not get married to you, I will also do you a big favor.” She stood up and walked closer to him.
read more...

Aien’s Romance - Chapter 08

(Nadinekyut)



KASALUKUYANG kumakain ng dinner si Aien kasama si Adley ng araw na iyon. Nasa bahay sila ni Aien. Gusto lumabas ni Adley pero nakiusap si Aien na doon na lang kumain dahil gusto niya ipagluto ang binata.

Halos nagsisimula pa lang sila sa pagkain nang magsalita ito. “Aien, samahan mo naman kami ni Allie na mamasyal. Kung okay lang sa ‘yo.”

Napaangat ng tingin si Aien. Nakatitig sa kanya si Adley, parang inaalam kung ano ang magiging reaksyon niya. Hindi niya muna tinuloy ang balak na pagsubo.

Nginitian niya ito ng bukal sa loob. “Sure honey, kailan?” walang gatol na sagot niya.

“Talaga? Sasamahan mo kami? Okay lang sa ‘yo?” Bakas ang tuwa sa mga mata nito.

“Oo naman. Gusto ko rin siyang makilala ‘no.”

“Great!” Kinantilan siya nito ng halik sa pisngi. “Kung kailan ka pwede. Ikaw na lang ang magsabi sa akin para hindi kami makaabala sa ‘yo.”

“Ano ka ba? Ikaw pa! Makakaabala sa akin? Never ‘no! Alam mo namang ikaw ang priority ko sa buhay,” nakangiting tugon niya.

“Kaya labs na labs kita eh, palagi mo ipinapaalam sa akin kung gaano ako kaespesyal sa ‘yo.” Malapad ang ngiti nito habang sinasabi iyon.

“Syempre!” Ginawaran din niya ito ng halik sa pisngi.

“So, kailan kaya pwede?” excited na tanong nito.

“Sa Wednesday, hindi ako papasok. Pwede bang buong araw nating kasama si Allie?”

“Oo naman! That’s great honey!” masayang sabi nito.
Ipinagpatuloy na nila ang pagkain pero hindi pa nagtatagal ay muli siyang napahinto sa pagsubo. Muling nagsalita ito at sa pagkakataong iyon ay seryoso na ang tinig at mukha nito.

“Ang bait-bait mo talaga honey. Kinakabahan ako kasi baka ayaw mo kay Allie. Maiintindihan ko naman kung maiilang ka sa kanya. Alam kong awkward para sa ‘yo na makasama o mapag-usapan man lang si Allie.”

Sumeryoso na rin siya “Matagal na nating napag-uusapan si Allie kapag magkasama tayo honey.” Hinawakan niya ang kamay nito. “Pero ni minsan ba, nakita mo akong nainis o nailang kapag binabanggit mo siya sa akin? Hindi naman ‘di ba?”

“Kaya nga naglakas na ako ng loob na yayain ka. Kasi gusto ko na mapalapit ka rin kay Allie. Gusto ko maging magkalapit ang dalawang taong mahalaga sa buhay ko. Ang mga taong mahal na mahal ko.”

Nginitian niya ito ng matamis. Pilit niyang itinago ang frustration dahil sa sinabi nito. Lalo kasing pinagdiinan nito na hindi siya makakahigit kay Allie pagdating sa puso nito. Ni hindi niya alam kung kaya niyang pantayan si Allie. Pakiramdam kasi niya, pakitangtao na lang nito ang pagpapakita sa kanya na kung gaano nito kamahal ay ganoon din siya nito kamahal.

Ipinagpatuloy nila ang pagkain. Tahimik lang ito at ipinagpapasalamat niya iyon. Hindi niya sigurado kung hanggang kailan niya maitatago dito ang sakit na nararamdaman niya. Hindi niya alam kung gaano siya kagaling magtago ng emosyon niya. Natatakot siyang ipakita dito na hindi siya masaya dahil baka mainis ito sa kanya at iwanan siya nito. Alam niyang hindi nito ipagpapalit si Allie sa kanya. Masakit pero wala siyang magagwa kundi tanggapin iyon.

Matapos kumain ay doon na nagpalipas ng gabi ang binata. Madalas na nitong gawin iyon mula ng may nangyari sa kanila kaya may iilang sariling gamit na ito sa kanyang silid. Komportable na ito sa bahay niya. Maging sa kanyang mga kasambahay ay komportable na itong makipaglokohan. Para na silang live-in. Pero umuuwi pa rin ito sa bahay ng parents nito kung saan nandoon si Allie at Dalia kapag may panahon ito. May kalayuan kasi ang bahay ng mga magulang nito mula sa opisina nito.

Pero syempre, ang nakakaalam lang ng halos pagtira ng binata sa bahay niya ay silang dalawa, mga katulong niya, assistant niya at iilang mga kaibigan nila. Hindi nila pinaaalam sa iba ang tungkol doon. Ang totoo ay talagang hindi nila nilalantad ng husto sa iba ang relasyon nila. Noong una ay gusto niyang panatilihing lihim ang kanilang ugnayan pero sigurado naman siyang nahahalata ng iba iyon dahil kapag magkasama sila ay sweet sila. Palagi dumadalaw ang binata sa opisina nila. Malalayo ang pagitan ng bahay sa magarang subdivision na tinitirahan niya pero malamang ay napapansin ito ng mga guard at kung sino-sino pa. Kaya nga hindi niya malaman kung papaanong, sa isang taon nilang relasyon ay naitago nila ang totoo mula sa ibang tao.

Ngayon ay marami na ang nakakaalam ng tungkol sa kanila. Pinanatili nitong lihim ang tungkol kay Dalia at Allie. Ayaw din naman ni Dalia ipangalantaran na may anak na ito. Ang sabi ni Adley, malamang ay inaalala ni Dalia ang imahe nito. Mataas ang pride ni Dalia kaya hindi nito maamin sa mga kakilala nito na may anak na ito pero hindi pa kasal at ayaw pakasalan ng lalaking nakabuntis dito kahit pa nakatira na ito sa bahay ng lalaking iyon.

Kaya nilihim din ni Dalia ang tungkol kay Allie. Iginalang naman ng mga magulang ng mga ito ang desisyon ng mga ito. Hindi binabanggit ng sino man ang tungkol kay Allie. Nananatiling kamag-anak at close friends lang ang nakakaalam ng tungkol kay Allie at pagtira ni Dalia sa bahay ng mga Evans.

Kaya hindi niya alam kung paano nalaman ng daddy niya ang totoo tungkol kay Adley. Sa bagay, close ito sa ama ni Adley dahil bukod sa sister company nila ang AEC ay matalik ding kaibigan nito si Mr. Evans. Kung hindi kasi paiimbistigahan si Adley ay hindi lalabas ang ganoong impormasyon maliban na lang kung talagang sabihin iyon ng mga nakakaalam.

Pabor sa kanya ang pagiging lihim ng tungkol kay Dalia at Allie. Pero ang pagkakaalam ng daddy niya tungkol doon ay isang malaking problema. Palagi sila nag-aaway at nagkakasagutan tungkol doon. Kahit hindi nagsasalita ang mommy niya, alam niyang hindi rin ito sang-ayon sa relasyon nila. Ang kuya at ate niya ay madalas siyang paringgan na ‘malandi’, ‘kerida’ o ‘kabit’ kapag nagkakasama-sama silang magpapamilya. Si Aiel naman, alam niyang kahit tatahi-tahimik ay may iniisip din na hindi maganda. Hindi nga lang niya sigurado kung sa kanya o kay Adley. Nang minsan kasing madulas ito ay may nasabi ito na “kasalanan ng sira ulong iyon” patungkol kay Adley.

“ANO pa ang gusto mo Allie?” tanong ni Aien sa isang taon at limang buwang bata.

Nasa isang amusement park sila. Kagagaling lang nila sa zoo kung saan enjoy na enjoy si Allie sa panonood ng mga hayop. Panay ang turo nito sa kung ano-anong hayop at tanong ng tanong. Bibong bata ito. Makulit at madaldal kahit bulol na bulol pa. Nakakatuwa itong kasama dahil kahit anong ibigay dito o kahit saan ito dalhin ay masaya ito.

“Mama Aien, gusto ko ice cream, saka french fries, saka coke.” Pabulol at mukhang hirap na hirap na binigkas iyon ni Allie. Sa katunayan, ang ‘mama Aien’ nito ay ‘mama Ayn’ ang tunog.

“Okay, daddy will buy us ice cream,” nakangiting tugon niya dito.

Nag-agat siya ng tingin mula sa pagkakayuko kay Allie. Nasa isang round table sila. Katabi niya si Allie habang si Adley ay nasa harap nila at prenteng-prente ang pagkakaupo. Pasipol-sipol pa ito habang nagmamasid sa paligid. Masayang-masaya din ito buong araw. Ito ang may hawak ng digicam na dala nila at kumukuha ng larawan nila. Minsan lang niya kinukuha iyon dito para kahit papaano ay makuhanan niya ng larawan ang mag-ama at hindi puso sila lang ni Allie.

“Honey, ibili mo kami ng ice cream. Samahan mo na ng siomai, siopao, softdrinks, spaghetti, french fries at fried chicken,” malambing na utos niya dito.

“Ako?” Tinuro pa nito ang sarili. “Bakit ako?” kunotnoong tanong nito.

“At bakit hindi ikaw? Magkekwentuhan kami ni Allie kaya ikaw na lang. Bilis! Gutom na kami!”

“Kwentuhan? Bakit? Naiintindihan mo ba ang sinasabi niyan? Ako nga hindi eh, ikaw pa kaya!” natatawang wika nito.

“Pwede ba? Huwag ka na makulit. Dali na! Gutom na kami eh.”

“Nakakahalata na talaga ako ha! Kanina n‘yo pa ako ginagawang yaya! Tagabitbit ng mga binili n‘yo, tagabili ng pagkain n‘yo at tagakuha ng picture n‘yo. Aba! Sumusobra na kayo!” kunwa’y pagrereklamo nito.

“Ang dami mo pang sasabihin, susunod ka rin naman. Sige na! Huwag ka na magdrama dahil hindi eepekto ‘yan! Alis na!” natatawa na ring turan niya dito.

Si Allie na busy sa paglalaro ng mga binili niyang laruan dito ay nag-angat ng tingin sa daddy nito. “Daddy, gutom na ako,” pabulol pa rin na wika nito. “Alis na!” panggagaya pa nito sa kanya.

Lalo siyang natawa. Natatawang tumalima na ito.

ALASINGKO ng gabi na sila nakauwi. Buong araw ay energetic si Allie pero nang makasakay sa kotse ay nakaramdam na ito ng pagod. Nakatulog ito bahang kalong niya sa backseat ng sasakyan. Ayaw nito mag-isa sa likod at hindi naman nila maaaring paupuin sa harap ito.

Habang kalong niya si Allie ay tinitigan niya ito. Kamukhang-kamukha ito ni Adley. Walang duda na ama nito ang kanyang nobyo. Lalo siyang nanibugho dahil sa naisip. Hindi nakapagtatakang mahalin ito ng lubusan ni Adley. Hindi lang nito kamukha ang bata, malambing pa dito si Allie. Palagi niyayakap ni Allie ang ama at sinasabihan ng ‘I love you’ ito.

Malamang na mas malapit si Allie kay Adley at sa magulang ng huli dahil ayon sa mga kwento ni Adley, bihirang bihira dalawin si Allie ng lolo at lola nito sa mother side. Hindi rin ito masyadong inaasikaso at inaalagaan ni Dalia dahil hindi umano ito marunong mag-alaga ng bata. Mas ipinapaubaya ng babae sa magulang ni Adley o sa katulong ng mga ito ang pag-aalaga kay Allie.

Naisip niya kung ano kayang klaseng ina at asawa si Dalia. Sa palagay niya ay hindi ito gaanong mabuti sa pamilya nito. Base sa mga kwento ni Adley sa kanya ay hindi close ang babae sa anak nito. Naisip niyang kawawa naman si Allie. Hindi ito gaanong nabibigyan ng oras ni Adley dahil nagtatrabaho ang binata at malayo-layo rin ang tinitirahan ng mga magulang ni Adley kung saan nandoon si Allie. Hindi rin ito gaanong inaasikaso ng ina nito base sa mga kwento ni Adley.

Mahilig umano magpunta sa mga party si Dalia. Ayon kay Adley, mula pa nang makilala nito ang babae ay talagang iresponsable at happy go lucky na ang huli. Wala umano itong pakialam kung may nasasagasaan ito at nasasaktan, basta ginagawa nito ang gustong gawin. Walang isinasaalang-alang ito sa buhay kundi ang sarili nitong kaligayahan. At hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin nagbabago ang babae.

Naniniwala siyang malaking adjustment sa buhay ng tao ang pagkakaroon ng pamilya lalo na kung hindi expected iyon, gaya ng nangyari kila Adley. Pero hindi maganda na hindi man lang sinusubukan magbago ng isang tao para sa pamilya nito. Kung hindi ito mag-e-effort, walang mangyayari sa buhay nito. Sigurado siyang hindi habang-buhay na magtitiis si Adley at ang pamilya ng binata na pakisamahan ang babae kung hindi ito magbabago.

“Dito na muna kayo sa bahay mag-over night. Magpahinga ka na at iaakyat ko sa guest room si Allie,” wika niya kay Adley nang maihatid na siya nito.

“Okay. Ako na ang bubuhat kay Adley. Ikaw ang magpahinga na. Kinulit ka ng kinulit nitong bubwit na ‘to samantalang ako ay sunod lang ng sunod sa inyo. Siguradong mas pagod ka pa kaysa sa akin.”

Kinuha nito mula sa kanya si Allie. Hinayaan na niyang ito ang mag-asilkaso sa anak nito. Totoong pagod na siya pero hindi naman niya iniinda iyon dahil nag-enjoy siya sa lakad nila.

Nagtuloy siya sa kusina at nagtimpla ng hot choco. Ipinainom niya iyon kay Adley habang hinahanda niya ang pantulog nito. Marami na siyang gamit doon sa silid niya. Halos makitira na ito sa bahay niya. Hindi naman niya minamasa iyon, ikinatutuwa pa nga niya na komportable ito sa bahay niya at ganoon din siya sa unit nito.

Pinaghilamos niya ito habang siya naman ang umiinom ng mainit na chokolate. Matapos ito maghilamos ay siya naman ang naligo. Nagpatuyo siya ng buhok sa blower bago tumabi dito sa kama. Akala niya ay tulog na ito kaya bahagya pa siyang nagulat ng yumakap ito ng mahigpit sa kanya at humalik sa pisngi niya.

“I had a great time. Thanks sweetheart,” nakangiting wika nito sa kanya.

“I had a great time too. Allie is really such a lovable kid. Walang hindi magmamahal sa batang iyon.”

“Hindi ko alam kung paano ko pasasalamatan ang diyos dahil sa lahat ng magagandang biyaya niya sa akin. With you and Allie in my life, I can’t ask him for anything more.”

Kakatwa pero hindi tulad dati kapag nababanggit nito si Allie, hindi na awkward ang feeling niya. Hindi na siya nagseselos sa bata. Bukal na sa loob niya ang matamis na ngiting sumilay sa kanyang labi. Nawala na ang pakiramdam niya na hindi maganda kapag kinukumpara niya ang pagmamahal nito sa kanya at kay Allie. In fact, ikinahihiya niya ang ginagawa niyang iyon.

“I love him,” bigla niyang nasambit.

“And I thank you for that. Thanks Aiel, for loving my son.”
read more...

Half Crazy – Chapter 8

(Calla)


SA unang linggo ng pananatili nila sa hacienda’y mas naging kumportable sila sa isa’t isa. Naibsan ang alalahanin ng dalaga dahil wala na siyang itinatago pa sa dating kasintahan. Nararamdaman niyang nahihirapan ito sa sitwasyon nila ngunit nanaig ang kagustuhan nitong intindihin siya kesa sa sarili nitong damdamin. Unti-unting nabuwag ang harang sa pagitan nila. Unti-unting nanumbalik ang dati nilang tawanan at biruan nang hindi na nagkakailangan. Pareho pa rin sila ng kinahihiligan ni Justin. May pagkakataong nagkakatitigan sila’t alam na nila ang iniisip ng isa’t isa. Sa loob ng limang taon, ngayon lang niya naranasang maging masaya ulit.

Kinahapunan ay nakita niyang naghahanda ang binata sa kusina. Nagbabalot ito ng pagkain at inilagay sa basket.

“Saan tayo?” tanong niya. Ngumiti ito, patuloy sa paghahanda. Binuksan nito ang refrigerator.

“Ano’ng gusto mo, iced coffee, iced tea o juice?”

“Iced juice?” aniyang napangiti. “Saan tayo?” Tiningnan ang pagkain sa loob ng basket.

“Magpi-picnic,” anitong pinagalaw ang kilay. Lumuwang ang pagkakangiti niya. “Gusto ko ng hilaw na mangga saka bagoong,” aniya. Tumikwas ang kilay ng kaharap.

“Nakakabuntis na ba ngayon ang titig? Tinitigan lang kita buong linggo ah.”

Tumawa siya. “Hindi naman ‘to sa’yo ‘no.”

Natigilan ito ng saglit pero nagkibit-balikat lang. Nagulat siya ng yakapin siya nito mula sa likod at hinimas ang tiyan niya. “Gusto ko pa rin maging Daddy niya.” bigla’y seryoso ito.

Tumikhim siya nang maramdaman ang init ng naglapat na katawan nila. “No touching,” paalala niya. Mabilis itong lumayo sa kanya saka itinuloy ang ginagawa.

“Ikaw kasi, sinisira mo konsentrasyon ko.” paninisi nito sa kanya. “Huwag mo nga akong inaakit.”

“Heh!” Tumawa siya. “Mangga saka bagoong,” ulit niya.

NAGPICNIC sila sa may batis. Inilatag nito ang dalang banig sa lilim ng puno. Medyo mataas na ang sikat ng araw. Masakit na sa balat. Pero lubhang maginhawa sa pakiramdam sa tuwing dumadampi ang hangin sa balat niya. Asikasong-asikaso siya ni Justin, kulang na lang ay kalungin siya nito. Panay ang biruan nila. Minsan nagiging seryoso ang usapan pero mabilis nitong binabago ang paksa bago pa man sila mawalan ng interes sa picnic nila. Hanggang sa hindi nila namalayan ang paglipas ng oras at magdadapit-hapon na.

“Uwi na tayo,” anito. “Dumarami na ang lamok. Hindi kita kayang protektahan kapag maraming-marami sila.”

Tumawa siya. “Sana nagdala ka ng katol.”

“Allergic ka dun, di mo naalala?”

“Oo nga pala.” aniya. Tinulungan siya nitong makatayo. Niyakap niya ang binata bilang pasasalamat.

“I think this is working.” anitong nanunudyong nginitian siya.

Ngumiti siya. Paano kung tama si Justin? Sa loob ng isang linggo ay may nadiskubre siya sa sarili. Mahal pa rin niya ito kagaya ng pagmamahal niya rito noon. Bumibilis pa rin ang tibok ng puso niya sa tuwing magtatama ang paningin nila. Tila hinahaplos ang puso niya sa kabaitan nito sa kanya. Ngunit natatakot pa rin siya. Paano kung awa lang nararamdaman niya para dito? Paano kung sa muling pagkikita nila ni Henrik, muling mag-iba ang mararamdaman ng puso niya? Maaatim ba niyang saktan si Justin na walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya?

“Wag kang pakakasiguro,” babala niya.Hindi niya ito bibigyan ng pag-asa dahil alam niyang mas masasaktan lang ito sa bandang huli. Tinulungan niya itong ligpitin ang mga ginamit nila.

“Ano’ng nararamdaman mo ngayon?” biglang tanong nito.

Napa-isip siya saglit saka napangiti. “Masaya.”

Ngumiti ulit ito. Yung ngiting tila nahihiya at kinikilig. Hinampas niya ito dahil ang cute nitong tingnan.

Hindi siya nakapaghanda nang biglang bumaba ang labi nito sa labi niya. Nakahawak ang kamay nito sa batok niya kaya hindi niya ito magawang itulak. At nagulat siya nang kusang bumuka ang labi niya para tanggapin ang halik nito. Ngunit bago pa man lumalim ang halikang iyon, binitiwan siya nito.

“I’m sorry,” hinging-paumanhin nito. “Hindi na mauulit.”

Hindi siya makapagsalita. Ganun na lang ang pagkabog ng dibdib. Gusto niyang sabihin kay Justin na okay lang. Pero yumuko lang siya. Itinuloy ang pagligpit ng pinagkainan. Nag-iinit ang pisngi niya. Normal bang magblush siya? He kissed her so many times already. Dapat immuned na siya sa halik nito. Pero bakit ganito ang nararamdaman niya? Bakit… parang ang saya-saya niya?

Wala silang imik hanggang sa makarating sa bahay.

“THANK YOU,” bigla’y sabi nito. Napa-ha siya ng wala sa oras. Masyadong marami nag iniisip niya. Nakapasok na sila ng bahay nang hindi man lang niya namamalayan.

“Isa ito sa mga araw na hindi ko makakalimutan. Sobrang saya ko ngayon,” nakangiti pati mata nito habang nagsasalita. “Kahit lasang bagoong ka, masarap pa din.”

Natawa siya ng malakas saka hinampas ang braso nito.

“Ouch!” maarteng sabi nito sabay hila sa kamay niya. “Sana masaya ka.”

Sumeryoso siya at tiningnan ito. “Masayang-masaya.” totoo sa loob na sabi niya.

“Bukas ulit,” anitong parang batang ngumiti. Sa tuwing ganun ang mukha ni Justin ay gustung-gusto niya itong pupugin ng halik ngunit pinigilan niya ang sarili. Hindi siya maaaring gumawa ng anumang hakabang hanggat hindi siya sigurado sa sarili.

“San tayo bukas?” excited na tanong niya’t pasimpleng bumitaw sa pagkakahawak nito.

“Saan mo gusto? Pwede tayong mangabayo. Saka mamasyal sa bayan.”

“Sige!” sang-ayon niya. “Na-miss ko na yun.” naalala niyang yun ang madalas nilang gawin sa tuwing may bakasyon sila.

“Matulog ka na.. Maaga tayo bukas. Ako nang bahala rito.” anitong inilapag ang dalahan nila sa mesa sa kusina.

“Tulungan na kita. Hindi naman ako pagod.”

Nagpahinuhod naman ito. Nang mailigpit nila ang lahat ng gamit ay tinungo na nila ang sariling silid.

“Tulog ka ng mahimbing,” anito.

Tumango siya. Nanatiling nakatayo. Hindi niya magawang ihakbang ang paa sa loob ng silid. May gusto siyang sabihin kay Justin pero hindi niya alam kung ano.

“Payakap nga,” anito.

Nagpahinuhod siya. Kagaya noong una, magaan ang yakap nito. Halos hindi yata naglapat ang katawan nila.

“Okay lang ba kung higpitan ko ng konti?”

Gusto niyang matawa sa inaasta ng binata. Imbes na sumagot, niyakap niya ito ng mahigpit.

“Ooops.. hindi ba aggressive movement yan?” panunudyo nito.

“Loko!” tawa niya sabay kurot sa tagiliran nito. Napa-igtad ito saka tumawa.

“Pangalawang offense. Pinagsasamantalahan mo na ako eh.”

Sa gigil kinagat niya ang balikat nito. Wrong move. Natigilan silang pareho dahil ramdam niya ang pagdaloy ng kuryente sa katawan niya at alam niyang naramdaman din iyon ng binata. Nang magtama ang mga mata nila’y nakita niya ang pangungulila sa mata nito. Mula sa pagkakatitig sa mga mata niya’y bumaba ang tingin nito sa nakaawang na labi niya. Napalunok siya nang unti-unting bumaba ang labi nito sa labi niya. Hindi siya kumilos. Alam niyang dapat siyang umiwas. Ngunit wala siyang ginawa. Hinintay niya ang paglapat ng labi nito. At nang maglapat, awtomatikong napapikit siya. Sa simula’y kay gaan ng labi nito, tila nananatiya. Nang maramdaman nitong hindi siya umiiwas ay unti-unting lumalim ang halik nito.

Stop! Anang isip ni Marga. Ngunit isa iyon sa mga bagay na ngayon lang niya napagtanto. She missed the way he kissed her. She missed him so much her heart aches. No one can make her melt like Justin does. Naramdaman niya ang pagbaon ng mga kamay nito sa buhok niya. At mas lalong lumalim ang halik nito.

Sinimsim nito ang mga labi niya. Drinking her like she was his life.

“I love you…” anito sa pagitan ng mga halik.

She really should stop kissing now. Ngunit natagpuan niya ang sariling nananabik sa bawat halik at haplos nito. Naramdaman niyang umangat ang paa niya sa lupa at kusang pumulupot ang mga binti sa katawan ni Justin. Lalong mas naging marubdob ang halik. Hindi niya napigilan ang pagkawala ng ungol.

Lumagitik ang seradura ng pinto ng silid na tinutuluyan niya. Hinayaan niyang kargahin siya nito at inihiga sa kama. Unti-unting bumaba ang halik nito sa leeg niya hanggang sa puno ng dibdib. At umakyat ulit patungo sa likod ng tenga niya. Napakislot siya. Justin knows where her weakness is. Nagsisimula ng manginig ang tuhod niya, lalo pa’t naramdaman niya ang maiinit na palad nito sa ilalim ng blusa niya. Marahas na ang bawat paghinga nito habang paulit-ulit na binibigkas ang pangalan niya. Napaliyad siya nang pisilin ng dalawang kamay nito ang magkabilang dibdib niya.. Madaling naalis nito ang lahat ng saplot niya nang walang anumang pagtutol mula sa kanya. Saka buong kasabikang inangkin muli ang labi niya.

Tinulungan niya itong magtanggal ng suot at mas lalong nag-alab ang sinimulan nila.

“I love you so much, Margarette…” paulit-ulit na sabi nito habang unti-unting bumaba ang halik nito. Papunta sa leeg, sa balikat.. hanggang sa inangkin ng mga labi nito ang isang dibdib at pinagpala ng kamay nito ang isa. Napaliyad siya. Pinaglipat nito ang halik sa magkabilang dibdib at hindi alam ni Marga kung saan ibabaling ang ulo. Patuloy na bumaba ang halik nito. Sa bandang tiyan hanggang sa puson.. Nang matumbok niya kung saan papunta ang mga labi ni Justin ay kaagad niyang hinila pataas.

“J-Justin..please..” pakiusap niya.. Hindi niya alam kung para saan ang pakiusap na’yon dahil hindi niya alam kung gusto niyang itigil o ituloy nito ang ginagawa. Parang hindi niya makayanan ang sensasyong bumabalot sa buong katawan. Hindi ito tumigil sa paghalik sa kanya at pakiramdam niya’y na mababaliw siya. She was panting and moaning like crazy.

“I want you now!” aniyang habol ang hininga. Muli nitong inangkin ang labi niya.. saka dahan-dahang binuka ang hita niya.

“I want you to look at me… ”

“Look at me Margarette,” bulong nito.

Tinitigan niya ang mukha ng binata. Pakiramdam niya’y magdedeliryo siya sa init ng pagniniig nila.

“Please Justin, I need you now..” samo niya. Nakatitig sila sa isa’t isa nang maramdaman niya ang pag-ulos nito. Napa-igik siya sa sakit.

Kumunot ang noo nito.

Nakagat niya ang labi para pigilan ang pagsigaw.

Dinig niya ang pagmura nito.

“You’re –,”

“Of course I am!” Nakita niya ang pag-aalangan sa mukha nito.” Don’t you dare stop!”

“Oh, Margarette.” Napamura ulit ito. “I’ll be gentle,” anito’t hinalikan ang labi niya’t sinimulan ulit ang pag-ulos. Napakapit siya ng mahigpit sa balikat nito. Mabagal ang paggalaw nito noong una hanggang sa unti-unting bumilis. Napayakap si Marga ng mahigpit kay Justin. Hanggang sa pareho nilang naabot ang kasukdulan.

Kapwa sila hinihingal at nanlalambot at pinagpapawisan. Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa pisngi ni Marga dulot ng sakit sa unang karanasan niya. She just gave herself to Justin. Ang pinaka-iingatan niya sa loob ng mahabang taon, basta lamang niya ibinigay.

Naramdaman niya ang pagyapos nito sa kanya sabay paghalik sa luhang pumapatak sa pisngi niya.

“Thank you, Margarette…” Tinitigan siya nito ng buong pagmamahal. “You are the best thing that ever happened to me…”

“Justin…”

Pinigilan ng daliri nito ang anumang sasabihin niya.

“I love you… and that’s enough for now.” Kinuha nito ang kulambo niya’t inilagay sa paanan niya. Saka niyakap siya nito.

Sumiksik siya sa dibdib nito… Naguguluhan siya sa sarili. What took her to doubt she really belonged to him? What made her doubt her love for him? Ano ba talaga ang tunay niyang nararamdaman?
read more...

I Love You Long Before – Chapter 7

(Louise)



“Ano ng gagawin ko ngayon pare?” naisuklay nya ang mga kamay sa buhok. Parang puputok ang ulo nya sa sakit sa kaka – isip kung ano ang nararapat nyang gawin.

“Kung hindi ka ba naman kasi isa’t kalahating estupido eh disin sana’y hindi nangyari yan.” sisi pa nito sa kanya.

“’Wag mo na nga akong sisihin. Dati ang problema ko ay ang pagsabi kay Louise about Drew, hindi pa nga tapos nadagdagan nanaman and it’s much worse!” hopeless nitong daing.

“Easy pare. Siguro naman hindi ka pipikutin nun’.” nakangisi pa nitong sabi. Isang matalim na tingin ang ipinukol nya rito.

“You think so?” but Hans didn’t answer sa halip ay tumungo lang ito and that made him worry more.


Parang nauupos si Louise na napa-upo sa kama, parang pinipiga ang puso nya, hindi nya maintindihan kung bakit kumikirot iyon. Bakit ganun? Nagpakawala sya ng isang malalim na buntonghininga. Nanlalambot sya, parang ngayon lang nya na – absorb ang lahat. Bakit ba ako kailangang magpa – apekto sa kanya? Eh ano ngayon kung nagkamabutihan na pala sila ni Maya. What do I care? Hmp. Kung dyan sila masaya, well, I’m happy for them too! Ngunit para namang tuksong bumabalik sa balintataw nya ang naabutang itsura ng mga ito. Inigo was almost naked, nakabukas ang polo nito at pati na ang butones ng suot nitong pantalon and her friend was infront of him sa isang malaswang posisyon! Bullshit! Nahahapong tumayo sya at nagtungo sa sala. Binuksan nya ang telebisyon para pansamantalang mawala sa isip ang nakita.

Hindi na sumama si Maya sa kanyang umuwi ngayon, nagpa – iwan ito sa ospital, hindi rin daw ito matutulog dito at mananatiling magbabantay sa lola nito. Mabuti na rin siguro iyon dahil hindi rin nya alam kung paano ito pakikiharapan. Affected? Hindi ah! Sagot nya rin sa sarili. Ang pagtunog ng doorbell ang nagpabalik sa kanya sa huwistyo. Kunot noong sumilip sya sa bintana. Sino naman ang pupunta ng ganitong oras? Wala syang makitang tao sa gate. Tinignan nya ang relong pambisig eleven o’clock. Tumunog muli ang doorbell. Sino naman kayang herodes ito? Tumayo sya at napagpasyahang silipin sa gate kung sino ang dumating.

“G –good evening.” alanganing bati ni Drew.

“Anong ginagawa mo rito? Ang kapal mo rin naman talaga ano?” mataray nyang bungad dito ng mapagsino ang nasa labas.

“I –I came here to apologize.” mababang tinig nito.

“There’s nothing to apologize for, since I will never forgive you anyway.” pambabara nya rito.

“Please Lou, I’m sorry. I don’t know what came to me that night.” Nagsusumamo nitong sabi na iniaabot ang tangan nitong tatlong dosenang bulaklak na noon lang nya napansin. Napatingin sya rito, animo’y maamong tupa na akala mo’y aping – api. Tinaasan nya ito ng kilay.

“Well, I don’t know what came into me too that day I answered you.” She hissed.

“Kung patatawarin mo ako, I promise to behave and I promise to tell you everything that has been going on and all the root of it.” Dire – diretso nitong sabi na sya namang nagpabuhay sa kuryusidad nya. Tell me everything that has been going on? And the root of it? – Anong meron? Kunot noong tinignan nya ito.

“And by what do you mean that you will tell me everything that has been going on?” she asked curiously.

“Patawarin mo muna ako at papasukin.” nakangisi nitong sagot. Ma – utak ang ugok I – black mail pa ako! Pero dala na rin marahil na kakaibang kaba sa kanyang dibdib sa kuryusidad na bumangon sa kanya ay napilitan syang buksan ang gate at patuluyin ito subalit hanggang sa garden set lamang.

“So? What is it that you have to tell me?” blanko ang ekspresyong tanong nya rito. She does’nt want him to see how desperate she is about what he’s going to say.

“Do you forgive me now?” anitong inaabot muli ang mga bulaklak sa kanya. Tinignan nya ang mga iyon. She let out a sigh. Will I forgive this jerk? -I think I should. Marahan syang tumango bilang pagsagot sa katanungan nito atsaka tinanggap ang mga bulaklak. Maluwang naman na ngiti ang makikita sa mga labi nito.

“Thank you. Thank you so much honey.” anitong hinawakan pa ang kamay nya. Nagsalubong ang kilay nya sa narinig at sa ginawi nito. Tinanggal nya ang kamay nitong nakahawak sa kanya.

“Drew, I forgave you but it does’nt necessarily mean that we are still committed ” pagka-klaro nya rito. Nagyuko naman ito ng ulo, bigo sa nais nito. “What do you have to tell me.” ulit tanong nya.


“Mom! You can’t do this to me!” mariing tanggi ni Maya sa ina.

“The decision is final. I already called your dad and they will talk about it immediately!” pinal na sabi ng ina nito. Iyon ang eksenang dinatnan nya sa pagdating nya mula sa unibersidad. Hindi nya alam kung ano ang pinag–usapan ng mga ito Pero isa lang ang natitiyak nya hindi ito magandang balita mula na rin sa nakikitang reaksyon ng kaibigan. Tumingin ito sa kanya subalit hindi ito nagsalita, mukha itong binagsakan ng langit at lupa. Pero hindi nya alam kung paano nya ito matutulungan, ayaw naman kasi nitong magsalita, at iginagalang nya iyon.


“Lou!” halos lakad – takbo ang ginawa nya para lang maabutan ang dalagang patawid na sa kalsada. Animo’y tila hindi naman sya nito naririnig. “Louise!” ulit nyang tawag dito. Lumingon ang dalaga, at lalong binilisan ang paglalakad.

“Hey wait up!” aniyang finally ay naabutan na rin ito. She look so refreshing, ang amoy ng cologne nito ay sumasama sa hangin pati ang buhok nito ay bahagya ring tinatangay ng hangin. “I have to tell you something.” walang paliguy – ligoy nyang sabi. Lord, help me. Piping hiling nya.

“Anong kailangan mo?” mataray nitong tanong sa kanya na hindi pa rin humihinto sa paglakad at ni hindi man lang sya nililingon.

“It’s about Drew.” aniyang humahabol din sa mabilis na paglakad ng dalaga.

“What about?’ kasabay naman niyon ay tumunog ang cellphone nito. She answered it. “What??” kunot noo ito. Kung sino man ang kausap nito ay hindi nya alam. “U –uh. Are you sure?” finally ay huminto na rin ito sa paglalakad atsaka tumingin sa kanya. He can see clearly in her eyes pain and it’s slicing him apart. Parang maluluha ang mga matang ngayon ay titig na titig sa kanya. Her light brown eyes are getting darker, tila ba nasalimbayan ng kalungkutan. Kitang kita nya ang pagpipigil nitong tumulo ang namumuong luha. And it bothers him, para syang dinadaganan ng isang malaking bato sa dibdib sa nakikita nyang itsura nito ngayon. Tinapos na nito ang pakikipag – usap sa telepono at muling tumingin sa kanya.

“Whatever you wanted to say, I already know. Drew told me about it the other day before. So there’s nothing to talk about anymore.” anito atsaka patakbong tumalilis pumara ng taxi atsaka sumakay. Naiwan syang naguguluhan sa sinabi nito. Anong sinabi ni Drew?

Tuluyan ng tumulo ang pinipigil nyang mga luha pagsakay na pagsakay nya ng taxi. Why is this happening? Sabi ko sa sarili ko pagsisisihan mo ang araw na iyon? Pero bakit? I don’t understand. I don’t understand it at all! Shit na luha ‘to! Aniyang pinunasan ng tissue ang luhang akala mo’y waterfalls sa pagtulo, walang pasidlan. Bakit ayaw huminto?? Maktol nya.


Pagdating na pagdating nya sa bahay ni Maya, ay desidido ang mga kilos nya. Dagli – dagli syang pumasok sa kwarto at kinuha ang maleta. Isa – isang inilabas ang mga damit sa kabinet atsaka basta nalamang isinalaksak sa loob ng maleta, wala na syang pakialam magkagusot – gusot man ang mga iyon. Isa lang ang pumapasok sa isip nya, she need to get away. Away from everything! Away from Maya and specially away from Inigo! Ewan nya kung bakit, basta alam nyang dapat.


Halos panawan sya ng lakas ng kausapin sya ni Libya. Mariin nyang ipinilit dito na hindi sya makapapayag. Pero ng sabihin nito na ang Papa nya ang nagdesisyon ay bigla syang nanahimik. This can’t be! Akala ko ba ay susuportahan nila ako no matter what decision I make bakit ngayon –” Argh! Halos sabunutan nya ang sarili sa problemang kinasangkutan. Parang naririnig pa nya ang mga sinabi ng kapatid.

“Pack your things Inigo. You’re going home.” Ma –awtoridad nitong utos sa kanya.

“Why? Nagkaroon ba ng problema sa rancho?” nagtatakang tanong nya. Biglaan kasi ang pagluwas nito at ni wala man lang pasabi sa kanya. Agad tuloy syang kinabahan dahil baka may kung ano ng nangyari sa mga magulang.

“We have to prepare for your wedding.” Blanko ang ekspresyon nitong sabi.

“MY WEDDING!!!” gulat na gulat nyang nasabi.

“Yes, your wedding.” ulit naman ng kapatid. “Siguro naman ay alam mo na ang ginawa mo my dear kaya magkakaroon ng wedding?” tila nang – aasar pa nitong sabi.

“No.” mariin nyang tanggi. “I can explain.” nagsusumamo nyang sabi sa kapatid na makinig sa kanya.

“Whatever your explainations are my dear brother, I know you are saying the truth. But I don’t have the power para salungatin si Papa, alam mo yan.” mahaba nitong eksplinasyon na syang ikinatigil nya.

“You mean –” nahahapong napasalampak sya sa sofa. “No! It’s impossible!” hindi pa rin nya makapaniwalang nasambit. Naaawa namang nilapitan sya ng kapatid at niyakap.

“I’m sure malulusutan mo rin ito, do something about it my brother. Don’t let her ruin your life and your future.” Makahulugan nitong sabi.

At ngayon ay naka – impake na sya, paano na ba ang susunod nyang magiging step? Naalala nya ang sinabi ni Libya kanina lang “don’t let her ruin your life and your future.” Nakapagdesisyon na sya. Agad na binuhat ang bag at tinungo ang pinto, dahan – dahan niyang pinihit ang seradura niyon upang hindi magising ang mga kasambahay at si Libya. He was on his way to the front door.

“Desidido ka na bang talaga?” ani ng tinig na nakilala nya, It’s Libya. Nakaupo ito sa madilim na bahagi ng sala.

“Yeah.” he paused. “Magsusumbong ka ba?” tanong nya rito.

“Hindi.” nagpakawala ito ng malalim ng buntonghininga. “Just tell me where you are. Call me so I’ll not worry.”

“Thanks Libya.” aniyang lumapit at niyakap ito.

“Now, you take care. I’ll wait for your call.” anitong tinapik sya ng marahan sa balikat.


Wala pa ring pasidlan ang pagtulo ng mga luha nya. Alam nyang namamaga na ang mata nya sa kaka – iyak pero hindi nya mapigilan ito. Matagal ng tulog si Mykee pero sya ay nanatili pa ring gising. Sa apartment nito sya tumuloy matapos mag – alsa – balutan, nagulat pa ito ng makita ang maletang dala nya at namamaga ang mga mata. Sisigok – sigok syang umupo mula sa pagkakahiga. Ano na ang gagawin nya ngayon? Tinignan nya ang kaibigang himbing na sa pagkakatulog. Sasabihin ko ba sa kanya ang lahat ng nangyari? –She deserves to know lalo na at nakikitira lang ako sa kanya atsaka para makapag – bigay din sya ng advice sa akin.


“Inigo!” yugyog sa kanya ni Hans. “Pare, gising na.” umungol naman sya. Ayaw pa niyang bumangon umaga na rin kasi syang nakatulog sa kaka – isip sa kinasusungan nya. “Hindi ka ba papasok?”

“Hindi.” aniyang tinakpan ng unan ang mukha.

“Okey then, I’ll go ahead. Bahala ka na dito.” paalam nito.


Matapos syang tumawag kay Libya ay hindi na sya nakatulog. Kausap nya ang kaibigan tungkol sa nangyari hanggang sa nakatulugan na nito ang kanyang pagsesentemyento. Idinilat nya ang mga mata. Kailangan kong maka – usap si Lou. Dagli syang bumangon upang ma – upo ding muli dahil sa bigla nyang pagkahilo.

“Hijo.” tawag sa kanya ng isang katulong na nagwawalis sa kabilang bahay. Nilingon nya ito, kanina pa niya pinipindot ang doorbell sa tinutuluyan ni Louise ngunit walang lumalabas. “Walang tao riyan. Umuwi ng probinsya si Maya.”

“Ah, ganun po ba? Eh si Louise po?” usisa nya.

“Iyon bang maputing babaeng kasama ni Maya?” tumango sya. “Aba eh, nauna pang umalis sa kanya iyon aywan lang kung umuwi rin.” anito sa puntong bisaya.

“Sige salamat nalang po.”


“Mag – iisang linggo ka ng absent. Ano bang nangyayari sayo?” nag –aalalang mukha ni Hans ang bumungad sa kanya. Hindi nya namalayang kanina pa pala sya nito tinitignan mula sa malayo.

Tinignan nya ito, nagpakawala sya ng buntonghinga. “I can’t find her.” malungkot nyang sabi.

“Tsk. Tsk. Tsk.” Iiling – iling nitong sabi. “Ganyan ba talaga ang nagagawa ng pag – ibig?” anitong animo’y nagtatalumpati. Kunot – noo naman nya itong tinignan.

“Okey ka lang?” natatawa nyang tanong dito.

“Problema?” balik tanong nito sa kanya. Kumuha ito ng sigarilyo mula sa bulsa at nagsindi. “Mmm… sya nga pala tumawag ate mo.” paalala nito sa kanya.

“Bakit daw?”

“Darating daw ang Papa mo at susunduin ka.” anitong ibinuga ang usok.

“WHAT??” napatayo sya sa gulat. “NO! hindi pwede ‘yon pare! I’m sure they will make me marry Maya. Hindi maari yun! I don’t love her!” diin pa nya.

“Yah. I know. You love Louise.” Tumingin ito sa kanya.

“Yah, it’s Louise I love.” Pag-kumpirma naman nya sa sinabi nito.

“But does she love you? Baka naman ikaw lang ang nagmamahal?” nanunubok nitong tanong sa kanya.

“I think she does like me too.” Confident nyang sabi.

“Like you. But not love you.” natameme sya dun. Paano nga naman nya mapapatunayan na mahal din sya ng dalaga gayung ni ayaw nga nitong magpakita sa kanya. Ni hindi pa nga nya nasasabi ang nararamdaman nya para rito ay sukat nalang itong nawala ng parang bula.


“Inigo.” katok sa kanya ni Hans. Nasa loob sya ng banyo at naliligo.

“O!” sagot nya. “Sandali lang palabas na ako.” aniyang napagtantong baka nagmamadali na itong pumasok. Sa paglabas nya sa banyo ay mukha ng mga magulang ang sumorpresa sa kanya.

“Pa? Ma?” Nagtatakang tanong nya na nagpalipat-lipat ang tingin sa mga magulang. “What are you doing here?”

“Don’t you think we should be the one asking you that?” mahinahon ngunit may diin na tanong sa kanya ng ama. “Hindi ba’t kina-usap ka na ni Libya? Pack your things now Inigo. Huwag mong bigyan ng kahihiyan pa ang ating pamilya.” anitong may diin ang bawat salitang binibitawan lalo na sa huling kataga.

“Can you atleast give me another week? Please? Malapit na ang finals.” pagdadahilan nya sa mga ito. Tinignan nya ang kanyang ina hinihintay nyang magsalita at ipagtanggol sya ngunit nabigo sya. Panandalian namang nag–isip ang kanyang Papa.

Tumikhim muna ito. “Okey. Just be sure that you will go home immediately after one week.” anito atsaka tuluyan ng lumabas kasunod ng kanyang ina.

Now what? Totoo namang malapit na ang finals at ginawa nya rin iyong dahilan upang magkaroon pa ng ilang araw upang mahanap ang dalaga. I must find her. If she does’nt really love me at least malaman man lang nya na totoong mahal ko sya.


“So? What’s your plan?” kanina pa pala nakamasid sa kanya si Hans magmula ng umalis ang kanyang mga magulang. Tinignan nya ito.

“I must find her” aniyang isinatinig ang nasa isip. Hans chuckled.

“Ano? Okey ka lang? Sa tono ng pananalita mo it’s like this is a ‘matter of life an death’” anitong nakuha pang mang-asar. Tinitigan nya ito.

“Seryoso ako. And yes, it is a ‘matter of life and death’ dahil para sa akin death sentence ang pagpapakasal sa isang babaeng hindi ko naman mahal.” Sapo ang ulong sabi nya. “I don’t understand it pare, we are in the new millennium now, is kissing and necking a reason now for a two person to get married?”

“Hindi. Pero base sa nakikita ko I presume that Maya’s family are well-off at kilala. Hindi ba ikaw na rin ang nagsabi sa akin noong minsan na magkababayan kayo?” Tumango sya. “Well, maybe that’s one of the reasons. Kahihiyan ng pamilya nyo ang sinasabi ng Papa mo na nataya. Maybe that’s why.” Napayuko sya and sighed. Alam naman ng Papa nya kung sino ang babaeng gusto nya hinihintay lamang nya ang tamang panahon. He is enjoying every second of his youth at ganoon din ang gusto nyang mangyari sa dalaga, ng sa ganun ay pagdumating na ang tamang oras ay pareho na silang handa. Inihahanda ko lang ang lahat. Naipilig nya ang ulo sa naisip. Matindi na yata talaga ang pag – iilusyon nya. Who am I to dominate all that’s happening between us. Ni hindi nga nya alam kung ano ang mga binabalak ko. Hah! Wake up man!
read more...